Chapter 26

L O R R A I N E's    POV



Nandito ako ngayon sa gymnasium nanunuod ng practice game nila kuya,katabi ko si Helle.,yung babae ni nathan, pero dahil alam ko na ang pangalan niya hindi ko na siya tatawaging babae ni nathan...



Actually jeanine sana yung itatawag namin sa kanya pero hindi siya pumayag kasi iisang tao lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya ng jeanine..kaya helle nalang ang itinawag namin sa kanya..astig rin naman kasi parang hell na impyerno yung pronounciation ng pangalan niya..




Mag iisang oras na kaming nanunuod at naghihintay na matapos ang practice game nila kuya..at mag iisang oras ko naring pinipilit na hindi tignan si nathan.,feel ko siyang iwasan na talaga., may nararamdaman kasi akong kakaiba kapag nagtatama ang mga mata namin..




" ang galing palang maglaro ni Reulle ng basketball" mahinang komento ng katabi ko,



" Reulle? You mean si nathan?" Naninigurado kong tanong,



" oo, reulle ang tawag ko sa kanya kasi marami na kayong tumatawag na nathan sa kanya.."


Napatango nalang ako sa paliwanag niya,.pero ang hindi ko maintindihan ay ang saglit na kirot na naramdaman ko sa kaliwang dibdib ko.,



" san ka nga pala nakatira ngayon?"



Hindi naman siguro masamang magtanong ako ng ilang impormasyon tungkol sa kanya,



" magkasama kaming nakatira ni Reulle sa condo niya"



" ah.."



Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya, hindi ko alam pero biglang sumama ang pakiramdam ko, gusto ko na biglang umuwi.,



" mauuna na pala akong umuwi, mukhang matatagalan pa yung practice nila.,"


Paalam ko kay helle bago tumayo at inayos ang back pack ko., bigla akong nawalan ng gana...


" KUYA! MAUUNA NA AKONG UMUWI!!"


Sigaw ko para marinig ni kuya dahil naglalaro parin sila..natigil naman sila sa paglalaro kaya nakalapit sakin si kuya..
Bago tuluyang nakalapit si kuya nahagip pa ng mga mata ko si Nathan na nakatingin pala sakin kaya agad kong ibinaling ang tingin ko kay kuya alex



" 30 minutes nalang matatapos na ang practice namin, sumabay kana sakin"



" eh kuya sumama bigla yung pakiramdam ko"


Nagsasabi naman ako ng totoo,ewan ko ba pagtapos ng usapan namin ni helle at sa mga nalaman ko bigla nalang talagang sumama ang pakiramdam ko..,isama mo pa ang paminsan minsang pagkirot ng kaliwang dibdib ko..



" may masakit ba sayo?"



Nakitaan ko agad ng pag aalala ang mukha ni kuya.,hindi ko na sana sasabihin kung anong masakit sakin dahil baka lalo lang siyang mag alala pero mas nanaig sakin ang kagustuhan ng umuwi., and knowing kuya mas uunahin niya ako kesa sa basketball..



" kumikirot ang kaliwang dibdib ko kuya., kaya sige na umuwi na tayo"



Pagmamakaawa ko kay kuya,.


"shhh...stop crying uuwi na tayo.,pero dadaan tayong ospital para macheck-up yang dibdib mo"



Hindi ko pa mapapansin na umiiyak na pala ako kung hindi pa sinabi at pinunasan ni kuya ang luhang kumawala sa mga mata ko..



" Hey guys! Let's continue the practice tommorow!! We need to go to Hospital right now"


Paalam ni kuya sa mga ka team niya, pero ng marinig na pupunta kaming hospital agad silang naglapitan samin....as in lahat sila kasamang lumapit pati si nathan na katabi si helle



Iniwas ko ang paningin ko sa kanilang dalawa dahil mas lalong kumikirot ang kaliwang dibdib ko pag nadadapo sa kanila ang mga mata ko...putek nayan! Ano bang meron sa kanila ang napapasakit nila ang dibdib ko?! Mangkukulam ba ang dalawang yan?!



" bakit captain? " -kent


" may sakit ka raine?" Drake


" what happened?" -Nathan


Sunod sunod na tanong ng tatlo, na hindi pinansin ni kuya dahil busy na siya sa pag aayos ng gamit niya..


" raine let's go." -kuya alex


Tumango ako sa kanya at kumapit sa braso niya.,nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa loob ng gymnasium.,


**********

Comment