CHAPTER 33

Alexa's P.O.V




"Bye Mom I'll go ahead see you later!" - Sabi ko kay Mommy hindi na ako nakapag pa-alam kay ate Sofie dahil tulog pa siya
late na din kasi kami nakarating kagabi pero ang alam ko ay walang pasok ngayon ang lahat except sa Students Council marami kasi kaming pag mimeetingan at saka din yung mga varsity ng Campus ay ipinatatawag na din.

Nagvibrate ang phone ko at agad ko itong tiningnan.

Roxie is calling...

"Hello!" - I answered my phone Roxie is my friend and my classmate.

[Alexa pwede paki bilisan mo kasi itong classmates natin umiiral na naman ang katamaran!]

[Tss! Ok I'm on my way? "]

I answered and ended the call.

Nakarating ako agad sa Campus at mabilis na magpunta sa classroom namin at nangunot ang noo ko ng makita ang sitwasyon nito.

" HOY! MGA PUTAKTE KAYO MAG SIPAG LINIS NGA KAYO! "-sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng pinto ng room.

"Edi ikaw mag linis!" - lalo akong nainis ng may bumulong mula sa likod ko inis ko siyang nilingon si John Lewis (Jonjon) mortal kong kaaway anak siya ng adviser namin at napaka yabang.

"Hindi ka naman kausap ikaw ay manahimik!" - inis na sabi ko sa kanya nagtinginan naman sa amin ang buong klase at mga ka barkada niya na sina Laurence ka barkada din niya si Ken pero minsan lang ito sumama sa kanila.

"Ikaw ba ang kinakausap ikay t*nga di ka naman kausap!" - buong pa din niya habang nakatitig at patuloy sa pagpipindot sa phone niya.

"Hayan na naman sila!"

"Hala patay mag-aaway na naman si Alexa at Jonjon!"

"500 ako kay Alexa!"

"Ako kay Jonjon!"

Lalo akong nainis dahil sa bulungan ng classmates namin.

"Ikaw Jonjon hindi porket anak ka ng adviser natin di ka na kikilos akala mo naman papasa ka dahil anak ka ng adviser mag linis ka din!" - pilit kong pinahihinahon ang sarili ko ng sabihin ko yun.

"Eh kung ayaw ko!" - sagot niya.

Instead of waisting my time to fighting with him I go to the storage room and get the cleaning materials and I starting to clean the room some of our classmates are helping me.

Natapos kami sa pag lilinis ng classroom may janitor naman kami pero sa tuwing umaga ay parang laging pinagsayawan ng mga lasing ang classroom namin dahil sa mga kaklase ko dito na din kasi gumagawa ng homework ang iba kapag di nila na gagawa sa bahay nila.

"Alexa ang kalat na naman sa labas kinalatan ni Jonjon!" - sumbong sa akin ni Axel gwapo siya at alam kong bakla siya di nga lang siya kagaya ng ibang bakla na halata talaga tahimik lang siya at madalas siyang bullyhin nina Jonjon yan pang sina Jonjon na yan sertified bully ng campus kainis.

Lumabas ako na may hawak na folder nasa corridor sila na ka sandal sa pasumano na akala mo ay nasa kanto lang kumukolo ang dugo ko ng makita ang kalat sa sahig puro basura.

"JON JON WALA KA BA TALAGANG MAGAWA SA BUHAY MO HINAYUPAK KA!" - Galit na galit na sigaw ko.

"Ano naman ngayon sayo ikaw ba mag lilinis!" - pamimilosopo niya.

"What the fuck! JON JON ISA PA!" - sigaw ko ulit malayo ako sa kanya at alam kong magkakarinigan naman kami kahit hindi ako sumigaw na inis lang talaga ako.

"Sabi mo ha isa pa sige ikaw bahala!" - sagot niya at nagtapon ng lukot-lukot na basura sa sahig ulit.

"Pfffffffttttt! Wahahahahah!"

"Heto na humanda na kayo para sa world War 3!"

Huminga ako ng malalim at pumikit para pakalmahin ang sarili ko pero di ko na nagawa ng makita ko si Jonjon na natawa na.

"TALAGANG NANGIINIS KANG H*YUP KA!"-sigaw ko habang dinuduro siya.

"Pikon ka kasi!" - Sabi niya at mabilis na tumama sa mukha niya mismo ang folder na hawak ko di ko na kinaya yan si Jonjon di ka titigilan hanggang di ka napipikon lagi niya akong natatalo sa salitaan kaya naman minsan di ko na mapigilan at nakikipagpisikalan na ako.




"Ouch! Sapul!"


"Hala 3 points!"

"Pwede nang maging shooter si Alexa!"


"Nice shot!"

Natigilan ang lahat dahil sa ginawa ko maging si Jonjon bago siya tumingin ng masama sa akin at magkuyom ang kamao niya namumula din siya sa galit mabilis siyang lumakad palapit sa akin at akmang susuntukin na niya ako ng bigla nalang umalingawngaw ang isang pamilyar na boses.

"ENOUGH!" - Sigaw ni Mrs. Reyes Mommy ni Jonjon na adviser din namin.

Ano ka ngayon diyan Jonjon sige ngayon ka mag matapang!









++++++++++++++++++++++++++++



Sofie's P.O.V

"Kamusta ang date niyo ni Ken kagabi nakaka kilig kayo ah at saka ang gwapo talaga ng pinsan mo Sofie akalain mo kuya mo pala ang president ng stockholders ng campus na ito wow big time!"-Sabi ni Moureene alam nila dahil halos lahat ay alam na nila sa akin.

Kararating ko lang ngayon sa classroom namin at kaunti lang ang students sa campus mga varsity, cheering squad, members ng Ibat-ibang subject clubs Students Council members at kung sino sino pa nag bigay kasi ng break muna para sa mga estudyante ang principal kaya kami lang dahil ang sabi ay next month na daw magaganap ang mga Sports competition sa iba't-ibang University's kasali ako sa dance troupe at iba pang clubs kaya ako nandito isa pa secretary din ako ng students council paano ko ba maimamanage ang oras ko nito tsk! Tsk!.

"Hi! Sofie!" - bati ni Charles.

Nginitian ko lang siya.

"Anong ginagawa mo dito bukas pa naman mag-start ang practice ulit natin sa dance troupe ah!" - takang tanong ko sa kanya.

"Varsity team na siya di mo pa pala alam!" - si Pia ang sumagot.

"Huh?! Ano namang sports ang sinalihan mo!" - Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin "Basketball!" - mabilis na sagot ni Charles.

"Talaga lang ha!" - natatawang sabi ko.

"Guy's birthday ko next week punta kayo sa bahay pool party gusto mo sama mo si Ken Sofie na invite ko na din sina Alexa" - singit ni Roxanne di sila close ni Alexa pero naging mag classmates din sila noon.

"Sure!" - sabay sabay naming sagot nina Moureene.

"Oh my God ang gwapo talaga niya hihi!"

"Papunta siya dito!"

"Hala Sana ako nalang ang girlfriend niya!"

"Iiihhhhhhhhhhhh! Ang sweet talaga niya may pa chocolate talaga!"

Bulungan ng mga classmates namin na nakatingin sa labas kaya agad kaming humarap dun.

Si Ken kasama si George,Steaven, Austine, at Khiel. Mga natitirang members ng group niya wala ang iba siguro di na kasali sa mga sports or anumang clubs sa campus ang iba naman ay inalis na ni Ken sa group niya. Lumapit ako sa kanya at ngumiti na para bang kami lang ang tao dito.

"Hi! Babe, makakapanood ka ba ng practice namin later?" - Nakangiting tanong niya.

"Hindi ko alam Babe eh! marami kasi akong gagawin sa mga clubs na kinabibilangan ko eh, I can't promise but I will try" - sagot ko sa kanya.

"Ok I understand, pero hihintayin kita para ganahan ako sa practice" - sabi niya napatawa naman ako.

"Sus nambola ka pa!" - Sabi ko at hinampas siya sa braso.

"Ang sweet naman nila!"

"Sana ganyan nalang din ang boyfriend ko sa akin!"

"Sana ganyan ang girlfriend ko sa akin!"

"Totoo naman eh! Oh! This is for you!" - Sabi niya sabay abot sa akin ng box ng chocolate.

"Thanks ikaw talaga!" - nakangiti kong kinuha ang chocolate sa kamay niya. Napatingin ako kay George at nagngitian nalang kami ang sabi sa akin ni Alexa noon ay inalis na siya ni Ken sa group niya kaya lang sinabi ko kay Ken na wag na kaya ibinalik na niya ito alam ko kasing best friend talaga ang mga ito sa grupo kasi ni Ken itong limang ito ang solid nag sorry na din naman sa akin si George noon at naging ok na din kami.

"Ang sweet niyo naman kaya pala ang daming langgam oh!" - Sabi ni Pia at nagpapadyak na parang may inaapakang langgam sabay sabay namang nagtawanan ang lahat maging kami ni Ken.

"Sus! Wala ka lang lovelife!" - Sabi ni Austine at nagtawanan na naman kami sinamaan lang siya ng tingin ni Pia.

"Hi! Roxanne!" - Bati ni Austin kay Roxanne nginitian lang siya nito, alam kong may crush si Austine kay Roxanne sinabi sa akin ni Ken at pansin ko naman.

"Oo nga pala Ken Birthday daw ni Roxanne next week pwede ka ba?" - tanong ko.

"Sure why not!" - sagot niya.

"Kung gusto mo isama mo na din sila!" - Sabi ni Roxanne na ang tinutukoy ay sina Steaven.

"Talaga!" - Nakangiting sabi ng mga ito.

"Yes!" - sagot ni Roxanne.

"Tara sabay sabay na tayo pumunta sa court di ba dadaan naman kayo dun!" - Sabi ni Charles.

"Tara na!" - Pag-aaya ko kay na Ken at sabay sabay na kaming nag lakad.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nagsalita na si Pia.

"Ngayon ko lang naisip sino nga pala ang unang nag confess ng feelings sa inyong dalawa?" - sabi ni Pia habang parang intiresado talaga sa isasagot namin ni Ken.

"Si Ken!" - tipid na sagot ko.

"Ayos yan bro!" - Sabi ni Khiel.

"Alam mo Sofie halata namang gusto talaga niyo ang isa't-isa noon pa eh ang slow mo lang talaga wahahhahaah!" - pang-aasar ni Pia.

Inirapan ko lang siya.

"Eh sino nanligaw?" - takang tanong ni Roxanne. Kaya nagkatinginan kami ni Ken.

"Wala nung nagkaaminan kami, tapos na yun na yun!" - sagot ko sa kanila.

"Lupet mo bro!" - Si Austine.

"Basta ang alam namin mahal naming pareho ang isa't-isa!" - sagot naman ni Ken kaya napangiti ako.

"Sabagay kung ako din naman mag kakilala na naman kayo noon pa!" - Sabi ni Pia.

Nakarating na kami sa may court kaya naman iniwan na namin sina Ken dun kasama si Charles ako naman ay nag punta na sa Math club si Pia ay Sa cheer dance room at si Roxanne at Moureene ay nasa kanikanilang mga subject clubs.

" Miss. Natividad ikaw at si Mr. Gonzales ang ilalaban para sa math competition next month!" - bungad ni Miss. Park adviser ng Math club. Si Ace ang tinutukoy niya first section at talagang matalino siya.

"Pero kasi po Ma'am may Dance troupe at ibang clubs pa po kasi akong imamanage eh di po ba pwedeng iba nalang" - nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Sorry Miss. Natividad pero kasi kailangan talaga ikaw ng Math club wala na kasi kaming mapili eh oo matatalino naman yung mga members natin but ikaw na kasi talaga ang panlaban noon pa eh!" - Sabi niya kaya wala na talaga akong magagawa.

"Ok po!" - tipid na sagot ko paano na to.

"Thank you talaga Miss. Natividad sige aayusin ko lang ang mga papers na irereview niyo ni Mr. Gonzales!" - masayang sabi sa akin ni Miss. Park at umalis na.

Tinapos ko lang ang mga dapat kong tapusin at dumiretsyo sa Dance room at inayos ang mga gamit ko dun pagkatapos ay dumiretsyo ako sa Theater club at ichineck ang mga pumasok na members pagkatapos ko sa lahat ng mga kailangang gawin sa mga subject clubs na kinabibilangan ko ay dumiretsyo ako sa English club para sana sunduin si Roxanne at masundo na namin sina Pia pero nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad ko ay na tanaw ko na agad silang tatlo na nagtatawanan.

"O Sofie tara na sa Canteen!" - Sabi ni Roxanne.

Naglalakad na kami papunta dun at sakto namang labas ni Ken sa Canteen may hawak siyang snacks at drinks nakangiti siyang lumapit sa amin.

"Dadalhan pa sana kita sa Math club nito kasi akala ko nandun ka pa tara na mag snacks tayo dun nalang din kayo sa table namin" - sabi niya at sumunod naman kami sa kanya kasama na niya sina Charles at sina Austine na nagkukwentuhan sa table nila.

"Close na kayo ah!" - natatawang sabi ko.

"Sofie isinali na nga pala namin si Charles sa Maskateers ngayon lang namin siya ni register sa Office ok lang naman sayo di ba?" - Nakangiting tanong ni Ken.

"Oo naman bakit hindi at mas ok nga yun nadagdagan pa members mo" - sagot ko.

"May gagawin ka pa ba mamaya?" - tanong ulit niya ng maka-upo na kami sa table nila.

"Wala na" - sagot ko kaya lumapad ang ngiti sa kanyang nga labi.

"Makakapanood ka pala ng practice namin!" - masayang sabi pa din niya.

"Yes sama ko sila!" - Sabi ko sabay turo kayna Roxanne.

"Ok lang ako wala na din naman akong gagawin mamaya tapos na ang cheer dance practice namin kanina" - sabi ni Pia.

"Me too!" - sabay a sagot ni Roxanne at Moureene.

"Edi OK madaming magchicheer sa amin hehe!" - Sabi ni Ken.

Nagkwentuhan lang kami at kumain pagkatapos ay dumiretsyo na kami sa Court para manood.

Nagsimula na silang mag practice at nanood na kami ng Maka three points si Ken ay agad na sumigaw kaming apat at natawa naman sina Ken.

Ang gagaling nila pati si Charles oo magaling din pero mas magaling ang Ken ko hehe!

Nang makashut ulit si Ken ay agad akong tumayo para sumigaw na naman.

"WOOOOOOOOOOOOOOH! GO BABE GO BABE!"

"GO CHARLES, GO CHARLES!" - Kunot noo akong tumingin kayna Roxanne ng pare-parehas sila ng isinigaw.

"Bakit na kay Charles na ang boto niyo ngayon di ba si Ken ang sinusupport natin dito?!" - inis na tanong ko sa kanila.

"Duhh! Sofie kaibigan na din natin si Charles at magaling din naman siya kaya dapat lang na icheer din natin siya no!" - Sabi ni Moureene sabagay tama naman siya.

Nang mag break sila ay agad na inabot ko kay Ken ang towel at tubig niya.

"Sweet talaga ng Babe ko Kaya ginaganahan ako eh I love you Babe!" - Sabi ni Ken.

"Oo na bilisan mo na!" - Sabi ko at pinunasan siya.

"Mag I love you too ka muna!" - nakapout na sabi niya.

Nagtinginan sa amin sina Charles at para bang inaabangan ang sasabihin ko.

"Hayyyssst! Sige na I love you too na ok ka na happy!" - sarcastic na sabi ko.

"Ayeeeeeei!" - pang-aasar ng lahat maliban kay Charles di ko nalang pinansin at nakitawa nalang kay Ken.

Hayyyssst! Akala mo naman ang mga ito kami lang ang mag boyfriend at girlfriend na nag sasabihan ng I love you tsk! Tsk! Tsk!.

Pero paano ko nga imamanage ang oras ko ano ba naman yan kaya mo yan Sofie kaya mo yan!.








++Don't forget to vote, comment and share thank you!

Comment