CHAPTER 5


Sofie's P.O.V.





Natapos na ang klase namin at ngayon nasa canteen na kami nina Pia kanina pa kaming nakatambay dito at nagchichikahan.





Nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong binuksan ito may notification ako sa FB account ko nag post si Alexa sa page ng SSG.




At nakacaption ng my group members group one binasa ko ito ng malakas para madinig na din nitong si Roxanne habang nakikipagharutan siya dito kay Laurence.




"Anong meron?!" - Tanong ni Roxanne habang nakahawak sa phone niya tumunog din siguro pero ayaw niyang buksan haysssst! tamad talaga.




"Naka-post na ang mga napiling members nina Alexa at ni Yabang!" - May diin ang sambit ko dun sa huling word na sinabi ko.




"Ok eto yung members ni Alexa makinig ka" - Sabi ko at nag scroll ng scroll sa phone ko.



"Nicky De Lasalas the treasure"

"George Montimayor the Piece Officer"



"Roxanne Claire De Villa  the muse!" and last but not the least your BF talagang Pinagsama talaga ha! " - Malakas na sabi ko na ikinatawa nila abay! talaga naman.




Kung wala ako sa members ni Alexa meaning to say member ako ni Yabang ano ba naman yan pahihirapan lang ako ng isang yun eh!


" So ibig sabihin nito magkasama kayo ni Ken kasi hindi ka member ni Alexa Hmmm!" - Singit ni Pia habang kunwaring may ibang iniisip tss! napaka-active talaga nitong isang toh! kapag mang-aasar .

"Ay hindi halata kaya nga wala ako sa listahan ni Alexa di ba!" - Sarcastic na sabi ko habang nakatingin sa phone ko bakit ba kasi naging member pa ako ng bakulaw na to eh!

"Ok Good luck na lang sa inyo ng leader mo sana magkaintindihan kayo para sa gagawin niyong preparation sa event na gagawin niyo next weak matirang matibay" - Pang-aasar ni Pia kilalang-kilala na kasi talaga ako ng isang ito alam niyang lagi lang din kaming nag-aaway ni Ken kahit ilang oras palang kaming magkasama.

Dun ko na lang napansin na time na pala para sa next subject namin pero hindi na kami umatend ng klase kasi busy din naman ang mga teacher's para sa magaganap na meeting.

Lumapit sa akin yung Public Information Officer (P. I. O) Ng SSG at ngumiti, siguro ka group mate ko siya dahil hindi ko nakita ang pangalan niya sa list ng members ni Alexa.

"Hello po Miss. Secretary sinabi po ni Mr. President na sa Math club daw po tayo mag-meeting" - Panimula niya at ngumiti napaka pormal naman niyang makipa-usap sabagay parang ako lang naman ang estudyante dito na matigas ang ulo na hindi ganyan makipa-usap dito sa Campus hehe!

"Sige uuna na ako sa inyo" - Pag-papaalam ko sa kanila at sumunod na dun sa P.I.O. Haha hindi bagay sa akin na magsalita ng pormal mas gusto ko kung paano ako magsalita.

"You are already 5 minutes late!" - Panimula ni Yabang habang nakatingin sa relo niya nakaupo na ang lahat sa mahabang meeting table at hawak ang mga laptop nila oo nga pala, kailangan lagi may laptop kapag may meeting ano ba yan Sofie naiwan ko kasi laptop ko sa bahay sabagay di na siguro mapapansin yun ng Yabang na toh wala naman kasi siyang pakialam.

"Based on my meeting with Miss. Vice President and Mr. Principal and our SSG Advicer we need to manage our time this following days because this event is so very important for the sake of our University!" - Pag-papaliwanag niya grabe parang napakalaking event naman nito ano bang meron at first week ng school year magiging busy na naman kami bwisit dapat wala pa kaming gaanong ginagawa sa ngayon eh bakit ba naman kasi August ang pasukan dito!

" Miss. Business Manager you will be a sign to the  decorate of our booth place ok" - Sabi ni Yabang at agad namang ngumiti yung Babaeng tinawag niya Miss. Business Manager halata na kinikilig siya mukhang mas mataas ang Grade level niya sa amin dahil dun sa color ng Ribbon sa uniform niya.

Inasign niya na yung iba pang members namin at ng napansin kong lahat nabigyan na niya ng mga gawain ako na lang ang wala mukhang makakalibre pa ako ng gawain dito ah. Yehey!

"Miss. Secretary you will be a sign for buy anything that we need in our booth place with me!" - Sabi ni Ken na ikinagulat ko ano daw with him!. Putik!

"Kaya ko namang mamili mag-isa hindi ko kailangan ng kasama" - Mahinahong sabi ko habang diretsyo ang tingin sa kanya kaya lang ang hirap tumagal sa pakikipa-eye contact sa kanya naiilang kasi ako.

"I already discussed everything that we need that's all for now!" - Sabi niya na para bang hindi narinig ang sinabi ko bingi ba toh!

Naglabasan na ang mga ka group mates ko nakaupo pa din si Ken habang may kung anong pinpindot sa laptop niya.

Lumakad ako palapit sa kanya at huminto sa gawing kanan niya pero hindi niya ito pinansin.

"What do you need?!" - Tanong niya habang nakatingin pa din sa laptop niya at nag pinpindot.

"Hindi mo na kailangan sumama sa pamimili ako na lang kaya ko naman" - Sabi ko at huminga siya ng malalim bago magsalita.

"You don't have any authority to tell me what I need to do, I am the president so just follow what I have discussed!" - Sagot niya na may diin na sa mga boses, ok heto na naman po kami kaysa makipag-away sa kumag na to nag-kibit balikat na lang ako at malungkot na lumabas ng Math Club sa kaunaunahang pag kakataon napigilan ko ang sarili ko na hindi makipa-away Self congrats may na achieve ka na namang goal kaya lang nakapanliliit ng sarili kasi parang talo ako ngayon kasi siya ang huling nagsalita yun kasi ang batayan ko kapag nag-aaway kami kung sino ang unang tumigil sa pagsasalita siyang talo.

Napatigil ako ng may marinig akong tunog mula sa isang hall malapit sa akin madilim dun kasi ang alam ko Storage yun ng Campus kahit hindi ako sure kung anong meron dun lakas loob pa din akong nag lakad palapit dun.

Nakita ko si Laurence! Si Laurence ba yun? at isang babae na nag hahalikan pero sure akong hindi si Roxanne yun lumapit pa ako ng kaunti para matiyak kung sino yun pero hindi ako pwedeng mag kamali si Laurence nga! pero bakit niloloko ba niya si Roxanne bigla na lang may pusang tumalon sa harap ko dahilan para mahulog yung bote sa tabi ko na nasagi ko nabigla sina Laurence kaya agad silang napatingin sa gawi ko pero agad akong nakapagtago.

"Sinong Nandiyan?!" - Dinig kong sigaw ni Laurence na parang papalapit sa akin kaya agad akong tumakbo mabilis ang pag takbo ko at halos liparin na ang buhok ko dahil sa hangin.

Hindi ko alam kung paano ito sasabihin kay Roxanne ang gulo hindi mag-sink in sa utak ko ang nakita ko sabagay magkavibes nga naman sila ni Ken kaya ano bang ipinagka-iba niya sa leader nila. Kainis.

Ramdam ko na malapit na akong abutan ni Laurence kaya lumiko ako sa isang hall way nabigla ako ng bigla na lang  pagbukas ng pinto ng library at hinatak ako ng kung sino papasok dito at isinandal ako sa pader.

Nasa harap ko siya at sobrang lapit namin sa isa't-isa hinihingal pa ako at nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pag takbo tumingala ako at dun ko lang nakilala ang isang ito si tukmol! Na may Maka-fairy-tale na pangalan.

"Anong! -

" Ssshhhhhhh! "-Pag-putol niya sa sasabihin ko at tinakpan ang bibig ko pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko pero natigil din yun ng may marinig akong mga malalakas na yapak mula sa labas ng library.

" Hindi ka kasi nag-iingat sino kaya yun ?!-Dinig kong paninisi nung boses babae kay Laurence at halata pa ang pagkahingal sa boses nito.

Familiar yung boses niya saan ko nga ba narinig yun! ah basta kung sino man siya bahala na siya alam kong nakikiya nitong si Tukmol yung dalawa  sa labas mula dito pero mukhang hindi naman niya kilala ang mga ito dahil nga transfer lang siya dito.

Nang maramdaman kong nakalayo na sila agad kong hinampas ang kamay nitong si tukmol na nasa bibig ko.

"Aray! Why did you do this to me ?!" - Tanong niya habang hinihimas ang namumula niyang kamay.

"Ang tagal mo kasing bumitaw ano ba kasing ginagawa mo pa dito eh kanina pang pinalalabas lahat ng estudyante ah" - Sabi ko sa kanya at tinulak siya para medyo mapalayo siya sa akin sobrang lapit na kasi eh..

"ikaw what are you doing here di ba kanina pang tapos ang meeting ng SSG. At bakit ka hinahabol ng mga yun may kasalanan ka no am I right!" - balik na tanong niya habang nakahawak sa bewang ang dalawang kamay.

Lumabas na lang ako at hindi na siya sinagot pero nabigla ako ng makita si Yabang sa harap ng labas ng pinto ng library nakata-as ang isang kilay nito na para bang may ibang iniisip na ginawa namin sa loob kami nalang kasi ang nandun.

"Teka mali ang nasa isip mo wala kaming ginawa sa loob-

" You don't have need to explain because I don't care! "-Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko bakit ba kasi nag-I explain nga ako  sa kanya,sabagay ano nga naman ba ang  paki-alam niya sa ginawa namin sa loob.






























++Don't forget to vote, comment and share thank you ! 😊😊...

Comment