Chapter 63

L O R R A I N E's       POV




" bakit mo ginagawa to?" -helle





Napatigil ako sa pagkain ng dessert na inorder ko...






" wala lang..,trip ko lang kayong pagtripan, gusto ko lang iparamdam sa inyo kung paano mapaglaruan.,may mali ma dun?"






" Raine, sobra na itong mga ginagawa mo,.. naiintindihan namin na galit ka pero kailangan pa ba talaga na gawin mo saaming lahat to?" -Kuya alex






" bakit? Nahihirapan na ba kayo?"






" oo, sobrang nahihirapan na kami na ayusin lahat ng gulong idinudulot mo sa amin.." -kuya alex






" edi isipin niyo nalang na kabayaran lang yan sa lahat ng paghihirap at pasakit na ipinaramdam niyo sakin dati.."






" hindi mo parin ba naiintindihan na kaya lang namin ginawa yun dahil para yun sa kaligtasan mo" -kuya Alex





" kuya naman! Higit sa kanilang lahat ikaw mas nakakakilala sakin!! Alam mo na kayang kaya kong lumaban kahit ikamatay ko pa yun! Pero bakit itinuloy niyo parin?! Naiintindihan niyo ba ang punto ko?! Lumaki ako sa magulong mundo na meron tayo! Lumaki ako na ipinagtatanggol ko na ang sarili ko!"






Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko..





" masyadong malalakas ang mga nagbabanta sa amin nun,.hindi namin kakayanin kapag nawala ka samin raine, sana maintindihan mo.." -Nathan





" sinusubukan ko kayong intindihin! Ginagawa ko lahat para intindihin kayo pero hindi ko magawa! Kasi kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo walang punto ang ginawa niyo sakin!"





" hindi mo na ba talaga kami mapapatawad?.." Nathan





" gusto kong magpatawad nathan, pero hindi ko mahanap sa puso ko yung pagpapatawad,.."





" eh bakit mo pa sila pinapuntang lahat dito?! Para paglaruan? Para sumbatan?! Eh wala ka namang palang pinagkaiba sa kanila eh!" -Helle





Umiinit na talaga ang ulo ko sa babaeng to!





" sino bang nagsabi sayo na naiiba ako sa kanila?..kung may naiiba man dito ikaw yun, baka nakakalimutan mo na kaya ka nandito sa harapan naming lahat at buhay na buhay ay dahil iniligtas ka namin ni Nathan...walang utang na loob"






" kay Nathan lang ako may utang na loob dahil siya lang ang nagligtas sakin!" -helle






" baka nakakalimutan mo rin na iniwan ka niya noon, at kung hindi pa kita isinama pauwi baka kung kanino ka pa napunta, eh di nagsayang lang ng pera si Nathan -_-"






" bakit ba ang sama ng ugali mo?!" -helle





" masama lang naman ako sa mga taong tinatarantado ako, kagaya mo..nagkakaganyan ka dahil natatakot ka na agawin ko sayo si Nathan diba?! Edi sige tanungin natin ngayon si Nathan sa harapan nilang lahat kung sino sa ating dalawa ang pipiliin niya.."





sinasagad na talaga niya ang pasensya ko.,oras lang talaga na piliin ako ni Nathan na sigurado naman akong ako talaga ang pipiliin ng kulugo na yun..hinding hindi na makakalapit ang helle na to kay Nathan..





Tinignan ko si Nathan na napatuwid ng tayo ng magtama ang mga mata namin..





" tapusin na natin tong agawan na to!...Ako o si helle, ayusin mo ang pagpili mo dahil kapag nagkamali ka ng pinili sisiguraduhin kong pagsisisihan mo yun"





" syempre ikaw...ikaw ang laging pipiliin ko alam mo yan.." -Nathan





" siguro naman ngayon malinaw na sayo kung sino talaga ang pipiliin ni Nathan sa ating dalawa..sana naman alam mo na ang kalalagyan mo ngayon."






" Sabi mo wala kang balak na agawin ang laruan mo na itinapon mo na at pag mamay-ari na ng iba..pero yun ang ginagawa mo ngayon, mang-aagaw!" -helle





" wala akong inaagaw sayo helle, dahil hindi naman naging sayo si Nathan, bago mo sabihin sakin na mang-aagaw ako siguraduhin mo muna kung may inagaw ba talaga ako sayo,."





" walanghiya ka!" -helle





Tss..nasabuyan nanaman ako ng alak -_- pag ako nainis lalo lulunurin ko talaga sa isang drum ng alak ang babaeng to..





" hanggang pagsaboy lang ba talaga ng alak sa mukha ko ang kaya mo?.. kasi ako kayang kaya kitang ibalik sa lugar na pinanggalingan mo"





Nakitaan ko naman ng takot ang mga mata niya, aba dapat lang na matakot siya dahil kayang kaya ko talagang gawin yun sa kanya..





" paalala lang para sayo, Nathan is my property from now on...at ang ayaw ko sa lahat eh yung sinusubukang agawin ang pag mamay-ari ko na.,"







" masyado kang mayabang,! Porke ba nagagawa mo lahat mang aangkin kana ng tao?!" -helle






" hindi naman ako basta basta nang aangkin, tsaka parang gustong gusto naman ni Nathan na inaangkin ko siya bilang akin."





Nilingon ko si Nathan sa tabi ko na literal na naka nga-nga ang bibig..





" isara mo nga yang bunganga mo -_-.."





Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at halikan ng madiin..tangina ninto! Masyadong masaya..aba hindi pa ako tapos sa kanya..



****************

Comment