Chapter 10

A L E X    POV




" bakit mo ko binaril dun sa parking?" Walang gana kong tanong sa taong kaharap ko,. Hindi ko nga alam kong tao ba talaga tong kaharap ko, may dugong demonyo kasi.,




" hindi ako obligadong magpaliwanag sayo, alam mo kong bakit ko yun ginawa"




" siguraduhin mo lang na hindi malalaman ni raine na ikaw ang gumawa nito sakin..,alam mo kung paano magalit ang isang yun,.kahit sabihin mong boss kapa namin"




Nakakatakot magalit si raine, na kahit ako natatakot sa kanya pag nakikita ko siyang galit, nawawalan ng buhay ang mga mata niya at parang laging handang pumatay kapag galit siya...





Hindi lang namin pinapakita pero natatakot talaga kami sa kanya..kahit itong demonyong nasa harap ko walang panama sa kayang gawin ng kapatid ko..





" tss..hindi malalaman ng mapatid mong demonyita kung hindi ka magsasalita"





" kahit naman binabaril mo lang ako -_- magkaibigan parin tayo"





Tinapik ko siya sa balikat bago umalis ng HQ..


.
.
.
.
.
.
.



L O R R A I N E's     POV


Isang linggo na ang lumipas at ngayon na yung practical namin sa P.E, nandito kaming buong section sa gymnasium ngayon at kung minamalas ka nga naman nandito din ang buong basketball team -_-




Isang linggo ng tahimik ang mga buhay namin, at sana naman magtuloy tuloy na -_-




" ok class, gaya ng napag usapan Girls Vs. Boys., ang mananalo exempted sa exam"





Tss..kalokohan -_- syempre mga lalaki na yung mananalo, ano bang laban ng mga maaarteng kaklase naming babae diba?





" at dahil girls vs. Boys at halata naman sigurong lugi ang mga babae, tutulungan silang maglaro ng mga Varsity basketball player natin.." kaya pala nandito sila -_-






" anong rules sir?" Tanong nung isa naming kaklaseng babae






" parang hindi ako nagturo ng rules and regulation ng basketball ah!..sa mga hindi nakinig bahala kayo diyan,.. 15 ang total na bilang ng girls at boys dapat lahat makapag laro, 5V5 ang laro,...para sa mga babae 3 lang ang papasok sa court dahil 2 player ng basketball team ang maglalaro per quarter gets niyo?"






Kanya kanyang tango naman sila, ako? Ito tamang nuod lang, hindi parin nagbabago isip ko, ayuko parin maglaro -_-





" hindi kaba talaga mag lalaro? Sayang exempted pa naman sa exam yung mananalo,"





" alam mo kaye, papagurin ko lang sarili ko kung maglalaro ako, sa tingin mo ba mananalo yang mga maaarte nating kaklase?"





" tutulungan naman tayo nila kuya alex" sabat ni chloe.,






" sa basketball kailangan ng team work, hindi kayo mananalo kung dalawa lang ang gumagalaw sa inyo -_-"






" malay mo naman manalo tayo, habang may buhay may pag-asa"





" hindi ako mag lalaro, tapos ang usapan"




Ang kukulit -_-





" ok..sabi nga namin di ka maglalaro"





Nag umpisa na yung laro, nanunuod lang ako, at as what i expected tambak ang grupo ng mga babae -_- pano ba naman kasi pag tili at pag sigaw lang naman ata inambag nila sa laro -_-





Last 2 minutes nalang bago matapos yung game kaya tumayo na ako, kahit naman tapusin kong panuorin yung game isa parin kalalabasan ng laro..talo ang team ng mga babae -_-




" RAINE!!"



naglalakad na ako palabas ng sabay sabay nila akong tawagin...lilingon na sana ako ng biglang may tumamang bola sa ulo ko..





" TAKTE!" Ang sakit hayuf!





Napa upo bigla dahil medyo nayanig yung utak ko,.. pumikit muna ako dahil nakakahilo grabe..,buti nalang at hindi ako nahimatay peste!




Naramdaman ko nalang na nakapalibot na sila sakin...




" ok ka lang ba?" Tanong ng walanghiyang chloe -_-





" ano sa tingin mo?" Nakapikit kong sagot





Peste malaman ko lang kung sinong punsyo pilato ang tangang naghagis ng bola sakin, kahit sabihin pa niyang hindi sadya yun shang-ina niya >__<






***************











Comment