Acrimonious Heart - 15

28 years ago...

"Cassandra! Kumain ka na. Sa isang linggo dadating ang mga magulang mo. Be ready ha! Be a good girl, okay?" sambit ni Tita habang nakaluhod sa tapat ko, hinihimas ang baywang ko with her two index fingers.








"Okay po, Tita! Hehehe. Tell me if co-come na sila, ah! I'm super excited po na makita sila Mommy at Daddy!" I enthusiastically replied, jumping with bliss and joy. I happily engaged myself on the seat at the table at saka sumubo ng spoonful of rice na may various viands like ham, fried egg, hotdog, and bread. Usual breakfast ng mga tao. I'm actually insecure sa ibang mga kids na nakakatikim ng pritong isda. I badly wanna try galunggong and tinapa! I'm sure they'd be of great taste!








"Titaaa! Can I get an orange juice, yung zesto po! Babaunin ko po sa school." I giggled while stating what I needed. Tita refused dahil kailangan ko ng tubig. Recently nga pala kasi, nagka-UTI ako. Akala nga ni Tita magkakaroon na ako nung mga older girls! Yung may dugo dugo! I don't know what it's called, e, pero masyado pa raw maaga sa age ko. I accepted her response. Since nakapag-ayos na ako dahil inayusan ako ng aking favorite yaya! Yehey! Dumeretso na agad ako sa service van kasama si Tita. Pagkatuntong ko sa van, I saw multiple names on the back of the driver's seat. Ngayon ko lang nakita ito.








Oyi Fuentivas-Valentine. Erica Valentine. Taya Valentine. Ash Fuentivas. Izaryn Fuentivas.








I wonder what my Tita's name is? Ayan yung mama ko, naka-highlight ng yellow, Izaryn ang name. Super ganda! Also, yung iba, mga pinsan ni Tita, yung mga Valentine ang surname. Matagal-tagal na rin kami nagsasama ni Tita, pero 'di niya sinasabi sa akin ang pangalan niya dahil nga ang sabi niya sa akin, I can just call her Tita.








Out of the blue, nakarinig ako ng ringtone. Galing sa phone ni Tita. Nakatulog kasi si Tita habang nasa byahe, malayo pa naman ang school ko. Kinuha ko ang phone, and I saw the name, Izaryn. My mother. I did not hesitate to take the opportunity to take advantage for answering the call. Yes! Makakausap ko na si Mama after 8 long years!

"M-Mama—"

"Hey! Ikaw ha. You're now learning to do these things, Cassandra! Huwag mo nang gagawin 'to sa susunod, okay?!" nagulat ako nang biglang magising si Tita. Hinablot na rin ni Tita ang phone niya saka kinausap si Mama. I immediately brushed the enthusiasm I had on my face a while ago.








"Oo, Izaryn. Pasensya na, nasigawan ko ang anak mo. Kumukulit na rin kasi. Sige, sige. Tawag ka na lang mamaya ha. Nasa byahe kami ngayon, hinahatid ko si Cassandra sa paaralan. Sige, salamat!" the sentiments I heard from Tita habang kausap niya si Mama. I hope I could also hear my mother's voice. It's been eight years already. Eight years na akong humihinga, yet I couldn't even have the chance to see how my Mama breathes, even the way how she speaks.








One hour kami nag-ride sa car. And now, I'm at school! I'll be meeting my best friends! My second cousins! Agatha and Hiro! Sila lang din kasi ang talagang pinsan ko since walang anak si Tita Ash, pati itong si Tita ko na hindi ko alam ang pangalan.








Pagkababa ko, binilisan ko kaagad ang takbo ko while also fastening my carry sa stroller ko! Niyakap ko kaagad silang dalawa with my warmest embrace! We giggled pa. We also followed our goodbye bidding kay Tita, kasama na sa mga driver. And of course, I gestured with a thank you wave! I will never forget to thank them for their committed service! Pero pansin kong nakasimangot si Hiro, hindi ko rin alam kung bakit. Tumatawa pa siya kanina nang makalabas ako, pero parang nabahiran siya ng yamot nung tumingin siya sa relo niya. Am I too late na ba?








"Ang aga niyo namang dalawa." magandang bungad ko sabay tanggal sa akap nila. Grade 3 na kasi ako, sila mga Grade 2 pa lang, but anyhow, they're my best friends! The bests of the best!








"Siyempre! Sabi ni Teacher Ella kapag hindi kami pumasok nang maaga tapos na-late kami, papaluin kami sa pwet! Yawyaw ko nun!" reklamo ni Agatha while I just smiled at her with my most genuine smile! Sinimulan ko na ring kaladkarin ang stroller ko sabay sa lakad nila, papasok na kasi kami sa main entrance ng school.








"Hindiii! Look, Agatha, o! It's super late na! Look at my watch, o. Very very late. Super super! 8:45 na, 8:30 yung pasok natin!—"

"Anong 8:45? We had our lesson yesterday, okay! Porque mas matanda ka sa'kin ng isang taon, sabay lang naman tayo nag-aral, mas smarty smarty pa ako. Look at the hands of your watch! Nakatutok sa 8 and sa 9, but 7 pa rin 'yan! May details sa baba, o, it's 7:45!" bangayan nilang dalawa. Math genius kasi 'tong si Agatha, si Hiro naman, language-centered, kaya pala nakasimangot si Hiro kanina. Anyway, I can do both subjects, I strived hard because I simply want to make my Mama proud when she comes to visit me for the first time!








"Tara na, iniintay na tayo ni Manong guard. Yung mga QR codes niyo, ah!" pagpapaalala ko sa kanilang dalawa. Nilabas naman nila kaagad ang QR codes nila, but then, hindi namin inaasahan na makakasalubong namin ang nag-iisang superior dito sa elementary school namin sa Tarlac.








"Let me get the strap of your QR, Hiro. Sabi ni Tita Taya, I need to keep them for a while." sabi ni ate Aza, Grade 6 na siya. Mataas ang ego. Sobrang mature ng pag-iisip kumpara sa ibang Grade 6 na laruan pa rin ang habol, pero siya, very materialistic na. With her obvious not a genuine care, hinintay na lang namin ang pananalita ni Hiro dahil wala namang binibilin sa kaniya si Tita Taya lalo na't magkaaway sila ngayon ni Tita Oyi na mama ni ate Aza. Then, we heard a scratch.








"Hey! Ate Aza naman!" Hiro suddenly grabbed his QR code from the hands of ate Aza nang punitin ni ate Aza ang QR code niya.








"Oops, sorry! My hands slipped. Okay, it's your choice naman to keep it. Iba pala ang bilin sa akin ni Tita Taya. Enjoy the rest of the day!" huminto si ate Aza at saka lumuhod para humarap sa akin. "Lalong-lalo na sa'yo, Cassandra. You have a lot to pay me when you get bigger." dugtong ni ate Aza sabay sampal sa akin nang malakas pagkatapos. I didn't mind the pain, only Agatha and Hiro did when they reached to me. Ate Aza, on the other hand, walked away with a grin on her face, naglalakad palayo nang nakaharap sa amin, papunta sa building ng Grade 6.








But, while having them checked upon me, I saw Hiro's eyes, brimming with tears kahit nakasalamin siya. Nakita kong parang napansin niya na napansin kong naiiyak siya kaya tumalikod siya bigla at tumigil.








"H-Hiro! Let's just get another copy of your QR code. Diba sabi naman ni Tita Taya, open for another registration copy pa naman 'yang QR code mo?" banggit ko. Nang hahawakan ko na siya sa balikat niya, tiniwalag niya ito nang malakas.








"WAAAAAAH!!! MAMA!!! INAAWAY AKO NI ATE AZA, MAMA!!!" pananawag ni Hiro habang nagwawala. Nakuha niya ang attention ng mga guards at ng iba pang mga estudyante na ngayong nakapila na dapat, e, pila namin. Pumunta agad ang isang guwardiya na nagbabantay sa gate, kaya tinawag niya muna ang substitute niya para i-check yung mga pumapasok na estudyante.








"Bakit? Anong nangyari kay Hiro?" napatitig na lang ako sa guwardiya, dahil he does not always fail to make me surprise, kasi alam niya ang pangalan ni Hiro. Sikat nga yata sina Tita Taya rito sa eskuwelahan, ka-kumpetensya pa niya si Tita Oyi hanggang dito. Nang malaman ng mga guards na napunit ang QR ni Hiro dahil kay ate Aza, pinatawag na ng guidance counselor ang parehong magulang nila, kasama si Tito Victorino and Tito Chester. Marami na rin kasing chances na nagkakainitan sina Agatha, Hiro, saka si Aza, kaya kailangan na rin sigurong i-settle 'to for the best of them. Pero... ngayong nasa guidance office din ako, I can't seem to shake things kung magkakaayos ba talaga sila or hindi.








"Lintik ka! Pati ba naman dito, tinuturuan mong magsinungaling 'yang anak mo! My children are doing their jobs as students with grace, glamour, and generosity. E, 'yang si Aza? Tila sinandamakmakan mo ng mga morale na maging demonyo rito sa eskuwelahan katulad mo!—"

"Don't you dare speak to my daughter like that! Excuse me, Mr. Principal, please excuse my words. I know you have your own protocol in this school, but this is my first and the last time I'm going to speak like this—"

"Hindi po puwede, Mrs. Valentine, kailangan po sa korte niyo na lang po pag-usapan ang mga matters po ninyo. Ang pag-uusapan po kasi natin ngayon ay tungkol sa behavior ng anak niyo, which for years that we endured about Aza's bad attitude, is sumobra na po ngayon, lalo na't dinamay na ang QR ni Hiro na patunay bilang payment niya for the first to second quarter of the academic year. Madam, once na hindi po na-register ang payment for the other quarters, magiging invalid po kasi ang school experience ni Hiro, so instead na si Hiro ang magkakaroon ng consequence for having his QR scratched off, si Aza na lang po. Ipagpapalit ko po sila ng QR for this first and second quarter." ani ng guidance counselor namin, AKA, principal. Ako na nasa gilid lang, hinahayaan ko lang sila, pinagpaalam na rin naman ako kay Teacher Yami.








I also took many glances sa mga pasimpleng mga tingin sa akin ng dalawa kong Tita. Pati na rin yung dalawa kong Tito. Hindi kami close, e. Tanging si Agatha lang saka si Hiro ang talagang mga best friends ko rito. No one else.








"That is so unfair! Do you want me to file a complaint? Ano? Magbabayad kami ng panibago? 527,218 ang TF niyo per quarter! Hindi biro 'yon! It is not even my fault na napunit 'yang QR ni Hiro! Just suspend my daughter, 'wag lang na magbayad pa kami ng panibago for QR. Evident naman na nagbayad kami! What do you even need the QR for?! Grabe! Hindi ba halata na we're far more beyond capable to purchase more than your school's TF? Ha? So why do we need to prove na nagbayad kami through QR? You guys are so lame!" reklamo naman ni Tita Oyi. Hindi na napigilan ni Tita Taya dahil nagpanting na ang tainga niya.








"Tapos? Kami ang magbabayad kahit kasalanan niyang demonyita mong anak! Sabagay! Sabagay, she was born a mistake, kaya gagawin mo ang lahat para ipagtanggol 'yan dahil hindi ginawa sa iyo ni Mama—"

"How dare you! How dare you!" sunod-sunod na sabi ni Tita Oyi matapos niyang sampalin si Tita Taya. Naging alarma ang mga kani-kanilang asawa pati ang Guidance Counselor namin, pero hindi nila mapigil-pigilan ang dalawa.








"Do not ever meddle this matter sa issue natin kay Mama! I am the panganay, bunso ka lang! Pasalamat ka, si Erica, nasa ibang bansa! Kung hindi, lalampasuhin ka na naman no'n for insulting me! Hayop ka! Sobra ka na, Taya! If you're going to include every issue sa family matters natin, pwes, sige, ibibigay ko! Kung si Mama, kayang hilingin na hindi ka na inanak, kaya ko ring hilingin na sana hindi na lang naipanganak 'yang dalawang walang kuwenta mong anak!—"

At isang malakas na sampal ang tumambad kay Tita Oyi, saka sila nagsabunutan sa harap namin. Pati sari-sarili nilang mga asawa, inaawat na rin sila. Dumating na rin ang mga guards para awatin silang dalawa, and that brought the light to the situation. In line with Tita Oyi's scandal creation, mas nadagdag pa ang compensation na kailangan nilang bayaran, or if hindi na kayang i-accomplish, ate Aza will be jeopardized for expulsion. Since Tita Oyi's pride cannot handle belittlement, she just transferred ate Aza to a school sa Vizayas and swore that she will never meet with us ever again. And if there's a time na magkakaayos sila ni Tita Taya, may hidden premise siyang hangarin sa kaniya.








At iyon din ang dahilan bakit pareho silang nakatira ngayon sa Vizayas, na kalaunan, e, lumipat sa Baguio na parang hindi sila nag-away. Basta, wala na akong companion dito sa Elementary School na pinupuntahan ko after that incident. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari, because parang hindi naman totoo yung away nila, na parang ginamit lang nila ang mga second cousins ko para mag-transfer sila sa ibang school. But I don't want to overthink, dahil nga . . .








Makikita ko na sina Mama next week. And I am so excited!













Acrimonious Heart, Chapter 15

Comment