Acrimonious Heart - 4













"That was super wrong! Interviewed ka pa, meaning, you have the sole spirit of jeopardizing our family's reputation!"

"Part of the plan, 'Ta. Siyempre! Kailangan kong mag-effort, magkunwari na dapat kinamumuhian ko kayo and I know in that way, makukuha ko ang atensyon nila, 'Ta—"








"Hindi mo naiintindihan yang mga sinasabi mo!"

"Yes, I do!"

"Hindi!" Tita exchanged, tininag na ang tanga kong pakikipagtalo. She formed a facepalm before returning her attention to me.








"Walang hiya. Ano bang sabi ko? Magulang mo lang, diba? Magulang mo lang?" sunod niyang pananaway. Ano bang gusto niya? Damay-damay tayo rito. Walang maiiwan, lahat sama-sama. Mukhang hinihintay niya ako sumagot kaya tumango na lang ako nang dahan-dahan.

"See? Itatak mo riyan sa kokote mo..." she pinched my forehead saka tinulak nang bahagya gamit ang daliri niya. "Na magulang mo lang, 'wag mong idamay ang mga Valentine! You don't know them, Cass! Isa pa, nakaturingang anak ka ng mga alipores who knew how many beans make five—tapos tanga tanga ka? Boba? Ignorante? TANGA TANGA? Natural!" bumalik siya sa couch para i-dekwatro ang tuhod niya't ibaling muli sa akin ang nangangapoy na tingin niya.

"E, nanay kasi ng nanay mo—" natigil siya nang mabanggit niya 'yon. Tumahimik ang buong bahay kaya ako na ang nagsalita. Who's the mother of my mother? Bakit ba nila sinisikreto sa akin, ngayon, nadulas siya. Pareho lang naman sila ng nanay, pero kung itanggi niya mula sa linya na binitawan niya—tila ba'y demonyo na hinayaan lang siyang lumaki sa lansangan.








"Who's... my Lola?" I curiously asked, nakakunot ang noo't mga kilay ko. Yet, she didn't answer.

"I see..." I broke the silence. Unconsciously, nakalabas ako ng mga luhang kanina pa nagpipigil, which made her even more worried and confused. I knew she's going to feel guilty, pero hindi ko hinayaan ang pagkakataong 'yon para bumalikwas ako sa dapat na nilalabas kong luha. Hindi na ako nag-atubili na magtungo sa kuwarto ko, leaving Tita and her manipulative words behind.








Hindi pa sapat lahat ng ginawa sa akin. Yung pangungulila ko sa mga magulang ko—the way they purposely left me to my other and deceased Tita dito sa Tarlac. Hindi ko alam ang dahilan, pero alam ko na may dahilan kung bakit ako iniwan ng gano'n gano'n na lang. Hindi ko rin alam kung bakit parating defensive sila sa mga bagay na sobrang simple lang naman, like getting to know our middle name—ma-eexpose siguro kung sino ang lola ko, at sa gawing 'yon, baka lumayo ang loob ko sa kanila. E, hindi na nga kailangan. Matagal nang malayo ang loob ko sa kanila.

Pero may nag-iisa akong plano para masimulan ang misyon ko—and that's to get Adrion fall in love with me, kahit kailangan kong isakripisyo ang apelyidong Valentine dahil naka-arrange na sa kaniya si Aza, but that does not invalidate my goal. She's a bitch whom Adrion sees as someone who reeks toxic blindness, while I could do many things para makuha ang loob niya, and in that way, magsisimula na ang pagkabagsak ng mga Parriño.

Pero siyempre, hindi ko ipapahalata—kailangan 'to ng matagal-tagal na proseso.













               Yesterday — 2:27 PM

"Assistant, hey Cass— this— dalhin mo sa admin's office." he handed me the papers enclosed in an envelope. Right when I was about to exit his office, tinawag niya ako bigla.

"Dad's also there. Baka makita mo si Aza. Just be careful... okay?" he raised a brow after finishing his sentence. Tinanguan ko naman siya't nginitian saka umalis na ng silid. Mukhang hindi ko na kailangang gamitin ang sulok-sulok para kilitiin siya—my presence is already enough... siguro.








Hindi na ako nag-dalawang isip pa at pumunta na ako sa admin's office at... hindi ko inaasahan ang nakita ko—naglalaplapan ang dalawa, si Aza at yung tatay ni Adrion na si Valentine. I even knocked twice, pero bingi talaga sila, hindi ako marinig. I even saw how Valentine bit Aza's lower lip, disgusting me more. He even groped her ass habang nakapatong sa patungan niya itong si Aza. Putangina. Kadiri! Pinapa-arrange marriage kay Adrion, pero ito yung nangyayari behind his back? Or sadyang alam na ni Adrion, pero hinahayaan niya lang? Yuck!








I coughed thrice, making my presence felt. Both of them looked at me, pero parang wala lang sa kanila. Binuhat ni Valentine si Aza pababa, hinalikan pa sa pisngi nang dalawang beses si Aza bago magtungo sa akin.









"Yes?" Valentine, the chief executive officer of the company asked, raising his eyebrow while he fixes his poise habang nakaharap sa akin. I remained composed, preventing myself from doing any kind of offensive expressions. Bumuntong-hininga ako at saka ko inabot ang mga papeles na ibinigay sa akin ni Adrion kay Valentine na kinuha niya naman kaagad. Aza, on the other hand can be seen sulking in frustration. I don't give a fuck, lady. Kahit maglaplapan pa kayo sa gitna ng kalsada, wala akong pakielam.








Moreover, sinasadya kong magpaka-tuta. Magpakaawa-awa at sunud-sunuran dito, para ma-execute ko nang mas todo ang misyon ko sa mga susunod na taon. I'll make this family reap successes in the beginning, then have them experience their biggest downfall multiple times after. That's a great strategy because I know that will cause a huge meltdown sa status ng mga Parriño, saka ko sila papatayin.








                             Isa-isa.

                          Pino-pino.

                       Durog-durog.








Walang matitira sa pamilyang 'to.

Basta sa pagkakataon na makapasok na ako sa bahay nila kapag naging asawa na ako ni Adrion, may paglalagyan na sila sa akin. I don't care about what my Tita may say about me, at least ginagawa ko ang kailangan kong gawin para makuha ang hustisya na kailangan ng mga magulang ko. She's always been on the opposing side, whether I do not follow or follow her orders, lahat may masasabi. Napag-usapan namin na siraan ang magulang ko, now that I did which I came up to the brightest point of the plan para maging successful ang plano, pero siya itong unang kumontra dahil nadamay ang mga Valentine, at siya mismo.








Again. Now that I began, this is everyone for themselves.

Itaya ang sarili sa sarili.

Dahil lahat kami'y ngayo'y magkakalaban.








Lumabas na rin ako pagkatapos to get back to Adrion, pero ang hindi ko namalayan, nakalabas na pala si Aza—because the exact moment I stepped outside, I could hear some murmurs na parang may tinatawagang tao sa telepono. Sinara ko muna ang pinto sa admin's office saka ako umupo sa isang waiting chair rito sa waiting area ng office nila which made the dialogues more audible. It was Aza calling somebody. I pretended to be tired and exhausted kaya habang nakaupo ako, naghihingal hingal ako. Well, the admin's office has this transparent glass window, kitang-kita ako. I even saw Valentine waving his hands at me while smiling creepily, I just reciprocated the smile and that's all it—still continued to overhear Aza's conversation.








"Fer, asan ka na? Kailangan pa talaga kitang tawagan para kumilos ka? Cassandra is already being super stubborn, yet you, naka-relax ka diyan sa bahay n'yo? I think those millions shall go!" I heard from afar, but still—to keep myself believable, umidlip ako nang onti rito sa waiting chair hangga't wala pang tao. Saka Valentine already went inside the room na nasa loob ng admin's office—at hindi ko alam kung anong purpose ng kuwarto sa loob ng isa pang kuwarto.








"What? You fucking stupid indolent brat— HEY! I'M STILL TALKING TO YOU, WHY WOULD YOU FUCKING HUNG UP! GOD!" napadilat ako sa mga sandaling 'yon as I heard some clanging sounds, binato ni Aza ang telepono niya. Nagkasalubong kami ng mata, I didn't realize na palabas na pala siya sa tinataguan niya nung mga sandaling 'yon.

"What are you doing here?" she asked. Tumayo lang ako, then ignored her sentiments. Dumeretso akong naglakad papunta sa silid ni Adrion, pero habang naglalakad ako—nakasunod siya at umabot pa sa puntong hinawakan ang braso ko, dahilan para lumingon ako sa kaniya.








"Bastos! Tinatanong kita, diba?"

"Do not touch me, Aza. 'Wag mong hintayin na ako ang magbubulgar sa'yo dito." bulong ko sa tonong pambabanta. Pinasadahan ko siya ng ngiti bago dahan-dahang hinawakan ang kamay niya para tanggalin sa pagkakaipit nito sa braso ko, pero lalo niyang hinigpitan, but what I did irritated her even more—I twinkled my eyes saka ngumiti nang mas todo.








"We have the same mission here, Cass—"

"I know! And you think magiging kakampi kita? And once na naging kakampi mo 'ko, gagamitin mo 'ko, gagawin mo 'kong alalay mo... HAHAHA! Asa ka." bumwelo ako't nagbigay ng dahilan para alisin niya ang kamay niya sa braso ko. I stepped forward, two times, heels loudly presented, nakaharap sa mukha niya ngayon.








"We may have met barely before, pero ngayon na madalas na tayong nagkikita—I'm afraid baka lumitaw na lang yang sungay mo sa ulo mo. Baka maging unsuccessful ka sa plano mo, Aza. And... if you want any advice?" I held her chin up, pero agad niya itong binalikwas while telling me to do not touch her infected face. I do not care about your operated face!

"Keep calm and composed. 'Wag mo na lang akong lapitan kung sa t'wing nakikita mo ako, e nag-iinit yang ulo mo. Thanks for reminding me na I'm relevant pala... Haha! Can't believe na it has to be coming from you, one of the hypocritical Valentines." I added, shutting her off, burying her breath down to her ass. Hindi na siya nakaimik pa, pero nakita ko kung paano niya niyukom yung kamao niya. Mariin. Mahigpit. Nagpipigil ng galit. It was like she was about to scream out of rage, pero naabutan kami ni Adrion.








"Aza! Ano na namang ginagawa mo?" suway nito.

"Ah, talaga? 'Yang babaeng 'yan ang kakampihan mo? Tanungin mo diyan, letse!" mag-wawalk out na sana siya saktong tumingin sa akin si Adrion na may halong pagtataka, pero pinasadahan ko agad ng pagpapaawa.








"P-Pero, s-sir. H-hindi ko naman... p-po alam bakit bigla po akong s-sinugod ni Ma'am. Na— nagulat na lang po ako nasa likod ko na po s-siya."

"Fucking liar!!!—"

"Aza, your mouth!"








"Sige! Ako na ang mali. Putaragis, Adrion! I know you hate me, okay? Pero sana 'wag mo naman sagarin to the point that you will be tolerating this Fuentivas, this intolerable shit!"

"Aza naman—"

"Sir, nabigay ko na po pala kay Mr. Valentine lahat ng papeles. Isusunod ko na po yung mga nagpasa ng resume para sa mga nag-submit ng qualifications nila sa auditor position. Kunin ko na po do'n." pagkukusa ko. Tinanguan lang ako ni Adrion and instructed me kung saan nakalagay dahil iniba niya ng lalagyan. He leaned to my ears, binulong niya kung saan 'yon mga nakalagay, dahilan para mas mag-igting pa ang yamot ni Aza sa mukha niya.








As I make my steps away, I could still hear how they exchanged words. Furious between furious. Rage between rage. Basta, all I could feel at that moment was pure satisfaction. I'm now making my own progress.

Tama ka nga, Aza. Magkapareho tayo ng misyon kung bakit tayo naandito sa pamilyang 'to, pero hindi ako traydor. I'll never get fallen in love sa mga Parriño. That's pure bullshit, Aza. And totoo! Magkapareho tayo ng goals, pero hindi kita kakampi.








      I'll never go hand in hand sa'yo.








Dahil isa kang Valentine. Ubod ng mga traydor. Kampon din ng mga demonyo. Halos magkapantay lang kayo ng mga Parriño.













- Acrimonious Heart, Chapter 4 -

Comment