CHAPTER 17

Question and answer portion



Sofie's P.O.V





"Iiiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhh I can't really recover I'm so very surprised to your performance with Ken!" - Nakatawang sabi ni Roxanne habang di ma pakali sa kalilikot dito sa tabi ko dito na sila na upo ng matapos kanina pa ang performance namin ni Yabang.

"Alam mo Sofie akala talaga namin kanina may nagasabutahe talaga sa performance mo kanina este niyo pala wahahahahhaa!" - Singit naman ni Moureene mula sa harapang upuan namin, kanina pa silang ganyan buhat ng bumaba kami sa stage ni Ken Yabang.

"Ang ganda ng pakulo niyo ah pinaka the best ang performance niyo yeeeeeeei!" - Pang-aasar naman ni Pia na nasa tabi ko din at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko ano ba naman yan kailan kaya titigil ang tatlong ito.

"Magsisimula na ang Q ang A portion!" - Singit ni Alexa at naglalakad na palayo para sabihan din ang iba ngayon isang candidates na lang ang lalaban 100 candidates kami lahat na yun pero 20 candidate's lang ang tatanungin mamaya at napagdisisyunan ng lahat na kami ni Ken ang lumaban dahil sa naging performance namin kanina.

Iba na naman ang suot kong dress ngayon pangatlong palit ko na ito kailangan kasi naming I-model ang mga ginawang mga dress ng mga students mula sa Dress Making Room.

Pinapunta na ang mga napiling mga candidates sa back stage para di namin marinig ang Question and answer nilagyan din kami ng headset para talagang secure akala mo naman manggagaya kami may originality kami noh!.

Nagsimula nang tumawag ng tumawag yung emcee mula sa front stage habang kami naman nabibingi sa malakas na music mula sa head set na nakasalpak sa tenga namin.

Umupo ako sa isang teachers chair na nasa di kalayuan sa amin nangangalay na kasi ako.

Umupo naman si Yabang sa tabi ko habang simangot na simangot kulang nalang maging magka-dugsong na ang mga kilay niya sa sobrang pag-kunot ng noo niya.

Bigla nalang siyang tumingin sa gawi ko kaya mabilis akong lumingon sa kung saan pero bigla nalang may humampas sa braso ko dahilan para sibangot akong harapin kung sino ang lapastangang gumawa nun.

"Inaano KITA!" - Sigaw ko pero parang di niya narinig dahil sa nakasalpak na headset din sa kanya bigla nalang bumuka ng dahan-dahan ang bibig niya dahilan para lalo akong mapasimangot di ko kaya siya marinig no kung may sinasabi man siya.

Sinubukan kong buuin ang pagbigkas niya dahilan para hampasin ko din siya sa braso ng sobrang lakas para kasing minumura ata niya ako based sa pagbuka ng bibig niya.

May sinasabi pa siyang kung ano ano habang nakahawak sa braso niya at iniinda ang sakit si Yabang kasi ito di malabong talagang minumura talaga niya ako kanina.

Bigla nalang tumingin si Ken sa likuran ko at may naramdaman din akong prisensya na kung sino man kaya nilingon ko agad siya at bumgungad sa amin ang nakangiting si Mrs. Bautista parang may sinasabi siya tapos tinuturo yung headset na nasa ulo ko tinanggal ko yun at dun ko lang narinig ng maayos ang sinasabi niya.

"Ngayon na kayo na ang tinatawag Good luck sa inyong dalawa sana masagot niyo ng maayos yung tanong wag kayong kakabahan ha huminga muna kayo ng malalim at isipin ng 10× yung isasagot niyo sige lumabas na kayong dalawa good luck again!" - Nakangiting sabi ni Mrs. Bautista habang sabay kaming itinutulak ni Ken palabas ng back stage papunta sa front stage.

Nakarating naman kami ni Ken at nauna siyang pumasok sa stage at sumunod naman ako sobrang tahimik niya kikabahan siguro pero binabasag yun ng sobrang kaingayan ng mula sa audiences.

"Hello Mr. Candidate please step here in front!" - sabi nung emcee habang may hawak na maiit na envelope siguro yun yung tanong mag-ka iba kasi ang tanong sa babae at lalaking candidate kaya ok lang kung makakasabay sila.

"Hmm Mr. Candidate naranasan mo na bang ma inlove?" - tanong nung emcee at agad na naghiyawan ulit ang mga audiences kailan kaya mamamaos ang mga ito kasisisgaw.

"Definitely Yes!" - Mabilis na sagot ni Ken at putik lalong lumakas ang hiyawan parang sampung beses na lakas kesa sa ibinibigay nila kanina.

"Oh! Really by the way here is your Question!" - sabi ulit ng emcee at this time tumahimik as in parang nagka-isa ang lahat sa sobrang tahimik feel ko magpadasal hehe.

"For your opinion when is the right time,  for you to love someone or to have some unexpected feelings for someone?" - basa ng emcee na nakasulat dun sa maliit na envelope at halata sa audience ang paghihintay ng sagot nitong si Yabang ang alam ko parang di pa naman talaga siya na-iin love kasi playboy ang isang ito at saka parang para sa kanya siguro isang laro lang ang pakikipag-relasyon sa isang babae.

"Thank you for thats so awesome question, hm! for me there's no right time for love, because it's automatically feels when you surely find the one at the time when you see him or her in your dreams,the time when you always thinking about her, at the time when you feel like you are so very lucky because you met her, at the time that you are automatically smiling when you remember her at the same time you can't see your future living without her and lastly the time when you are imagining her walking in the red aisle very happy  wearing her very gorgeous white gown and see your future in her eyes! "-sagot ni Yabang na para bang sobrang lapit lang sa kanya ng tinutukoy niya sa sagot niya kasabay ng huli nyang salita ang paglingon niya sa direction ko dahilan para mailang ako weird!

Sofie wag kang mag-aasume masasaktan ka lang play boy yan hoy!.

"Thank you for your very beautiful answer Mr. Candidate and now Miss. Candidate please step here in front!" - Sabi nung emcee at ibinaling ang tingin sa akin agad naman akong lumapit sa emcee ng hindi nililingon si Ken ang weird kasi niya.

"You are so very beautiful Miss. Candidate!" - sabi nung emcee dahilan para mailang ako ngumiti lang ako sa kanya at sinuklian din naman niya yon.

"Ok Miss. Candidate may naging experience ka na ba o dumating na ba yung time na may nagawa kang mali na di mo makalimutan at iyong pinagsisissihan?" - tanong niya dahilan para mapa-isip ako at tumingin sa kung saan hm kasi yun namang ginawa ko ay tama na di ko dapat pag-sisihin pero di ko mapigilang di pagsisihan kinakabahan tuloy ako sa tanong.

" Hmm maybe when I was young, but I don't remember that I have!" - sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Ok Miss. Candidate here is your question! If you have a chance to to come back in the past when is it and why?" - tanong nung emcee dahilan para manginig ang mga kamay ko di ko kasi alam kung dapat ko bang isagot ito kasi alam ko namang di talaga mangyayari bahala na.

Huminga ako ng malalim at pumikit pag bukas ng mga mata ko nakita Ko agad si Ken na nakataas ang kilay na para bang sinasabing ayusin mo ang sagot mo inirapan ko lang siya at napalingon ako sa gawi nina Alexa at tita Icy kasama nasa likod nila si Charles na may Maka fairytale na pangalan todo ngiti ito at parang sinasabing kaya mo yan ganon din ang pinahihiwatig ng mga ngiti nina tita Icy.

"Thank you for that wonderful question, siguro po kung bibigyan nga ako ng chance na makabalik sa nakaraan siguro pipiliin ko yung time ng 90s kung saan ang mga kabataan ay disiplinado walang napapa-a gang magbuntis kung meron man ay kaunti lang yung oras na kung saan buhay pa ang mga ilog at nagtataasang puno sapagkat nais ko ding maranasan kung ano ang mga bagay na nilikha para sa atin ng may likha sapagkat ngayon sa panahon natin di na pag-agos ng tubig sa ilog ang ating naririnig kundi busina ng mga sasakyan wala ng matatas na puno na pinalitan ng mga mapanirang pabrika sariwang hangin na pinalitan ng mga usok mula sa mga pagawaan yun ang natatamasa natin ngayon di tulad noon kaya yun po yung oras na nais kong balikan! "-sagot ko at agad na nagpalakpakan ang mga audiences teka parang di yun yung asa isip ko kanina ah about yun sa family ko pero bakit yun yung ibinuka ng bibig ko hayaan na nga bahala na at least may sagot.

Bunaba na kami ng stage at agad na sumalubong sa amin sina tita Icy at sina Roxanne.

"Yes pwede ka nang kumandidata bilang mayor!" - sabi ni Pia sabay angkla sa braso ko at agad ko siyang tiningnan.

"Sige ba basta ako iboboto mo" - natatawang sagot ko dahilan para magtawanan nalang kami na parang kami lang ang tao dito.

"Iba Yung ini-expect kong isasagot mo yun pala pang mayor yung sa sagot mo wahahahahah!" - singit ni Alexa totoo naman di dapat yun yung isasagot ko dapat yung mga panahong masaya kami ng pamilya ko yun dapat pero bakit ba yun yung naisagot ko siguro kasi yun yung topic namin sa Araling Makabayan achu chu.

" Good job! "-sabi ni tita Icy dahilan para mapangiti ako siguro kung nandito siguro si kuya Vince kasing proud nila siya siguro mas proud pa siya kesa sa kanila sinisigaw na sana nya na kapatid ko Yan wooooooh kapatid ko yan!

Pero wala eh wala siya dito at hinding-hindi na mangyayari yun di na kami bablik sa dati.









++Don't forget to vote, comment and share thank you! 😊😊...



Comment