CHAPTER 43


Sofie's P.O.V

End of Flash Back***


"At hindi ko alam na yun na ang pinaka masakit na yugto ng buhay ko hu hu hu hu!" - Sabi ko habang umiiyak yinakap naman ako ni Ken.

"Ssshhhhh! Sofie it's ok everything will gonna be ok Mmmm!" - pagpapatahan niya sa akin kaya pilit kong inayos ang sarili ko para makapagsalita na ulit hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa posisiyon namin at nagkukwentuhan, ang alam ko lang ay nandyan siya para makinig.

" Ang nakakainis pa ni isa sa father side wala akong naramdaman ni isa na kakampi ko!" - humihikbing sabi ko at nagpatuloy na naman sa pag-iyak.



Flash Back***


Naglalakad ako sa papunta sa isang hall way ng hospital at sa isang room nakita ko sa tapat ng pinto ay nakaupo si kuya Vince sa isang waiting area sa labas ng room at sa pagkakaalam ko ay kay Lolo na siguro yun, hinihilamos ni kuya Vince ang mukha niya saka hihinga ng malalim.

Nilapitan ko siya at agad naman siyang tumingala ng maramdaman ang presensya ko galit na galit siyang nakatingin sa akin at napaatras pa ako dahil dun ngayon ko lang nakita ang mga tinging yan bukod kanina iba ngayon.

Tumayo siya at hinawakan ako ng mahigpit na mahigpit sa mga balikat ko oo nasasaktan ako pero di ko magawang ikilos ang katawan ko dahil natatakot ako.

"Kapag may nangyaring masama kay Lolo hinding-hindi kita mapapatawad tandaan mo yan!" - halatang pilit pinahihinahon ni kuya Vince ang sarili pero baka sa mukha niya ang sobrang galit at diretsyo siyang nakatingin sa mga mata ko dahilan para manlumo ang buong katawan ko.

Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko, hindi ako sanay na ganito kami ni kuya kainis!.

At bigla nalang nagtakbuhan ang mga nurses at doctor sa room ni Lolo at umiiyak na lumabas dun si ate Eunice at nakita ko mula sa bintana kung paano asikasuhin ng doctor at nurses si Lolo mabilis ang bawat kilos nila dahil mukhang critical si Lolo.


"KASALANAN MO ANG LAHAT NG ITO!" - Sigaw ni ate Eunice habang dinuduro ako.


Umalis si kuya Vince at sinadya niya oa akong sagiin sa balikat.

Nilingon ko siya at hinabol ko siya pero hindi ko siya maabutan dahil sobrang bilis niya bakit ba kasi sobrang tangkad niya!.

" KUYA please maniwala ka naman sa akin di ba ikaw na ang nagpalaki sa akin at ikaw na ang halos nakasama ko mula pagkabata ko kaya dapat mas maniwala ka sa akin, dahil mas kilala mo ako kesa sa kanila!" - Sigaw ko habang pa tuloy sa paghabol sa kanya.



Humarap siya sa akin at walang kahit na anong expression ang mukha niya at dahil dun nakaramdam ako ng sobrang lungkot para bang wala siyang pakialam sa akin.


" Alam mo minsan akala natin kilalang-kilala na natin ang isang tao dahil sa tagal ng pinagsamahan natin pero maling mali pala tayo kung yun ang iisipin natin!" - cold na sabi niya sa sobrang cold siguro mag yeyelo na sa pinas. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pag-iyak.

" pero nag promise ka di ba na parati kang nasa tabi ko at pakikinggan mo ang mga paliwanag ko kuya naman oh! "-umiiyak pa ding pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Sorry pero hindi totoo yun, wag ka kasing basta-basta kung magtiwala kaya ka nagkakaganyan eh! Basta kapag may nangyaring masama kay Lolo hindi kita mapapatawad!" - Sabi niya at tuluyan ng umalis ako naman ay nagpatuloy sa pag-iyak.



















Tatlong araw na ang nakalipas mula noon at ngayon ay sa bahay ng mga lola ko sa side ni Mommy ako tumitira muna para makapagpahinga muna kaming lahat, alam ko kasing kung uuwi ako sa bahay namin nina kuya Vince mag-aaway at mag-aaway kami at ayaw ko ng ganun.



"Sofie may sasabihin sana ako sayo pero wag kang mabibigla ha!" - mahinahong sabi ni tita Mitch pero kinakabahan ako.

"A-ano po y-yun?" - nauutal na tanong ko dahil kinakabahan ako baka kasi may connect to sa family ko.

"Your Grandfather is dead!" - Para akong na bingi sa sinabi niya at ayaw mag function nun sa utak ko mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata ko hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko basta ang alam ko lang gawin ng mga oras na ito ay ang pag-iyak ng pag-iyak.


" pwe-pwede p-po ba na-nating bi-bisitahin si-si lo-lolo?" - patuloy ako sa pag-iyak habang nauutal na sinabi yun.


"Sige!" - mabilis na sagot ni tita Mitch at agad naman akong tumayo at pinahid ang mga luha ko.

"Ate Sofie pwede ba akong sumama?" - mabilis na tanong ni Cassy kaya tinanguhan ko lang siya mabilis kaming naligo at nagbihis ni Cassy at pagkatapos ay nag madali kaming pumunta sa bahay nina Mommy pero di dun nakaburol si Lolo kaya nag punta kami sa bahay nina Lolo at nasa labas palang kami ay kitang-kita na ang mga tao labas at loob ng bahay nina Lolo.

Bumaba ako ng kotse ko at dahan-dahang humakbang palapit sa gate ng bahay nina Lolo napakabigat ng bawat hakbang ko at sa tuwing papalapit na ako ay parang gusto ko ng umatras dahil ang lakas ng pintig ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit tsk!.

"Ate Sofie ok ka lang ba?" - tanong ni Cassy habang nakahawak na pala sa balikat ko.


"Always!" - nag pilit ako ng ngiti at ganun din siya pati si tita Mitch pero sa loob ko hindi, hindi ako ok sabog na sabog ang utak ko.



"ANONG GINAGAWA NIYO DITO ANG KAKAPAL DIN NAMAN NG MUKHA NIYO!" - malakas na sigaw ni ate Eunice kaya agad na nagsipagtinginan sa amin ang mga bisita.


"Ate Eunice calm down!" - singit ni Mic. Mic at mabilis na humawak sa braso ni ate Eunice.


"Really ako pa talaga ngayon, kakampihan mo na naman yang pinsan mo ha!" - inis na sabi ni ate Eunice.

"She just wanted to visit our Lolo!" - sagot ni Mic. Mic.

"What the heck! Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit nawala si Lolo ha!" - sigaw ni ate Eunice kaya mabilis na nag unahan na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Stop blaming her, because I know that it's not her fault!" - halatang galit na si Mic. Mic.


Bigla nalang lumabas sina kuya Vince, kuya Dwayne Mommy mga pinsan at mga tita at tito namin mula sa pinto ng bahay nina Lolo.


"What are you doing here!" - halatang galit si tita Rhian panganay na kapatid ni Daddy at nag-iisa siyang babae sa magkakapatid.

"gu-gusto ko la-lang pong bi-bisitahin si-si  lo-lolo hu hu hu hu!" - Sabi ko habang umiiyak.


"ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MO UMALIS NA KAYO DITO AT BAKA MAKALIMUTAN KO PANG PAMANGKIN KITA KUNG ANO PANG MAGAWA KO SA IYO!" - malakas na sigaw ni tita Rhian kaya lalo akong umiyak ng umiyak.


Sa pagtalikod ko palang sa kanila ay bigla nalang may malalakas na sigawan na agad ang narinig ko kaya mabilis akong humarap ulit sa kanila at ganun nalang ang gulat ko ng nagkakagulo na sina tita Mitch at sina Mommy parang sa sobrang ingay ay wala na akong narinig kung hindi ang pag-iyak at ang heart beat ko.
































++++++++++++++++++++++++++++














After three years!












Handa na nga ba ako, handa na ba akong humarap sa korte at mag statement sa mga nakita ko kinakabahan ako.


"Are you ready?" - Nakangiting tanong ni tita Icy 16 years old na ako at kasalukuyan na akong nakatira talaga sa bahay nina tita Icy si Cassy naman ay isinama nina tita Mitch sa states.Matapos ang statement niya kahapon sa korte as victim for child abuse and witness for her Daddy and her step-mother.

"Yes po!" - mabilis kong sagot at mabilis kaming umalis sa kwarto ko at bumaba sa Salas.


"Ate Sofie wag kang kakabahan ha, nandito lang kami mmmm! Wag kang mag-alala ipagpipray ko na sana manalo kayo sa kaso hehe!" - pilit pinalalakas ni Alexa ang loob ko nginitian ko lang siya at saka kami umalis ni tita Icy at dumiretsyo sa Supreme Court of Tagaytay.



Nagumpisa ng magsalita ang ibang lawyers at ipinakilala na ang judge sa amin at sinimulan na namin ang mga dapat naming gawin.



"May I call you Miss. Sophia Natividad for being witness at the crime versus Mr. Richard Natividad!" - Sabi nung lawyer at agad naman akong tumayo at nanginginig ang mga kamay at buong katawan ko dahil nandito pati sina kuya Vince, kuya Dwayne, ate Eunice, Mommy and Lolo sa tabi ni Daddy samantalang ako ay si tita Icy at tita Mitch ang kasama ko ang mga taong hindi ko inaasahang makakasama ko sa ganitong sitwasyon na dapat ay sila tss!.


"Will you please give the statement that you have seen at the crime which is happened at the time of 7pm of February 1, 2017?"-tanong nung lawyer ni Daddy na nagpapagala-gala pa sa harap ko lalo tuloy akong kinakabahan.

"nagpunta po ako sa bahay nina Mommy noon at may narinig akong ingay mula sa garden tapos po bluh! Bluh! Bluh! Bluuuuuuh!" - mahabang kwento ko sa lawyer at natapos na ang lags statement ko.


"please don't make me wrong if I will ask you" - binitin talaga ng lawyer ni Daddy ang sasabihin niya kaya nagpilit ako ng ngiti sa kanya pero talagang kinakabahan ako sa itatanong niya baka kasi mag kamali ako ng isasagot ko eh!. "Do you still love your father, after all that he did?" - natigilan ako sa sinabi niyang yun kaya mabilis na naglabasan na naman ang mga luha mula sa mga mata ko nakakainis naman Sofie bakit ba napaka-iyakin mo ugggghhhhh!.



"May I ask you to, to make you know what is my answer?" - mahinang tanong ko kaya natigilan ang lahat maging ang judge alam kong bawal ang ginawa ko dahil sila lang ang may karapatang mag tanong ngayon pero di ko talaga mapigilan ang sarili ko tsk!. Nginitian ako ng judge at tinanguan niya yung lawyer at ngumiti naman sa akin yung lawyer ni Daddy kaya huminga ako ng malalim bago ako magsalita. "If I will say no maniniwala po ba kayo hu hu hu hu!" - hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ng sabihin ko ang huling linyang yun kaya mabilis akong yinakap ng isang lawyer na babae sa tabi ko at hinagod-hagod ang likod ko iyak lang ako ng iyak maging sina kuya Vince ay hindi makatingin ng diretsyo sa akin sa tuwing tititigan ko sila sa mga mata umupo na ulit ako sa tabi nina tita Icy at yinakap naman ako ni tita Icy habang umiiyak.

"The witnesses from the other side Richard are Estella Natividad and Dwayne Michael Natividad!" - halos manghina ako ng iannounce yun ng isang lawyer at napatingin ako kay kuya Dwayne at Mommy hindi ako makapaniwalang kami nina Mommy ang magkakalaban talaga lang ha tingnan natin kung anong mga kasinungalingan naman ang pagsasasabihin niyo tsk!.



Natapos ang pag-sstatement nina Mommy at kuya Dwayne at tulad ng inaasahan ay salungat sa mga sinabi namin ni Cassy ang mga sinabi nila nakakainis. At ngayon ay hinihintay na namin ang decision ng court.



"Good afternoon everyone the result of this case Richard Natividad versus Sophia Natividad and Cassandra Amerigne Puento Villa which is frustrated murder and child abuse. Richard Natividad is guilty for the crime!" pababasa nung lawyer sa hawak niyang folder at inihampas na nung judge yung martilyo ba yun basta kung ano man yun dun sa hampasan syempre at maraming nag palakpakan at nag congratulate sa amin, pero hindi ako makaramdam ng saya sa loob ko ng makita sina Daddy na umiiyak at ganun din sina Mommy at iba pa gusto kong lumapit sa kanila pero di ko magawa dahil natatakot ako na baka ipagtabuyan na naman nila ako.


"Masaya ka na ha!" - galit na sabi ni kuya Vince kaya napaiyak na naman ako.

"Ku-kuya Vi-Vince so-sorry!" - Sabi ko habang umiiyak.

"Sorry the F*ck Sofie sorry! Matapos lahat ng ginawa mo pinatay mo si Lolo tapos sinira mo ang family natin tapos ngayon heto tapos sorry! Really?!" - Sabi niya habang galit na galit oa din sa akin.


"Wag mo namang pagsalitan ng ganyan ang kapatid mo Vincent!" - awat ni Mic. Mic kay kuya kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.


"Kung yan ang gusto mo wag ka nang aasa pa na mabubuo pa tayo wag ka nang aasa pang magiging ok ang lahat dahil simula ngayon at kalimutan mo nang kuya mo ako at kalilimutan ko na din na nag karoon ako ng kapatid na walang kwentang gaya mo!" - tuloy-tuloy na sabi ni kuya kaya napaupo ako sa sinabi niya nanlulumo ako dahil sa sinabi niya parang gusto ko ng mamatay ng mga sandaling yun!.













End of Flash Back ***






" at yun na ang huling pag-uusap namin ni kuya Vince hu hu hu Hu!" - Sabi ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Ssshhhhh! Stop crying Mmmm! don't worry about that I know that I'm not in the position to say that but I'm still saying that everything will gonna be okay hmmm!" - pagpapatahan sa akin ni Ken habang na kayakap sa akin ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak.

" Thank you! "-yun nalang ang nasagot ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak feeling ko pagod na pagod ako.

























++++++++++++++++++++++++++++















Ken's P.O.V




I don't know what to say after she tells me about all in her past life, I feel so very sad because I don't know that she had experience that situation tch! If I have any ways to remove all her pain I will but I can't tch!. I don't know that she is so very brave and independent.


"Sofie!" - I called her but she didn't answer me.


"Sofie!" - I called her again and she didn't answer again.

I observed her and I realized that she fell in to sleep.


"Hayyyssst! Kung alam ko lang na ganyan na pala ang pinag dadaanan mo pa noon hindi na sana kita parating inaaway noon!" - I said whisperedly.


Binuhat ko siya papunta sa kama niya at inaayos ang higa niya kinumutan ko na din siya bago ko pagmasdan ang mukha niya.


" Kung ibang tao ang nakaka kita sayo iisipin nila talagang wala kang ganyang isipin o problema, ang galing mo kasing mag tago ng emotions parati kang nakangiti at tumatawa pero ganito pala talaga sobrang lungkot mo pala talaga!" - I said while observing her face.


" Ay nakatulog na na pagod siguro hehe! "-I look around my back and I saw tita Icy walking while smiling.


" Yes po tita na pagod nga po siguro siya ang dami po kasi niyang clubs eh tapos Students Council secretary pa siya panlaban pa siya sa math competition kaya siguro nakatulog siya ng ganyan hehe!" - I answered her back.

"Alam mo ba Ken na ikaw lang yata ang nag-effort ng ganyan diyan kay Sofie, grabe mahal mo talaga ang pamangkin ko no hehe bagay na bagay kayo parehas kong pamangkin hehe! Si Sofie nga lang ay pamangkin ko sa kapatid ko ikaw naman ay pamangkin ko sa asawa ko hehe bagay na bagay talaga kayo yeeeiiiiii! "-tita Icy said.


" I love her so much tita Icy at kahit na ano gagawin ko mapabuti lang siya hehe! "-I answered her.

" O siya dito ka nalang din matulog at gabi na o 11 pm na napag-paalam na kita sa Mommy mo don't worry! "-Sabi ni tita at nagpilit ng ngiti ganun din ako sa kanya.

" No hindi na po tita uuwi na po ako hehe, at saka ang sama naman pong tingnan na magkatabi kami eh magkarelasyon pa naman kami hehe! "-Sabi ko habang napapakamot pa sa ulo.


" Suuuuuuus! Kunyari ka pa na katabi mo na naman siya noon eh hehe nahiya ka pa pero kung yan talaga ang gusto mo hindi na kita pipilitin ang gentlemen talaga ng pamangkin ko hehe! "-Sabi ni tita Icy napangiti naman ako.


"Sige po tita Icy uuna na po ako pakisabi nalang po kay Sofie na umalis na ako pag kagising niya ha thanks po!" - Sabi ko at tumayo na.

"Sige mag-ingat ka ha!" - Sabi ni tita Icy at umalis na ako sa bahay nila mabilis akong magmamaneho sa daan at napahinto ako ng harangin ako ni Aleah sa daan.

"Anong ginagawa mo!" - inis na sigaw ko sa kanya ng lumapit siya sa kotse ko.

"Can we talk please?!" - nagmamakaawang sabi niya.

"Ano pa bang sasabihin mo ha!" - Sabi ko at lumabas ng kotse ko.

"Hindi ko sinasadya ok, hindi ko sinasadyang makipagrelasyon  noon kay Laurence habang tayo pa ok kaya please Ken patawarin mo na ako at tayo nalang ulit please!" - pagmamakaawa niya oo siya ang nakita nina Sofie noon na kahalikan ni Laurence na babae noon nakita ko rin yun pero inilihim ko dahil alam kong maraming masasaktan.

" Stop-



Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mabilis siyang lumapit sa akin at halikan ako. Mabilis ko siyang itinulak at gulat akong nakita sa di kalayuan si Charles salubong ang kilay niya na nakatingin sa amin tumalikod siya ng mapansing nakatingin ako kaya mabilis akong hinabol siya.


"Keeeeen!" - dinig kong tawag ni Aleah pero di ko na siya pinansin mabilis kong hinablot ang braso ni Charles ng maabutan ko siya.

"What?" - inis na tanong niya ng humarap sa akin.

"Lahat ng nakita mo ay hindi totoo at mali ang iniisip mo!" - mabilis na paliwanag ko.

"Narinig at nakita ko ang lahat kaya wag kang mag-alala, at kung iniisip mo na sasabihin ko ito kay Sofie nagkakamali ka dahil alam kong masasaktan lang siya kung malalaman pa niya, pero heto lang ang tatandaan mo once na makarating ito sa kanya ng hindi ako ang nag papaalam please explain mo ng maayos sa kanya at wag na wag mong susubukang saktan ang kaibigan ko ang kaibigan namin kung hindi ako ang magkakalaban mo! "-Sabi niya.

" I will! "-tipid na sagot ko at nagpaalaman na kami umuwi na ako agad at mabilis na na tulog sa kama ko.




























++Don't forget to vote, comment and share thank you! 😊😊....

Comment