CHAPTER 8

Sofie's P.O.V.

Maaga akong nagising ngayon at wala pa ako sa wisyo na bumangon sa kama ko wala din namang pasok kasi Sabado ngayon at saka wala naman akong naaala-la na may kailangan akong Puntahan ngayon.

Nagvibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung ano ito may one Notification ako sa Messenger account ko kaya agad kong binuksan ito.

From :Keneath Ruiz Delgado

           Hey! I'm here outside of your house! "

Pagbabasa ko sa message na dahilan para mabilis akong bumangon at sumilip sa bintana ng kwarto ko mula dito kitang-kita ko ang kotse ni Yabang at nandun nga siya nakacross-arm tapos nakasandal sa kotse niya ano kayang ginagawa ng isang yun dito.

Mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush hindi ko na sinuklay ang buhok ko at itinali na lang ito ng pa Vans.

Paglabas ko ng gate hindi maipinta ang mukha ng isang ito na ipinagtaka ko, siya na nga itong nag punta dito ng walang pasabe tapos siya pa may ganang simangutan ako.

"Bakit ka na dito?" - Takang tanong ko habang ihinawak ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko.

"Don't you remember that we have to go to the Mall and buy anything that we need to the event next week?!" - Sagot niya na halata ang pagka-inis oo nga pala pero di naman niya kasi sinabi na ngayon kami mamimili.

"Ay! ngayon ba yun kasalanan mo din kasi di mo sinabi" - Sagot ko dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"What the-

" Ken is that you?! "-Naputol ang sasabihin nitong si Yabang ng bigla nalang lumabas ng bahay si tita Ice at nakangiting kinikilala itong isa.

" Yes po tita Hi"-Magalang na bati nitong isa na akala mo sinapian ng anghel ay ang galing.

"Long time no see ah antagal na rin ng huli kang nagpunta dito nung nag-group activity kayo ng classmates ninyo dito ni Sofie how are you?" - Nakangiting tanong ni tita kay Yabang at umakbay dito oo nga pala pamangkin din ni tita ito at pinsan ni Alexa pero wala kaming connection kasi sa side naman yun ni tito .

" Well ok naman po tita"-

"Ah ok tara pasok ka muna!"

Sabi ni tita Icy pero di na hinintay ang sagot nitong si Yabang bigla na lang kasi niyang hinatak ito at wala naman siyang nagawa kundi sumunod, naglakad na din ako papasok sa bahay.

Nang makarating sa loob agad na naghanda ng pagkain yung mga maid nina Tita Icy umupo ako sa lamesa at kumuha ng isang loaf bread at nilagyan ng hotdog.

"Bakit ka nga pala napadalaw?" - Tanong ni tita Icy dito kay Yabang habang nakangiti.

"Hmmm! ngayon po kasi kami mamimili ni Sofie sa Mall ng mga kailangan namin for the event next week" - Paliwanag nitong si Yabang at uminom ng juice.

"Ah ganon ba eh bakit di ka pa nakaayos Sofie?!" - Nagtatakang tanong ni tita Icy. Hello kagigising ko lang po kaya.

"Heto na nga po mag-aayos na" - Sagot ko ng matapos akong kumain at mabilis na tumakbo sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Mabilis lang ang naging kilos ko at mabilis na kumuha ng isang dress sa cabinet ko at sandals hindi na ako nakapagpuyod ng buhok ko dahil tinamad na ako kaya sinuklay ko na lang ito.

Pagbaba ko nag paalam na kami kayna tita at Jillian wala kasi si Alexa dahil busy din sila sa pamimili ngayon.

Sa sasakyan na din ni Ken ako sumabay sabi kasi ni tita na gagamitin daw niya ang kotse ko kaya sumunod na lang ako.

Tahimik lang kami habang nagdadrive itong si Yabang may time na napapatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin pero agad kaming mag-iiwas ng tingin para nga kaming baliw sa ginagawa namin.

"This is all the items that we need to buy" - Pagbasag niya sa katahimikan sabay abot sa akin ng isang papel.

Tiningnan ko yun at pinagmasdan grabe ang dami naman ganun ba dapat kaganda ang booth na gagawin namin.

"Bakit parang sobrang dami naman ata?" - Tanong ko habang nakaturo sa papel na ibinigay niya.

"Because the principal told me that the stockholders of our University will be visit at the same time of the event" - Sagot niya habang patuloy sa pagmamaneho ng kotse.

Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan na lang ang dinadaanan namin ang bilis niyang magmaneho parang nakikipag race sa kung kanino oo mabilis ako mag drive pero hindi naman ako kagaya ng isang ito napaka kaskasero.

Nakarating kami sa Mall at agad niyang ipinark ang sasakyan niya sa parking lot.

Mabilis kaming bumaba at pumasok sa Mall agad kaming nagtungo sa isang store kung saan namin makikita yung mga kailangan naminng bilhin.

Nang matapos sa pamimili nagtungo na kami dun sa cashier sa bawat habang namin pansin ko ang pagbubulungan ng ibang mga babaeng nadadaanan namin ang iba kinikilig pa.

"Hmmmmm! ₱11,128.00 po lahat ng pinamili niyo" - Sabi nung kahera dahilan ng panlalaki ng mata ko what! Ang laki naman.

Palihim kong tiningnan ang wallet ko at 5k, lang ang laman nito mag lalabas na sana ako ng cash pero napatigil ako ng unahan ako ni Ken inilabas niya ang credit card niya at agad na ibinigay dun sa kahera edi ikaw na Rich kid!.

"Thankyou po come again!" - Sabi nung kahera at ngumiti, kinuha ni Ken ang lahat ng paper bags kaya agad akong napangiti gentlemen din pala itong isang ito hehe.

Pero nabigla ako ng humarap siya sa akin at ini-amba ang mga paper bags sa akin.

Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka bago magsalita. "Ano?" - Sabi ko habang nakatingin pa din sa kanya.

"Get it ako na nga nag bayad ako pa magbibit-bit ano ka siniswerte!" - Sagot niya at mabilis na inabot sa akin ang mga paper bags wala akong nagawa kundi bitbitin ito, padabog akong sumunod sa kanya pero bigla siyang huminto na ipinagtaka ko.

"OH! it's already 1:00 P.M. and I'm so hungry let's go eat" - Sabi niya at mabilis na nagpunta sa isang Korean Restaurant dito sa Mall wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, gustuhin ko mang umuna na pauwi hindi ko magawa kasi nga kotse niya ang gamit namin di naman ako sanay mag-commute.

Umorder na siya ng pagkain at nagsimula ng kumain pinanood ko lang siya dahil wala akong ganang kumain dahil sa inis.

"Eat!" - Utos niya habang patuloy sa pagkain pero di ko siya pinansin.

"Kakain ka o susubuan kita?!" - Sabi ulit niya pero di ko ulit siya pinansin kainis kasi kung alam ko lang na gagawin niya kong tagabit-bit ng pinamili namin edi sana  dinala ko na lang ang kotse ko para nakauna na ako sa kanya.

"Hindi ka talaga kakain ha sige edi wag!" - Inis na sabi niya ng matapos siyang kumain at tumayo na nag lakad na siya palayo kaya naman binuhat ko na ulit yung mga paper bags kainis ang bigat.

"Faster you are so very slow!" - Galit na sabi niya habang naglalakad na lalong ikinainis ko.

"Eh kung tinutulungan niyo po kaya ako dito at hindi yang reklamo kayo  dyan ng reklamo!" - Sarcastic na sabi ko habang pinandidilatan siya ng mata.

"Tss!" - Yan lang ang isinagot niya at nag lakad na palayo, ay ang galing grabe natulungan ako ng salitang yun bwisit talaga ang Yabang na to kainis!.

Dumiretso kami sa isang store ulit na madaming wallpapers kumuha siya ng 20 rolls nito at binayaran na sa Cashier, aba! ang luko mabilis na ipinatong ulit ito sa akin halos mapayuko pa ako dahil sa bigat ng mga dala ko mangiyak-ngiyak na ako habang naglalakad pero ang isang ito di makaramdam bwisit!

"Di mo ba talaga ako tutulungan dito, kung hindi please tumigil ka na sa pagbili kasi di ko na kaya please!" - pakiki-usap ko sa kanya kaya naman naglalakad na siya papunta sa parking lot.

Sibangot akong sumunod sa kanya at padabog na inilagay sa likod ng sasakyan niya ang mga pinamili namin dahil sa inis ayaw ko na sanang sumabay sa kanya kaya lang paano ako di naman ako sanay mag commute di ba nga.

Kaya kahit labag sa loob ko bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan niya sa back-seat, ayaw ko kasi siyang makatibi pero napataas ang kilay ko dahil nakalock kainis!

"I'm not your driver so seat here in my side!" -

Masungit niyang sabi habang ini-start ang kotse padabog pa din akong naupo sa tabi niya at halos mamula na ako dahil sa galit ko uggggggggggghhhhhh! Kung alam ko lang na ganito mangyayari edi sana di na ako sumama impaktong Yabang ito gaganti ako di ko lang alam kung kailan basta humanda ka lagot ka sa akin.

Tahimik lang kami sa byahe marahan na ang pagmamaneho niya ng sasakyan niya ngayon, dahan-dahan kong hinilot ang balikat at mga braso ko dahil sa sobrang sakit, nasobrahan ata ako sa pagod kainis kasi ang impaktong ito!.

"Are you ok Miss. Secretary?" - Tanong niya na ikinainis ko talagang nagawa niya pa akong kamustahin sa kabila ng lahat ay wow!

Secretary talagang pinanindigan niyang secretary niya ako kaya pala ako inutusan niya ng inutusan kainis!


























++Don't forget to vote, comment and share thank you!😊😊.

Comment