CHAPTER 23

Sofie's P.O.V




"Sige mauna ka na pumasok" - sabi ni Ken kararating lang namin at medyo makulimlim na antagal kasi namin eh dumaan pa kami sa kung saan saan kaya halos gabihin na kami.

"Hindi papasok ako kapag nakaalis ka na" - sagot ko habang inuugoy ang magkahawak naming kamay.

"Ok ganito nalang sabay tayo para wala ng gulo" - sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Sige na nga" - sabi niya at ngumuso dahilan para tumaas ang isang kilay ko.

"Ano?!" - Mataray na tanong ko.

"Wala bang good bye kiss dyan?" - nakapout na tanong niya.

"Ayaw ko nga nakakarami ka na start now walang kiss at akbay ok!" - sabi ko dahilan para lalo siyang sumimangot.

"If really want that ok" - tipid na sagot niya at tumalikod na hala ano yun nagtatampo ba siya.

"Uy!" - tawag ko sa kanya pero di siya lumingon dahilan para mainis ako, tumalikod na ako para sana pumasok na sa gate ng bahay pero nahinto ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko.

"Grabe ka naman nagpapalambing lang naman ako galit ka agad wag ka na ulit nagagalit ha baka di ko kayanin" - sabi niya mula sa likod ko nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Ikaw kasi nauna eh!" - sabi ko at tinapik tapik ang ulo niya.

"Ok lang sa akin yung rules mo kung yun ang gusto ng prinsesa ko ibibigay ko" - sabi niya ramdam ko na nakangiti siya kahit di ko siya tingnan.

"Sus! Sige na baka hanapin ka pa nina tita Trisha sa akin umuwi ka na ok" - sabi ko at inalis na niya ang pagkakayakap sa akin.

"Dito nalang kaya ako ulit matulog!" - natatwang sabi niya na ipinanlaki ng mga mata ko.

"Ulowl ano ka sinuswerte wag na kita nalang tayo sa panaginip"-pagpoprotesta ko at nagpamaywang.

"Sige na alis na -

" I love you! "-pagputol niya sa sasabihin ko kaya naman nakatanga lang ako sa kanya bago ko naisipang sumagot.

" I love you too! "-sabi ko at nagpauna nang pumasok sa loob ng gate narinig ko pa ang pag-andar ng sasakyan niya ng makapasok ako sa bahay.

" I love you too ayeeeeeei!" - nabigla ako ng magsalita si Alexa kasama niya sina tita na nanonood ng TV.

"narinig nyo?!" - takang tanong ko sa kanila ang layo pa kasi ng gate dito sa Salas.

"Yan oh si Jillian nasa may garden kanina" - natatwang singit ni tita Icy ay talaga naman.

"Ah ok!" - tipid na sabi ko at tumango tango nabaling sa dala kong paper bags ang tingin nilang tatlo.

"What's that?" - tanong ni Alexa habang nakaturo sa paperbags na hawak ko.

"Ah binili ni Ken jacket and dress" - sagot ko at pare-parehas silang nag karoon ng malapad na ngiti sa labi iisa talaga ng reaction!.

"Sana all wahahahhahha!" - sabay-sabay na sabi nila at nagtawanan napatawa na din ako dahil sa inaasta nila.

"Kumain ka na ba?" - pag-iiba ni tita Icy sa usapan.

"Yes po kumain na po kami ni Ken kanina" - sagot ko at umupo sa sofaset na inupuan ni Alexa magkatabi naman sina tita Icy sa isa pang sofe set.

"May ice-cream sa ref. Kung gusto mo kumain o nagutom ka mamaya nandun lang ok" - sabi ni tita Icy napatingin ako sa kusina ng may marinig akong ingay nandito na pala si Yaya Ester.

"Tara Mommy nood tayo ng movie" - suggestion ni Alexa meron kasi kaming isa pang parang Salas sa taas pero natambay lang kami dun kapag dun kami matutulog o mag - oover night kami sa panonood ng movie naging bonding na din namin yun pero madalang na ngayon.

"May pasok kayo bukas di ba!" - Tita Icy.

"Isang movie lang maaga pa naman po eh" - Si Alexa.

"Oo nga mommy payag ka na minsan na nga lang ulit tayong manood makakasama kasi laging busy na ang isat-isa sa atin" - gatong ni Jillian sa ate niya may mga bagay naman sila ng pinagkakasunduan minsan minsan!

"Ok fine isa lang ha!" - sabi ni tita dahilan para mapapalakpak kaming tatlo nina Alexa.

Umakyat na kami sa taas at nag-play na ng movie si Alexa at kanya-kanya naman kami ng higa nina tita Icy sa couch naglagay naman ng folding bed si Alexa sa malapit lang sa amin may dalawang couch dito at isang malaking flat-screen TV sa harapan.

"Heto po yung snacks niyo may kailangan pa po kayo?" - Nakangiting tanong ni Yaya Ester nakasanayan na nyang magdala ng snacks para sa amin sa tuwing tatambay kami dito kahit di na namin inuutos nagkukusa na siya.

"Wala na po Yaya sige po magpahinga na po kayo" - nakangiting sagot ni tita Icy.

Nasa kalagitnaan palang kami ng movie ng antukin na ako niyakap ko ang throw pillow na nasa tabi ko at hinayaan na ang sarili ko na makatulog ng hindi tinatapos ang movie.

4:00 o'clock in the morning ako nagising nakahiga pa sina Alexa at Jillian wala na dito si tita Icy kaya bumaba na ako at nakita ko si tita Icy na na-inom ng kape.

"Good Morning po tita!" - bati ko sa kanya.

"Good Morning din aga mo ah!" - Nakangiting sambit niya.

"Ito po gatas niyo Miss. Sofie!" - sabi ni Yaya Ester at inabot sa akin ang isang baso ng gatas.

"Salamat po!" - sabi ko at uminom na ng gatas.

Mabilis kaming natapos sa pagkain bago ako nagpa-alam kay tita Icy na maliligo na nakasalubong ko pa si Alexa na kumikisap-kisap pang naglalakad pababa ng hagdan.

Nang matapos na ako ay agad kong inayos ang mahaba kong buhok inipitan ko yun at pulbos at lipbulm lang ang inilagay ko sa pagmumuka ko ayaw ko kasi ng madaming etchetera sa mukha eh.

Bumaba na ako at 5:30 am na nagpa-alam na ako kayna tita at kayna Alexa na mauuna na ako sabi kasi ni Ken wag daw ako malilate may iaanounce daw kasi siya mamaya pati principal.

"Ang aga ng prinsesa ko ah!" - sambit ni Ken ng makarating ako sa Campus nasa may gate siya ng makita ko siya.

"Sabi mo eh hehe!" - sabi ko at sabay na kaming naglakad as usual may mga nagbubulungan na namang mga estudyante pero di ko na sila pinansin nakarating kami ni Ken sa room ko at nagpa-alam na siya nilagay ko na ang bag ko sa upuan ko at inayos ang maliliit na flower vase sa table ko maliit lang ito kaya di naman nagiging sagabal sa akin may maliit din itong bulaklak na laruan na gumagalaw bigay ito sa akin ni Pia at lahat kaming magkakaibigan ay meron nito.

Naupo ako sa upuan ko at nagpahalumbabang nagbuklat ng libro wala pa sina Roxanne pero nandito na ang mga bag nila may naalala tuloy ako bigla desidido na ako sasabihin ko na sa kanya ang alam ko.

"Sofie!" - boses ni Tukmol mula sa tabi ko pero di ko siya nilingon.

"Sofie!" - pag-ulit niya.

"Uy Sofie please look at me!" - makulit na sabi niya nilingon ko siya at ganon nalang ang inis ko ng paglingon ko ay bumaon ang ballpen niya sa pisngi ko nagtawanan naman sina Pia na kasama na niya.

"Happy kayo?!" - sarcastic na tanong ko sa kanila.

"Medyo bakit are you sad dito ka sa akin pasasayahin kita ayeeeeeei!" - sagot ni Tukmol at inilahad ang dalwang braso na akmang yayakapin ako pero pinigilan siya nina Roxanne at Pia.

"Uy! Taken na yan aagawan mo pa si Ken!" - sambit ni Alexa at natawa naman si Tukmol.

"Ang daya mo naman kasi di mo ako hinintay!" - pagmamaktol naman ni Tukmol.

"Wala na eh panalo na si Ken sorry ka nalang!" - mapang-asar ang tinig ni Pia.

"Tumaas daw sa gymnasium may iaanounce si Mr. President ng Students council!" - sabi ni Moureene na nagpipipindot sa phone niya si Ken ang tinutukoy niya.

Sabay-sabay na kaming tumaas nina tukmol nakasanayan na din namin siyang kasama hindi na bago sa amin madalas silang mag-asaran ni Pia na minsan ay nauuwi sa pikunan pero agad naman silang inaawat ni Moureene wala naman kasing paki si Roxanne speaking of Roxanne napatingin ako sa gawi niya ng maisip ko siya lumapit ako sa kanya at agad naman niyang naramdaman ang presensya ko kaya agad siyang tumingin sa akin na para bang nagtatanong.

"Pwede ba tayong mag-usap?" - nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.

"Sure ano ba yun?" - Nakangiting tanong niya sana ganyan pa din ang maging ngiti mo kapag nasabi ko na to sayo.

"Pwede dun tayo sa Garden?" - tanong ko ulit.

"Pero paano yung announcement ni Mr. President?" - tanong niya habang nakatingin sa gawi ni Ken.

"Ok lang yan tanong ko nalang ulit sa kanya mamaya!" - sabi ko at mabilis siyang hinila papunta sa garden ng hindi hinintay ang sagot niya mabilis kaming nakarating dun at kaming dalawa lang ang tao dito kaya naman tahimik at solo namin ang lugar.

"Ano bang pag-usapan na-

" Makipag break ka na kay Laurence! "-Putol ko sa sasabihin niya dahilan para mangunot ang noo niya.

" What?! "-takang tanong niya.

" Niloloko kalang niya nakita ko siya may kahakikan siyang ibang babae! "-Paliwanag ko dahilan para magbago ang expression ng mukha niya nag-iwas siya ng tingin bago magsalita.

"I know!" - sagot niya dahilan para mainis ako.

"What but why are you pretending that you don't know everything?!" - inis na tanong ko sa kanya pero bigla nalang nawala yun ng makita kong may pumatak na mga luha mula sa mga mata niya dahilan para mataranta ako.

"I'm so sorry hindi ko sina-

" No don't say that it's not your fault I'm just so very stupid UUGGGGGGHHHHHHHH! "-Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa mukha niya.

Lumapit ako sa kanya para sana yakapin siya pero bigla siyang nagsalita dahilan para mapahinto ako.

"Noon niya pa ginagawa ito sa akin sinubukan ko naman Sofie eh sinubukan kong makipag hiwalay sa kanya pero ang ending ako ang nahirapan kaya ng makipag-come back siya ako naman sige agad kainis akala ng iba at least maganda ka maswerte na dahil madaming nag kaka gusto sayo, porket sikat masaya ka na pero hindi mali sila sa kabila ng lahat ng ito heto ako at parating umiyak mag-isa sa kwarto ko sa tuwing makikita ko si Laurence na ginagawa sa akin yun kainis "-patuloy na sabi niya dahilan para matulala ako ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao ako kasi hindi naging ganyan kay George noon parang wala lang lahat ng makipag break ako sa kanya.

Wala sa sarili kong niyakap si Roxanne habang patuloy sa pag-iisip ganito ba talaga ang love wag naman sana mangyari ito sa amin ni Ken natatakot tuloy ako hinahaplos ko ang buhok niya habang patuloy pa din siya sa pag-iyak huminga ako ng malalim ng may kung anong pumasok sa isip ko.

Wag naman sana oo impossible mahal ako ni Ken mahal ko din siya kaya di mangyayari ito sa amin.

Natatakot ako natatakot ako ok lang may tiwala ako sayo Ken sana di mo alisin sa akin yun!










++Don't forget to vote, comment and share thank you! 😊😊...

Comment