Kabanata 20

Intention

He's being ideal in my eyes, and I hate it.

Pumunta kami sa NBS. Hindi ako ang nagyaya, he insisted. We don't have any plan, I was just following him wherever he goes. Hindi ko inasahan na sa Book Store kami pupunta. He let me roamed. Wala siyang hilig sa libro, but he's with me right now!

"Kunin mo ang gusto ko, bibilhin natin," aniya.

Nalaglag ang panga ko. Kayang-kaya kong tumanggi sa lahat pero huwag lang sa libro. But I need to decline!

Umiling ako agad kahit sinasabi ng utak ko na ang tanga-tanga ko. Hindi ako kailanman bumili ng libro rito, hindi kaya ng bulsa ko. I mean, kaya ko pero ayokong gumastos masiyado kung alam ko namang may mabibilhan akong mas mura. Mas gusto ko rin ang second-hand books pero wala talaga akong tinatanggihang kahit anong libro, kung bigay. Bago man o hindi.

"Ang dami mong hinawakan, imposibleng wala kang nagustuhan." He chuckled. Kinain niya ang distansya sa pagitan namin. Kinailangan ko pang tumingala para magtagpo ang mga mata namin.

Tumalikod agad ako. "Kunin mo na nga," pangungulit niya. "Kung hindi ka kukuha, kahit isa, ako ang kukuha at magbabayad sa cashier," he added. I bit my lower lip then sighed.

"'Wag na, Hiro... nakakahiya-"

"Anong nakakahiya? This is good! Ayaw mo?" Pinakita niya sa akin ang hawak na libro. Umiwas agad ako ng tingin. He laughed. He didn't place it back. Sinubukan kong agawin iyon para ibalik pero hindi ko makuha dahil sa tangkad niya.

"Bakit mo ba ako bibilhan kasi?" Tanong ko, sumuko sa pag-abot.

"Wala lang?" Tila tinanong niya rin ako. I rolled my eyes and stared at him.

"I'll buy you some books in Manila."

Sa ganitong sitwasyon ako natatakot. Kapag kumokomportable na ang pakiramdam ko sa kaniya, roon na ako natatakot. Hindi ko alam kung paano iiwasan ang takot na 'to, pero isa lang ang alam ko. Kapag patuloy akong natakot, lalo lang akong itutulak para mahulog.

I closed my eyes for a moment. I felt his hand held mine. Tila ako napaso roon. Inilayo ko iyon agad. I saw the glimpse of pain in his eyes. I swallowed. I blinked, gulat din sa nagawa.

"S-Sige... bilhin mo 'yan." Umiwas ako ng tingin at nag-ikot-ikot pa.

Dahil sa nagawa, hindi ko na siya napigilang bilhan ako ng tatlong libro. I will enjoy it for sure. Pero hindi ko yata makakalimutan sa mga librong iyon ang dahilan kung bakit hinayaan ko siyang bilhan ako.

Sa mga sumunod na pinuntahan namin, sinubukan kong walain sa isip ko ang nangyari. May parte sa akin na gustong hayaan lang si Hiro sa gusto niya ngayon. Dahil alam kong bukas, sa makalawa, sa susunod na mga araw, hindi na siya makakaganito. Kahit kailan niya gusto. I don't know if it will give me an ease, but that's the right thing. If it does not, then I'm doomed.

Pumunta kami ng mall, cafés at park. Nakadalawang kain kami sa magkaibang restaurant. Siya lahat ang gumastos, he never let me pay, which I find annoying.

Bago mag-alas singko, hinatid niya na ako. At kahit iyon ay pinagtalunan pa namin. This time, I didn't win. Pero sinabi kong sa kanto lang dahil wala naman siyang driver ngayon. Nag-commute lang kami buong byahe sa kung saan-saan. Dahil wala siyang naging ibang plano, nag-discover na lang kami ng mga coffee shop sa ibang lugar. Hindi naman kami masiyadong lumayo sa bayan namin.

"Salamat," sambit ko, mahina. Hindi makapaniwala na nangyari ang mga pangyayari ngayon.

"My pleasure."

Nasa tabi kami ng poste ngayon, medyo padilim na o baka dahil sasama ang panahon. I smiled at the thought of its shade.

"I'll  try hard to visit every week..." Mahina ang boses niya pero natural lang iyon. May mga dumadaan na sasakyan pero hindi sapat para hindi ko marinig ang boses niya. Hindi lang basta mahina iyon o ano. Malambing...

"Hindi naman kailangan. Para saan?" I asked, trying to be natural.

"I don't know. Parang kailangan ko lang lagi na may i-check." Tumawa siya. Nagiging komportable sa gano'ng lapit at posisyon. Nakapamulsa siya at tila ba tinatakpan ako para hindi makita sa kalsada.

Hindi ako nakasagot. I let him. I listened.

"Mag-ingat ka lagi. Please, don't let them hurt you. I'm so proud of you, Isabela. But... I can't feel at ease knowing that I'll leave you."

Ngayon mo lang ako iiwan. Noong nawala si Mama, hindi mo ako iniwan. Wala kang sinabi pero hindi mo ako iniwan. I never expect you being there everyday and everynight. Natutulog akong nandiyan ka, nagigising akong nandiyan ka. But I don't want to expect things right now, I don't want to give you things that will make you think to consider me that much.

"Don't worry. I'll be fine..."

"Babalikan kita."

I went home with a heavy heart. Hindi ko maipaliwanag. Inisip ko si Mama, si Mama at ang mga bilin niya.

"Don't worry, Ma... susundin kita." I brokedown. I miss her so much it hurts. Na handa akong gawin lahat ng binilin niya sa akin noon para hindi ako ma-guilty, na kahit wala na siya, nandito pa rin siya sa puso at isip ko.

That night, things got heavier. Hindi ko alam kung bakit sa mismong gabi, na huli kong nakita at nakasama si Hiro, roon pa ako bumigay.

Hindi pa nakatulong ang mga araw na pansin na pansin ako. Alam ng buong university na lumipat na si Hiro kaya nagkaroon na ulit sila ng bagong maibabato sa akin. Michie also shown up, nangunguna na naman sa mga grupo. Things did change about Michie, nanahimik siya sa mga nakaraang taon, pero tuwing nasasalubong ako, laging masama ang tingin na tila ba gusto akong sugudin. Now that Hiro was gone here in UB, they started to attack me again, nang mas madalas. Aya's not here anymore, no one will save me, but I'm here for myself.

I'll never let them hurt me again. Umaasa akong kaya ko. Camilla is here, kahit papaano, kaya ko.

I thought that was easy. I was wrong. I didn't know that my college life would be hell too. Akala ko rin dahil college na kaming lahat, inisip kong mature na karamihan sa amin at nakapag-self-reflect na. Mali ako. No one knows how to reflect from their wrong doings. I know no one from these people. Ginagawa at ginagawa nila kapag gusto at ikasasaya nila. Siguro dahil sanay na rin sila na ako lagi ang katuwaan, na ako ang kahusgahusga.

Akala ko dahil sa nangyaring insidente noon, lagi na akong ligtas dahil sa mata ng mga teacher. Pero ngayon na iba na ang building ng kolehiyo, siguro naging malaya na sila para target-in na naman ako. Umabot sa puntong hindi ko na pinagkakatiwalaan lahat ng tao sa paligid ko dahil umabot na sila sa pisikal na pam-bu-bully.

I thought it's impossible. Akala ko nababasa ko lang ang mga sitwasyon na gano'n pero ngayon, nararanasan ko na rin.

Gaya ngayong araw. Mahuhuli na ako sa klase dahil mas pinili kong ayusin ang sarili ko matapos akong tapunan ng basura sa ulo. Laking pasalamat ko at puro papel iyon at walang basa, kaso lang puno ng buhangin at alikabok.

Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Parang tinambol ang dibdib ko nang makitang nandoon na ang professor namin at nag-aayos na ng presentation niya. Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim. My classmates saw me standing at the door. Ang iba sa kanila'y nakita kong napailing, ang iba naman ay sinesenyasan na lang akong umikot sa kabilang pinto para hindi mapansin ng prof. namin na late ako.

Gagawin ko na sana iyon nang may mga dumaan sa likod ko dahilan kung bakit umingay nang kaunti at narinig ni sir. I held my breath. I swallowed hard before I greeted him.

"Sir, I-I apologize for being late." He hates late people. Napapikit ako nang nameywang na siya, gay siya kaya mas nakakakaba. Medyo masungit din pero mabait naman kapag wala kang maling nagagawa.

"Why are you late?"

"Sir, may nangyari lang po-"

"Anong nangyari? Can you explain it to me?" Mataray niyang tanong habang nakatuon sa laptop niya, tila may hinahanap.

"What's your name again?"

"Isabela Ranoa, sir."

"Explain."

Napalunok ako. Ayokong sabihin ang nangyari pero wala rin naman akong maisip na dahilan. Sumulyap ako sa mga kaklase, nagbubulungan ang iba sa kanila, ang iba'y tila natutuwa pa sa nangyayari. Yes, psych students.

"Sir, it's personal po-"

"I don't want excuses, Ms. Ranoa. Base sa performance mo sa class ko, you're good. But it's not enough to make exemption. So, why? Is that really personal?"

"Sorry, sir. Pero opo, sobrang personal-"

"Don't attend my class, then. Remember what I said, class? Pwede lang kayong ma-late o um-absent kapag malalaman ko ang dahilan."

May classmates agreed. Some of them remained silent.

"Sir, sasabihin ko na lang po sa inyo in private, papasok po ako." I said. Tiningnan niya ako. I looked away. Papasok na sana ako nang sigawan niya ako. Tila yumanig ang buong room. I shook. Hindi ko na rin nagawang umatras.

"May sinabi na ba ako?"

Ang ibang kaklase ko'y pansin ko ang pagkatuwa sa nakikitang pamamahiya sa akin. I balled my fist as I felt the heat in my eyes.

"Sir, sasabihin ko po after class-"

"Get out."

"Sir, please-"

"Get out!"

Nanatili akong nakatayo roon na parang walang narinig, na kahit takot na takot na sa sigaw niya ay hindi ko hinayaang palabasin ako. Naisip kong sabihin na lang din para kapag nahuli ulit ako sa klase niya ay alam niya na ang dahilan. Hindi ako nahuhuli o uma-absent kapag walang problema. Iyon at iyon lang ang dahilan kung bakit mahuhuli ako sa klase.

Ilang beses nang nangyari sa akin ang pam-bu-bully nila, ilang buwan nang ganito pero hindi ko binabanggit sa pamilya ko kahit kina Aya. Hindi ko alam kung nababalitaan ni Camilla, hindi ko na rin naman siya nakikita nitong mga nakaraan.

"Sir, na-bu-bully po ako."

He stopped for a moment.

"Bullying? Nangyayari pa ba 'yan sa college? Matatanda na kayo at mature na."

"Totoo, matagal na po."

"Hindi ako naniniwala. Baka naman excuse mo lang 'yan para kaawaan kita?"

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam ang ire-react pero nasaktan ako. Pakiramdam ko lagi na lang akong biktima. Hindi ko alam kung bakit kahit may utak naman ako, hindi pa rin nila ako magustuhan.

"Sir, I'm telling the truth, since-"

"I'll check the cctv camera. Saan ka b-i-n-ully?"

It made me mad. Tapak na tapak na ang pagkatao ko pero kailangan ko pang magpakita ng ebidensya?

I bit my lower lip. Gusto kong mamahiya ng professor. Natawa ako sa isipan ko habang iniisip na binabato ko siya ng mga salitang hindi niya aasahan. Of course, it didn't come out.

"Sir, walang cctv sa basurahan."

"Another excuse."

I walked out. He called me but I didn't turn my head. Ang sakit ng dibdib ko, gusto kong murahin lahat pero hindi ko magawa. Bumuhos ang luha ko palabas ng university. The guard tried to ask and stop me but I didn't falter. It hurts me so much I can't talk what's hurting me.

I called my mother through my head. Wala akong mapuntahang lugar para doon umiyak nang umiyak nang walang nakakakita. I then remembered Hiro. I never told him everything that's hurting me but right now, I want to talk to him and I want him to listen to me. Pero laging may pumipigil sa akin na gawin iyon, at dahil mula noong umalis siya, hindi pa siya nakakabisita ulit. He told me he'll try every week. Naiintindihin ko, pero umasa pala ako.

Tiniis ko pa nang kaunti ang pangyayaring ganoon. I even called out from the office for not respecting Sir Silovares that day. I told them everything. I explained my side and they were sorry for Mr. Silovares' reaction about my situation. Pero hindi rin nila naiwasang kuwestiyonin ako kung may nagawa ba akong mali para bully-hin. At sa puntong iyon, pakiramdam ko na naman hindi ako katiwa-tiwala, na hindi totoo ang mga sinasabi at nararanasan ko.

They tried to call Papa but I stopped them. Nagdahilan na lang ako at pinakiusapan na huwag nang paabutin sa bahay ang nangyayari sa akin.

Para mas abalahin ang sarili, binibisita ko si Sir Luis at ibang mates ko sa badminton sa tryouts nila. Siya pa rin ang handler ng badminton sport kahit college student na. Wala namang pinipiling level ang university, separated nga lang ang tryouts kada grade level.

Nandoon pa rin ang ibang players noon pero ang iba ay umalis na rin. Si Iraia naman ay nakikita ko minsan pero ang sabi ni Sir Luis ay hindi madalas mag-training dahil abala na sa buhay kolehiyo.

"Hindi ka na ba talaga babalik? We're waiting for you!" aniya, minsang nagkausap kami sa gymnasium.

"Sir, sa ngayon hindi ko muna mahaharap ang sport. I have a lot of things to prior these days..." I lied. Kahit pa gaano karami ang ginagawa ko, lagi akong maglalaan ng oras sa bagay na pinakagusto kong gawin. Simula noong naaksidente ako, nawalan na ako ng gana na magsimula.

"I'm still expecting you to come back." He smiled and tapped my back. "I'm not hearing things about you from another building but I hope you're doing fine... pagbutihin mo rin ang pagluluto mo," he added and chuckled.

"Salamat, sir! Ayos lang po ako. Is Iraia doing good?" Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon, kuryoso ako at sa kabilang banda ay inggit na kaya niyang magpatuloy.

"Uh... yes, she changed a lot."

I smiled and nodded. "That's good to hear, sir." I feel no good. I feel down and nothing.

I tried to make ways to avoid bullies, kahit kasi galing sa ibang department ay nagagawa akong hanapin. Sila at sila pa rin naman iyon, watak-watak nga lang pero nagsasama-sama kapag may masamang gagawin sa akin. Iniisip ko na lang talaga na inggit lang sila sa 'kin kapag hindi ko na mahanap ang dahilan kapag kinakawawa nila ako. Pero iniisip ko rin kung may kainggit-inggit ba sa akin, pakiramdam ko naman wala. Utak lang at lakas ng resistensya ang mayroon ako.

Michie always have the ways to track me. When she have the opportunity, she would always block my way and drag me in secluded area na walang cctv. Wala naman akong nagagawa minsan dahil marami sila, nakakatakas lang ako kapag siya lang mag-isa o dalawa lang sila. Hindi ako makalaban, kaya kong lumaban pero iniisip ko ang magiging resulta. Pwede nila akong baliktarin. Walang kakampi sa akin.

Pagod ako lagi. Pagod na pagod ako lagi.

"Michie, stop this, okay? Ano bang atraso ko sa 'yo!" I tried to confront her when she found me.

"Hindi mo ba naaalala? Si Hiro, ayaw na sa akin. Hindi niya na ako pinapansin dahil sa 'yo! Naghiwalay kami noon dahil sa 'yo! Gustong-gusto ko pa rin siya!" Gigil niyang sinabi habang nasa likod kami ng building. I was blocked by four girls. Hindi ako makatakbo. Hindi nila ako sinasaktan pero lagi nila akong tinatapunan ng kung ano-ano. May kaisa-isahang pangyayari lang na sinampal niya ako nang malakas.

"Hindi ko kasalanan 'yon, Michie! Ngayong wala na rito si Hiro, matapang ka nang galawin ako? I want to pity you for revenging without reflecting from the things you did wrong! Bakit ako nang ako ang gusto niyong kawawain dahil kay Hiro? Bakit?! Wala akong kasalanan!" Halos maiyak na ako sa sigaw ko na pinipigil kong bigyan ng todong lakas.

"Inayawan ka ni Hiro because he don't deserved someone like you!"

Tinulak niya ako nang malakas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ako ng galos sa katawan dahil sa mga ginagawa nila. Ramdam ko ang hapdi sa kanang siko ko.

Hindi siya makapagsalita pero halatang galit na galit siya. Sinenyasan niya ang mga kasama niya na palibutan ulit ako, sinisiguradong hindi ako makakatakbo.

"Sobrang immature mo, Michie. Change for good not for worst."

Sa bawat paglaban ko gamit ang salita, siya namang saboy sa akin ng basura.

I was traumatized. I was degraded. I'm so tired I couldn't stand from my bed. Things are getting worst. Pagod na akong magtago sa pamilya ko ng nangyayari. I want to transfer in another school but I can't find reasons to explain with Papa and my siblings. Kapag sinabi ko naman ang totoo, mag-aalala sila nang sobra. Saka nanghihinayang ako sa tuition.

The weather was grey. It was Sunday morning and I was standing in front of my mirror, wearing only my undergarments. Gumaganda na ang katawan ko, nadadagdagan din ang timbang ko. Hindi naman ako masiyadong payat pero hindi iyon gusto ng ibang tao. Para sa kanila, pangit. My face was a bit pinkish because of my skin care products. I don't have shape but my stomach was flat. I don't have obvious belly fats.

Hindi ko makitang mali ang katawan ko pero babang-baba ang pagkatao ko. Is that possible? Yes.

I have compact breast, but they said it was flat. Well, if it was, I would still feel comfortable. Hindi ko rin naman gusto ang masiyadong malaki. My mouth is a bit huge, because my lips were a bit thick too. Tingin ko naman ay bagay sa akin, minsan nga natutuwa pa akong maglagay ng lipgloss nang matutunan ko, para kasing ang ganda-ganda tingnan kapag nadedepina ang pagkamakapal niyon.

My hair was plain, malambot ang tekstura pero sobrang simpleng tingnan at medyo makapal. My acnes are healing but there's no way of getting rid off of those one at a time. Kung mawala man ay laging babalik. But at least, it didn't get worse again.

I also have thick brows that, for some, make me really look ugly. I'll just brush it up to the sides, then it's fixed. I like having light skin, but they said it's too much. Kaya sinasabi rin nila na hindi ako healthy kasi tila ang puti ko ay hindi naman puti, kundi putla. So they were questioning me being athletic with a look like this. Gusto ko pa rin ang sarili ko. Pero nakikita ko rin na kahit gaano ako kakomportable sa katawan at mukha ko, parang hindi sapat iyon para tingnan ko ang sarili na kayang pumantay sa iba.

Pakiramdam ko, maganda ako kapag mag-isa, kapag hindi ako nakakalabas, kapag hindi ko kailangang makihalubilo at tumingin sa ibang pigura at itsura. I feel like, staying in my comfort zone when it comes to my body and face has the ability to save me from society's standard. I don't even want to use my phone or social media. I don't like screens. But let's admit it, avoiding them is challenging. Na kahit gustong-gusto mong ilaan ang isang araw mo na hindi gagamit ng cellphone, e mahirap gawin.

Pero ako, nagagawa ko siya, kapag walang emergency, yes, at kung hindi naman kailangan. But avoiding them made me scared to use them again. I stopped using it because I wanted to discipline myself and detoxify. But now that I've done it, opening an account makes me nervous, because I'm afraid I'll feel insecure or bad or whatever.

I don't even take selfies very often. Kung kukuha man ako ng picture ko, mag-isa lang ako at walang nakapaligid na tao. Seeing my body in front of me was not satisfying me. I mean, I feel alright about my body. But I don't think I need to be satisfied just to be feel good about myself. I feel okay.

Napaupo ako sa paahan ng kama, katapat pa rin ang salamin.

"Gusto ko lang na walang marinig... okay lang kahit hindi nila ako gusto, basta... tama na," I whispered.

I'm tired of making myself feel okay kahit pinipilit ko na lang talaga. Alam mo 'yon... kahit kakampi mo ang sarili mo, bibigay ka rin talaga. Kahit nananatili kang positibo, hindi matibay iyon.

Hiro visited the university, mid-november. Unang beses iyon. No, he visited me. Hindi niya ako sinabihan, he just appeared without notifying anyone. Hindi rin alam ni Camilla. It was dismissal when I saw him waiting for me to pass by. Natigilan ako saglit, mabagal na pinagmasdan ang kabuuan niya. It's been months since I last saw him. Hindi ko maipagkaila na sa mga buwang iyon, may nagbago sa pangangatawan niya. His hands were in his pockets, leaning his back on the wall, wearing a black tee and beige pants. It really suits him.

Pinigilan ko ang sariling mapangisi. I poker-faced. Nagkunwaring hindi ko siya napansin at dire-diretso sa pagbaba ng hagdan. Hindi pa man ako nakabababa nang tuluyan, narinig ko na ang sitsit niya. Pinigilan kong matawa.

He was texting me every night, for updates. Every weekend naman tinatawagan niya ako.

Nagtuloy ako sa paglalakad.

"Isabela," tawag niya. Nilingon ko na siya, tinaasan ng kilay.

"Oh?" Sambit ko, tila hindi nagulat sa pagdating niya. Kumpulan na ang estudyante. Noon, may pakielam ako sa iisipin nila. Ngayon, hindi ko maramdaman na kailangan ko pang magkaroon ng pake. Magkaibigan lang kami, sapat na na alam ng sarili ko.

He looked at me intently. Mukhang nainis agad.

"I'll send you home."

Tumango lang ako at naglakad na ulit. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niyang may kasamang inis. Pumantay siya sa akin at naramdaman ang kamay niya sa ulo ko, namahinga roon.

"Coffee or tea?" He asked me, setting aside the annoyance. Natatawa ako sa isipan. He deserved this! Hindi niya ako binibisita linggo-linggo.

Agad kong binawi iyon sa isipan. Mali.

"The afternoon breeze feels cold. I want coffee."

He then shift the position of his hand. It embraced my shoulder. I felt his warmth and I hate it  because it makes me feel comfortable. He started to treat me more special than usual.

We headed to the café. Ate Nancy was happy to see Hiro again. Sayang-saya na naman na nakita niya kaming magkasama, tapos nakaakbay pa sa akin si Hiro.

"How are you?" He asked while pulling the chair for me.

Hindi ako nagsalita. I leaned on the table to stretch my back. Umiling lang ako.

"Lagi mo namang tinatanong 'yan, hindi ka nagsasawa sa sagot?"

Tahimik niya akong tinitigan. Umiwas naman ako ng tingin, hindi matagalan iyon. I was tapping my fingers on the table's surface, hoping our orders would arrive immediately.

"Akala mo ba hindi ko alam?"

Natigilan ako at medyo kinabahan sa sinabi niya.

"Na ano?" Pagmamaang-maangan ko.

Nilapit niya ang sarili sa lamesa, titig na titig ang mga mata sa akin. I bowed my head as I swallowed hard. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, siguro tsismis? O video?

Medyo naalarma ako sa naisip. Video. Hindi pwedeng kumalat iyon at makarating kina Ate. Aya would never think twice about going home if that's the case. Baka naman dahil kay Camilla? Pero wala naman siyang nababanggit sa akin na nalalaman niyang ganoon ang nangyayari sa akin.

"Nalaman ko lang kanina kaya nagmadali akong umuwi rito," aniya. My eyes widen a bit.

"H-Huh? Bakit... ano... ayos lang ako-"

"Bela, please..."

I shook my head. "Baka busy ka, hindi ka na dapat nag-abala pang bisitahin ako dahil lang do'n," ani ko. Hilaw na itinawa iyon. "Saka... nagawa mo namang hindi bumisita kada linggo gaya ng sinabi mo... kaya okay lang-"

"I'm sorry. Akala ko madali lang na gano'n, wala na akong halos oras para sa... gusto ko. Uh, gusto kong gawin. Dad was also sending me some works when I don't have classes. Pero ngayon, alam ko kasing kailangan na kailangan kong puntahan ka. Kung noon ko pa nalaman, I would come earlier." He explained it to me like he was settling things between us. Pinigilan kong mapangisi.

"Kanino mo nalaman?"

Dumating ang drinks namin kaya medyo na-interrupt ang pag-uusap. Lalo na at si Ate Nancy ang nag-serve, inasar-asar pa kami.

"Camilla. Kailan lang din niya raw nalaman. Hindi ko alam kung bakit hindi siya aware, e magkaparehas lang kayo ng university na pinapasukan-"

"Ano, kailangan ko ng mata? Mas mabuti ngang hindi niya nalaman agad-"

"Anong mas mabuti? What will happen to you, then? Hindi ko kaya na walang gawin. Sasamahan kita, sabihin natin sa university," aniya, pinanuldukan.

Napailing lang ako. "I told them that. Sa guidance office. I was called out, then I explained. Gano'n pa rin naman walang nagbago."

"F*ck." Mahina iyon pero narinig ko. Ginulo niya ang buhok, tila galit. His eyes were serious.

I stared at him. These little things about him makes me feel at ease for awhile. I took his coffee and handed it to him. I smiled.

"Calm down. Ayos lang ako."

"No, you're not. I can see it. Ramdam ko, okay? Nag-aalala ako."

Pinanood ko lang siya, wala akong magawa kundi ang mapangisi.

"I can't go back in Manila like this, I can't."

"Hindi pwede, Hiro." Umakto akong kalmado kahit siya ay hindi mapakali.

"I can-"

"Hiro, let me handle this. Kaya ko 'to. I won't disturb you. Kaibigan mo ako kaya ka nag-aalala, right? But admit it, you can't stop it. Kapag umaksyon ka, posibleng mawala, pero kapag wala ka na ulit dito, babalik nang hindi mo alam. 'Wag ka na masiyadong mag-abala, your priority is not me. Okay?"

He became silent and cold. I expected that. That was my intention. To stifle his emotion and make him aloof.

Comment