Chapter 38

L O R R A I N E's    POV




Nandito parin kami sa loob ng auditurium., hinihintay namin na maubos yung mga estudyante..




" sa susunod na may pakulo kang naiisip pwede bang wag mo akong pinapakaba -_- nakakairita -_-"




Sabi ko sa lalaking naka akbay sakin na walang iba kundi si nathan..




" pinakaba? Bakit? Ano bang sinabi ni kaye sayo?"




Mukhang hindi niya alam kung anong sinabi sakin ni kaye sa phone




" tss..halos mamatay ako sa kaba at pag aalala sayo -_- sabihin ba naman sakin na bilisan kong pumunta dito kung gusto pa kitang maabutang buhay -_- "




Sumbong ko sa kanya,.pero ang walangya natawa lang -_-




" ang cute palang magsumbong ng baby ko, pakiss nga ako"





Hindi pa ako pumapayag pero ang loko naka halik na -_-




" get a room guys! Mahiya naman kayo sa mga single dito!" -Kyle




" masyado na kayong matamis, baka langgamin tayo dito!" - josh




" kung maglambingan kayo parang walang ibang tao dito" -Kuya alex




" tama na yan..kumain tayo sa labas treat namin ng tito lorenz niyo" -mama




" Yun oh! Libre!" - Drake




" Tara ng kumain!!!" -zhrake




Napailing nalang kaming dalawa ni nathan sa mga kalokohan ng kaibigan niya...




Hawak kamay kaming naglakad palabas ng auditurium, nakasunod kaming lahat kina mama at papa na nasa unahan namin..



" uy si Helle oh!" - Josh



" Helle! Tara sama ka samin!!kakain kami sa labas libre ng parents ni Raine" -Drake




Excited na sabi ni drake kay helle na nasa harapan na naming lahat..




" sumama kana hija.. bawal tumanggi sa libre" -mama




Walang nagawa na sumama si helle sa amin,.




Siniko ko si nathan at ng tumingin siya sakin tinuri ko si helle na naglalakad sa unahan namin..




" bakit?" -nathan




" sa condo mo siya nakatira diba?"




Tanong ko sa kanya, ng maalala ko na nasabi nga pala samin ni helle na sa iisang condo sila ni nathan nakatira




" oo bakit?" -nathan




Seriously?! Tinatanong niya ako kung bakit?!




" aware ka naman siguro na may gusto siya sayo diba?"




Medyo yamot ko ng sabi..




" ha?..ah...oo?" -Nathan



Alam naman pala niya -_-




" at sa iisang condo lang kayo nakatira?"



Hindi ko na maiwasan ang pait sa boses ko..at ang unti unting pag usbong ng selos sa loob ko..




" nagseselos ka ba?.. don't worry may sarili siyang kwarto sa condo ko.,"




Tumango nalang ako bilang sagot., ayuko namang manggaling sakin na dapat lumipat sa ibang condo si helle., dapat maisip niya yun ng kusa lalo na ngayon na may girlfriend na siya -_-




Dahil sa selos at sama ng loob na naramdaman ko kinalas ko yung pagkakahawak ng kamay namin at tumabi ako kay kuya alex na nasa unahan namin..kumapit narin ako sa braso niya




" oh bakit braso ko ang kinakapitan mo? Naputol ba ang braso ni nathan?"





Peke nalang akong natawa sa biro ni kuya para hindi niya mahalata ang totoong mood ko ngayon -_-




" na miss ko lang kumapit sa braso -_-.."




Palusot ko nalang..




" tsh! Hindi masama na sabihin mo sa kanya na nagseselos ka -_- "




Nagulat ako dahil alam ni kuya na nagseselos ako..




" pano mo naman nasabing nagseselos ako aber?..tsaka kanino naman ako magseselos...?"




" Tsh! Hindi ako bulag raine, halos lahat kami sa team alam na may gusto si Helle kay Nathan,, masyado lang talagang manhid yang boyfriend mo at hindi niya maramdaman na may gusto sa kanya yung tao.." -kuya alex




" ganun ba talaga kahalata ang pagkakagusto ni helle kay Nathan?"




Wala sa sarili kong tanong...




" actually akala namin masyado lang talaga siyang malapit kay nathan dahil iniligtas siya ni nathan sa auction nung gabing yun...hanggang sa isang beses sa training practice namin hinalikan niya sa harapan naming lahat si nathan pagtapos niyang aminin yung nararamdaman niya para sa boyfriend mo" -kuya alex





Sinamaan ko ng tingin si kuya alex..isa rin siyang manhid eh! Kailangan ba talagang sabihin sa mismong mukha ko na hinalikan ni helle si nathan?!!




" nananadya kaba kuya?! Alam mo naman kung anong nararamdaman ko ngayon.,tapos sinabi mo pa yan!!"




Nakakainis talaga minsan tong kuya ko na to!




" tsh! Hindi porke alam ko na masasaktan ka sa mga sasabihin ko, eh hindi ko na sasabihin sayo...minsan mas ok ng masaktan kita ng katotohanan kesa pagaanin ko ang kalooban mo sa isang kasinungalingan,..pag nag mahal ka kailangan handa ka ng masaktan, dahil wala pang taong hindi nasaktan pagtapos magmahal.. " -kuya alex





" kuya... nagmahal kana ba?"




Hindi ko maiwasang hindi itanong dahil sa mga pinagsasasabi niya ngayon sakin..






" nagmamahal ako raine..pero gaya nga ng sabi ko kanina kay papa.,hindi ko pa siya nahahanap" -kuya alex





" pwede ba yun? Nagmamahal ka ng taong hindi mo pa nakikita?"





Nagtatakang tanong ko sa kanya, pero ang walangya kong kuya pinitik ako sa noo -_-






" nakita ko na siya, kaya lang pinakawalan ko siya noon kaya ngayon hinahanap ko"






Ramdam ko yung lungkot ni kuya.,pero hindi ako makapaniwala na naitago niya sakin na may babae pala siyang nagugustuhan dati.,



***************

Comment