Chapter 39: Parents

Akira's PoV:


Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Napa upo ako sa kamang kinahihigaan ko ng maalala ko kung anong nanyare sakin. Huling kong naalala ay nawalan ako ng malay sa kagubatan.


"Oh! Gising kana pala. Mag pahinga ka muna ng mabalik ang lakas na nawala sayo." Banggit na isang pamilyar na boses. Kaya napatingin ako rito at tama nga ako kung sino ito.


Tumayo naman ako sa kinahihigaan ko at naramdaman ko ang sakit ng katawan ko kaya napa upo ulit ako dahil sa kirot ng katawan ko.


"You're not fully recovered kaya mas maiging mag pahinga ka muna." Saad sakin ni Queen Elizabeth hindi ko alsm kung bakit ako narito sa palasyo nila.


"Ahmm maari po bang malaman kung bakit ako naririto?" Tanong ko rito.


"Nakita ka ng isang Royal Guard ng palasyo na walang malay. Kaya dinala ka nila rito sa palasyo." Pagpapaliwanag nito saakin. Kaya napa tango naman ako rito.


"P-pasensya napo kayo. Naka abala pako." Pag papaumanhin ko rito.


"No! To be honest im happy that you're here." Naka ngiti nitong sagot sakin. Na para bang msy ibang ipinahihiwatig ito.


"S-salamat mo pala Mahal na Reyna sa pag papatuloy at pag papagamot niyo saakin." Pag papasalamat ko rito.


"Ano ba talagang nanyare? Tila bugbog na bugbog buong katawan mo ng matagpuan ka ng mga Royal Guard sa kagubatan" Tanong nito sakin.


"May dumukot pong mga lalaki sakin at binugbog ako pag tapos nila akong bugbogin ay dadalhin nila ako sa Darkins Kingdom." Pag sasabi ko ng totoo.


"Paano ka naka takas?" Takang tanong nito.


"Nag karon ako ng malay ng nasa kagubatan na kami." Sagot ko rito. "At kinalaban ko ang mga ito kaya naka takas ako." Dagdag kopa napa tango naman ito saakin.


"May gusto lang akong malaman Akira." Saad nito na ipinag taka ko. "Sa mundo ng mga mortal kaba lumaki?" Dagdag na tanong nito.


"Opo! Duon po ako lumaki kasama ang Nana ko." Sagot ko rito.


"Ah ganun ba? Eh iyang kwintas mo? Saan galing iyan?" Tabong ulit nito sakin.


"Sabi ng Nana ko bigay daw po ito ng totoo kong mama. Mahalaga daw ito kay Nana at pati narin daw po saakin." Paliwanag ko rito habang hawak ko ang kwintas ko.


"Maari ko bang malaman ang pangalan ng Nana mo?" Tanong uli nito.


"Nana Rosalita po ang ngalan ng Nana ko Mahal na Reyna" Sagot ko rito. At halatang nagulat ito pero agad din namang naka bawi at napa ngiti.


"Nasaan na ang Nana mo Akira? Kasama mo ba siya pag balik rito?" Tanong uli niya. Na ikinalungkot ko naman.


"Wala ho. Namatay napo siya nitong mga nakaraang buwan lang po." Nalulungkot kong sagot rito. Agad naman akong niyakap nito na ikinagulat ko.


"Mukang napalaki ka ng maayos ng Nana Rosa mo ah. Napaka bait at napaka tapang mong bata Akira." Sagot nito pag tapos ako pamawalan sa pag yakap niya.


"Opo. Kaya nag papasalamat ako sa Nana ko dahil hindi niya ako pinabayaan" Totoong sagot rito.


"Kami rin nag papa salamat sakanya Akira" Sagot nito na ipinagtaka ko. "Dahil inalagaan niya ang kaisa isang Prinsipe namin o dapat tawaging Prinsesa?" Pabirong saad nito pero ang mas ikinagulat ko ng sabihin niya namin?


Tama ba? O mali lang ang rinig ko?


"A-no ho?" Takang tanong ko rito pero napa ngiting lang ito.


"Ang kwintas na suot mo ay pag aari ko binigay ko ang kwintas na iyan sa kaisa isang anak namin ng Hari. At si Dama Rosalita ang pinag katiwalaan namin para alagaan ka." Sagot nito na ikinagulat ko at bigla na lang bumuhos ang mga luha ko.


"K-kayo p-po ang t-totoong kong m-magulang?" Umiiyak kong tanong rito. Tumango naman ito.


"Oo ako ang tunay ko ina Akira. Masaya akong makita at mahagkan ka." Buong puso nitong sagot sakin.


Hindi ko maalis ang labis labis kong nararamdamang saya ngayon. Dahil nakilala ko na ang tunay kong ina matagal narin pala nila ako hinahanap. At napatunayan nila na ako ang anak nila dahil sa kwintas na suot ko.


"Tara na alam kong nagugutom kana" Aya ni Mom sakin. "At mukang excited narin ang Dad mo dahil kanina pa ito nag hihintay sa baba" Dagdag pa nito.


Bumaba na kami at nakita namin si King Arthuro na nag hihintay sa baba at kampante itong naka upo. Nang makita kami nito ay agad itong ngumiti at sinung gaban ako ng isang mahigpit n yakap na agad ko namamg tinugon.


"Masaya akong makilala ka Anak" Saad nito sakin pag tapos ako yakapin.


"Masaya rin po akong makilala kayo Ki- Dad." Sagot ko rito.


Pag tapos ng dramahan ay kumain na kami. Nahiya naman ako naka ngiti lang itong tumitingin saakin habang kumakain.


"Hindi po ba kayo kakain?" Nahihiya kong tanong sa kanila.


"Busog na kami ng makita kang masiglang kumakain anak." Sagot naman ni Dad. Na lalo kong ikinahiya.


"Sige na nga sasabay na kami. Para hindi naman mahiya ang unica ijo este unica ija namin" Pabirong saad naman ni Mom.


Naging masaya ang pag kain naming lahat. Dahil First time kong maka sabay kumain ang totoo kong magulang.


"Mag hihiganti kaba sa gumawa sayo nito anak?" Tanong sakin ni Dad.


"Opo pero sa magandang paraan naman po Dad." Sagot ko rito na ikinangiti nito.


"Sasamahan narin kita sa training mo rito sa palasyo anak." Saad nito na ikinatango ko.


Humanda ka sakin ngayong bruha ka. Ako naman makikipag laro sayo.






Itutuloy.....

Comment