Kabanata 14

Sick

Madaling lumipas ang mga araw. Nagsimula na rin ang huling pag-eensayo namin sa buwang ito. Kabaliktaran naman niyon ang kina Hiro. They will rest for the rest of the days this month. Kahit na sanay naman na akong lumalaban, hindi ko pa rin maiwasang maging palaisip. Hindi ako iniwan ng pagiging ganoon kahit na wala akong ginawa kundi ang magbasa at mag-paint. It helped me but it turned out temporarily.

Iniisip ko lang ba talaga o talagang pressure ako this time?

"Give me your locker's key. Kukuha akong towel mo." Hiro said it out of the blue. Kauupo ko lang sa bench na katabi niya. Hindi ko naman alam na nandito siya, baka wala silang klase at naggagala.

"Wala ka bang klase?" tanong ko at uminom ng tubig sa water tumblr ko.

"Break pa naman. Dalian mo na, I'll make it easy for you para hindi kana pabalik-balik," aniya pa. Pinanliitan ko siya ng mata. His eyes lit up when I extended my arm for him to get my key.

I was making myself used to it. Ilang araw na siyang ganyan, noong una pahirapan niya pa akong napilit. Bigdeal kasi iyon. Nag-aalala ako sa iisipin ng tao ngunit patagal nang patagal, nasasanay na ako. Hiro assured me something. He will not let anyone pass. I trust him for that. Hindi ko na rin inisip ang sasabihin ng tao tuwing gano'n, na baka masiyado akong kampante dahil kay Hiro o ginagamit ko si Hiro para labanan sila.

Hinayaan ko siyang umalis. Naiwan naman akong nagpapahinga. Pinasadahan ko ng tingin si Ryan na seryosong nag-eensayo. Isa pa siya sa mga iniisip ko, hindi naman sa tinatrato ko siyang problema ngunit nag-aalala ako sa kaniya kapag umabot sa puntong hindi niya gusto.

I feel a little bit uncomfortable when he's around. I don't know what to feel, he's showy and consistent. Hindi ko na nga mahulaan kung ligaw na ba ang ginagawa niya o roon pa rin siya sa paghahanap ng assurance kung sigurado ba siya na liligawan ako? Minsan naguguluhan ako. In my point of view, I can see that he's already courting me. Lahat naman nakakapansin, kaya trumiple talaga ang ingay ng pangalan ko. Nga lang, hindi ko na iyon masiyadong pinapansin.

Siguro kasi, ngayon, talagang wala na akong pakielam.

He caught my stare. Kunwari akong umiwas ng tingin, na parang napadaan lang ang mata ko sa kinaroroonan niya. Until I felt his presence. He sat beside me, I heard his heavy breathing. Nakita ko sa gilid ng mata ko na uminom siya ng tubig. Doon na ako lumingon sa kaniya.

"Are you alright?" He asked.

Hindi ko na nagawang magtaka. I know he noticed me, being preoccupied many times. Madalas sa ensayo pa.

"I guess so..."

"What's bothering you? Malapit na ang laban. You can't be like that," he said, shifting his weight. Eyes directed at me. "Sa lagay mo ngayon, Iraia can take that as opportunity, we all know she desires more," dagdag niya.

I heaved a sigh. Hindi ko alam kung saan ako natatakot. I just feel like I'm not in the right place right now. Hindi malinaw sa akin ang lahat. Para bang may paparating na hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko, kahit wala namang problema, tila gumagawa ng problema ang isip ko. O baka dahil naramdaman ko talagang may paparating na hindi maganda.

"I'm scared..." I said, like a whisper.

"Saan? May problema ka ba?" His eyes were confused and worried. Tipid ko siyang nginitian.

"Iyon nga ang problema, hindi ko alam kung saan ako natatakot. Maybe I'm just imagining things? Ewan..."

He reached my left hand. Ramdam ko ang pag-iingat niyon. I smiled and looked at him.

"Pull yourself together. Kailangan nating ipanalo 'to. 2 weeks na lang. Sir Luis is trusting you. I also trust you..." aniya sa mahinang boses. Kinalma ko ang isip ko.

I slowly nodded.

Umalis si Ryan sa tabi ko matapos iyon. Siya namang palit ni Hiro sa tabi ko. Saglit niya lang akong kinausap at iniwan na rin para bumalik sa klase niya.

Aya also visited me in the court. We're fine. Parang walang nangyari sa amin, tila walang tensyon na namuo sa amin. Hindi ko na rin sila masiyadong binibigyang pansin ni Harris. Hindi ko na lang namamalayan na nag-aaway na naman si Iraia at si Aya dahil sa lalake. Nilinaw naman na rin ni Harris kay Iraia na wala siyang plano sa kaniya.

Maybe that's enough to hear, tapos bahala na silang dalawa kung seryoso ba talaga sila sa isa't-isa. Hindi ko na rin masiyadong tinatanong si Kuya Indigo. I know he needs time to clear everything, although I know he really fell out of love. He needs to make himself happy. Without choosing anyone.

The days just went on like that. Training, study after the training. Sa school focus kami sa training, we don't take classes unless Friday. Sa bahay kami nag-aaral kapag rest day at walang pasok. We are taking online classes just to avert missing lessons. Ang mga grade 11 ang nagsasama-sama kahit iba-iba kami ng section, we take the classes as if we are all classmates.

Sobrang halaga ng laban namin. All the teachers and the principal conspired just to give everything we need. Sustenance and equipments, we are supported. Dala namin ang university sa laban, Sir Luis is expecting more from me. However, I can't stop to feel pressured. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba kapag natalo kami, nakakahiya sa UB? This university is maintained. Players are consistent. Kahit noon pa man, kilala ang university bilang isa sa magagaling na handler ng sports. Especially badminton.

I won many times in this field. Inside and outside of the school. Hindi ko alam kung ayos lang ba na matalo ako this time? I'm not the only player who is specialized in this field, but this time, it's like the end because I feel a lot of pressure. I couldn't even handle it properly. Hindi lingid sa kaalaman ko na isa ito sa kinatatakutan ko.

My potential is the only bullet I have.

"Ate Nancy, espresso americano po." Humilig ako sa counter habang hinihintay ang kape ko.

"Kumusta ka? Busy ka na ah!"

Nginitian ko siya. "1 week na lang laban na namin."

"Good luck ah! Kumusta na si Hiro? Hindi nagagawi rito," aniya.

Umiling ako. "Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Siguro may hinahabol sa klase," sagot ko.

"Alam mo ba? Laging nakasilip dito si Michie. Siguro hindi rin niya nakikita si Hiro," kwento ni Ate Nancy.

Tumango ako. "Hindi pa rin siya pagod..."

"May bago na ba si Hiro?"

I shook my head. "Wala akong alam. Wala yata..."

Noong mga nakaraan, lagi naman siyang bumibisita sa ensayo namin. Wala naman akong napapansing bago niya. Michie was always around but couldn't even go near him.

Nang makuha ang kape, umupo na rin ako sa madalas na pwesto. I feel sleepy. May klase kami ngayon dahil Friday, hindi dapat ako makatulog sa loob ng room.

My phone vibrated. Sumimsim muna ako sa kape ko bago iyon binasa. Aaminin ko, nagulat ako sa pangalang nabasa. It's been weeks when he stopped messaging me. I opened it.

Hiro :

How are you?

I never feel bothered when he's texting me. Asking some stuffs about my days. About nonsense things or what. I took that as care from him. I really feel special when he's acting like this. Not special in a romantic way, but I think I could really trust him.

Maybe, he's becoming my bestfriend, too.

Ako :

Fine. Ikaw? Busy?

Hiro :

Yup. Study. Hindi na ako nakakapunta sa training niyo. Is everything alright?

Naramdaman kong may nalaman siya. Hindi ako sigurado ngunit iyon lang ang naisip ko.

Ako :

Oo... okay naman.

Hiro :

Saan ka?

Ako :

Coffee shop. Y?

He didn't reply. Hinayaan ko na ang cellphone kong nakalapag sa lamesa. I sighed deeply. Sumimsim ulit ako sa kape. I'm trying to relax because everything seemed mess up.

I shifted my weight and put my earphone on. Kahit nagkakape ay ramdam ko ang talukal ng mga mata ko. Sleepless nights consumed me. Nakakatulog ako ngunit hindi kumpleto, lagi akong gising sa madaling araw at hindi na ulit nakakatulog. My body clock has changed and I know it affects my body condition. At masama iyon lalo na't palapit na nang palapit ang opening ng laban.

I emptied my cup as the song I was listening has ended. I checked my phone to see if there's a reply from Hiro. Ngunit kaysa mag-reply siya, nakita ko na lang siyang dumaan sa gilid ko at naupo sa harapang upuan.

His smile was wide as it reached his ears. It grows bigger and bigger until it turned into chuckle. Nakakunot ang noo ko at medyo gulat ngunit hindi rin maiwasang hindi matawa.

"What?" I asked like a dumb.

Hair was a bit messy. Lips were fine and shaded like a rose. Hindi ko na mai-describe ang mukha niya dahil sa sobrang positibo ng ekspresyon niyon.

"Your face really improved. People wouldn't dare to call you hideous."

He never failed to surprise me. Kahit minsan ay nakakayamot lang ang mga pinagsasasabi niya. Ngumisi ako at maayos na namahinga sa upuan.

"Pumunta ka lang dito para sabihin 'yan?" sabi ko, natutuwa.

"No. Pumunta ako para walang sabihin. Just checking if you're fine. And you really looked fine." Sinabi niya iyon na para bang manghang-mangha siya sa mukha ko. Minsan hindi ko talaga siya makapa.

I simply rolled my eyes. "Reaching the full-time-besfriend, huh?"

He winked at me.

Tumayo na ako, sumabay naman siya. Sabay kaming pumasok ng university. Dahil may klase rin, parehas kami ng tinahak na building.

"Namumutla ka raw minsan kapag training. Baka masiyado kang nagpapagod," aniya bago pa kami makapagpaalam sa isa't-isa.

"Ah, oo..."

"Ayos ka lang ba talaga?"

Nalunod ako sa isipin. "Sa tingin ko naman, oo."

Inisip ko iyon kahit noong pauwi na ako ng bahay. Tila ba naglalakad ako sa buwan. Buong araw yata ay laging may nagtatanong sa akin kung ayos lang ako. Wala ako sa sarili, ni hindi ko na nga narinig ang mga tsismis ng ibang tao sa paligid ko sa loob ng room.

Not until I was awakened when I heard strange sounds inside the house. Maging si Bubby ay tumatahol sa loob.

Nagmadali akong pumasok ng bahay. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang makita si Mama na nakahiga na sa sahig at walang malay. Agad akong dumalo kina Ate at Kuya. Wala pa si Papa kaya naman hindi namin alam ang gagawin. Umiiyak na si Ate, si Kuya naman ay nagmamadali sa pagtawag ng ambulansiya.

"Ate, ano bang nangyari?" aligaga kong tanong habang pinipilit na gisingin ang ina. My sight gets blurry. My hands are shaking while gently touching my mother's body. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako makapag-isip nang mabuti.

"H-Hindi ko alam, nakita ko na lang siyang nakahiga na, walang malay. I-Inaayos niya lang ang iluluto niya pero pagbalik ko, i-ito na-"

"Padating na ang ambulansiya! Bela, k-kumuha ka ng damit ni Mama, dadalhin natin siya sa hospital!" mabilis na sinabi ni Kuya Indigo.

Kasabay nang pagtayo ko ay ang pagdating naman ng ambulansiya. Nanginginig akong tumaas ng kwarto nina Mama, hindi ko alam ang uunahin dahil tarantang-taranta na ako. Hindi ko na rin naramdaman ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Dumampot na lang ako nang dumampot ng damit ni Mama, inakala kong aabot pa ako sa pag-alis ng ambulansiya ngunit nakatanggap na ako ng text mula kay Kuya Indigo.

Kuya :

Hintsyun mo si Papa duysn. T7mwag na ako sak kanuga. Kukunin ni Papa dyan ang gamyt. Maguuntay ka ng text ko abf kay mama. Cakm dwon

I cried. Alam kong lahat kami ay umiiyak. Mas bumaha ang mga negatibong bagay sa isipan ko. I recalled the previous days when I was with my mother. Wala naman akong napansing kahit ano. Walang mali, e. However, I know I can't watch her all day. I can feel her but I didn't feel anything strange. But these days, I'm not really sure.

Hindi ko alam kung paano ko nahintay si Papa. Naramdaman ko na lang na nilalamig ako. Nakatulog ako. Nang maalala ang nangyari ay panibagong luha na naman ang lumabas sa mga mata ko. I immediately checked my phone. Nakita kong may text si Kuya Indigo.

Kuya :

Nandito na si Papa. Nag-iwan daw siyab ng sulat sa tabi mo. Hintayin mo si Ate nabmakauwi.

Nakita ko nga ang maliit na sulat sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kama nina Mama.

Hindi na kita ginising, kumain ka na pagkagising. Nagluto ako bago umalis. Huwag kang mag-alala masiyado, anak.

                                                      Papa

I forced myself not to cry. Ngunit hindi iyon umubra. Kahit naiiyak ay pinilit kong tumawag kay Kuya para mangumusta.

"K-Kuya... anong nangyari? A-Ano raw balita?" I asked with a low voice.

"Uh..." Humugot siya nang malalim na hininga. "May sakit daw si Mama, Bela..." he sobbed. It broke my heart. Tila ba tumigil ang pag-inog ng mundo ko sa narinig. Ngunit inisip kong hindi ko pa naman naririnig nang buo kaya dapat huwag muna akong mag-isip ng kung ano-ano.

"Aware si Papa..." he added. "M-Medyo matagal na raw," aniya pa. Sa boses ni Kuya ay alam kong nagpipigil siya ng luha. "Hindi lang nila sinasabi... B-Brain tumor. Stage 3." Humagulgol na siya, hindi na napigilan. Gano'n din ako, hindi ko na nagawang magsalita. Masiyadong mabilis, bakit tila biglaan?

"K-Kuya, hindi totoo 'yan, 'di ba?"

He didn't say anything. Iyak niya lang ang narinig ko. Marami akong tanong, hindi maiproseso ng utak ko ang lahat. Humagulgol ako. Hindi ko lubos na maisip ang mga posibilidad. Natatakot ako.

Hindi ko na alam kung paano ako nanatiling gising sa mga oras na iyon. Nagising na lang ako araw ng Sabado nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Bumangon ako at kinusot ang mabibigat na mata.

"Oh, gising kana?" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwal niyon si Aya. Agad akong nag-iwas ng mata dahil sa itsura ng mga iyon, at dahil nagsisimula na naman akong maluha.

"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko at nagsimulang bumangon at mag-ayos ng kama.

"Nabalitaan ko ang nangyari..."

I stopped as I bit my lower lip. Hindi mapigilan ang panginginig ng mga iyon. Madalas na ring sumasagi sa isip ko kung paano kapag dumating na ang mga panahong ganito, kung may magkasakit na sa mga magulang ko, kung paano ko ba o namin haharapin iyon kung gano'n nga. Nasa imahinasyon ko ang lahat, nakikita ko ang sarili ko na hindi magiging handa kahit ano pang gawin ko.

Kunwari akong suminghot ngunit hindi napigilan niyon ang paglabas ng emosyon ko. Naupo na lang ulit ako sa kama at hindi na napigilang humikbi.

"Si mama... S-Si mama, Aya..."

Agad siyang dumalo sa akin. I just cried and let Aya beside me. Niyakap niya ako na lalong nagpawala ng dahilan para pigilin ko kahit kaunti.

Umuwi si Ate at Kuya ng araw ding iyon, pansin ko ang mga mata nilang mugto at pagod. Siguro noong nagising si Mama ay tinawanan niya lang ang dalawa. It pains me, it pains me knowing we all have the reason to cry at the same time to act brave in front of our mother. Alam kong gano'n din ang ginagawa niya mula noong nagkaroon siya ng sakit. I imagined the pain of our beloved father. Hindi ko matagalan.

"Makakauwi pa naman si Mama, kaya lang kailangan niya ng regular na check-up. Kailangan din niya ng therapy," ani Ate.

Napabuntong-hininga ako. "Kumusta naman siya?" tanong ko. Napaiwas ng tingin si Ate sa akin, halatang nagpipigil na naman ng emosyon.

"Nagtitiis lang si mama... na hindi ipakita. H-Hindi ko alam, Bela... masiyadong mahina si mama ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nakita kahapon na may mali. A-Abala ako sa taas... H-Hindi ko nagawang... tingnan... o kumustahin..."

Tumayo ako agad at inalo si Kuya. We were crying in silence. Hinintay kong bumaba ang emosyon naming lahat bago tuluyang pumunta ng kusina para maghanda ng makakain.

Umuwi si Papa, gabi, kami ang pumalit ni Ate. Nanginginig pa ang katawan ko habang pumapasok sa hospital. Bumibigat ang puso ko at tila ramdam ang pagbabara ng lalamunan. My eyes swam with tears as we entered the room. Hindi ko na pinansin ang pribadong kwarto na pinasukan, agad na akong tumakbo kay Mama para yakapin siya. She's awake and I heard her breakable laugh. Humiwalay ako sa nakahiga niyang katawan. Pinansin ko ang mga nakakabit na kung ano-ano sa kaniya. Pansin ko rin ang pagbabago ng kulay niya, maputla ang mga labi.

"Don't mind me, Isabela, anak... You have a competition, hindi pwedeng ma-distract ka..." aniya sa mahinang boses.

Mahina akong umiling. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ko.

"A-Ayos lang ako, Mama..."

She smiled weakly. "I'm sorry... for not telling that I was sick..."

Humikbi ako, hindi na napigilan. "A-Ayos lang, ma, talagang ayos lang. A-Alam ko kung bakit... kaya lang, mahirap kasi, h-hindi ko alam na... ganito na pala."

"I did everything to facade what I feel. Na nanghihina ako... hindi ako kailan man naging handa sa pagsasabi sa inyong magkakapatid tungkol sa bagay na 'to... pasensya na, I thought I can make myself alright as long as I feel okay in front of you, ng mga kapatid mo. I'm sorry, anak..." She finally cried too. Not that I want her to cry, I just want to know how hard it was for her, to pretend and all that.

Ate embraced me while I was holding my mother's hand. Again, we all cried.

Tuwing pumapasok ang nurse o kaya naman ang doctor, lagi akong may tanong tungkol sa kalagayan ni Mama. Lagi akong takot sa sagot nila. Wala akong ginawa kundi panoorin si Mama sa mga kilos niya, kahit na para sa kaniya, kayang-kaya niya pa rin ang sarili.

Umuwi kami ni Ate, Linggo ng gabi. Ayoko pa sanang umuwi pero si Mama na ang nagsabi na mayroon pa kaming pasok kinabukasan.

I got tons of message. Hindi ko na halos nagalaw ang cellphone simula noong Sabado. Hindi ko rin naman magawang mag-reply doon isa-isa. I don't want to talk. I don't have the energy to share. It's enough that Aya knew it first.

"Aya's trying to work with someone else... hindi mo nasabi na nakapag-usap pala kayo, Kuya..." ani ko sa mababang boses. Nagsabay kami sa pagpasok, ni hindi ko ma-open up ang tungkol sa kalagayan ni Mama kaya naman iyon ang nasabi ko. Para bang hindi na rin namin kaya na umiyak na lang tuwing mapag-uusapan namin ang nangyari.

I heard him sucking his breath through his teeth. Napalingon ako sa kaniya. Kasabay nang pag-alog ng bus, nilingon niya rin ako. He removed it quickly.

I smiled, weakly.

"That's not our business, Bela. We're prioritizing mama's condition. Ayoko munang isipin ang ibang tao..."

Bumuntong hininga ako. "Can we prioritize her without behaving like this? Na para bang pasan natin ang mundo, nang tayo lang... ng pamilya natin?" Umahon ako nang kaunti mula sa backrest. Tumigil na rin ang bus sa tapat ng university. "Let's remain the same... para kay Mama. Without expressions like that. Isipin pa rin natin ang sarili natin kahit iniisip natin ang kondisyon niya, she will be happy that way..."

I looked away. Kuya didn't throw a glance at me.

I lied. I couldn't even accept the truth. I couldn't stay fine. Takot na takot ako.

I sighed.

Napagdesisyunan kong dumaan na lang muna sa Cup of Coffee café dahil saktong-sakto sa panahon. I was about to call Ate Nancy from the counter, when I noticed a group of people. My mind immediately convinced me to leave. At ginawa ko nga kahit pa nakita na nila ako. Pero alam kong hindi papayag si Aya na ganito.

"Hoy, Bela!"

Hindi ko alam kung bakit, pero ayoko munang makisalamuha. I don't want to be seen rude or snobber or what. Hindi ko lang talaga alam, wala akong enerhiya para makisabay, o magkuwento, magpaliwanag.

I stopped and faced her. I smiled at her. Tumabi ako nang kaunti dahil nasa tapat kami ng pinto ng café.

"What's the matter? Gusto ka naming kausapin kaya magkakasama kami. I knew you'll stop by..." aniya.

Nilingon ko ang grupo nila. Nandoon si Harris, Camilla, at Hiro. Tumingin ulit ako kay Aya na para bang pinahihiwatig ko na ayoko muna.

"Ayos lang ako... sa susunod na lang siguro?" I said, smiling.

Napabuntong hininga siya. My eyes gets blurry. Hindi ko alam kung bakit sa sitwasyon pa na 'to. Some thoughts crossed in my mind. I felt the pain down in my throat. I feel so dramatic. Hindi nakakatulong ang presensya ni Aya.

"Bela..." she embraced me. "Just call me."

Lumabas ako sa coffee shop at iniwan sila roon. Saka rin tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. I was already on the other side of the street, in front of the café. Sinagot ko ang tawag kahit alam kong si Hiro iyon.

"Are you crying?" tanong niya.

Nilingon ko ang labas ng café. I was stunned to see that he was there. Right hand in his pocket, leaning his back against the wall, eyes at me. Tinalikuran ko ulit siya.

My lips trembled. Idiot, why are you even asking?

"N-No."

"Hmm. You're not texting back. You're dismissing my calls. And... that's actually fine. I know you're going through something. So, don't lie, Isabela. Talk somebody when you're ready-"

I ended the call. 'Cause I can't hold my tears anymore. Naglakad na ako papasok ng university, yukong-yuko dahil nakakahiyang makita ng ibang tao. Pero hindi pa man ako nakakarating sa ground floor ng building namin, may humatak na ng kamay ko.

It was Hiro, looking at me with anger in his eyes. But that anger doesn't look terrifying. It was soft.

"Kahit hindi ako, just let it burst."

Comment