Kabanata 9

Rainy

I immediately woke up when I realized my alarm clock didn't wake me up. Dinig ko ang malalakas na patak ng ulan. Bumaba ako ng kama at hinawi ang kurtina ng aking bintana. I saw the ash shade of the sky. Tumingala ako sa wall clock ko.

My eyes widened.

Nagmadali akong bumaba para itanong kay Mama kung may pasok ba o wala. Ngunit nadatnan ko na agad ang nakabukas naming TV sa sala, malakas ang volume niyon dahil sa lakas din ng ulan.

Walang klase.

"Thank God, akala ko naman late na ako. Suspended pa rin pala ang klase..." nasabi ko na lang habang dumidiretso sa kusina. Naamoy ko na agad ang nilulutong almusal ni Mama. Napangiti ako nang makita ang sopas na hinain niya sa lamesa.

"Good morning, Mama..."

"Oh, mag-ayos ka muna ng sarili mo bago ka pumwesto sa hapagkainan," paalala niya. Napabalik tuloy ako sa kwarto ko para maligo at magsipilyo. Sanay na akong naliligo nang maaga kaya kung ipagpamamaya ko pa ay tatamadin lang ako.

"Oh, good morning, Ate..." I greeted my sister. Sabay kaming lumabas ng kwarto. Naghihikab at nakapantulog pa pero halatang nakapaghilamos at nakapagsipilyo na.

"Walang pasok ah, aga mo maligo," aniya habang sabay kaming bumababa ng hagdan.

"I'm used to it, Ate."

Nang tuluyang nakababa, naabutan namin si Kuya Indigo na nakapwesto na sa upuan niya. Binati ko siya at gano'n din siya. Si Mama ay patuloy pa ring may pinagkakaabahalan sa parte ng kusina namin. Natapos lang siya saktong pagkaupo ni Papa sa hapag.

"Don't forget to pray before taking the blessing," paalala ni Mama. Sabay-sabay kaming nagdasal saglit at nagsimula nang kumain.

Unang tikim ko pa lang sa sopas ay napangiti na ako. Ang sarap talaga!

"The best talaga ang sopas mo, Mama!" puri ni Ate. She just smiled.

Nakaabang naman si Bubby sa paahan ko. Hinatian ko siya ng sandwich at ibinigay sa kaniya.

"Mama, may pagkain pa ba si Bubby?" tanong ko.

"Paubos na rin, pero may isang serving pa 'yon. Teka kukunin ko, ipaghahanda-"

"Ako na, Mama, kumain ka na ulit..." pagpigil ko. She let me do it. Hinainan ko si Bubby ng dog food at tubig. Nilagyan ko rin siya ng sariling sopas, hindi ko muna binigay dahil mainit pa. Bumalik ako sa pagkain at nakinig sa pag-uusap ng pamilya.

"Kaya mo bang pumasok ngayon, Rolie? Maulan pa. Hayaan mo munang magpahinga ka kahit ngayon lang," si Mama, kinukumbinsi si Papa.

"May sasakyan naman, Shery. Mahalagang pumasok pa rin sa araw na 'to, maraming gawain sa office," sagot ni Papa.

"Mag-ingat ka na lang, Papa, ah?" I reminded him. Ngumiti siya at nag-thumbs up sa akin. Nginusuan ko siya, gusto ring magpahinga muna siya sana ngayon.

Bumaba naman ang tingin ko kay Bubby na tapos na sa kaniyang pagkain. Tumayo ako at inilagay naman sa harap niya ang pinalamig na sopas. Ngumisi ako nang madali niyang naubos iyon, naunahan pa ako.

After breakfast, I went upstairs and do nothing. Dahil maulan at suspended ang klase, mahihirapan kaming humanap ng schedule ng practice para sa badminton. Nakatanggap na rin kami ng mensahe mula kay Sir Luis, sabi niya wala kaming magagawa kundi pakalmahin muna ang ulan.

I sighed. I roamed my eyes inside of my room. Hindi ko alam ang gagawin kung patuloy na mag-su-suspend ang klase. Mahilig naman akong magbasa ng libro at mag-paint kaya may pagkakaabahalan ako kahit papaano.

I texted Aya while lying on my bed.

Ako :

Hey, kumusta? Walang pasok.

I didn't get a quick reply. Tumayo na lang ako sa pagkakahiga sa higaan at napagpasyahang maglinis muna ng kwarto ko. Medyo mahina na ang patak ng ulan, nakita ko sa bintanang pilit na sumisilip ang liwanag ng araw sa madilim na langit.

Naisipan ko ring bilhan si Bubby ng pagkain niya. Matagal-tagal na rin mula noong binili ni Hiro ang pagkain ni Bubby, naging matipid naman siya sa dog food dahil madalas namin siyang bigyan ng pagkain na kinakain din namin. Mas mabuti na rin iyon para hindi siya masiyadong masanay sa dog food lang.

After cleaning my room, bumaba ako sa sala. Nagbabasa si Mama sa sala, libro iyon, mukhang bago pa at kasisimula niya lang. Hindi pamilyar sa akin kaya baka binili niya iyon. Si Bubby naman ay nasa higaan niya at mahimbing na natutulog.

"Mama, bibili ako ng pagkain ni Bubby maya-maya, habang mahina ang ulan..." paalam ko habang umuupo sa single sofa na kaharap ni Mama.

She gazed at me. "Sigurado ka ba? Baka mapaano ka pa..." aniya at pansamantalang binaba ang binabasa.

"Ayos lang, Ma, gusto ko ring lumabas."

Tumango siya at inilabas ang wallet niya. Agad ko namang pinigil iyon.

"Ako na, Mama. May pambili ako. May sobra pa akong pera," I insisted. "Hindi naman ako masiyadong magastos sa school," dagdag ko.

"Anong oras ka aalis?"

I found the wall clock. Alas nuebe na pala.

"Hapon na lang, Mama. After lunch po," sambit ko.

"Mabuti. Magsasama-sama na naman tayo sa tanghalian. Wala nga lang ang Papa mo..." aniya. Napaisip ako roon.

Bigla kong naalala na lagi kaming wala mula umaga hanggang hapon. Hindi ko lang alam si Ate at Kuya, minsan ay paiba-iba ang schedules nila.

I just found out today that my mother was being excited, because finally, hindi na siya mag-isang kakain sa tanghali. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Knowing that my mother was being lonely every lunch meal. Maswerte na lang at kahit papaano ay nandito si Bubby.

I smiled.

Since high school, may mga times talaga na madalas wala ako sa bahay. Sa school na lagi ako kumakain, minsan pa kahit umagahan ay roon ko na nagagawa dahil sa pagkaabala masiyado. Ngayong senior high school na ako, halos buong araw ay nasa school ako, lalo na si Kuya at Ate, idagdag pa si Papa.

She's been alone. But I hope, she would understand the situation. Ano pa kaya kung may trabaho na kaming lahat? I know the time is ticking and I can't do something about that. We need to flow with time. Sana lang ay sapat ang oras para masuklian namin si Mama at Papa. I'm hoping that, that's enough.

After realizing that, I texted my brother and sister. Simula noong bumaba ako ay hindi na ako tumaas ulit para magkulong sa kwarto. I just waited the lunch meal while making conversation with my mother. Sinamahan ko rin siya sa pagbabasa.

Ako :

Ate, baba ka. Let's make bond, with Mama.

Gano'n din ang sinabi ko kay Kuya Indigo. Bumaba rin naman sila matapos ang ilang minuto. Ate Iska hugged our mother and smiled. Inasar-asar pa ni Ate kaya para silang nagbabangayang magkapatid na naman.

"Bakit kayo bumaba? Wala ba kayong gagawin? Tapusin niyo ang mga kailangang gawin para sa school. Tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na," sambit ni Mama.

"Walang pasok, Ma. Pahinga rin muna," ani Ate.

"Nakakatamad din sa kwarto, lagi lang akong matutulog kahit may gagawin..." si Kuya naman, habang ginigising si Bubby. Natawa ako at sinamaan siya ng tingin.

I saw our mother's smile. It was glued on her lips. It's better knowing this, we need to make time for her. Responsibilidad namin ito. Sayang lang at pumasok si Papa ngayong araw.

Nang malapit na ang tanghalian, tumulong din kami kay Mama magluto. Si Ate ay nanggugulo lang, puro tikim at pang-aasar kay Mama.

"Mama, itabi mo, ako na," si Ate, tila ba may alam sa pagluluto. Muntik na siyang makurot ni Mama na ikinatawa ko. Kuya Indigo was laughing while cutting some ingredients. Naghugas naman ako ng kamay matapos hugasan ang karne.

"Ate, 'wag ka ngang makulit, mamaya pumangit ang lasa ng niluluto namin!" humagalpak ako ng tawa.

Siniringan ako ni Ate Iska. Tumawa ulit ako. Nilapitan ko si Kuya Indigo na nananahimik na. Mama was busy stirring something. Mahina kong kinausap si Kuya.

"Did you already clear the thing?" I asked him. Natigilan naman siya sa paghihiwa, dumapo ang tingin ko kay Ate na abala sa kaniyang cellphone kaya nagpatuloy ako.

"Kuya, I will help you. Just please... clear it right away-"

"Break na kami."

That left me, dumbfounded.

"H-Huh?" hindi ko naiwasang mapalakas ang pagkakasabi ko ng salitang iyon. That's why Ate Iska and Mama caught us.

"Break na kayo?" ulit ni Ate, tila wala lang sa kaniya. I've never noticed Ate Iska giving some interest about Ate Zai. Ayos naman sa kaniya si Ate Zai pero hindi rin naman sila naging close.

I thought it didn't catch her ear.

"Ni Zaina, bakit?" si Mama, pansamantalang tumigil sa ginagawa at lumapit sa amin. I bit my lower lip. It was a bad move. Dapat hindi ko na lang tinanong itong si Kuya.

I stared at him. "Sorry, Kuya..." Tinapik niya lang ang likod ko.

"Hayaan niyo na 'yon, Mama, Ate..." sambit ni Kuya. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ni Ate.

"She's okay for me, pero I don't like her either," komento ni Ate. "Kaya ayos lang din, good to know..." she trailed off when Mama looked at her with warning-look.

"Anong naging problema, anak? Napansin ko ring hindi na bumibisita rito si Zaina."

Kuya's lip formed into thin line. Napatikhim siya at wala nang nagawa kundi tumigil sa ginagawa. Umupo naman ako sa kaharap na upuan ni Ate. I looked down. I feel guilty and sad. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Hindi ko rin naman alam kung kailan pa kaya lalo kong sinisisi ang sarili. Wala akong kaalam-alam.

"It's just me, Ma. Nakipaghiwalay ako sa kaniya... I don't wanna sound rude but I just felt like... I'm already done with her," amin ni Kuya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nagsawa ka?" tanong ni Ate.

Umiling si Kuya.

"I don't think that was the reason... hindi ko rin maipaliwanag pero kilala niyo naman ako. Naging seryoso ako sa relasyon namin at sa kaniya. It's just that... it didn't turn well. I fell out of love."

Napasinghap ako. What's the cause?

"Kuya... you mean, Aya-"

"Kahit tapos na kami ni Zaina, I can't do it with her. She's not the cause, she didn't destroy us. I just let her appeared everytime, but I wouldn't make a bait and catch her."

Umalis si Kuya matapos sabihin iyon. Hindi naman siya mukhang galit o dismaya kaya kinalma ko ang sarili ko at tumayo na lang para ipagpatuloy ang ginagawa niya kanina.

"Sayang naman..." komento ni Mama.

Nag-iisang lalaki si Kuya Indigo, siya lang din ang pinayagan ni Mama at Papa na pumasok sa romansang relasyon. Sometimes, I find it unfair for Ate Iska. Mas matanda si Ate kaysa kay Kuya Indigo. Minsan iniisip kong dahil lalaki si Kuya kaya hindi sila nag-aalala masiyado, gusto rin naman ni Mama si Ate Zaina ayon sa obserbasyon ko.

But it's still unfair. Nagtitiwala rin naman ako kay Ate Iska.

"Ako naman ang payagan mo, Mama," my sister broke the silence. Nakabalik na si Mama sa ginagawa niya kanina, si Ate naman ay tumayo at lumapit may Mama para kulitin tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.

"Bahala ka na, Iska."

Natahimik si Ate. "Mama?" para bang hindi siya makapaniwala.

"Isika, Mama, hindi Iska!" she blurted out. "Pero... totoo, Mama? Bahala na ako? Ipakilala ko na sa inyo?" aligagang sambit ni Ate.

I watched them. Napailing si Mama habang niyayakap-yakap siya ni Ate.

"Ibuhos ko kaya itong sabaw na 'to sa 'yo? Saka na tayo mag-usap tungkol diyan."

"Opo, Mama! Salamat, mahal kita!"

Ngumuso ako at natawa. Finally, Ate.

Kumain kami saktong alas dose. Bumalik si Kuya na parang wala kaming pinag-usapan kanina. Mas mabuti na kaysa naman manahimik lang siya sa isang tabi. Saka ko na siya kakausapin tungkol sa bagay na iyon. Ayoko rin namang magkaroon si Aya ng pag-asa kay Kuya. He can't do it with her.

Nagpaalam din agad ako sa kanila na lalabas matapos makapagpahinga sa pagkain. Maulan pa rin ngunit sa ngayon ay ambon lang ang nakikita ko. Madilim pa rin ang langit pero hindi na gaya kaninang umaga.

Hindi naman kalayuan ang pagbibilhan ko kaya siguro'y babalik din ako kaagad.

Aya :

Oo nga, e. Ginagawa mo?

I read Aya's reply. Ni-reply-an ko siya nang makasakay na ako sa tricycle.

Ako :

Palabas. Bibili akong dog food.

Aya :

Daan ka rito sa bahay.

Sumimangot ako.

Ako :

Ang layo kaya.

Tinawagan niya ako, hindi na nakatiis.

"Dumaan ka na!" pagpupumilit niya.

I chuckled. Napaatras pa ako lalo sa gilid ng upuan ng tricycle nang madaanan namin ang medyo bahang kalsada.

"Bakit ba?"

"Wala lang, hindi mo ba ako nami-miss?"

Umikot ang mata ko.

"Oo na, sige. Magpapaalam ako kay Mama."

"Finally!"

Napatitig naman ako sa payong na dala ko. Ngayon ko lang naalala na payong niya pala ang nabitbit ko. Iingatan ko na lang na hindi masira, baka mas mahal pa ito sa buhay ko.

Nakarating ako sa store at agad ding bumili. Medyo lumakas ang ulan nang lumabas ako kaya nagpatila muna ako sa silong.

I sighed.

This weather is good. But I hope it will calm down sooner. The homeless ones are not fine with this.

"Ate, may pagkain po kayo?" I was startled. Malayo kasi ang tingin ko.

I looked at this boy. Siguro'y siyam o sampung taon. Madumi ang damit niya at malamlam ang mata, halatang inaantok. Ang mga kamay niya ay puno ng dumi. Medyo mapayat at may sakbit-sakbit na maliit na bag sa katawan.

Ngumiti ako. "Hintayin mo ako rito," sambit ko.

Iniwan ko siya sa tapat ng store, nilingon ko pa siya at nakitang umupo siya sa isang upuan doon. Nagpayong ako papunta sa isang convenient store. Naalala ko bigla na rito kami tumigil noong isinabay ako nina Hiro at ng driver niya.

Bumili ako ng cup noodles at pinalagyan na rin ng mainit na tubig iyon. Bumili rin ako ng ilang healthy biscuits at inumin na may vitamin C, pati bottled water.

Binalikan ko ang batang lalaki. Nakatingin siya sa akin na parang hindi inaasahang babalik nga ako.

"Anong pangalan mo?" I asked him.

"Jeboy po."

"Wala kang kapatid? Nasaan ang mga magulang mo?" I gave him the goods I had bought for him.

"Hindi ko na po alam... iniwan na po ako, e."

Malungkot akong nangiti.

"Gusto mo na bang may mag-alaga sa 'yo? Gaano ka na katagal sa lansangan?"

"Hindi ko na po alam, matagal-tagal na rin po. Hindi ko po alam kung may kukupkop po sa akin."

"Gusto mo bang ipagkatiwala kita sa bahay ampunan? Aalagaan ka roon, magiging maayos ang kalagayan mo..."

Tumango siya. "Hindi ko lang po alam kung paano nila ako makukupkop."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam kung paano siya mapupunta roon. Wala akong alam sa mga ganito pero mahihirapan akong iwan siya rito.

I called Aya and asked her about it. Sinabi niyang wala siyang alam ngunit may kilala siyang tao na pwedeng makatulong sa akin. Tinanong niya kung nasaan ako, pinatay niya ang tawag nang ilang minuto pagkatapos ay tumawag ulit sa akin.

"Papunta na diyan!" aniya.

"Huh? Sino?"

"I didn't expect that he was too near from here! Buti na lang may kilala akong alam ang number niya."

"Sino nga?"

Naputol ang tawag. Hindi ako natutuwa kay Aya. Hindi pa sinabi kung sino. Hindi ko naman kayang manghula, hindi ko alam kung paano makikipag-usap kung sino mang papunta na rito.

Nakipag-usap muna ako kay Jeboy, naghintay kami nang ilang minuto kung totoo nga ba ang sinasabi ni Aya. Napagdesisyunan kong tawagan ulit si Aya ngunit hindi ko na naituloy.

I was taken aback when a familiared car stopped in front of us. My jaw literally dropped. Umihip ang hangin kasabay ng pagbaba ni Hiro sa sasakyan. He was wearing a beige hoodie jacket and simple colored black short. Siguro'y ang sarap ng tulog nito sa bahay nila tapos inistorbo ni Aya. Nakakahiya.

"H-Hiro, ikaw?"

Lumapit siya sa akin habang nakapayong. The sudden attack of his smell in my nose brought me in a slow flash of fantasy. Napakurap-kurap ako nang hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Pati ang amoy niya'y hindi matanggal sa ilong ko.

"Buti tinawagan ako ng kaibigan mo, nabuburyo na rin ako sa bahay, e," aniya pagkatapos ay tumingin kay Jeboy.

"Siya ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Paano ba?"

"My sister can help you. I'll just bring him at my house, ipagkakatiwala ko na siya kay Mommy."

"T-Talaga? Hindi ko alam na may koneksyon kayo roon."

"Namamahala siya roon."

Napatango na lang ako. Hinintay muna naming matapos si Jeboy na maubos ang kinakain niya bago namin siya hinayaang sumakay sa kotse nina Hiro.

"Ikaw na bahala..."

He squinted his eyes at me. "Hindi ka ba sasabay? Hindi ba pupunta ka kay Aya?"

"Uh... oo. Commute na lang ako."

He licked his lips, top to bottom. Minuwestra niya ang kamay niya papaloob sa sasakyan, nakatingin din sa akin si Jeboy.

"Hop in."

Narinig kong utos iyon.

Comment