Chapter 30

L O R R A I N E's     POV


Malalim na ang gabi pero hindi parin dumadating si kuya,,mukhang malaki laking gulo ang nagawa ko ngayon para matagalan siya sa paglilinis -_-


Matutulog na sana ako ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.,kaya agad agad kong binuksan..bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni chloe at kaye


" Bruha ka! Pinapatawag ka ni kuya alex sa baba, galit na galit si kuya nung mapanuod namin yung CCTV footage sa parking" -kaye


" ano nanaman bang trip mo at pinasabog mo ang kotse ni Nathan..at alam mo bang dahil sa lakas ng pagsabog nadamay yung kotse ni kuya alex!!" -chloe


" buti sana kung kotse lang ni kuya alex! Kaso jusko halos maubos ang sasakyan sa parking at halos magkasunog sa parking ng school" -kaye


Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi na natigil sa pagsasalitan ang dalawa sa pagsasalita kaya naman bumaba nalang ako at nagmamadaling sumunod naman sakin yung dalawa


Akala ko si kuya lang ang nasa baba pero nagkamali ako dahil kumpleto lahat ng basketball team kasama rin si helle na nakakapit nanaman sa braso ni nathan -_-


" WHAT WERE YOU THINKING AT GINAWA MO YUN?!!"


ayan na po!! Nakasigaw nanaman si kuya.,
pero hindi ko na muna papansinin yung sigaw niya.,tinignan ko ng deritso sa mata si nathan na nakatingin din sakin ng masama..


" alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ko pinasabog ang kotse mo diba?"


Taas kilay kong tanong sa kulugong si nathan na nasa harapan ko rin, actually lahat sila nasa harapan ko nakatayo, hindi ata uso sa kanilang umupo muna -_-


" what are you talking about lorraine gail?!"


Medyo mahinahon ng sabi ni kuya..


" hinalikan lang naman ulit ako ng siraulong yan, kaya hindi moko masisisi kung bakit ko pinasabog yung sasakyan niya"


Pagtapos kong magsalita, natahimik lahat..kanya kanya silang may gulat na reaksiyon sa mga mukha nila na akala mo eh ngayon lang ako hinalikan ng kulugong Nathan na yan -_-


" seriously?!! Nagugulat pa kayo?! Eh sa dinami daming beses na akong hinalikan ng kulugong yan hindi na dapat kayo nagugulat ng ganyan -_-"


Hindi nag iisip kong lintanya,..


" maraming beses ka na niyang hinalikan?"


Nang marinig ko ang tanong ni kuya alex dun lang nag sink in sakin kung ano yung nasabi ko...napapikit nalang ako sa katangahan ko, paniguradong may magsasapakan ngayong gabi,.


" kuya., wala naman sakin yun----KUYA!!"


ito na nga bang sinasabi ko eh, bigla nalang sinapak ni kuya si Nathan >_<


" G@GO KA! "


Nagkakagulo na sa loob ng bahay,..lima na ang may hawak kay kuya at dalawa ang may hawak kay Nathan pero kahit maraming umaawat kay kuya nakakalapit parin siya kay nathan at nasusuntok parin niya ito...


Panay lang ang suntok ni kuya walang pakialam kung sinong natatamaan niya...


Para matigil na sila, hinila ko paalis sa harapan ni kuya si nathan at dinala sa labas ng bahay namin..


*BOGSH*


Binigyan ko agad siya ng sapak pagkabitaw na pagkabitaw ko sa braso niya..


" RAINE!"


hindi ko pinansin yung pagsigaw ni helle sa pangalan ko.,masyadong nagpupuyos sa galit ang damdamin ko dahil sa lalaking kaharap ko para paglaanan pa siya ng oras..


" PWEDE BA?!! LAYUAN MO NA AKO! AYUKO NG MAKITA YANG PAGMUMIKHA MO!"


sigaw ko kay nathan, walang pakialam kahit na nasa tabi niya si helle na hindi ko alam kung anong iniiyak iyak -_-


" GUSTO KITA RAINE!! GUSTONG GUSTO KITA KAYA PANO AKO LALAYO SAYO?!"


kahit nagulat ako sa sinabi niya.,nagawa ko paring magsalita


" WALA AKONG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN MO!! ANG GUSTO KO LAYUAN MO AKO!!"


dahil sa tuwing nakikita ko kayong dalawang magkasama naninikip bigla ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan..gusto ko sanang sabihin din yan sa kanya pero mas pinili ko nalang manahimik.,


Walang lingon lingon ko silang iniwan at pumasok sa loob..nadatnan ko pa sila sa sala na pinapakalma si kuya...


" NASAN NA YUNG G*GONG YUN?!" -kuya


" PWEDE BA KUYA?! HUMINAHON KA NGA!! KAYA KO NA YUNG SARILI KO HINDI MO NA KAILANGANG GAWIN YUN!"


Umakyat na ako sa taas at padabog na sinarado ang pintuan ng kwarto ko..feeling ko na drain ang utak ko sa sobrang dami ng mga nangyari ngayong araw -_-


***********

Comment