CHAPTER 42

Sofie's P.O.V

Continuation of Flash Back***

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa bahay namin ni kuya Vince matapos ikwento sa akin ni Cassy lahat ng mga bagay na di ko inaasahan at hanggang ngayon ay lutang pa din ang isip ko tsk!.

"Sofie are you ok?!" - bakas sa boses ni kuya Vince ang pag-aalala.

"A-eh o-oo kuya why not!" - naiilang na sagot ko kasalukuyan kaming kumakain ng dinner namin ngayon at 7pm na.

"No I know that you are not ok!    do you have any problems?" - nag-aalala pa ding tanong ni kuya Vince habang kumakain.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagkain pagkatapos ay mabilis akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko at naligo muna at nag toothbrush bago pumunta sa mini terrace sa labas ng kwatro ko malakas ang hangin at sadyang maliwanag ang mga bituin at ang bwan umupo ako sa upuan sa tabi ng table at ipinikit ang mga mata ko at hinayaang humampas ng humampas ang malamig na hangin sa mukha ko at palipadin ang buhok ko.

"Pwede ka bang mag-share sa kung ano mang iniisip mo ready makinig si kuya promise makikinig ako hehe!" - iminulat ko ang mga mata ko ng marinig kong nagsalita si kuya Vince nasa harap ko siya at nakaupo sa upuan.

"Dun tayo kuya!" - Yaya ko sa kanya habang nakaturo sa mahabang kahoy na upuan sa tabi namin sumunod naman siya at naunang umupo humiga ako dun at ginawang unan ang hita niya at marahan naman niyang hinawa-hawi ang buhok ko.

"Kuya what if may friend ka tapos nag-share siya ng family problem niya which is yung daddy niya I mean yung step dad niya ay pinatay yung real dad niya what will you do?" - intreresadong tanong ko dahilan para sumeryoso ang mukha niya.

"Hmm! Mag sasabi ako sa may authorities para ma kulong yung step dad ko." - mabilis na sagot niya.

"What if may half-sister ka tapos nagsabi ka daw sa kanya then yun din yung unang pumasok sa isip ng half-sister mo but hindi niya magawa because she's scared na baka maraming masaktan dahil daddy niya ang nakasangkot sa gulong yun at syempre alam niya na maraming magagalit sa kanya? "-kunwaring tanong ko sa kanya.

" Hmm! If I'm her "Half-sister!"     I will choose to do what is the best thing that I can do to help my sister, because I know that I'm right and I will never be scared because I know that  I'm standing for truth, no matter what happens maybe there's many people who will be mad at me, but one day I know that they will understand why I need to do that "-mabilis na sagot ni kuya kaya napangiti naman ako cool talaga ng kuya ko hehe yan si Kuya Vincent Phillippe Natividad hehe! I'm so proud to be his sister.

" kuya kapag ako may nagawang mali mapapatawad mo pa ba ako? "-hindi ko alam kung bakit yan nalang ang nailabas ng bibig ko.


"Mmmm! Maybe mag tatampo ako but I'm your brother at di kita matitiis ok kaya kahit na ano pa man ang maging kasalanan mo imposible na di kita mapatawad OK!" - lalo akong napangiti sa sinabi niyang yun.

"Paano kapag sobrang worst? O paano kapag one day down din ako sa time na yun?" - sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi ko alam kung bakit mo itinatanong ang mga tanong na yan pero" - binitin talaga niya ang sasabihin niya at tumingin sa langit at huminga ng malalim habang ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa buhok ko nakakaramdam tuloy ako ng antok."Kahit gaano pa ka worst yan di mababago ang ikot ng mundo at kapatid pa din kita kaya mapapatawad kita at kahit na anong magyari nasa tabi mo lang ako up or down ka man nandito lang si kuya sa tabi ko mmm! Promise!" - Sabi niya at itinaas pa sa ere ang kanang kamay.

" Suuuuuuus! May pa promise-promise ka pa diyan di ba nga sabi nila promises are meant to be broken Hahaha! "-natatawang sabi ko at umayos ng higa at hinampas-hampas pa ang hita niya na akala mo ay talagang unan yun.

Walang basagan ng trip yun ang trip ko eh hehe!.

" Hindi ako naniniwala diyan edi baguhin natin promises are not meant to be broken ha ha ha ha!" - Sabi ni kuya at saka humarap sa akin.

"Thanks for your time kuya hehe! I love you!" - Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Suuuuuuus! Ang Baby Sofie ko nagmamatured na nacucurious na sa mga bagay-bagay I love you too good night sweet dreams!" - Sabi ni kuya at ipinagpatuloy ang ginagawa sa ulo ko ako naman ay komportanleng nakatulog na sa hita niya.














Kinabukasan.







" Good morning! "-bati ni kuya naghahanda na siya sa pag pasok may pasok siya kahit Saturday kasi high school na siya at require yun sa campus nila bawal umabsent.

"Good morning din kuya aalis ka na?" - nakangusong tanong ko habang naglalakad papunta sa table namin at uminom ng gatas.


"Yes! Sorry di na kita nahintay at nagising ang sarap ng tulog mo eh sige bye ingat ka ha!, wag mong pababayaan ang sarili ko kumain ka sa oras ok!" - sunod-sunod na paalala niya kaya tinanguan ko lang siya umalis na siya at ako naman ay kumain na at mabilis na naligo at nagbihis pagkatapos ay kinuha ko na kay manang ang susi ng kotse ko.


" Sandali lang Miss. Sofie baka mag tanong ang kuya mo pagdating niya tapos wala pa po kayo saan po ba kayo pupunta?" - tanong ng head maid namin.

"pakisabi kayna Mommy sige po bye na!" - Sabi ko at mabilis na inistart ang kotse ko.

Nagmaneho ako hanggang sa mapatigil ako sa isang mall at hindi naman siguro masama kung dadaan muna ako dun sandali bago ako pumunta kayna Mommy at bisitahin sina Cassy di ba. Mabilis kong ipinark ang kotse ko sa parking lot at pumasok sa loob ng mall una kong pinuntahan ang isang store ng mga branded na perfumes at napangiti ako ng makita ko ang favorite kong flavor and brand pomelo and cherry blossom hehe yan lang ang gusto ko eh walang basagan ng trip!.

"Hi! Ikaw si ate Sofie di ba?!" - Sabi ng kung sino man sa tagiliran ko kaya agad ko siyang hinarap at napangiti naman ako ng makilala ko kung sino siya si Jenelle step-sister ni Cassy kasama din niya si ate Christine.

"Hello!" - Nakangiting bati ko naman sa kanila kaya ngumiti din sila pareho sa akin.

"Sinong kasama niyo at bakit kayo nandito hehe?!" - takang tanong ko.

"Baka kasi gusto naming mamasyal!" - halatang sarcastic ang tono ni ate Christine pero di ko nalang pinansin.

"Ok lang bang samahan ko kami ate Sofie gusto ka din kasi naming makasama at makilala eh hehe!? " - tanong ni Jenelle kaya naman nginitian ko lang siya bilang sagot at mabilis niya akong hinila.

Kung saan saan kami nag punta at namili ng mga gusto namin inilibre ko na din sila hanggang sa di ko namalayan na gabi na pala kaya nag paalam na ako sa kanila at pagkatapos ay dumiretsyo ako sa bahay nina Mommy ng makapasok ako sa gate ay may narinig akong sigawan na nagmumula sa garden kaya mabilis akong nagpunta dun.


Nakita kong nagsisigawan si Daddy at yung step-mom ni Cassy samantalang si Cassy ay iyak lang ng iyak sa harap nila dahan-dahan akong nag lakad papunta sa malaking puno malapit sa kanila, kaya dinig na dinig ko ang sigawan nila nanginginig ang mga kamay at tuhod pati na rin ang mga paa ko habang nanonood sa kanila, kitang kita ko kung paano humahagulgol si Cassy sa harap nila pero patuloy pa din sila sa pagsisigawan.





"WALA KA PA DING KARAPATANG PATAYIN ANG ASAWA KO H*Y*P KA!" - Sigaw ng step-mom ni Cassy.






"WALANG KWENTA YANG ASAWA MO!"






"WALA KANG KASING SAMA!"





"MANAHIMIK KA NA SABI EH! KANINANG KANINA KA PA!"





"HINDI AKO TITIGIL HANGGAT DI KO NA KUKUHA ANG HUSTISYA PARA SA ASAWA KO IPAKUKULONG KITA!"







"ABA'T TALAGANG AYAW MONG TUMIGIL HA NGAYON HUMANDA KA DAHIL IKAW NA ANG SUSUNOD SA ASAWA MO!" -




Sigaw ni Daddy at biglang inilabas ang baril niya mula sa bulsa niya at nagulat ako ng walang alinlangang pinaputok niya yun at mabilis na humandusay ang step-mom ni Cassy, dahil sa gulat ay napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak pigil na pigil ko na mapa lakas ang paghikbi ko kasi baka marinig ni Daddy.



Matapos niyang gawin yun sa step-mom ni Cassy ay bumaling ang attention ni Daddy kay Cassy na walang tigil sa pag iyak kaya mabilis niya itong hinawakan sa braso at kinaladkad papunta sa loob ng bahay ako naman ay wala sa sariling umiiyak pa din, naisipan ko ng tumayo sa pinagtaatguan ko ng bigla akong nalalingon sa left side ko ng may marinig akong kaluskos ng halaman at gulat akong napatingin kay MOM!. 

Nagulat din siya ng makita niya ako lalapitan pa sana niya ako kaya mabilis akong tumakbo palabas at nagmaneho habang umiiyak nakakainis bakit wala siyang ginawa kung ganon kanina PA ding nanonood si Mommy sa kanila uuuugggggggghhhhh! Bwisit.


















++++++++++++++++++++++++++++



















Kinabukasan!.


Hindi ko alam kung bakit hindi na ako sinundan pa ni Mommy kagabi pero pagkauwi ko kagabi ay iyak pa din ako ng iyak hanggang sa makatulog ako.

Wala si kuya dahil may date sila ng girlfriend daw niya ako naman ay wala sa sariling umalis ulit ng bahay para puntahan ulit si Cassy sa bahay nina Mommy at hindi na ako nahirapan pa dahil naabutan ko siya sa labas ng Village na umiiyak at nakaupo na na kayakap pa sa mga tuhod niya.

Mabilis akong huminto sa harap niya at binuksan ang bintana ng kotse ko.

"CASSY GET INSIDE MY CAR!" - mabilis na sigaw ko sa kanya kaya naman tinignan niya ako habang humihikbi pa.

"A-ate Sofie hu hu hu hu -

"I SAID GET IN MY CAR NOW!" - inis na sigaw ko at mabilis naman siyang sumakay agad at mabilis ko ding pinaharurot ang kotse ko dahilan para mapakapit siya sa kinauupuan niya ngayon.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero isa lang ang lugar na mapupuntahan namin at alam kong nandun ang mga taong makakatulong sa amin ngayon sa Batangas!.

Ilang oras ang naging byahe namin bago kami makarating sa Batangas Province at nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa isang city na pinapalooban pa din ng Batangas Province malayo ito sa Tagaytay pero kinaya ko pa din patakbuhin ng ganong ka bilis ang sasakyan ko para kay Cassy.

"Sofie ikaw na ba talaga yan ang  laki laki mo na ah ang laki ng ipinagbago mo!" - namamanghang sabi ni tita Michelle tita Mitch for short hehe! Kapatid ni Mommy bunsong kapatid ni Mommy sa babae rather.

Napatingin siya kay Cassy na mamugto-mugto ang mga mata." O si Cassandra yan di ba anong nangyari bakit siya umiiyak at ano nga bang ginagawa niyo dito?" - takang tanong ni tita Mitch kaya naman yinakap ko siya at humagulgol sa balikat niya.

"Sus miyo! Ano bang nangyari bakit kayo umiiyak na dalwa may nangyari ba sa Mommy niyo ha, anong nangyari sabihin niyo sa akin!" - sunod-sunod na tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

"Si Daddy pinatay niya ang step-mom at Daddy ni Cassy!" - umiiyak pa ding sabi ko na ikinabigla ni tita Mitch.

Ikinwento ko ang lahat-lahat kay tita Mitch at galit na galit siya sa nga narinig niya.

"Ok lang ba na lumaban tayo Sofie?" - nag-aalalang tanong ni tita Mitch pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago sumagot.

"Sige po!" - mahinang sagot ko.

Nagmaneho si tita hanggang sa makarating kami sa Police Station ng Tagaytay, nanginginig ang buong katawan ko ng pumasok kami dun ang daming criminal sa jail malamang na di pa worst ang mga kaso nila dahil nandito palang sila sa city jail eh.

"Michelle tawagan mo si ate Icy ngayon na!" - utos ni tito Ralph asawa ni tita Mitch agad namang ginawa yun ni tita Mitch may mga dalwang pulis na babae naman ang lumapit sa amin at initerview kami pareho kaming nag kwento ni Cassy kahit sa pambubugbug sa kanya ni Daddy na child abuse ay ikinwento na rin namin magkalayo kami para di namin marinig ang kwento ng isat-isa pagkatapos ay biglang lumabas si tita Liza at salubong na salubong ang mga kilay niya ng makita kami lalo akong natakot dahil sa mga tingin niya.

"What are you doing here Cassy and Sofie?!" - talang tanong niya nanginginig pa din ang buong katawan ko dahil sa takot hindi ako makasagot.

"Sofiiiiiieeeeeeeee!" - napalingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses si tita Icy halata sa mukha niya ang pag-aalala yinakap niya kami ni Cassy at salubong ang kilay na humarap kay tita Liza.

"Nasan na yung h*y*p mong bayaw ha!, nasan na yan!" - malakas na sigaw ni tita Icy dahilan para lapitan kami ng iba pang mga pulis.

"please calm down!" - mahinahong sabi ni tita Liza pero bakas sa mukha niya na nainis siya kay tita Icy.

"What do you need to my brother? !" - malakas ang boses ni tito Ruth habang papalapit sa amin lalong bumilis ang heart beat ko.

"Yang kapatid mo killer! Tapos nambubugbog pa ng asawa at anak ilabas mo yang kapatid mong kriminal ha ano ilabas mo!" - sigaw ni tita Icy na dinuduro oa si tito Ruth ayan nag katapat na ang parehong matatapang.

"Ano bang pinagsasasabi mo, wag ka ngang mag-eskandalo dito ha at wag mong kakantiin maski sino man sa pamilya ko at magkakaubusan tayo ng lahi!" - pag babanta ni tito Ruth dahilan para lalong manggalaiti sa galit si tita Icy.


Ok ayan na parehas na matapang sa aking motherside and the other is father side let the world War 3 begins!.

" Ay sa p*t*ng-*na mo ako ang tinatakot mo ha! Hubarin mo yang uniform mo at hindi yan bagay sa iyo pulis ka at cheif pa sa buong pilipinas wow! Tapos yung kapatid mong kriminal pagtatakpan mo WOW UNBELIEVABLE!" - sarcastic na sabi ni tita Icy at may pagpalakpak pa natawa naman ang iba pang mga pulis sa paligid dahilan para mapahiya si tito Ruth.

" Ok fine, dadalhin ko dito ang kapatid ko pero sisiguruhin niyo na totoo ang pinagsasasabi niyo ha kung hindi ako mismo ang magkukulong sa inyong mag kapatid idadamay niyo oa ang pamangkin ko!" - Sabi ni tito Ruth habang nakatingin ng masama sa akin.

Natapos ang araw at kayna tita Mitch muna kami na tulog ni Cassy at kinabukasan ay nag punta na kami sa bahay nina Mommy at kumpleto silang lahat.

" Sofie ano bang ginawa niyo at bakit magkasama kayo nyan?" - turo ni kuya kay Cassy halatang galit siya. "At saan kayo nanggaling hindi ka naman dating ganyan ah, umaalis ng bahay ng walang paalam!" - galit pa ding sabi ni kuya, kaya kinabahan ako.

"Ano bang pinaggagagagawa mo sa buhay mo apo at sama ka ng sama sa bastrardang yan ha!" - Sabi ni Lolo at bakas ang galit sa kanya halos lahat ay masama ang tingin sa akin maging si kuya Vince.

"AT ANO ITONG NADINIG NAMIN SA TITO RUTH MO NA NAGPUNTA DAW KAYO SA POLICE STATION AT NAGDEMANDA DAW KAYO SA DADDYMO !" - malakas na sigaw ni Lolo kaya lalo akong kinabahan.

"Ta-tama po da-dahil cri-criminal ang a-anak niyo!" - nanginginig ang boses ko habang nagsasalita.

"Ganyan ka ba talaga ka walang galang ha! Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sayo Lolo mo yan at Daddy natin yun ok! Napasama ka lang diyan sa anak sa labas na yan nawala na ang mga pinag-aral-

" Lolo! "-sigaw ni ate Eunice dahilan para di matuloy ni kuya Vince ang sasabihin niya at napalingon kami pare-pareho kay Lolo bumagsak siya at nag kagulo ang lahat, mabilis ang kilos nilang lahat samantalang ako ay hindi alam ang gagawin kundi umiyak lang ng umiyak. Mabilis na humabol si kuya Vince sa kanila at pinigilan ko naman siya at ng tingnan niya ako galit na galit siya at nakakatakot ang mga tinging yun.

"Ku-kuya!" - naiusal ko at nag pa tuloy sa pag-iyak.

"kapag may nangyaring masama kay Lolo hinding hindi kita malalatawad tandaan mo yan!" - Sabi niya at ako naman ay napaupo at umiyak na sinundan siya ng tingin.


Akala ko ba hindi mo ako iiwan dito kalang sa tabi ko para pakinggan ako up or down man ako! Ano nang nangyari kuya!.














++Don't forget to vote, comment and share thank you! 😊😊..

Comment