24: The Confrontation














"I'm surprised you're still alive by now, Sasha." anas ko, nakaupo para mapantayan siya, nakahawak nang mahigpit sa baba niya. Kita sa katawan niya ang nume-numerong marka ng sinturon at iba pang mga pamalo.








"Hindi ka pa rin magsasalita? Ang tigas mo rin pala. After suffering for almost two decadesa mansion niyo, nagtitiis na makita 'yang pagmumukha mo on a daily basis, finally. Finally, Sasha. Finally!" I clapped three times while saying that finally. "Finally, I get to fucking obliterate you in your own old home, The place where you killed my parents!" dugtong ko, igniting the fire.








"Where did you get the information from?" I smiled. Inalis ko ang grip ko sa baba niya saka tumayo mula sa pagkakaupo. I grinned. I looked at Adrion who's currently busy handling the documents he gave me recently.








"There. Your precious son— I mean, ang ampon mo. I don't even know why would you fucking adopt him and befriend with his only sibling who I got deceased. May motibo ka ba para kupkupin sila while living with the guilt na pinapatay mo ang mga magulang nila? Hm? Is... is that your conscience acting upon you? Kaya tinanggap mo ako sa mansion mo and filed a marriage contract with me for Adrion?" I smirked and scoffed at the same time. Lumuhod ulit ako para makapag-indian sit sa tapat niya, facing her.








"And with your egomaniac self, siyempre, hindi ka papayag na kasalanan mo ang pagpapatay na mga ginawa mo, because simply, you are guilty." tumayo ulit ako saka pumadyak nang malakas, catching the attention of everyone here sa old mansion ng mga Parriño.








"Wala naman talaga akong kasalanan. It's their fault bakit namatay sila! Nadamay lang ang mga magulang ni Adrion at ni Chikigem dahil gawa ng mga magulang mo! If... if only they did not provoke me to kill them, walang mamamatay, at hindi tayo hahantong sa ganito! So do not pass the guilt upon me, dahil kasalanan ng mga magulang mo kung bakit kailangang mamatay ng mga magulang ni Adrion. I... I had to dispose their bodies, at... at para may replacement for your parents' wake! Wala... wala ka bang utang ng loob? At least, I was able to prepare a funeral for your parents dahil sa mga magulang ni Adrion. Kung hindi lang naging lason sina Izaryn, hindi sila mamamatay—" I can't get enough of her words already kaya sinampal ko siya sa mukha, dos por dos, lahat ng gigil at pikon ko binuhos ko sa mga sampal na 'yon.








"Hayop! Hayop ka. Hayop ka! Demonyo!" I yelled out of frustration.

"Tanga ka ba? Ikaw! It's your choice, it was your choice to kill them! It was your choice to fucking kill my parents! My God!" ginulo ko ang buhok ko sa sandaling 'yon at ibinaba ko ang ulo ko na papantay sa mukha niya.








"Do you know... how it feels like as a child... to... to assume your parents are coming, and y-you wanna hug them so bad, so graceful that you wouldn't even wanna go from that embrace... pero, pero pinaniwala sa akin na babalik pa sila. Saan? Ibabalik mula sa hukay? Tapos gagawin ang baliw at maglulupasay sa mga bangkay nila? It was so much pain, Sasha! I... I was just 12 years old when I knew it all! I was just... 12 years old, 12 fucking year-old Cassandra!" ipinantay ko muli ang katawan ko at tumalikod kay Sasha para hindi maipakita ang nangingiyak kong mukha.








"And even now, reaching almost 40, I still want to see them. Kasi, mas okay nang hindi ko sila makita dahil may iba na silang pamilya kaysa hindi ko na sila makikita kasi pinatay sila. Ni litrato, wala akong makita. Only their dead bodies. Halos mabura pa ang mga hitsura..." iyak ko.








"That's why I'm asking for your motive... so I could figure out how to move on, how to... to forgive you even if it's less likely possible to go that way. You stole my life away from me. Kasi mula nung araw na 'yon, hindi mo alam kung paano namatay ang kalahating buhay ko nang malaman kong hindi na sila makakapunta sa Tarlac. Even nga si Tita na kinupkop ako no'n, hindi ko nga alam ang hitsura kasi nga lagi siyang naka-facemask, as if she was hiding herself from me. Kahit sa araw ng kamatayan niya, hindi man lang ako ininform kung saan nakaburol, saan nakalibing. Wala! Putangina." I added.








"I know this is too much, Sasha, but I want you to reveal the truth to me. Kahit 'yon lang!" lumingon muli ako sa kaniya, nakayuko na siya, pero kita ko ang mga luhang pumapatak sa sahig. Wow, first tume.








"Kahit 'yon lang, Sasha. Kahit 'yon man lang. Kasi... kahit... kahit hindi na kita ipakulong, kahit... kahit hindi na kita patayin, basta yung totoo lang, Sasha, tatanggapin ko. Kahit... kahit yung katotohanan man lang. You see, oh! I had spent all my life finding the truth. I don't even know where there bodies are! Saan mo tinago?"







"I... did not hide their bodies—"

"Saan? Putangina, saan? Saan mo itinago—"

"Oh, come on. How dramatic. Is this a movie or what? You guys should've told us, nakadala sana kami ng popcorn for everyone, diba Taya?" pagkalingon ko, bumungad sa akin si Tita Erica kasama si Tita Taya pati ng mga anak niya, at si Aza. Wow, reunion ha.








I wiped my tears away at bahagyang ngumiti sa kanila, at nagkunwaring nasurpresa sa pagkarating nila. Sinadya ko talagang i-text sila gamit ang anonymous number at sinend ang picture ni Sasha na halos mamamatay na. I know by then na pupunta sila rito, and I don't know for what reason. Basta alam ko lang na kapag ginamit ko ang kahinaan ni Sasha, magsisipuntahan sila to save her.








"Sana nga nagdala ka, e. Para man lang may share ka, diba?" I sarcastically stated. Lumapit ako nang bahagya sa kanila, tila mga osong galit na galit kung magpunta rito.








"Since you're all here. The gathering of the evils kung susumamuin..." I stopped for a while para tawagin si Ferlin na sumagot naman siya kaagad. "Bring out Tita Ashley, let this be a family war. Tandaan niyo ang araw na 'to, hindi lang 'to araw para sa hustisyang kailangan ko. Araw 'to para ilabas lahat ng mga baho sa pugad na tinatago ng bawat isa rito—"

"How sweet! You're like a teleserye actress ng Wildflower at Dirty Linen, seeking revenge... doon mo ba nakuha mga strategies mo?" Tita Erica stated while the other parties continue to smirk.








"Maybe, maybe not. Maybe all these strategies came up from my greed of justice for my parents. You killed my father and you also saw how Sasha killed my mother. Best friends since day 1! Wow, Tita Erica, napakagaling at napakahusay mo. You are bewildering!" sagot ko sa kaniya na may kasamang palakpak. Magsasalita pa sana si Tita Erica, pero halos maluwa na ang mga mata nila nang ma-kumpirma nga nilang totoo ang sinasabi ko sa kanila, na niligtas ko si Tita Ashley as Tita Ashley makes her entrance from my back, laughing like a maniac.








"Oh God. I can't believe this. We're all on our 60s now, yet hindi pa rin tayo tapos sa problemang 'to. If this was to be a movie, I'm pretty sure tatangkililin 'to ng mga senior, we'll make a great income. Do you think that's possible? Mga Valentines?" Tita Ashley introduced saka tumabi kay Tita Erica. Dinikit niya ang bunganga niya sa tainga niya.








"I mean, mga Fuentivas." then, Erica pushed her hard pero na-maintain pa rin ni Tita Ashley ang position niya. Tita Taya, then, meddled in, pinaggigitnaan nila si Tita Ashley ngayon while I watch them like they are in a rivalry movie.








"Ashley, ikaw na lang ang Fuentivas dito. Matagal na naming niyurakan ang apelyidong 'yan dahil traydor—"

"Ang mga magulang mo, not my grandparents." singit ko para dugtungan ang mga sinasabi ni Tita Taya.

"Huwag ka ngang mangielam dito, Cassandra—"

"Kaya nga andito kayo, Agatha, diba? Dahil lahat tayo, magiging pakielamera dito. Lahat ng mga tao rito, ilalabas ko ang mga baho. Akala niyo hindi ko alam ang mga baho niyo?" I crossed my arms at naglabas ng USB, ni-ready na rin ni Adrion lahat ng kailangan para ma-project ang presentation ko.








"Well..." I sighed before continuing. "I am happy to announce that we... are just about step into the climax part. So, I hope everyone gets to be ready." dugtong ko. Flinash ko ang screen gamit ang remote, nagtungo agad sa first slide, at bumungad agad si Tita Oyi at si Aza.








"Well, cliché, super cliché. The traitors." I presented habang naka-focus silang lahat sa projected screen.








"Sabi, wala raw karapatan to step inside the Parriño family dahil may history ang pamilya niyo sa pamilya nila. Kaya pala may lakas ng loob silang pumasok, kasi hindi nga pala sila parte ng pamilya natin. Ampon si Oriya Sckitz, so Aza plays no position in here—"

"Stop this, Cassandra." anas ni Aza.








"You bet, Aza! Maglabasan tayo ngayon ng baho, hinding-hindi ko palalagpasin ang moment na 'to ng buhay ko, because this... this is the sweetest day of my life... ever!" I happily said, allowing my crazy side to be felt across the building.








"Kaya sila—" i-pepresent ko na sana ang baho ni Tita Taya, pero pinaputukan niya ng baril ang projector, dahilan para magkaroon ng aberya. Hindi lang aberya, sira na talaga. Out of rage, tinutok ko na ang baril ko kay Tita Taya, dahilan para maglabas ng baril ang iba, including Tita Ashley.








"Okay, let's keep all those hidden. Baka kasi mapatay niyo rin mga sarili niyo kalaunan, and if ever that happens, kung hindi man kayo makukulong sa kulungan, ikukulong ko na lang kayo sa impyerno kasama ang tatay niyong si Satanas—"
                                                 - Cassandra





"Ang kapal mo! Baka ikaw ang isasama ko sa mga magulang mo. Mga kampon ng demonyo!"
                                                          - Taya





"Baka nakakalimutan mo, Taya, Erica. Kayong dalawa ang muntik pumaslang sa akin para i-blackmail si Cassandra during her wedding. Helping Oyi and Aza, para man lang mabawi ang misyon niyong makuha si Adrion, but you guys never won, dahil hindi niyo pa kilala si Cassandra. Ako, kilala ko ang pamangkin ko!"
                                                      - Ashley





"Wow, wow. Nagsalita! Nagsalita ang perfect sa pamilya. Nagsalita ang feeling perfect. Ungas! Kahit pumuti pa ang uwak, you will never get in place sa kayamanan ng magulang mo dahil matagal ng inako nina Izaryn, at ngayong patay na siya at ang isa mo pang kapatid, hindi mo na makita ang mga dokumento. Kaya nga kinupkop mo si Cassandra, diba? Dahil gusto mo siyang gamitin as a figure para ma-retain mo ang dapat na mayro'n ka, kaso hindi mo alam, dahil boba ka, tanga! Hindi nagtapos ng pag-aaral dahil tinuloy mo ang pagiging pokpok mo! Kaya nga wala kang anak, diba? Dahil sa sobrang luwang mo na, nabaog ka na!—"
                                                           - Taya





"At least I was able to make some money independently at yumaman in my own accord, kaysa naman sa'yo na nakipag-kumpitensya pa kay Oyi, kasi kahit ampon siya, mas binigyan siya ng karapatan ng Papa niyo dahil 'di hamak na wala kang dulot sa pamilya mo. Last ka sa succession dahil si Erica ang sumunod. At ikaw, Erica, matagal kang nag-abroad, at babalik ka rito para manggulo. You are a junketeer, bloodsucker, rubbish hellcat diabolic!—"
                                                       - Ashley








At sa mga oras na 'yon sila nagsabunutan. Pinagtutulungan si Tita Ashley, pero kalaunan, inaway na rin ni Tita Taya si Tita Erica dahil ayon nga, tama si Tita Ashley tungkol sa kayamanan ng mga magulang nila, na bakit daw mas may karapatan pa siya, e, mas may ambag naman siya sa pamilya. Sina Hiro naman at si Agatha, sinusubukan silang pigilan, while Aza and I are currently watching their hideous scene, laughing.








Ilang minuto pa, hindi pa rin sila tumitigil, kaya wala na akong choice. Pumagitna na rin si Adrion, pero wala rin siyang choice. Nang magpaputok si Tita Erica ng baril, saka silang tumigil lahat.








"Patayan. Magpatayan na lang tayo!—"

"Sige, ibibigay ko sa'yo ang gusto mo, Erica. Ibibigay ko sa'yo!—" siningitan ko na si Tita Ashley by pulling the trigger of my gun while I have it focused on the ceiling, kaya napalingon siya akin, having her back face the evil of the century.








"Ugh, my ears hurt—" tinutok ko agad ang baril ko kay Tita Erica nang mapansin kong babarilin niya si Tita Ashley. This time, wala na akong second choice, ipuputok ko na talaga 'to.








Tita Erica smiled while watching me, she pulled the trigger, the same time I pulled my own trigger. Ang kaibahan lang, walang bala sa kaniya, may bala sa akin. At ang isa pang kaibahan, she used Tita Ashley as her shield, which caused my bullet stormed through Tita Ashley's chest, where her heart is placed. Within seconds, Tita Ashley briskly fell down on the floor, lifeless.








"T-Tita..." anas ko.

"Got you there, wrong choice. Akala ko ba matalino ka? Haha! You saved her, pero ikaw lang din ang papatay sa kaniya. You're a demon, Cassandra. Hindi ka iba sa amin." Tita Erica commenced while gradually walking towards me, grinning.








"Ikaw na lang ang nag-iisang Fuentivas— ay wait, mali. May isa pa pala." I just stared at Tita Erica's statement. Lumingon siya bigla sa nananahimik na si Sasha.








"Sabi ko nga, may isa pang Fuentivas na buhay pa." at ibinaling niya muli ang ulo niya sa akin.








"Right, Sasha?" dugtong niya habang nakatingin lang siya sa akin, staring at me, whole.








Wait... Huh?













Acrimonious Heart, Chapter 24
Next Chapter: The Killings

Comment