Chapter 71

L O R R A I N E's    POV



Isang buwan na ang lumilipas at sa isang buwan na yun marami ng nangyari, kasal na si Chloe at Justin..si kuya Alex naman sinusuyo parin si Jhenny hanggang ngayon..bumalik narin ako sa bahay namin, dahil dun na nakatira si Baby raven at Jhenny, pero may sarili siyang kwarto sa bahay, ayaw niya daw kasi sa kwarto ni kuya...




Si helle naman nasa ibang bansa na, pinapunta siya dun ni Nathan dahil sa takot narin niya sa banta ko sa kanya -_- aba dapat lang na matakot sakin ang kulugo na yun dahil gagawin ko talaga ang sinabi ko...



Nandito lang ako sa bahay ngayon nakikipaglaro kay Raven habang nagluluto si Jhenny ng pagkain para sa hapunan namin..



" Nasan pala si kuya? Kaninang umaga ko pa hindi nakikita ang isang yun.."



" nasa garden lang sila,.kanina pa yung mga yun dun" -Jhenny



" sila? Nandito nanaman yung mga ugok niyang kaibigan?"



" oo, may ginagawa kasi sila" -Jhenny




" ano namang ginagawa nila dun? Kalokohan?"



" gusto mo puntahan natin?" -Jhenny



" sige.."


Kinuha niya sakin si Raven at nagpunta na kami sa garden..kaya lang sobrang dilim!



" anyare dito? Bakit ang dilim? "



Halos wala akong makita, ano nanamang trip ng mga loko loko na yun?!



Nagulat ako ng biglang lumiwanag bigla ang buong garden at nakita ko si Nathan na may guitarang nakasukbit sa balikat niya...



Bigla nalang kumanta ang loko..



A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do~




Walang kurap kurap ko siyang tinitigan, tangina ang gwapo niya ngayon habang kumakanta...




And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
We'll forever be in love, so there ain't no need to rush
But one day I won't be able to ask you loud enough~




Nakalapit na siya sakin, tumigil siya sa pag gigitara para mahawakan ang dalawang kamay ko..



Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at inilabas niya ang isang maliit na box..naiyak nalang ako bigla ng makitang singsing ang laman nun..



I'll say, "Will you marry me?"
I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?"



" Lorraine Gail Rivera, The first time a lay my eyes on you i already know that you are the woman who i want to spend my life with..Raine i want you to take care of you for the rest of our lives, i want you to stay by my side so please let me...will you marry me?" -Nathan



Sunod sunod na tango nalang ang naging sagot ko dahil nahihirapan akong magsalita dahil sa kakaiyak..



Tuwang tuwa naman na binuhat at inikot ikot ako ng baliw kong boyfriend..este fiance na pala..



" Mahal na mahal kita Raine" -Nathan




" Mas mahal kita.."




" Mas mahal na mahal kita" -Nathan




" kung mas mahal mo ko, pwes ibaba mo na ako nakakahiya na -_-"




Hinalikan muna ako ng loko bago ako ibinaba at bago siya tumakbo sa mga baliw niya rin na kaibigan at nagyayakapan na sila na parang mga baliw-_-


*************

Comment