Chapter 64

L O R R A I N E's    POV





" iwan niyo muna kami ni Nathan, may pag uusapan lang kami"





Utos ko sa kanilang lahat, agad naman silang tumayo at isinama si helle palabas na nagpupumiglas pa..




Kinuha naman ni kaye si raven at isinama palabas..ngayon dalawa nalang kami ni Nathan dito sa loob..





Hindi ko napigilan ang pagdapo ng dalawang kamay ko sa magkabilaang pisngi niya!





" tangina mo! Pvnyeta ka! Bakit ba mahal na mahal parin kita kahit ang sakit sakit nung ginawa mo sakin! Ginayuma mo ba akong kupal ka?!"





Umiiyak na sabi ko sa kanya habang walang lakas na pinaghahahampas ko yung dibdib niya..nanghihina ako sa kakaiyak ko,





" pakiramdam ko mamamaga ng sobra yung mukha ko sa sobrang lakas ng sampal mo.." -Nathan





" kulang pa yan, marami pa akong gustong gawin sayo,! Pero pesteng helle yan napaka desperada na makuha ka, kaya no choice tuloy ako kundi angkinin kana -_-"





" magpapasalamat na ba ako kay helle dahil sa kanya inamin mo narin na mahal na mahal mo parin ako." -Nathan





" tss..pinapakita ko lang sa kanya kung sino talaga ang nagmamay-ari sayo., subukan niya lang na landiin ka, makakarating siya ng impiyerno na kasama ako.....at subukan mo lang na magpalandi sa kanya hindi ako magdadalawang isip na ihatid kayong dalawa sa impiyerno"





" bakit ba ang hilig mong magbanta? Tsaka ikaw lang naman ang minahal ko simula dati pa kahit na ubod ka ng sama at kahit napaka maldita mo -_-" -Nathan





" ako lang? Sigurado ka? Bakit parang hindi naman yan ang natatandaan kong sinabi mo nun..sa pagkakaalala ko may sinabi kang isang babae lang ang mahal mo at hindi ako yun -_-,,magsisinungaling ka nalang mahuhuli ka pa -_-".





" tsk! Ikaw yung tinutukoy ko nun, high school palang gusto na kita, kaya lang hindi ako pinapayagan ni Alex na lapitan ka kaya hanggang tingin lang ako sayo.., kaya naman nung matapunan mo ako ng pagkain nun sa cafeteria ng school sobrang tuwa ko nun kasi sa wakas napansin mo rin ako.,pero syempre hindi ko yun pinahalata sayo.." -Nathan






" matagal ka na palang patay na patay sakin.."





Mayabang na sabi ko sa kanya..






" noon palang pinapangarap na kita na maging akin.." -Nathan





" anong feeling ng maabot ang taong pinapangarap mo? Which is ako"






Nagyayabang ko na namang tanong sa lalaking ito na bigla nalang niyakap ako mula sa likuran at ipinatong niya sa kanang balikat ko ang ulo niya..





" sobrang saya ko nun, yung tipong hirap pa akong paniwalaan na sa wakas naging akin ka rin.." -Nathan





" sa sobrang hindi ka makapaniwala ganun lang kadali sayo na bitawan ako at hayaang malayo sayo.."





" hindi naging madali sakin na gawin yun, hindi ka nawala sa isip ko, nakakabakla mang pakinggan pero wala atang gabi na hindi ko iniyakan yung pagbitaw ko sayo.,masakit din para sa akin ang lahat ng ginawa ko.." -Nathan





" sana tinanong mo ako, kasi kung ako yung tatanungin...  ilalaban kita Nathan,..lalaban ako hanggang kamatayan basta kasama kita, kakayanin ko lahat kasi nandiyan ka, kasi may tiwala ako sayo na hindi mo ako pababayaan dahil mahal mo ako, kaya nga ganun nalang yung galit na naramdaman ko ng malaman ko na plano mo lahat ng nangyari 3 years ago..sobrang nadurog ako nun ng inakala ko talagang pinaglaruan mo lang ako, kasi sobrang mahal na mahal kita na halos handa akong ibigay yung buhay ko.."






Hindi ko nanaman napigilan ang pagpatak ng mga luha sa pesteng mata ko..





" sorry..sorry kasi hindi ako nagtiwala sayo na kaya mong protektahan ang sarili mo,..sorry kasi minaliit ko ang kakayahan mo..sorry kasi pinakawalan kita agad dahil lang sa gusto kong iligtas ka..sorry kasi nasaktan kita ng sobra.." -Nathan





Pagtingin ko sa kanya bigla nalang akong natawa dahil umiiyak narin siya..






" anong iniiyak iyak mo diyan?"






" ginagaya ka,.mukhang enjoy na enjoy ka sa pag iyak mo...kanina ka pa kasi umiiyak eh.." -Nathan




Napailing nalang ako dahil sa kanya..



*************

Comment