27: The True Identity














"I'm fine, Adrion... J-just... samahan mo na nga lang ako papunta doon sa abduction center nila Sasha. I am... I am all ready to make Sasha hear the news about her husband!" pangungulit ko kay Adrion ngayong nakagapos ng mga healing bandage halos buong katawan ko na sa sobrang impactful ng pagsabog ng bomba, mabuti na lang, kama ni Adrion sa kuwarto niya ang nabagsakan ko nung magiba ang third floor while Valentine... he was impaled by the fence ng first floor, sa railings doon banda sa hallway. I don't know bakit nagkapalit kami, supposedly, ako ang dapat na nasa posisyon niya, maybe because of physics.








"O-Okay, fine! Basta sinabihan na kita, Cass, once na mapuruhan ka ulit, your life will be in danger. Well, sa sitwasyon mo nga ngayon, you're already at the verge of death!—"

"Adrion, pwede ba?" singit ko with my eyes slanted, halatang naiirita na. Inambahan ko siya gamit ang balikat ko bago pumunta sa wardrobe to get the key of my motorcycle. Tinext ko na si Ferlin na papunta na ako doon, nag-reply naman siya ng 'ok' which he always replies to me kapag may inuupdate ako sa kaniya, sinabihan ko na rin na magkita kami sa ground floor, and that he needs to be there before I get to be there. Samantala, wala na nagawa si Adrion, I just left him there, while ako, sacrificing my life just to get there and bring the news to Sasha. I'm sure she will be going madly crazy, then. Mas masaya 'yon.








I almost stumbled myself nang i-lock ko na ang motor ko rito sa parking lot, medyo nahihilo pa ako, pero kaya 'yan. I stretched my arms, cracked my knuckles sa leeg at kamay ko. That's right. I still have the strength despite my life being in danger. Kasi, kung ganito lang din naman ang hahantungin, ipagpapatuloy ko na lang ang misyon ko, dahil kaya ko pa. At hangga't kaya ko pa, hindi ako titigil. Binulsa ko na rin ang susi ko. Nakalimutan ko pa yung armas ko, kaya binuksan ko ulit yung compartment ng motor ko, saka ni-lock ito ulit matapos kong makuha yung baril at ang mga bala ko. Pagkapasok ko sa ground floor, wala si Ferlin. Masama ang kutob ko, hindi ko alam, pero matindi ang kabog sa dibdib ko.








Nakita ko ang hagdanan, may trails ng dugo, don't tell me na pinakielaman niya itong mga taong 'to? I told him to stay still, and wait for my signal! Makulit talaga 'yang lalaking 'yan, kahit kailan. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan habang cinocompose ang sarili ko, baka si Ferlin pa ang mapatay ko kapag tama ang kutob ko. As I stomp my feet on the second floor, si Aza na lang ang nakatali sa floor, no one else, at wala rin si Ferlin, kaya nataranta ako at binilisan ko ang lakad ko papunta sa lugar, kahit gagawin nitong alanganin ang mga bandaged wounds ko, dahil pwede silang magdugo anytime na nagpapagod ako.








"C-Cass..." Aza uttered, pero hindi ko siya pinapansin. Ngayon ko lang siya nakita na ganito, balisa, umiiyak, pawis na pawis, pero hindi ako naaawa. That's a payback.








"H-Help me... T-They got away, hindi ko alam—"

"Stop manipulating me, Aza. Don't even try taking advantage of me. Alam ko ang mga galawan mo. You're doing this, being a cute puppy, wishing to be uncaged, dahil inutusan ka ni Sasha para sa strategy niya. Don't even try—"

"I'm not lying, Cass... They really got away! With my own two eyes, habang... habang natutulog si Ferlin, they... they were able to get away. Ewan ko saan sila pumunta, but they just... they just left me here!" pagbunyag ni Aza.








"Tch. Asan si Ferlin ngayon?" tanong ko. With that question, she suddenly started breaking down, not knowing what to say dahil puro utal na lang ang lumalabas sa bibig niya.








"You're obviously lying, Aza. Isa kang actress, model, etcetera. I won't deny, you're acting's effective, it's quite great. Kulang lang sa conviction. Try harder, Aza." pagtuloy ko sa conversation. I roamed my eyes around the floor muna bago bumalik kay Aza. Wala nga talaga si Ferlin. Miski doon sa kuwarto, sa nag-iisang kuwarto na nakatirang nakatayo rito, wala doon sina Sasha, wala rin si Ferlin.








"Fuck!" I bursted out. I knelt myself down and aggressively held Aza, trying to threaten her.








"Nasaan sila?" bulong ko. She just shook her head as a reply. "Nasaan sila, Aza?! Nasaan?!" sigaw ko, pero bigla na lang siyang tumigil kaiiyak, and she used her lips to point something from my back.







I see. I see.








Dahan-dahan akong tumayo, bumuntong-hininga nang malalim at ngumiti nang bahagya, saka ako lumingon. There, I saw Sasha standing next to me while Tita Erica's just over the edge, having a wide distance. Sabay kaming bumuntong-hininga, sabay din kaming ngumingiti sa isa't isa with the same level of expression, pero ang hindi nagsabay ay ang tawa niya. Bigla siyang tumawa.








"Oh, I love the way my husband inflicted injuries on you. Buti buhay ka pa?" she mocked. I returned a laugh at her as well. At nang mapansin kong nagdudugo na ang sugat ko banda sa kaliwang baywang ko, tinakpan ko kaagad ito gamit ang kaliwang kamay ko.








"I'm still alive and well, Sasha." sagot ko naman.

"Where's Ferlin?" sunod kong tanong sa kaniya. I saw Tita Erica's expression, she is indeed giving her full life to that deep smirk she has on her face, while Sasha, she rolled her eyes around at parang may kinuha pa sa bulsa niya. Nang itambad niya sa akin ang kamay niya, bumungad ang dalawang eyeballs na may blue contact lens, tangina, kay Ferlin 'yan!








I quickly gripped on her hands where the eyeballs are placed. I acted upon my rage which I automatically swayed her hands to the left, losing the eyeballs, saka ko siya binigyan ng suntok sa mukha. Naalarma si Tita Erica sa mga sandaling 'yon, pero pinigilan siya ni Sasha nung palapit na siya sa akin para bawian.








"Just to let you know, Cass. Hindi ako ang pumatay kay Ferlin. It's your Tito Victorino, it's Aza's dad, kaya Aza, makonsensya ka naman." Sasha stated. Nagtungo siya kay Aza, lumuhod and hardly cupped Aza's cheeks.








"Just as recently, I found out that Ferlin is Valentine's son. Remember when I dumped you weeks ago despite of the plans we used to make? At isang text lang ni Cassandra na I am in harm, I am in so much danger, pupunta ka rito along with your relatives. Just to be sure, Aza..." lalo pang hinigpitan ni Sasha ang pagkakahawak niya sa pisngi ni Aza, kaya napa-ungol si Aza sa sakit.








"Just to be sure lang na I killed every trace of your family. It was me who ordered Erica to kill your Mom, dahil kabit siya ni Valentine—"

"Your husband raped Tita Oyi, Sasha. Huwag ka nang magbulag-bulagan diyan! Baka nga si Mama, ni-rape din ni Valentine because he thinks yours is not that ravishing!—" singit ko kay Sasha, pero nagsalita siya kaagad.








"I don't care! I don't care if Valentine raped Oyi, kabit pa rin siya, naging kabit pa rin siya! Hindi siya ire-rape ni Valentine kung hindi siya nagpapapansin, so it's still Oyi's fault! It's her fault!" tila na siyang naging baliw sa mga sandaling 'yon. Tumayo na rin siya shortly after saka nagtungo muli sa akin, kaya naging maingat ulit ako. Nakita ko ulit ang expression ni Tita Erica, mukhang irita na, but not because of me, dahil nakatingin siya kay Sasha.








"Hindi ni-rape ang Mama mo. She was a snake! Bago pa siya mabuntis ni Wally, which turned out to be you, nakikipag-lampungan na siya sa asawa ko. Tiniis ko 'yon, Cassandra. Tiniis ko 'yon! Dahil utos ni Mama Terry, kailangan naming mga Parriño ang Mama mo, dahil siya ang suwerte sa buong pamilya ninyo, pero... pero she gave that chance up, she succumbed into my husband's greed and lust, she was a second woman. Ahas 'yang Mama mo, Cassandra—"

"Oh, come on. Sasha, let's just get this over with at patayin mo na lang 'yang si Cassandra? Bagot na bagot na ako rito. I've been here for like two consecutive days already! Kailangan ko pang makita ang mga anak ko." Tita Erica meddled in. Habang si Sasha naman, dahan-dahan siyang lumingon kay Tita Erica. And that's when I took the chance to get Aza escaped. Nakikita ako ni Tita Erica, but she just lets me do my thing.








"I will help you, Aza." bungad ko sa nangingiyak-ngiyak na si Aza.








"We will get out of here safe. Tatapusin ko lang ang misyon ko." dugtong kong sabi na itinango naman niya.








"Just bare with me for this one moment, Erica. Tandaan mo, you were the one who turned me into a monster!" sigaw ni Sasha. Sinampal naman siya agad ni Tita Erica habang busy ako kakatanggal sa gapos kay Aza.








"Turned you into a monster? I was just trying to tell you the right thing to do! It was still your choice to become a monster! Ano? Mag-aaway tayo? Sige, mag-away tayo nang malaman ni Cassandra kung sino ka talaga!—" doon, binawian ni Sasha si Tita Erica ng isang malaking sampal. Base sa tunog nito, talagang matatauhan ka sa sobrang lakas ng tunog. Ngayong, natanggal ko na ang gapos kay Aza, lumapit agad ako sa kanila.








"What do you mean, Tita Erica—"

"No! She doesn't mean anything from that!" sigaw ni Sasha, but it just keeps getting suspicious kaya tumingin na ako kay Tita Erica. Doon, sinimulan niyang magkalkal sa sling bag niya.








"Don't you dare, Erica. Don't you fucking dare!" Sasha threatened, kaya nakipag-agawan na siya sa sling bag ni Tita Erica. I just watch them fight. I signalled Aza to make them calm, pero hindi na niya nagawa nang sumabog na ang lahat ng nasa loob ng sling bag ni Tita Erica.








Both of them are rushing towards one certain thing, and when Sasha was about to go near a plastic, Tita Erica was too quick to grab that plastic at itinapon malapit sa akin.








"Make Cassandra see and realize who you truly are, Sasha! Make her fucking know that you are a two-faced bitch!" Tita Erica shouted. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa plastic na itinapon sa akin ni Tita Erica. Aabutin na sana si Sasha dahil nakatakbo siya, pero agad na hinila siya ni Tita Erica, which triggered Sasha to shoot Tita Erica on her feet, dahilan para matumba siya.








Dinalian ko na ang pagbukas ko rito sa plastic na ito, because Sasha got freed. Now that I was able to strongly cut the tape that keeps the plastic close, bumungad agad sa akin ang isang set ng facemask, ang putanginang hindi ko inaasahan na katotohanan, because I can definitely recognize this facemask, and I am certainly sure who the owner of this facemask is. Naibagsak ko na lang ito sa sahig habang tinitignan si Sasha na kumakaripas ng lakad papunta sa facemask na ito. With my shocked face, I still managed to speak.








"W-What the f-fuck, Tita? B-Buhay ka?" I shockingly questioned Sasha. Well, that facemask she now holds belongs to someone who's dear to my heart, because that facemask belongs...








To that Tita whose face I barely knew even if we were together for 8 years sa Tarlac. Siya ang may pagmamay-ari ng facemask na iyan.













Acrimonious Heart, Chapter 27
Next Chapter: The Confirming Truth

Comment