Chapter 28

L O R R A I N E's     POV




Ngayon ang tournament nila kuya kaya nandito kaming apat ngayon nakaupo sa bleachers na nasa likod lang ng pwesto nila kuya.. apat kami dahil kasama namin si helle na naka upo dito





Kahit hindi pa nagsisimula yung laro nakakabingi na ang sigawan ng mga tao -_- kanya kanya silang sigaw ng mga pambato nila..puno ang gymnasium ng school ngayon dahil nandito din yung mga supporter ng kalabang team nila kuya..




Kulay blue na may halong white ang color ng jersey nila, while yung kabilang team ay maroon at may halong white din..





Nagsipunta na sa gitna ang unang limang player na maglalaro hudyat na magsisimula na ang laro..kasama sa first five si kuya at nathan, kaya ito katabi ko sa kanan ay todo support at sigaw ng pangalan ni Nathan, may pabanner din ang ate niyo -_-




Samantalang yung dalawa naman sa kanan ko panay ang sigaw sa pangalan ni kuya alex -_- ang sakit nila sa tenga >_<




Pinabayaan ko nalang silang magsisisigaw dito sa tabi ko, nag focus nalang ako sa panunuod ng laro -_-




Habang pinapanuod ko yung laro hindi ko maitatanggi na magaling talaga si Nathan, siya ang nagsisilbing point guard nila.,si kuya alex naman ang shooting guard nila.,





Natapos ang first quarter na lamang sila kuya ng limang puntos., magagaling din kasi yung kabilang team at masasabi mo ring meron silang unity sa paglalaro..





Nagulat ako ng biglang tumayo si helle na naka upo sa tabi ko at lumapit sa pwesto nila kuya...or should i say kay nathan -_- inabutan niya ng gatorade yung kulugo at pinunasan pa ng pawis -_- ano bata lang? Kailangan pa ng taga punas??? At ang ganda pa ng ngiti ng walangyang kulugo halatang tuwang tuwa sa ginagawa ni helle -_-






Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa,natatakot na baka biglang sumakit at manikip nanaman yung dibdib ko.,





Hindi rin naman nagtagal ay nag start na ang 2nd quarter,at dahil kasama pa si nathan sa maglalaro for 2nd quarter bumalik sa tabi ko si helle at umupo,..ako naman ang tumayo at lumapit sa pwesto ni kuya alex dahil hindi siya pumasok para maglaro sa 2nd quarter...






" oh.,uminom ka muna"




Inabutan ko si kuya ng gatorade, hindi naman siya mukhang pagod..,umupo muna ako sa tabi ni kuya dahil hindi ko pa feel bumalik sa upuan ko kanina..




" KUYA ALEX!!! ANG GALING MO TALAGA!!!"





" IDOL TALAGA KITA KUYA ALEX!!!!!"





Napapikit nalang ako sa lakas ng sigaw ni chloe at kaye >_<






" ano bang pinakain mo sa dalawang yun at idol na idol ka?"





" normal lang na maging idol nila ako dahil pinsan nila ako.,tsaka ang gwapo ko kaya"





Makapal din talaga ang mukha ng kuya ko -_- nakaka iyak sa kapal -_- inirapan ko nalang si kuya dahil baka liparin na ako dito sa kinauupuan ko kapag may kahanginan nanaman siyang sinabi -_-




Hindi pa sana ako babalik sa upuan ko kaya lang tapos na ang 2nd quarter at nandito na si Nathan at si kuya naman ang pumasok para sa 3rd quarter kaya bumalik na ako sa tabi nila chloe..buti nalang din at lumapit si helle kay nathan gaya ng inaasahan kong gagawin niya -_-




Tahimik lang akong nanuod hanggang sa natapos ang 3rd quarter na tabla ang scores nila kuya at ng kabilang team...




Dahil last quarter na hinila ako ni kaye at chloe palapit sa pwesto nila kuya na kinakausap ng coach nila..




Labag man sa loob ko nagpahila na ako sa kanila..ng makalapit na ako agad namang ngumiti sakin si helle kaya ginantihan ko rin siya ng matipid na ngiti...




" GO KUYA ALEX!!!"




Sabay na sigaw nanaman ng dalawa habang nagtatatalon pa -_- paniguradong maraming naiinggit samin ngayon dahil nalalapitan namin sila kuya ng walang kahirap hirap.,alam naman nating hindi pwede ang outsider sa bleachers ng mga players, pero syempre exemption kami..,,





" huy tomboy! Bakit mo ko iniiwasan?"





Napaka igtad ako sa gulat ng maramdaman ko yung hininga ni Nathan sa leeg ko,.shanginang yan! Nakakakilabot >_< sa sobrang kilabot na naramdaman ko hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko...





At mas lalo lang akong nanigas ng maramdaman kong dinampian niya ng halik yung leeg ko! Mapapa shangina ka nalang talaga.!!




****************











Comment