28: The Confirming Truth













"Sasha? Ano...? Ano 'to? Ano... ano 'yan? Tita Erica? Siya... siya si Tita? B-Buhay pala siya all... all this time?" panggugulo ko dahil magulo na rin ang isip ko while silang dalawa, hindi nagsasalita, tila mga tubig na pinatigas sa prigider nang ilang taon.







"Cass. Let... let me explain, okay?—"

"Ano pang ipapaliwanag mo?! Ano pa?!" sigaw ko, garalgal na naman ang boses. I tried composing myself and controlling my behavior, pero hindi talaga. All these revelations led me to being a crazy woman, hindi na sa pagiging gutom sa hustisya. Binabaliw ako ng mga katotohanang dapat dati, alam ko na. Binabaliw ako ng mga katotohanang pinipilit kong mga kasinungalingan, kasi ang hirap nilang tanggapin. Ang hirap hirap.







"Cassandra, please?" malumanay na tanong ni Sasha. Tita Erica was about to meddle in, mukhang matapang na siya ang magpapaliwanag, pero nang makita ni Sasha iyon, hindi na niya pinalagpas at pinaulanan ng baril sa dibdib si Tita Erica, causing her to immediately be unconscious. Well, sana, unconscious nga lang. Pinaunlakan ko na ang request niya, and by the way she starts uttering a word, she is in complete crying mess.












.
.
.












Flashback

"Haaa... Eri-Erica, please... please take care of the bodies, o-okay? Help me get out of this mess!" sabi ko kay Erica ngayong naandito kami sa kuwarto namin nina Valentine para itago ang mga katawan nila Izaryn at Wally. Pagkalabas ko kasi ng secret room ko rito sa loob banyo, nagpunta agad ako sa kuwarto namin to check on Valentine, wala siya. Na-recognize ko agad ang stamp sa photocopy ng invitation letter sa desk namin, pinapupunta siya ng Caviel Network ngayong dis oras ng gabi, ginising siguro siya ni Manang. Kailangan ko na ring magmadali dahil anytime, pwedeng magising si Cassandra. Pinatulog ko na kasi siya nung maggagabi pa lang, and I pretended na hindi makakapunta sina Izaryn by crying inside the door, and by going in the kitchen while we were having dinner, making it more effective. Kaya nakaka-tiyempo ako, dahil heavy sleeper din itong batang 'to, sanay mag-isa matulog. Doon ko kinukuha lahat ng tiyempo ko para bumalik dito sa Maynila, tuwing umaga ako pumupunta ng Tarlac habang gabi-gabi akong bumabalik dito sa Maynila.







Ang alam ni Valentine may trabaho ako in the outside premises, investing my money on a certain business which is true naman. Business namin ni Erica na nag-hihire ng mga actors para sa aming mga substitutes. Doon ko kinuha ang actor ko para mapaglaanan ng oras si Cassandra sa Tarlac kapag hindi ako available, pinasusuot ko rin ng facemask tulad ng facemask na sinusuot ko. Itim kasi ito, tanging mata ko lang, ilong, at bibig ang nakikita, pero kung kubyertos lang naman ang kakainin namin, inaalis ko ang mask ko. Matagal niya ring tinatanong ang pangalan ko, pero hindi ko pinapansin. Mahirap itong ginagawa ko dahil luwas ako nang luwas, pabalik-balik pa mula Maynila sa Tarlac, pero wala akong magagawa, I need to accept the consequences I ultimately wanted when I firstly want to manipulate Izaryn nung nabuntis siya kay Wally at si Cassandra ang supling. I don't ever want to involve an innocent child, but a child can make an impact sa inang inulila ang anak niya.







"Don't worry, Sasha. Make sure lang to disinfect their bodies, okay? Pupunta na ako kina Georgina, I will be certain na there will be two bodies to replace these maniacs." she calmly said while I frantically try to hide these bodies under my husband and I's bed. Sa sobrang pagkabalisa ko, hindi ko na namalayang iniwan na ako ni Erica. I gradually stored Izaryn's dismembered bodies sa tig-iisang bin bag separately, hirap na hirap akong ilagay dahil lagi kong nahuhulog ang mga ito sa sobrang pagpapanic ko.







Hindi ko na muna tinuloy ang mga ginagawa ko at hiniga muna si Wally sa higaan habang ang mga parte ng katawan ni Izaryn na wala sa bin bag, nilagay ko muna sa kung saan ko ito malagay malapit sa kama. Maghuhugas muna ako ng kamay sa bathroom. Malapit na sana ako sa bathroom, pero nakasalubong ko bigla si Valentine, kaya tinago ko agad ang mga kamay ko sa likod ko, kaya nagtaka siya nang bahagya, pero hindi niya naman pinansin. Binati ko agad siya ng ngiti, which he returned with a smile as well.







"Oh, Sasha? Saan ka pupunta? Sayang, hindi natin natuloy yung ginagawa natin kanina, I was so sleepy. Sorry, hun. Pero... pero babawi ako, okay?" Valentined uttered.







"D-Don't worry, Val. It's... it's okay. We can do them by tomorrow naman, e." I awkwardly stated with an awkward smile. Napansin niya na sigurong matagal ko nang itinatago ang kamay ko sa likod ko, kaya napahawak siya sa baywang ko, dahilan para dumistansya ako nang onti. His expression tells me na he's worriedly saying 'what' on his face with his eyebrows turned up.







"Ano? Patinigin. Ano yang tinatago mo sa kamay mo—"

"Valentine. Huwag, okay? This is a surprise?!—"

"Surprise, talaga ba?" he sarcastically said bago puwersahang ihila ang kamay ko sa likod papunta sa harap ko. Nang bumungad sa kaniya ang malawak na dugo sa kamay ko, he immediately formed a facepalm.







"Ano 'yan?" he asked, pero hindi ko sinasagot. He asked repeatedly and repeatedly, but I'm also answering nothing repeatedly.







"You know what? Fine! I'm just gonna go sleep—" at sa mga sandaling 'yon, napahawak ako sa mga braso ni Valentine. He looked at me with his infuriating stare, pero nangulit siya at naglakad nang mabilis papunta sa kuwarto, kaya napabilis din ang lakad ko at paulit ulit na pinipilit na huwag pumunta, pero siya tong makulit at sinasabing baka may tinatago raw ako doon.







"Valentine, please. Val—" huli na nang makumbinsi ko siya ulit nang buksan niya na ang pinto ng kuwarto namin at bumungad sa kaniya ang mga katawan sa kuwarto namin. Agad niya akong sinampal nang dalawang beses sa magkabilaang pisngi. Hindi ko alam kung maituturing kong sampal 'yon o sapak, basta malakas, kaya napatumba ako sa sahig.







"Who did this?—"

"I... I don't know! Kaya... I was about to go to the bathroom to wash the bloods off my hands, kasi nga... kasi nga—".

"Kasi pinatay mo? The heck, Sasha! Akala ko ba pinauwi mo na si Izaryn!—"

"I didn't kill her! I didn't kill Wally, I didn't kill her! All I ever did was to roam around the mansion dahil na-bored ako. You were sound asleep, kaya ako nag-ikot, and then... and then, may pumasok na naka... naka-hoodie na black, sinundan ko, but I lost that unidentified person dahil sa bilis maglakad. Tapos... tapos nung nagpunta ako ng kuwarto, wala... wala ka na, then... then nakita ko yang mga 'yan! I tried putting them in the bin bag, pero... pero sa sobrang lansa ng dugo, everything, I just can't take it anymore!" I convinced him with all these white lies, trying my best to make my tone convicting. Pinaniwalaan naman ni Valentine. Sinabi niya pa sa akin na anong gagawin namin, he said he will hire some actors na patayin, pero tinanggihan ko, but I didn't say na Erica was there to do those. Sinabi ko na lang to dispose the bodies, pero sinabi niya na hindi, na he will be preserving them and that we will reside in a new mansion, and that he will build a secret room doon where he will preserve the bodies, pero he will play in the media na si Mama Terry and naka-preserve doon at papangalanan niya rin ang kuwartong 'yon based off Mama Terry's name.







Kalaunan, nagpunta na ako sa Tarlac to visit Cassandra. Pinaalis ko na rin ang actor ko at binayaran. I started wearing my mask and wore the same clothes as what the actor wore. I entered Cassandra's room, still sound asleep. There, I saw the triumph of my mission, but at the same time, I realized that I already got attached to this kid, pero kailangan kong magsakripisyo. And after 4 whole years, I pretended to be dead, sinabi ko na rin kina Ashley. Dahil nga kapatid ko sina Ashley. Oo, kapatid ko si Ashley at si Izaryn. At tanging ang pagpapanggap ko lang ang hindi ko pwedeng mabuko kay Cassandra, because I know she will lose herself. Binunyag ko ito kay Ashley before she takes care of Cassandra, she accepted the mission kapalit ng sampung milyon.  Pinaayos ko ang birth certificate, binayaran nang malaki para agad na ma-process without letting Cassandra know.







And that's why, I am known as Sasha Euri C. Parriño, and not Sasha Euri F. Parriño.












Present Time - Cassandra's Point of View

I am in complete disbelief after knowing the full story. The way she pretended to be someone I wouldn't know. The way she pretended to be someone I could be very dear of. And when that innocent Cassandra believed her to be her superhero, her role model. Tangina. Nakakaiyak.







"Naging... naging bayani kita! Kasi despite my parents' absence, ikaw ang pinagkatiwalaan ko, sa'yo ko pinagkatiwala ang sarili ko! I don't even know how to address you right now! If... if Sasha, dahil ikaw yung pumatay sa nanay ko and may parte sa pagkapatay ng tatay ko, or... or was it more of like do I need to address you Tita? Yung... yung obsessed sa face mask na hawak-hawak mo ngayon. Clearly, clearly, napaka-sinungaling mo. Napaka-sinungaling mo. Sinungaling!" pagwawala ko around the floor. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako dahil siya si Tita, o matutuwa ba ako na ang bayani ko dati ay buhay pa.







"That's why I kept it a secret! Kasi... kasi attached na ako sa'yo, Cassandra. When I saw you at the company nung nakaraan, nung inaway kita for mistaking you as a robber, acting ko lang din 'yon. Because... I already detached myself from you, tapos makikita kita sa kumpanya namin. Then... then after no'n, after nung debit card incident na kahit alam ko naman yung totoong nangyari na ikaw ang nagnakaw, I decided to choose you to marry Adrion, dahil... dahil ayaw ko nang makawala ka sa mata ko, ayaw ko nang hindi ka... hindi ka nakikita becase you were once my daughter, I planned to have you marry Adrion and paalisin si Aza because my daughter, my once daughter—"

"Hindi mo na ako anak, Tita. Hindi mo ako naging anak! Gusto mo ng mas magandang balita? Gusto mo ng magandang balita that will make you think that I was never your daughter?" I provoked, dahilan para tumigil siya sa kaiiyak niya.







"Ano?—"

"Valentine's dead. Your husband is dead! Pinasabog niya ang mansion niyo and when Adrion and I were about to get the bodies of my parents, he was there at your fucking secret room na pinaniwala mo kaming si Terry ang nandoon. Then... he physically abused me, hanggang sa umalis si Adrion, at sumabog ang bomba. Glad, I am still kicking alive while your husband...? Patay na! Hindi mo na siya makikita pa, patay na ang asawa mo, Tita Sasha. Patay na ang asawa mo!—" right about then, nagpaulan siya ng baril sa walang malay na si Tita Erica na halos katabi niya lang, nagsisisigaw, saying all these are not true. Talon nang talon ang katawan ni Tita Erica from all the shootings, siguradong patay na nga si Tita Erica, nakita ko rin ang patay na chainsaw sa gilid nito.







"That's not true. That's not true. That's not true!!! My husband is alive. Valentine's fucking alive—"

"Well, he's already not because of me!—" sa sandaling 'yon, nagpaulan siya ng bala sa akin, pero sa iba tumama, dahil agad na nahila ako ni Adrion, kaya naiwasan ang lahat ng 'yon. Halos hingalin na si Tita Sasha't parang mamamatay na dahil sa balita. Pero there's nothing to worry about. Naandito na ang savior ko. At ngayon, magkakaalaman na tayo. Hinawi ko agad si Adrion nang mapansing sa iba na naka-focus si Tita Sasha.







"Haha. Hahahaha! Tita Sasha. Tama ka nga sa mga sinabi mo sa akin dati." hindi niya na namalayan na nasa likod na niya ako kaya nahablot ko na ang baril niya. I put her in my arm, at itinutok ang baril sa ulo niya.







"Tama ka nga na sa pamilya namin nagsimula ang gulo, but you ignited the fire. At oo, sa amin nagsimula ang gulo—"

"At sa inyo rin magtatapos." Tita Sasha uttered bago ako sipain sa tiyan ko, at mabilis na nakuha ang chainsaw sa tabi ng katawan ni Tita Erica. Binuksan niya ito kaagad, nakangiti na parang isang demonyo. Tumatawa nang wagas na parang hindi na makakatawa sa susunod pang mga araw.







"At magtatapos ang gulong ito the same way how I killed your mother." Tita Sasha said in her serious tone, locking her eyes upon mine.












Acrimonious Heart, Chapter 28
Next Chapter: The Last Bullet

Comment