Kabanata 19

Odd

Nanigas ako bigla sa huling salitang sinabi niya. He grinned, teasing me. I rolled my eyes and acted like I didn't hear it.

Aya hugged me tight. "Na-miss kita, Bela! How's life? You're not sharing things to me anymore, huh!" Bungad niya. I hugged her back and smiled widely.

"As long as I'm here, I'm always fine. Saka ka na sobrang maintriga sa buhay ko kapag wala na ako sa Batangas. Ikaw dapat ang magkwento, kumusta ang buhay-Maynila? Madalas kong makasama si Tita Rina sa pagdalaw kay Mama," ani ko.

Umupo kaming lahat sa salas. Yinakap ko rin Camilla at tinapik si Harris sa balikat. I feel excited and happy that they are here, kumpleto.

"Nakuwento nga sa 'kin ni Mama kagabi. Kagabi pa ako nandito, 'di ko lang sinabi," sagot ni Aya.

"Masikreto ka na, ah! Akala ko ngayon ka lang dumating," si Harris. Nakitaan ko agad sila ng pagbabago sa katawan, mas tumingkad ang kagandahan at kagwapuhan nila.

Well, I can't see any changes about me. Siguro dahil lagi ko namang nakikita ang sarili ko, at hindi rin pinagtutuunan masiyado ng pansin.

"Akala mo lang 'yon! Privacy nga, e."

Sumimangot si Harris.

"Nabalitaan kong naglalaro na ulit si Iraia, totoo ba?" Tanong ni Aya. Tumango ako at tumayo para bigyan sila ng maiinom.

"Hilig tumayo, nag-uusap pa tayo!" Sigaw niya. Ngumisi lang ako. Hiro followed me. Nginusuan ko siya, si buntot na naman. Matagal din kaming hindi nakapagkita, tama siya, ilang weeks din. Nagkakausap naman kami kapag gusto niyang makita o igala si Bubby. Pati na rin kapag gusto kong magpasama sa bahay-ampunan para bisitahin si Jeboy. He grew up tall and healthy.

Tinikman agad ni Hiro ang juice. "Gawa mo?"

I nodded and set the glasses down on a tray. "Laging ang sarap, I'm not going to drink juice if it's not made by you." He licked his lips and smiled. Inirapan ko lang iyon.

"Lumalaki kang masungit sa 'kin, huh..." aniya na ikinataas ko ng kilay.

"Tinuturuan mo ako, e."

He scrutinized me. "I didn't teach you to answer like that." Ginaya ko siya, kumunot ang noo niya. Nilampasan ko siya para ihatid ang tray.

"Bebe time?" ani Harris.

"Parang..." gatong ni Camilla.

"Kayo na ba? Gosh! Hindi ko na alam ang nangyayari huh!" si Aya.

Natawa lang ako at umiling. Kahit anong asar nila sa akin lagi ko na lang tinatawanan iyon. Siguro nasanay na rin ako na inaasar kay Hiro, parang normal na lang sa 'kin. Kasi hindi naman totoo, parang natural na lang.

I went back in the kitchen, naghihintay pa rin si Hiro. Nakaupo na, hawak-hawak ang basong nakapatong sa lamesa na may lamang mango juice. I reached the handle of the pitcher, ready to serve it, when Hiro called me by my name.

Inilapag ko ulit ang pitsel.

"I'll transfer in Manila."

It made me stopped for a seconds, then processed it, then nodded.

"Oh... mabuti, pinalilipat ka?" I asked him plainly. Ayokong ipakita na medyo gulat ako at nabigla.

"Mabuti?"

Pinilig ko ang ulo ko at dahan-dahang tumango.

"Ayokong mag-transfer."

"Kaso?"

He sighed and shook his head. "Wala."

"Huh?"

He stood up and went to the living room. Napairap ako sa kawalan, I don't know what happened but I'm sure that he's being childish again! Hindi naman kami, ah!

"LQ?" Bungad ni Camilla. Humagikgik si Aya sa tabi niya. Napailing ako, hindi makangiti.

"Anong LQ ka riyan?" ani ko.

"Nakabusangot na naman ang mukha ng future boyfriend mo," si Harris.

Hiro never confessed, but all these years, they were acting and talking like he really liked me. Sinasabi nila sa akin lagi na gusto ako ni Hiro kahit hindi naman sinasabi ni Hiro sa akin. The weird thing is, they're saying it like, normal lang, kahit kasama namin si Hiro. And Hiro never talked about that. Umaakto lang siya na tila walang narinig, then he would treat me special.

Yes, there are times that I can actually say that it's true. But he never spoke about it, even if he did, I would turn him down. Kaya iniisip ko pa rin na hindi, ayoko, hindi pwede. Para walang gulo, ayoko, natatakot ako.

"Kailangan ng suyo niyan mamayang gabi, Bela," asar ni Aya. I sighed and drank the glass of juice.

"Magluto na tayo, Ate Iska will be here in an hour, si Kuya rin pauwi na. Si Papa naman nagpapahinga sa kwarto niya, bababa na rin 'yon mamaya kapag nakauwi na si Ate," sambit ko, pag-iiba ng usapan.

Medyo marami ang portion na iluluto namin dahil nadagdagan kami ngayong gabi. Harris is a big eater, lalo na si Kuya Indigo kaya nag-g-gym na rin siya. Aya might be shocked by his figure now. Naalala ko tuloy ang pinaplano ni Kuya.

"Saan ko 'to ilalagay, Bela?" Si Camilla, matapos hugasan ang sari-saring gulay sa counter.

"Lagay mo muna sa colander, tapos saka mo hiwain."

"Ano pa bang lulutuin bukod sa chopseuy at adobo?" Aya asked, as she rinses the chicken.

"Boiles eggs na lang, nakagawa naman na ako ng dessert kanina."

Ginigisa ni Harris ang rekado ng adobo, Hiro was sitting quitely, scrolling through his phone. Walang ambag talaga.

"May beer ba? Bibili ako," aniya. Hindi ako sumagot, hinintay na siya ang magbukas ng fridge para malaman niya. Tumagal iyon ng tila limang segundo bago siya tumayo at bumuntong-hininga. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng refrigerator habang hinihiwa ang karne ng baboy para isahog sa chopseuy.

Wala namang nagsalita sa kanila. Natahimik din, siguro napansin na may tensyon na naman sa amin. Para kasing babae itong lalaking 'to, hindi ko maintindihan. Lagi siyang ganito, lagi niya akong pinagbubuo ng puzzle na hindi ko alam kung saan magsisimula. O baka naman gusto niyang ako ang magkompronta sa kaniya? Ako ba ang may gusto?

Teka. Hindi sa inaamin kong gusto niya talaga ako, pero hindi naman ako manhid! Hindi ako naniniwala sa action speaks louder than words. Kailangan balanse. Hindi pwedeng isa lang.

"Bili lang ako ng beer," aniya saka umalis. Humabol si Harris sa kaniya nang ilagay na ni Aya ang manok sa kawali.

"Ako nahihirapan sa inyo, promise." Siniko ako ng Camilla.

"Hindi ko siya maintindihan," bulong ko.

"Kahit anong hina niyan, dinig ko. Ba't kasi 'di mo kausapin tungkol sa treatment niya sa 'yo? Akala ko naman kayo na, jusme!" Aya glanced at me then looked back.

"Aya... I can't-"

"You can!"

Hindi nila maiintindihan. Hindi ko kayang sumuway kay Mama nang gano'n lang. At hindi ko rin sigurado kung magtatagpo ba ang nararamdaman namin. Hindi ako sigurado, lalo na sa kaniya.

"Hindi naman kasi siya umaamin, kapag sinasabi niyo harap-harapan, tila wala lang sa kaniya. Mas mabuting wala..."

"I'm sure that he likes you, Bela. Ilang taon na," ani Camilla. "Bestfriend ko siya, kita ko 'yon."

Dumating ang dalawa saktong tapos na kami magluto. Natagalan sila at inisip kung saan pa sila nagpunta o baka may pinag-usapan. Dumating si Ate at Kuya Indigo nang sabay, si Papa naman ay bumaba na rin at natuwang may mga bisita. Masaya kaming nagsalo-salo. Bubby kept on barking tuwing umiingay ang mga tawa namin.

Ate was signaling me sometimes about Kuya and Aya. I winked at her and we silently giggled. Tabi kasi silang dalawa, si Kuya ang pumili ng upuan niya, katabi si Aya.

"Ipagpatuloy niyo lang ang pag-aaral nang mabuti, nako! Ang gaganda ng kurso ninyo, pagbutihin lang," ani Papa. "Ano ngang kurso mo ulit, Hiro, hijo?" Hindi ko alam kung bakit siya agad ang tinanong ni Papa, siguro dahil medyo komportable na rin sila na mag-usap.

"Business Ad po, Tito."

"Mag-aral muna nang mabuti at 'wag munang mag-aasawa."

Napangisi lang si Hiro, diretso ang tingin sa akin. He licked his lower lip and then looked away.

"Ikaw, Camilla, hija, nasabi mong focus ang pamilya mo sa farming, kaya ka rin ba nag-agriculture?"

Tumango naman si Camilla. "I'm quite interested po."

"Masaya 'yan, 'yan ang gusto kong kunin noon. Ginusto ko pa ngang mamuhay sa tabi ng farm. Hindi lang pinalad, hindi para sa 'kin," kwento ni Papa.

"Kaya pala ang lawak ng bakuran natin, Pa, pati likod-bahay, puro gulay at bulaklak," ani Ate Iska. "Ngayon ko lang nalaman ah..."

Papa chuckled and sighed. "Ang mama niyo ang mahilig sa bulaklak. Ako sa pagtatanim ng gulay," aniya.

Napangiti ako. Kahit wala na si Mama, hindi siya kailanman nawala sa usapan.

"Siguro masaya na naman siya sa kalokohan ni Harris," I added. I chuckled. We all smiled as we remembered my mother.

Papa kept on asking questions. Isa-isa niya kaming tinanong tungkol sa plano pagkatapos ng kolehiyo. Iba sa amin ay hindi pa sure at focus pa lang sa pagdi-discover ng kurso. Nagbigay naman ng abiso si Ate Iska kay Aya at Harris bilang sila ay mag-e-engineering. Kuya Indigo was sharing his experiences as accountancy student, Hiro was quietly hooked about BSA, nabanggit niya na iyon sana ang kukunin niya kaso mas sigurado raw siya sa Business Ad.

Mga abala na sila sa pag-uusap, Aya and Kuya Indigo were talking lightly about random things. Nanlalaki ang tainga ko at ni Ate tuwing nag-uusap sila. Kunwari na lang na inuubos ko ang dessert ko kahit busog na ako para manatili lang sa hapag.

"Uhm... okay naman, dami ko pa ring haters."

Natawa si Kuya. "Kailan balik mo sa Manila?"

"Monday, kasama ko na si Mama. Sama raw siya, one week daw siya mag-stay."

"Uhmm, hindi pa kayo titira do'n?"

"Hindi... ayaw ni Mama ro'n. Ako siguro, oo."

"I see. Free ka bukas?"

"Free naman... bakit?"

"Let's go... somewhere."

Napatingin kami ni Ate sa isa't-isa. Ngiting-ngiti kaming pareho, tila nagdidiwang ang mga lamang-loob ko. Nang satisfied na sa mga narinig, tumayo na ako at naghugas ng kamay. I took my phone in my pocket to check it. Walang mensahe roon bukod sa isa mula kay Ryan. Bago buksan iyon ay nagtulungan muna kami sa pagliligpit ng lamesa. The boys already opened their can of beers. Nakisali roon si Papa. Kaming mga babae ang natira sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan.

Camilla grabbed the broom. Ako na sana ang magsisimula sa paghuhugas nang unahan ako ni Ate Iska.

"Pahinga ka na muna."

"Hindi naman ako pagod, Ate. Ikaw ang galing sa trabaho..." Ngumisi lang siya at umiling. Tinulungan siya ni Aya, nagsimula silang mag-asaran. Hindi naman sinabi ni Ate ang napansin namin kanina.

Pinunasan ko na lang ang lamesa at nag-spray ng alcohol. Nilapitan ko si Camilla para abutan ng dustpan.

"Kinukulit ka pa ba ng ex mo?"

She chuckled. "Hindi na. Buti nga, e. Muntik ko na kasi ireklamo," aniya.

"Buti naman... wala bang iba?" Biro ko. Umupo kaming muli sa upuan matapos linisin ang lapag.

"May pailan-ilan na nagpaparamdam pero ayoko."

Hindi iyon maipagkakaila. Maganda si Camilla, lalo pa ngayon. Natural na curly ang buhok pero hindi makapal. Maliit ang mukha niya at may katangusan ang ilong. Litaw na litaw rin ang cheekbone niya na lalong nadedepina kapag ngumingiti. Pinalad din ang tekstura ng mukha dahil hindi siya tigyawatin.

"That's fine. Focus sa goal."

After the extended chitchats, we decided to watch movies. Nag-randomize lang kami para exciting. Si Papa ay maagang nagpahinga, gano'n din si Ate. Sa kwarto ko kami nanood, naghanda pa ako ng snacks at drinks. Kuya Indigo took a peek in my room, nasa pintuan lang siya at nakadungaw.

"Goodnight, I'll take a rest. Enjoy kayo."

"Goodnight din, Kuys!" Si Camilla.

"Goodnight, sleep well," ani Aya.

Kuya winked at us---or at her?

"See you tomorrow."

He left. Camilla kept on asking Aya what was that. Something's fishy daw. Natatawa lang ako sa gilid.

"Kilig 'yan si Ayana," ani Harris. Hindi naman pinagtakpan iyon ni Aya. Masasabi kong hindi pa rin nawawala ang feelings niya kay Kuya. Her smile says everything.

"Itanggi mo naman," dagdag ni Harris. Camilla giggled and hugged Aya. "Anong meronnnn?" Pangungulit niya.

Hiro stayed silent. Kalaunan ay nilapitan siya ni Camilla sa lapag. Kaming tatlo kasi ang nasa kama ko. Sila ni Harris ay nasa carpet.

Matangkad si Hiro kaya naman nagmumukhang maliit si Camilla kahit naka-indian sit silang dalawa. Camilla leant on him, he patted her head as she was too small for him. Tinuon ko ang mata sa pinanonood. There are times that I can notice things about them, hindi sila gaanong pala-usap sa isa't-isa kapag magkakasama kami, however, their actions speak how obvious their relationship as best friends. Kapag napapansin ko iyon, automatic na lumilipat ang mga mata ko sa kung saan.

I'm not comfortable. Ewan ko kung bakit.

Then I can hear them talking but I can't understand because of the movie. Nagpupustahan si Aya at Harris sa pinapanood, kung aamin na ba ang bidang lalaki o hindi.

"Aamin na 'yan!"

"Hindi pa 'yan, tingnan mo may hadlang pa."

I was quiet. Hindi talaga nanonood. Napagpasyahan ko na lang na kunan ng kumot at sapin si Hiro at Harris. May makapal naman akong mattress. Dumaan ako sa harap nina Camilla at Hiro para kumuha ng comforter sa kabinet na nasa likod nila.

"Huh... mag-transfer na rin ako kung lilipat ka sa Manila," ani Camilla. Medyo malinaw na sa pandinig ko ang usapan nila. Sinadya kong bagalan ang paghahanap.

"What? Mas bagay ka nga rito dahil sa course mo. Hayaan mo na. Ayoko rin ngang lumipat..."

"Bakit?"

Hindi nagsalita si Hiro kaya naman nagsalita ulit si Camilla.

"Gusto ko tuloy lumipat din... kami na lang ni Isabela rito kapag lumipat ka. Pwedeng-pwede naman akong lumipat, papayagan naman ako, tapos dito ko na lang i-apply ang pag-aaral ko sa Manila. 'Di ba?"

I heard him sighed. "No. Let me transfer alone. Bakit ka pa lilipat, dahil lang sa 'kin?"

"I will feel lonely if you're not here anymore." May lungkot sa boses ni Camilla, mahina iyon. Kung hindi rinig nina Aya ang pag-uusap nila kanina pa, lalo na ngayon. Lumipat din kasi si Harris sa kama nang bumaba si Camilla.

Hiro chuckled a bit. "Huwag kang buntot nang buntot. Niyaya lang kita noong senior highschool na sumama sa amin, ngayon hindi ka na makahiwalay sa 'kin."

Nahanap ko ang comforters. Tumayo ako at nakitang mahinang tinapik ni Camilla ang braso ni Hiro sabay niya saglit na yinakap. It's a bit odd for me. Pero magkaibigan naman sila, best friends.

Lumabas ako ng kwarto, balak na kumuha ng extra pillows. Bumaba muna ako para uminom ng tubig, biglang nanuyot ang lalamunan ko sa hindi pagsasalita kanina pa. Nagpalipas ako nang ilang minuto sa kusina. Humilig ako sa counter habang iniinom ang isang basong tubig.

I don't want to end this night without fixing things with him.

My phone rang. Naalala ko ang mensahe ni Ryan. I answered the call.

"I saw Harris' post. Nasa inyo sila, hope all."

Bahagya akong natawa. "Diyan ka na lang sa New York."

Ryan flew to New York 2 years ago. Doon na siya nag-aaral dahil lumipat na ang pamilya nila roon. Hindi pa siya umuuwi until now, sabi niya'y bibisita siya minsan. It's good that we're still communicating after what happened to us.

"Uuwi ako next month. Babalik ako before Christmas. Bakasyon lang."

"That's good. Miss ka na ng mga trainees na kasama natin noon," tawa ko.

"Sayang nga, 'di na ako nakapaglaro ulit. Iba focus ko ngayon. Sa gym ako naglalagi kapag bakante."

"Naks! Baka 'di na kita makilala kapag umuwi ka."

He laughed then sighed. "Ikaw ba? Hindi mo na sinubukan?"

"Hindi na..." Humina ang boses ko at napabuntong-hininga.

"Hindi na talaga?"

"Ewan, baka hindi na talaga."

"Who's that?" I lifted my gaze. Bahagya kong nakagat ang labi.

"It's Ryan," sagot ko.

"Sino 'yan? Boyfriend mo? Selos?" Si Ryan sa kabilang linya.

"H-Hindi!"

"Oo nga pala..."

I sighed when he remembered it. "Sige na, medyo late na rito."

"Yeah, goodnight, Isabela."

"Take care."

I ended the call then faced him. Naka-short na itim na siya ngayon at naka-shirt na kulay krema. "Bakit?" I asked him then turned my back at him to put my glass down.

Hinarap ko ulit siya. Bagsak ang buhok niya, halos natakpan na ang noo at mata. Ngayon ko lang napansin ang piercing niya dahil sa pagkislap niyon. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa palapulsuhan ko.

"Sabi ko lilipat ako sa Manila," aniya, malamig.

"Oh? Tapos? Ano nga?" Agad kong tanong, mainit agad ang ulo.

"Ayoko ngang lumipat-"

"E, bakit nga? Kanina pa kita tinanong ta's ganyan ka na, what's wrong with you?" Ramdam ko na ang lukot kong mukha.

Hindi siya nakapagsalita. "Ano?" Ulit ko.

"Tell me you don't want me to go." He stared at me seriously, na kahit gusto kong tawanan iyon hindi ko magawa.

"H-Huh? Bakit? Para saan?"

When it comes to Hiro, I noticed myself changing easily. Like this. Hindi ko alam na kaya kong makipag-usap sa kaniya na parang sobrang hard-headed kong tao. Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto niya sa 'kin.

"Hindi mo sasabihin? Ayaw mo?"

Umiling agad ako. "Wala akong dahilan para sabihin 'yon. Alam kong para sa ikabubuti mo 'yan, who am I to stop you?"

"Okay, fine. Thank you." Binitawan niya na ang tingin sa akin. Pati ang paghawak sa akin. Siya naman ang handang lalagpasan ako.

"Hiro-"

"Next week, aalis na ako. Let's spend time together before I go."

Mahina akong natawa, inis na talaga.

"Parang hindi ka naman babalik, e alam kong babalik ka naman-"

"Babalik ako kung gusto mong balikan kita."

My words became air. Gusto ko bang balikan niya ako? Is that a confession or what? Hindi ko na maisip nang maayos. Ang gabing iyon ang naging dahilan kung bakit hindi na siya maalis sa isip ko. Iyon na yata ang pinakamalalang narinig ko mula sa kaniya, na pati bibig ko ay natikom. Iba ang dating, iba ang paraan ng pagkakasabi niya. At hindi ko na iyon mabalewala.

Sumunod na mga araw, hindi ko alam kung tatawagan o i-cha-chat ko siya. Hindi ko alam kung totoo ang yaya niya sa 'kin, o maghihintay lang ako ng araw kung kailan niya ako paaalalahanan? Bakit tila sang-ayon nga ako sa spend time together na iyon?!

Mabuti na lang at naging abala ako sa mga sumunod na araw. Pero lagi ko pa ring naiisip kung anong araw siya magpaparamdam. I was being impatient. Noong gabi iyon, parang bumalik ang dati kong pakiramdam. Iyon bang hindi komportable sa kaniya. Pakiramdam ko ngayon, nang sabihin niyang lilipat siya, hindi ko alam kung anong unang iisipin ko. Nabigla ako, hindi ko talaga alam pa ang dahilan niya, nauna ang gusto ng isip ko. Na balewalain.

And I'm still here, waiting for his cue.

Halos patapos na ang isang linggo, wala pa rin akong natanggap na text o chat. Then, I decided to ignore and forget his words. Baka hindi totoo o trip lang ako. At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, dismaya ako.

Not until when Saturday came. He surprised me by his text. Medyo matagal pa akong nakatanga sa mismong message niya bago ako dali-daling naligo at nagbihis.

Hiro :

I'll wait you here, sa café.

Kabang-kaba ako. Hindi ko alam kung bakit. Pati ang pag-aayos ko'y ilang beses kong tiningnan kung bagay o hindi. Tila biglaan akong naging conscious sa katawan. Na-realize ko bigla ang mga kilos ko nang matapos ako sa pag-aayos.

Hindi ako ganito.

Naisip ko pang baguhin ang ayos ko, iyong hindi masiyadong halata na pinaghandaan. O baka may iniiwasan lang ako? O baka hindi ako sigurado sa ginagawa? Pero sa huli, hinayaan ko na. Baka overacting lang ako, masiyado akong nag-o-overthink sa itsura ko, iniisip kong biglaan ang ganitong ayos, e hindi naman ako palaayos. Baka hindi ko agad malunok at mahirapan akong i-handle.

I was on my way when I received another message from him.

Hiro :

Take your time.

Ako :

On the way na.

Hindi ako sigurado kung anong itsura ko para sa kaniya. Baka talagang magulat siya at bigla akong nagsuot ng skirt. I even put lipgloss to alter the texture of my lips, it was so dry. Ang malala pa nga, bahagya kong pinlantsa ang buhok ko. Habang nasa bus ay naiinis ako sa sarili ko. I was so impulsive.

Ni hindi ko alam kung ano bang gagawin namin at bakit namin gagawin nang kaming dalawa lang? Normal lang bang mag-bonding ang lalake at babae, kahit magkaibigan? Parang hindi ko maramdaman na para sa pagkakaibigan lang ang bonding na 'to!

Papalapit na ako nang papalapit sa café, kinailangan ko pang pakalmahin ang dibdib ko bago tuluyang makababa  sa bus. I swallowed hard as I stopped before entering the place. Bumuntong-hininga ako.

I pushed the café's glass door. Gusto ko mang ilinga ang ulo ko, hindi ko magawa dahil kinakabahan ako. I'm wondering what he thinks of how I look! Naisip ko rin bigla kung alam ba ito nina Aya.

Tinawag ko agad si Ate Nancy sa counter. Her eyes grew bigger when she saw me. Nailang ako bigla.

"Is that you, Isabela?" Gulat niyang tanong.

Napatungo ako dahilan kung bakit lalong nalaglag ang buhok sa magkabilang gilid ng ulo ko.

Natawa lang ako nang bahagya at lumingon para hanapin si Hiro. "Iced americano-"

"To be served na lang, si Hiro na may sagot," aniya, ngising-ngisi.

"Kayo na?" She leant forward to whisper. Napailing ako agad at bahagyang natawa. "Date niyo?" She giggled.

"H-Hindi, Ate... magkaibigan lang kami-"

"Asusss!"

Tumawa lang ako at nagsabing lalapitan ko na si Hiro. Nasa tabing bintana siya, kung saan ang favorite kong spot. He occupied the left side of the table and let the right side free for me to be occupied. Alam niya lagi kung saan ako komportable.

His eyes followed me. He captured my motion. Hindi natanggal ang tingin niya sa akin kahit ilang segundo.

"Nagsusuot ka pala ng skirt?" He asked curiously.

"W-Wala na akong mahanap... Tingin ko mas bagay sa damit," sambit ko sabay tingin doon. Medyo fitted na shirt iyon na kulay krema, walang design.

I glanced at him then looked away. Nahagip ko pang dinilaan niya ang ibabang labi.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko, hindi nakatingin.

S-i-n-erve ni Ate Nancy ang drinks namin. Ngiting-ngiti siya at malisyoso ang tingin sa aming dalawa. Pinanood ko pa siyang makalayo bago bigyan ulit ng tingin si Hiro.

"Ang ganda mo," he commented. Na hindi ko inasahan. Alam kong naging halata ang paglaki ng mata ko roon. Nakabawi naman ako agad pero bago pa ako makatawa nang hilaw, sinundan niya pa iyon.

"Lagi naman..." he added.

Nilabanan ko ang pintig ng puso ko. Nag-aalala rin ako na baka nakikita niya iyon, pakiramdam ko ang init ko. Umirap ako sa gilid para labanan ang kaba. Nagpapawis ang mga palad ko kaya nanatili iyon sa ilalim ng lamesa. Kalaunan ay sumipsip na ako sa inumin ko para mabawasan ang init na nararamdaman.

"S-Saan nga tayo pupunta?"

He grinned. "Kahit saan. Plano ko sanang mag-rides tayo kaso naka-skirt ka, hindi ko inasahan na ganyan ang suot mo dahil sanay akong pants lagi ang gusto mong pambaba," aniya at uminom din sa frappucino niya.

"Ayoko ring mag-rides! Takot ako ro'n..."

Malala ang fear of heights ko, hindi ko kakayanin ang sumakay sa mga rides.

Kumunot ang noo niya. "Gano'n ba? Hindi ko alam."

Tumango ako. "Baka himatayin lang ako sa harap mo."

Umakto siyang nag-iisip. "Saan mo gusto?"

"Ikaw na bahala."

He signed okay. Humalukipkip ako, medyo kalmado na.

"Kailan alis mo?"

"Bukas." He looked away.

Tahimik akong tumango.

"It was my Dad's decision. Hindi ako maka-hindi. Nando'n din kasi ang business niya, gusto niyang malapit ako ro'n para mapadali sa 'kin kapag naka-graduate..."

I nodded again. Mabuti nga.

Hindi na ako nakapagsalita, tila naubos ang boses ko kahit hindi naman ako gaanong nagsalita.

Inuna naming puntahan ang bahay-ampunan kung saan nandoon si Jeboy. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nabibisita. Sobrang proud ako sa batang iyon dahil madami na siyang natutunan sa loob, malusog na rin siya at maayos na ang pananamit. Lumalaki ring may itsura.

Kinuwentuhan niya kami ni Hiro nang makarating. Binilhan ko rin muna siya ng bagong damit sa nadaanang palengke. Nagustuhan niya iyon at sinabing susuutin agad bukas.

Pinaalam naman ni Hiro na aalis siya, medyo nalungkot si Jeboy at maraming naging tanong.

"Babalik ka pa? Kailan? Anong gagawin mo ro'n?"

Na-realize ko bigla habang nag-uusap sila na katulad ni Jeboy, may lungkot din akong naramdaman. It was odd to feel this way when I know to myself that it is totally fine. I'm not worried but there's something I can't recognize.

Comment