CHAPTER 26

Sofie's P.O.V

"This is your clothes Babe go to the C.R.and take a bath first!" - sabi ni Ken at inabot sa akin ang isang pantsuit at color sky-blue shirt kagising ko lang dito na rin sa kwarto niya ako nakatulog kagabi nanood pa kasi kami ng movies pagkatapos ng pictorial kaya nakatulog agad ako kagabi.

" Ok sige salamat Babe! "-nakangiting sabi ko at pumunta sa C. R.  sa kwarto niya kulay puti lahat ng makikita ko dito bathtub, pader, kisame at kung ano ano pa halos si ko nga maitung-tong ang paa ko sa sahig dahil mas malinis pa ata ito sa paa ko.

Nagsimula akong maligo at dun na din nagbihis pagkalabas ko ng C.R ay agad na bumungad sa akin si Ken na naka-upo sa kama niya basa na ang buhok niya at maayos na din ito  nakaligo na din siya, dun siguro siya nag shower sa C.R. sa baba nakasuot siya ng black pants at color white na polo shirt nakakagawapo talaga sa kanya.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at umamba naman siya ng yakap niyakap ko naman siya.

"Ang sexy talaga ng Prinsesa ko, Babe sabay tayo mamaya ha pagkatapos ng practice niyo hintayin ulit kita ha!" - sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Oo na sige tara na baka naghihintay na sa atin school mates natin!" - Aya ko at agad naman siyang tumayo bumaba na kami at binati kami ng mga nakasalubong namin na maids nila inabutan namin sina tita Trisha, Ate Katelyn at at Daddy nila na kumakain sa kusina.

" Good morning sa inyong dalawa take a seat! "-sabi ni tito at ngumiti.

"Di ba sabado ngayon anong gagawin niyo sa school?" - nagtatakang tanong ni Ate Katelyn.

"May practice kami ng basketball ngayong umaga, tapos madami kaming gagawin ni Alexa para sa Campus si Sofie naman she has a practice this morning tapos marami din siyang aayusin sa mga clubs na kinabibilangan niya." - si Ken ang sumagot.

May nakahanda ng plato para sa aming dalawa ni Ken pero hotdog and loaf bread lang ang kinuha ko kumuha si Ken ng apple at inabot yun sa akin.

" Di ba mahirap yun Sofie leader ka na ng dance troupe tapos may mga club ka pa noong nag-aaral pa nga lang ako sa ganyang level suko na ako" - si Ate Katelyn.

"Kaya ko naman po at saka di naman po ako masyadong napapagod" - sagot ko.

Natapos kaming mag-agahan at magpa-alam na kami ni Ken sa kanila nakarating kami sa Campus at kakaunti lang ang estudyante na nakikita ko mga mag-audition sa iba't-ibang clubs ang iba naman ay sadyang members na kaunti lang naman ang intresado masyadong mahigpit kasi ang ibang club gaya ng math, science, English at Theater clubs ang daming requirements sa dance troupe naman sumayaw kalang ok na kapag magaling ka.

"Kita nalang tayo sa Math club mamaya after ng practice niyo ha!" - sabi ni Ken nasa harap na kami ng Dance room.

Member siya ng math club na pinangungunahan ko.

"Sure sige bye" - sabi ko at niyakap siya.

"Sweet nila bagay sila hehe!"

"Ok nga swerte nila sa isa't-isa."

Dinig kong bulungan na naman ng mga nakakakita sa amin di ko nalang sila pinansin nakita ko pa si Tukmol na nakaupo sa bench at ng mapatingin siya sa akin ay agad siyang ngumiti at kumaway nginitian ko lang din siya.

" Ok na tayo? "-tanong niya ng makalapit sa akin.

"Ok naman talaga tayo ah di naman ako galit!" - sagot ko.

"Ah kala ko kasi nagalit ka dahil sa kahapon" - kamot batok niyang sabi.

Ilang beses na namin siyang nakakasama nina Roxanne at parang kaibigan na din namin siya kaya di na siya bago sa akin minsan nga napapagkamalan pa na gumawa ako ng bagong group at kasali siya dahil sa sobrang lapit na namin.

"Nakarating na ba sina Roxanne?" - tanong ko.

"Yes nasa English club na siya si Pia sa Cheer dance area si Moureene tinutulungan yung leader nila sa club nila." sagot naman niya di ko tuloy maiwasang mag-alala para kay Roxanne.

"Ok lang ba si Roxanne?" - tanong ko ulit.

"Ewan basta di siya nagsasalita kanina eh hanggang sa maihatid namin siya nina Pia sa English club" - sagot niya nag-nod lang ako at naglakad na papunta sa locker at nilagay ang gamit ko.

Sinenyasan ko ang members namin na mag-start na at agad naman nilang nakuha yun nagsimula na kami at ilang oras din bago kami natapos meron kasing members na di madaling makakuha ng steps kaya medyo nahihirapan kaming magturo ni Tukmol.

"Miss. Sofie pinatatawag po kayo ng Adviser ng Math club sa office niyo" - sabi ng isang member ko sa math club.

"Sige susunod ako" - sabi ko at nag-ayos na ng sarili buti nalang at natapos na kami sa pag pa practice bago ako ipatawag.

"Di ka ba muna kakain?" - tanong ni Tukmol.

"Hindi na sige mauna na ako marami pa akong gagawin sa Math club bye!" - sabi ko at mabilis na tumakbo palayo.

Mabilis akong nakarating sa Math club office at nandun na nga siya.

"Yes po Miss?" - tanong ko habang naghahabol ng hininga napagod ako sa pag takbo at the same time dahil din sa practice namin.

"Sorry kung biglaan Miss. Sofie kailangan kasi talaga kita ang dami kasing nag-audition sa Math club eh out of slot na tayo pwede kabang mag-print ng mga test papers para naman yung papasa nalang ang tatanggapin natin!" - sagot naman niya habang may tinitingnan sa schedule book niya.

" No problem Miss. Sige po "-Nakangiting sagot ko.

" Thank you Miss.Sofie buti nalang at ikaw ang napili kong leader ng club na ito napaka responsible mo sige may gagawin pa kasi ako salamat ulit!" - sabi niya at umalis na wala pa dito si Ken malamang may inaayos siya sa S.S.G. office kaya wala pa siya dapat kasi nandito na siya dahil tapos na ang practice nila sa basketball.

Marami akong na-print na test papers nilagyan ko na din ito ng stapler at ipinatas.

Tumingin ako sa wristwatch ko at 12:40 O'clock na hindi pa pala ako naglalunch.

Pero kailangan kong ipamigay kaagad ang mga test papers na ito sa mga students kaya naman dumiretsyo ako sa Mathclub room at naghihintay nga dun ang mga nag-aaudition may mga officers na naman kaya di na ako nahirapan sa pagdidistribute ng test papers sa kanila.

"Pssssssst!" - tawag ko dun sa isang batang babaeng officer sa Mathclub nasa 1st year siguro siya.

"Yes po?" - tanong niya at lumapit sa akin.

"Ikaw muna dito kakain lang ako ha!" - sabi ko dito.

"Sige po!" - magalang na pagsang-ayon niya agad akong dumiretsyo sa canteen at umorder ng pagkain mabilis lang akong kumain wala pa sigurong one minute dahil ilang subo lang naman ang kinain ko ng matapos ako ay dumiretsyo agad ako sa C.R. at nagsalamin grabe ang haggard ko na nakatali lang ang buhok ko ng hindi maayos halos nasa mukha ko na ang ilang buhok ko pero di ko na pinansin yun dahil baka nahihirapan na sa pagbabantay ang officers ko mabilis akong pumunta sa Mathclub room at nagsasagot pa din ang mga estudyante.

"Ang bilis niyo naman po kumain Miss. Leader" - magalang ulit na sabi nung batang babae na kausap ko kanina nginitian ko lang siya at umupo sa upuan sa harap ng mga nagsasagot na estudyante nakapahalumbaba ako sa table ko habang nagbabantay sa kanila.

Ilang oras din bago sila matapos at ibigay sa akin ang test papers nila nang maubos na ang mga nagsasagot ay ipinatas ko ng maayos ang test papers at lumabas na dala ang mga yun nagpunta ako sa MCoffice at wala pa ding tao dun.

Ipinatong ko sa table ko ang mga test papers at ichineck ang mga yun wala pa man ako sa kalagitnaan ng pagchecheck ng test papers ay bumukas ang pinto kaya agad akong humarap dun ng nakangiti sa pagaakalang si Ken na yun.

"Hindi daw makakarating si Mr. President busy siya sa S.S.G baka din daw hindi ka na niya maihatid" - walang emosyong sabi ni Roxanne at pabagsak na naupo sa tabi kong swelve chair.

"Ok!" - tipid na sagot ko naiintindihan ko naman siya kaya di na ako magtatampo.

"Hayyyssst!" - Dinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ok ka lang ba?" - mahinang tanong ko sa kanya.

"Si Laurence ka-kasi gusto niyang ma-makipag come back" - nauutal na sagot niya na namumuo pa ang boses niya.

"What's your plan now?" - tanong ko pero nag-iwas siya ng tingin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Sofie pati mga pinsan ko napagbuhusan ko ng galit kahapon kaya di kami ok ngayon tapos di ko na alam uhhhhhgggg!" - sabi niya at sinabunutan ang sarili mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya niyakap ko siya at kasabay nun ang paghagulhol niya.

" Sofie paano na di ko alam gagawin ko actually mas matindi pa nga pinagdaanan mo non sa family problem mo tapos ako ito lang pero bakit ang hirap Sofie anong gagawin ko!" - sabi ulit niya habang umi-iyak.

Di ko mapigilang mapaluha din dahil sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon sa nakikita kong sitwasyon ng kaibigan ko ngayon kainis pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko para di niya ako mapansin patuloy pa din siya sa paghagulhol.

Ilang oras pa bago siya huminto nang matapos siya ay tumingala na siya at nag pilit ng ngiti.

"Salamat buti nalang at may kaibigan akong gaya niyong tatlo" - sabi niya habang pilit pa din ang ngiti.

"Sige ok lang basta ikaw sandali lang ha tapusin ko lang yun!" - Nakangiting sabi ko sabay turo sa test papers sa ibabaw ng table ko.

"Tulungan na nga kita may gagawin ka pa sa Art and music club di ba! "-paalala niya oo nga pala.

Mabilis naming tinapos ang pagcheck sa test papers at agad naman kaming pumunta sa arts and music club member kasi kami ni Roxanne dun.

Marami kaming ginawa at ng matapos ay lumabas na kami 5:00 O'clock afternoon na ng tingnan ko ang relo ko.

"Tara sabay na tayo!" - sabi ni Roxanne kasama na namin sina Pia, Moureene at Tukmol ngayon.

"Haggard na haggard ka ngayon ah anyare sayo?" - singit ni Pia habang patuloy kami sa paglalakad.

"Di ka pa nasanay diyan every year naman sa tuwing magsisimula na ang mga events gaya nito ganyan lang nadadagdagan lang every year ang mga clubs na kinabibilangan niya famous kasi wahahahha a buti akin di masyado nadadagdagan tumatanggi kasi ako eh!" - si Roxanne.

" Di kasi marunong tumanggi kaibigan nating yan eh wahahahha super bait sa teacher "-si Moureene naman.

" Ok kalang Sofie ang putla mo ah?! "-tanong ni Tukmol habang inoobserbahan ang mukha ko.

" Oo nga Sofie ok ka lang ba? "-nag-aalalang tanong ni Pia ngumiti lang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang habang palang ang nagagawa ko ng biglang parang nanlabo ang paningin ko hindi ko alam kung umiikot ba ang paligid nakikita ko sa harap ko silang apat na sumisigaw pero di ko sila marinig hanggang sa mandilim na ng tuluyan ang paningin ko.









++Don't forget to vote, comment and share thank you! 😊😊...

Comment