Kabanata 17

Care

Hindi nag-reply si Hiro. I waited a couple of days, expecting he would apologize or what. Ngunit hindi iyon nangyari hanggang sa tumagal na halos ng dalawang linggo. Hinayaan ko kahit medyo bothered ako, hinayaan ko kasi alam ko namang wala akong dapat ipaliwanag o ika-sorry. Gusto ko lang malaman kung bakit naging ganito siya.

I will never run to chase him when I get better. Ilang araw na lang pwede na akong pumasok ulit pero hindi na muna ako pwedeng maglaro. Wala rin naman akong plano pa. I'll just focus to my studies.

"May delivery!" sigaw na Ate mula sa bakuran. Napabuntong-hininga ako. Akala ko'y pumasok siya ngayong araw. Napapadalas na kasi ang absent niya, halata na masiyado kapag sinasabi niya na wala siyang pasok. Nag-aalala tuloy ako dahil baka bumagsak siya sa ginagawa niya.

Bago pa ako makalabas, inabot na sa akin ni Ate ang paper bag ng Cup of Coffee Café. Hindi na ako nagulat doon dahil alam ko na kung kanino galing. Ilang araw na na ganito lagi. Buti nga hindi araw-araw at baka masobrahan na ako. Palagay ko naisip niya rin iyon.

Sending me an americano instead of answering my text message? How annoying.

I snorted and enjoyed the coffee.

Hindi rin pumasok si Papa. Si Kuya Indigo naman ay maaga raw makakauwi dahil half day lang ang klase nila.

"May check up si Mama ngayon kaya hindi pumasok si Papa," ani Ate nang makapasok sa bahay.

Tumango ako at tumayo para pumunta ng kusina. Nadatnan ko ang nakahaing mga pagkain sa lamesa.

"Ikaw nagluto?" Tanong ko.

She nodded. Tila malalim ang iniisip.

"Dapat masarap 'to..."

"Prito lang naman 'yan," aniya.

"Kahit na. Si Mama may soup na?"

Tumango siya ulit. "Si Papa ang nagluto."

Hindi na ako umimik, gano'n din siya. Mula noong nagsimula kaming kumain hanggang sa matapos, walang nagsalita. Kumunot ang noo ko sa mood ng kapatid.

I sighed a deep breath. "Anong problema?"

She didn't even tease me about the coffee. Noong mga nakaraan kasi lagi niya akong inaasar. Hindi naman niya sinasabi kay Mama dahil bawal pa nga, kahit na walang malisya hindi ko pa rin hinahayaang mabanggit niya kay Mama. Baka sumama lang ang loob at makasama iyon sa sitwasyon ngayon.

I glanced at her. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang naluluha na siya. I bowed my head to let her feel her emotion. Lumunok ako at tinuon ang mata sa walang lamang pinggan. Marahan akong uminom ng tubig habang hinihintay siyang magsalita. May mga naiisip na akong posibleng dahilan pero ayokong pangunahan siya.

"G-Gusto ko munang tumigil," aniya na lubos kong ikinagulat. I stared at her, eyes widened. Umiling ako agad.

"Hindi pwede, Ate, bakit ka titigil?"

"Hindi tayo mayaman, Bela... I can feel it na nahihirapan na si Papa mag-handle. Kinukulang na rin tayo sa panggastos. Mama needs everything first. Siguro saka na ako-"

"Edi ako na lang."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon nang biglaan. Wala sa plano ko ang tumigil, wala rin sa isip ko na dadating kami sa puntong ganito. Akala ko we are only affected emotionally, I thought Papa can handle our financial needs. Mula noong bata ako, hindi ako spoiled, hindi ko rin naabutan ang paghihirap ng magulang ko sa buhay para lang may maipundar para sa pamilya namin. Hindi ako spoiled pero alam kong kahit anong gustuhin ko noon, kaya kong makuha. Hindi lang talaga ako nahayaan na maging gano'n. At nagpapasalamat ako dahil doon, hindi ako lumaking maluho sa kabila ng katayuan sa buhay.

Hindi kami mayaman, may kakayanan lang. Balanse ang gastos, maganda ang pasok ng pera, hindi kami maluhong magkakapatid. Pero kahit pala gano'n, may oras pa rin na kukulangin. May maluwag at magandang bahay kami, lahat kami ay may kwarto, lahat may sariling TV sa bedroom, may kaniya-kaniyang CR din. Hindi kulang sa gamit, nakakakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw. Matiwasay kaming nakakapag-aral dahil walang kahit isa sa amin ang nagtatrabaho habang nag-aaral, hindi namin kailanman kinailangan na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi kami namroblema sa pagkain, gamit, at kung ano pa.

Hindi kami mayaman. Pero walang kulang. My parents fulfilled this life for us. Pero sa pagkakataong 'to, nahihirapan na naman sila.

"No, hindi papayag si Mama-"

"At ikaw, papayagan ka? Lahat tayo hindi papayagan, Ate. Please stop thinking about it. Alam kong kaya pa natin magpatuloy."

She shook her head. Gano'n din ako. Inabutan ko siya ng tissue at umiwas ng tingin.

"Kung gusto mong tumigil, 'wag, Ate. Kung gusto mong makatulong financially sa pamilya natin, then be a working student..."

Nilingon ko siya. Her face was reddened.

"I'll try to convince them. Siguro nga ganyan na lang. Pero paano kapag hindi sila pumayag?"

I pursed my lips. "Gawin mo lahat para pumayag. You're old enough to stand on your own. Kaya mo naman 'di ba?"

Tumango siya agad. "For our mother, yes..."

I smiled softly. "Para kay Mama."

"Don't you dare to stop. I'll handle the half of it, mag-focus lang kayo ni Indigo," she warned.

Sinabi namin kay Papa ang plano ni Ate bago kay Mama. I felt that she was struggling to open up kaya sinamahan ko na siyang magsabi. It's hard to tell it to Papa coz I know he will find it hard to accept and to admit that we are slowly losing financial needs.

"Sigurado ka ba, Iaera?"

Tinanong siya ni Papa. He was drinking his coffee in the balcony when we decided to talk to him. Hindi siya makapagsalita noong una pero alam kong papayag din siya. Besides, Ate is totally grown up naman na.

"Opo, Pa. Ayokong umasa lang. I know papayagan mo ako, 'wag kang mag-alala dahil kailangan ko rin naman 'to."

Tumango-tango si Papa. "Hindi ko lang alam sa Mama niyo... Ayoko sana, pero sino ba naman ako para pagbawalan pa ang panganay ko?" ani Papa at medyo natawa.

"May boyfriend na nga e," gatong ko.

We laughed.

"Ayoko talaga sana. Being a working student is quietly tough. Iniisip kong baka masiyado kang mahirapan, dapat nag-aaral ka lang, dapat kaming bahala, pero ito... humihinga ka ng permiso na magtrabaho para maagapan ang financial crisis. Naiintindihan ko..." He sighed. "But I feel a little guilt inside me, I should be the one who works hard to provide you a comfortable living."

My eyes went blurry after hearing that. It's painful to hear.

"You're working hard enough, Papa," I butted in.

Niyakap niya kami ni Ate.

"I will be a working student, Pa. But that doesn't mean your hard work was not enough. It's enough. So much..."

Kinausap namin si Mama pagkatapos. Hindi na sumama si Papa dahil ayaw niyang mangielam kung maging negatibo ang kalalabasan. Ayaw ko na rin sanang sumama kaso hinatak na ako ni Ate, mas kailangan niya raw ng kasama kapag kay Mama magpapaalam.

"Mama, mag-w-working student ako."

Diretso ang pagkakasabi ni Ate. Muntik pa siyang mapapikit habang nagsasalita. I looked at her hands, squeezing each other. Kinakabahan siya, mas kinakabahan siya rito kaysa noong nagpaalam siya na magnonobyo siya.

Mahina akong natawa sa isipan.

Mama tried to get up from her bed. Inalalayan ko iyon agad at isinandal siya. Nakakababa pa naman si Mama at nakakakilos nang maayos pero madalas talagang sumakit ang ulo niya.

"Iska, huwag mo nang intindihin itong sitwasyon ko, mag-aral ka nang mabuti, patapos ka na, 'wag ngayon-"

"Ma, paano ko hindi iintindihin ang sitwasyon mo? Kung anong sitwasyon mo, sitwasyon na rin namin. Hindi ka nag-iisa. Lahat tayo apektado rito. So, please let me get a job while studying. I can manage..." paliwanag ni Ate.

Napabuntong-hininga si Mama.

"Iaera... nakikiusap ako sa 'yo."

Umiling si Ate. "Listen to me, Ma. Kailangan niyo ni Papa ng tulong ko, ng tulong namin. Hindi ba mas mapapadali kung tulong-tulong tayo?"

Hindi nagsalita si Mama. Alam kong tama si Ate sa desisyon niya, at alam ko ring nahihirapan lang si Mama na tanggapin.

"Mahirap para sa akin na payagan ka, Iska. Hindi kami nagsikap ng Papa niyo noon para lang hayaan ka na magtrabaho habang nag-aaral. Mahirap para sa akin na tanggapin na hindi pala naging sapat ang paghihirap namin noon, kaya ayaw kong payagan ka."

"Ma, sapat, lagi. 'Wag mong isipin 'yon, Ma. P-Please, kahit naman hindi nangyari 'to pipiliin ko pa ring magsimulang planuhin kung anong plano ko ngayon. Makakatulong din sa akin 'to, Ma, hindi ibigsabihin na kinailangan kong magtrabaho ngayon kasi hindi naging sapat ang effort niyo ni Papa noon. 'Wag mong isipin na gano'n, Ma, please. It's my turn to help our family, and I also want to build my own life with my own decision. Pero sa mga desisyon na 'yon, hindi kayo mawawala. That's why I cried before telling it to Papa and to you. Because I badly want to help my family when it's getting hard."

Ate Iaera started to be emotional. Napayuko ako at inalo si Mama dahil emosyonal na rin.

Medyo naging matagal pa ang pag-uusap nila bago natapos. Nanatili akong tahimik sa tabi ni Ate pagkatapos, I even followed her in her room. I want her to know that I will support her, too when it's getting hard.

I leaned on her shoulder and closed my eyes.

"This too shall pass..." sambit ko.

She was sobbing nonstop after the conversation. I know it's hard for her to explain her feelings like that. I sighed as I thought of my own.

I was able to go to school when Monday came. Hindi alam nila Aya, hindi ko naman ipinaalam kung kailan. I just feel that I am ready enough to attend school again, though, my injury is still visible. Nakakalakad na ako nang maayos, hindi nga lang pwedeng mapwersa. I can't run for the nth time. Kailangan dahan-dahan lang lagi ang kilos ko kung ang paa ang primary na kailangang gamitin.

"Isabela?"

I looked back. Nakita ko si Camilla na kakapasok lang sa bukana ng university. I smiled a little and waved.

"Pumasok ka na? Kaya mo na ba?"

Tumango ako. "As you can see..."

"Nangbibigla ka, hindi ka nagsabi. Paniguradong magugulat sila," aniya at bahagyang inayos ang ayos ng buhok.

Ngumisi ako. "Kumusta? Is everything fine? Sorry, it took me awhile to have courage to talk to you in person like this. I just wanna know, personally, if you're doing fine..." Bumagal ang lakad ko, gano'n din siya.

"Okay lang, 'no... nagkakausap naman tayo sa text or call... minsan. It's not a big deal, I know it's not easy for you to handle this bigger circle. Saka okay lang naman ako, nakatulong 'tong circle natin ngayon sa akin, to move on. At... si Hiro, our communication turned well. Dati kasi hindi ako pala-open sa kaniya, months din bago kami makapag-usap. And yes, I still called him my bestfriend those times," aniya at bahagyang natawa.

Gusto kong sabayan ang tawa niya kaso parang may ibang pumasok sa isip ko. Nagkalaman iyon. Pinilig ko ang ulo ko sa isipan.

"Pero... uh, oo, si Hiro, kumusta naman? Remember the day when you all visited me. Hindi na ako kinausap. Pero uh... imbis na mag-reply sa text ko, he kept on sending me a coffee. Iba-ibang araw," sambit ko, medyo natawa pa.

"Really? So, totoong nagseselos siya? Baka gusto ka talaga..."

My eyes widened a bit. Umiling ako agad. Naisip ko na iyon pero imposible talaga.

"No... maybe he's just acting childish again."

"Pakiramdam ko hindi. I can feel it. Una pa lang," aniya, tila siguradong-sigurado.

Nagpaalam na ako at hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Camilla. Nang makapasok sa silid, kita ko ang gulat ng mga kaklase ko. Hindi ko iyon pinansin at dumiretso sa pwesto ko. I didn't notify the school or even my class adviser. But I was hoping to be protected, at all cost. From now on.

"Kawawang Iraia... alam niyo naman kung bakit nagawa 'yon ni Iraia. She's full of herself kasi."

Nagpintig ang tainga ko. I just came back and I need to face and hear those. Napairap ako sa kawalan para pigilan ang emosyon. Bakit hanggang ngayon ako pa rin ang mali? Kahit ako ang naagrabyado sa nangyari, ako pa rin ang may kasalanan at masama.

"Oo, no'ng nalaman ko 'yon, hindi na ako nagtaka. Iraia badly wanted to defeat her. Kaso nga laging bida-bida itong hideous na 'to, ay..." kunwari pa itong natigil. "I think the word hideous is not suitable to her anymore. Nakikita niyo naman, may pagbabago na sa mukha niya simula noong napalapit kay Hiro. Nagpapaganda na..."

Natigil lang iyon nang magsimula ang first class. Pero naririnig ko ang hagikhikan nila sa tuwing nakakalabas ang teacher namin, titigil lang kapag may papasok na bago. It was the routine. And I was playing numb and dumb as if I was not in tears. Hindi ko hinahayaang tumulo iyon. I wonder how they do it, to trigger me and pierce the softest part of me to make me feel hurt. Dati naman hindi ganito kabilis ako masaktan dahil sa pangkukutsa nila, pero ngayon bakit lumala nang ganito?

But this time, hinayaan ko ulit. Narinig ko pero pinili kong 'wag pakinggan. Sinubukan ko. Lumabas ako nang mag-lunch, plano sanang tawagan sina Aya pero nakaabang na pala sila sa baba. It made me happy to see them again. Kumpleto.

Hiro just glanced at me. Nakatanggap pa ako ng sermon kay Aya dahil hindi ako nagsabi na papasok. Harris acted feeling close again. Camilla and I smiled at each other. We talked and laughed. Eat lunch and have fun. Pero sa halos isang oras at kalahating break namin, Hiro never say a thing. Sabi ko hindi ko siya hahabulin once na okay na ako. But it bothers me so much to the point na gusto ko na siyang sipain sa likod.

Pero sa huli, hindi ko rin talaga siya kinausap. But I was surprised when I visited Cup of Coffee Café in two consecutive days and Ate Nancy never let me pay for my order.

"Lahat ng order mo, bayad na." Ngising-ngisi siya.

"Huh?"

"Sabi ni Hiro ibigay ko lang ang gusto mo, siya ang magbabayad. Lagi."

My jaw dropped open. His confusing demeanor makes me mad, frustrated, and perplexed. And why the fuck am I feeling flushed?

Ngumisi ako, pero dahil sa inis. Kaya noong sumunod na araw, kinausap ko na.

"Anong trip mo?" seryoso kong tanong. Kahit tila nag-iinit ako sa loob.

Nagngising-aso lang ang loko. My brows furrowed and asked him again. Trip niya lang ba ako? Naiinis ako sa kinikilos niya. Mas lalo kaming pag-uusapan sa ginagawa ko pero gusto kong linawin ang mga actions niya.

"Why are you sending me my favorite coffee? Why are you paying my orders in that café? At bakit hindi ka nagre-reply sa nga text ko? I need an answer, as soon as possible. Now." I sighed deeply. "Can't you see, Hiro? You're acting weird!"

He sighed and winked at me. Nanlaki ang mata ko at lalong nainis.

"Okay, okay... I'm just waiting for this day. Na ikaw ang lalapit sa akin para magkausap na tayo nang personal at hindi lang text o tawag. I want you... this close."

"What? Ano bang kasalanan ko sa 'yo at ginaganito mo ako?" Tanong ko pa rin. Even though I feel fluttered.

Napanguso ako sa huli. He chuckled. At nakakainis dahil tila ba naging musika iyon sa tainga ko.

"Did you meet Ryan that day?" aniya, biglang naging seryoso.

Breaktime ngayon at maraming estudyante sa paligid. Karamihan nasa amin ang atensyon at masasama ang tinging binabato sa akin.

"Oo, bakit?"

I waited. Matagal bago siya nagsalita at tumango.

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Is he courting you for real?"

I swallowed hard. Pinilig ko ang ulo at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin o hindi. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kaniya.

"Hindi. Pinatigil ko na."

There's a long silence. "Bakit..." It was a soft why. While his eyes were obviously in amusement.

"Ang dami mong tanong. Please stop your weird acts, ha? Nakakainis ka na."

He grinned. Never gave me an assurance. Nagmartsa ako palayo sa kaniya, init na init, hindi alam kung bakit.

Hindi nagbago ang kilos ni Hiro. He kept on making me feel special and I feel uncomfortable about it. He never said a thing, just acting like I'm one of his responsibility. That scares me enough to think things carefully and have a personal talk with him. But it feels like the destiny doesn't want me to address things between us. Mama's condition went worst.

I was trying hard to hold on. Para mapanatili na kalmado ang isipan ko, ginawa ko na ang lahat ng pwedeng maka-distract sa pag-iisip sa kalagayan ni Mama. Ate Iska kept on telling me to continue my things, do not be distracted and stay calm. I focused to my studies, I read calming books, I paint when I'm bored, I pursued my baking skills which my heart hid for a long time 'cause I was discouraged.

While trying hard to occupy my mind and myself just not to think what will happen next, I was not aware that I was also developing my most sane self. I was expecting that I'll fall again on the ground when something bad happens. Muntik na, pero nakikita kong lumalabas si Mama. And that's enough to fight too. Naniniwala akong hindi niya kami iiwan.

I focused to the good things. I let Hiro to act that way, hindi ko na rin inalala muna. Sa sarili at pamilya nakatuon ang isip ko. Kadalasan, throughout the weekend, and perhaps after dismissal, my friends would visit us at home. It warms my heart 'cause it really helps my family to feel light. Napapansin ko na rin nga na kahit papaano, sa pagpunta-punta ni Aya rito kasama ang iba, nagkakaroon na si Aya ng maayos na pakikitungo kay Kuya Indigo. Napansin iyon ni Mama at ikinatuwa niya rin. Para kaming isang sobrang malaking pamilya.

Every week, iba-iba ang bumibisita sa bahay. My uncles and aunties will come, some of our cousins too. Kailan lang din ipinaalam ni Papa ang kalagayan ni Mama sa mga kapatid nila. Ikinalungkot at ikinagulat nila iyon kaya ngayon, wala silang gusto kundi ang mabigyan ng sapat na atensyon at alaga si Mama para sa agarang paggaling. Kahit na narinig ko ang doctor ni Mama na kakailanganin na niyang lumipat ulit ng hospital. Pero pinilit kong magpakatatag.

Kuya Indigo buys our mother's favorite flowers regularly to place in her room. It makes our mother delighted and not obviously sick. Bubby also visits her and would lie on the floor to stay there.

"Bela, let's talk," one of my cousins from Papa's side called me. I smiled a bit before leaving my unfinished painting in my room. We headed ourselves in the kitchen while his parents are upstairs, in my mother's room.

"What's up?" ani ko. Kumuha ako ng maiinom sa fridge para sa aming dalawa. I treated Kuya Coy as my brother like Kuya Indigo, I remember the old days, he really acted as my Kuya. He protected me from the bullies, well that was when we were young. Ngayon, madalang na kaming magkita dahil siya, kolehiyo na, kasing tanda ni Ate Iska at sa Maynila nag-aaral.

"You. How are you?"

I looked at him straight. I stretched my lips to a smile. His appearance really changed and it makes him cool. Hindi ko alam kung may nobya na.

"Doing fine... buti na lang this Saturday kayo bumisita. If weekdays, hindi kita makikita." I chuckled.

"What about school?"

"You know, I'd rather lie. But that's nonsense."

He sighed, shifted his weight. Looking at me gently then closed his eyes, then opened.

"And you would rather share it to me, right?"

See? He's so protective. Tagal na naming hindi nagkikita at nag-uusap pero hindi niya ako kinalimutan.

"I don't need an answer. What about your sport? Last time I checked, you were really doing great." He smiled.

Natigilan ako. He never knew. Umiling ako at mahinang natawa.

"I stopped playing badminton, Kuya Coy."

"Huh?"

"I was injured. I don't know, ayoko na yatang maglaro."

"Tell me about it, what happened? Bakit hindi ko alam? Alam ba 'to nina Mom? What? Hindi sinabi sa akin?" He was confused. His eyes were in flame, tila ba alam na hindi lang basta aksidente iyon.

"Kuya... uh, yes, sa pagkakaalam ko, alam nina Tita at Tito. You know Papa, he would share it to his sisters para doon maglabas ng sama ng loob. But... hayaan mo na. Siguro nga hindi na sinabi sa 'yo para hindi ka mag-alala. Akala ko rin... alam mo." I showed him my smile to prove that I'm fine and got move-on.

"Sadya?" He's cold now. Natawa ako.

"Well... sa sobrang galing ko kasi, t-i-n-arget ako," I laughed, trying to make it light.

"Sabi na. Hindi ka na-i-injure. Alam ko 'yon."

I winked at him. He's still worried. Kinuwento ko ang nangyaring aksidente noon, I felt his rage. Kalaunan nagtawanan na lang kami tungkol sa ibang bagay at naging madrama rin dahil sa sitwasyon ni Mama. I missed talking with him, I know for sure, Aya will be happy to his presence.

"Gusto mo bang tawagan ko si Aya? Pero baka pumunta rin siya rito. Kapag weekends kasi bumibisita sila."

"That's fine. Paalis na rin siguro kami."

I nodded and stood up to clean our empty cups. Natawa ako nang biglang agawin sa akin para siya na raw ang maghugas. I was laughing nonstop when he started joking around. It feels like he's cleaning my inner. Sa gitna ng biruan namin, may kumatok sa pintuan kahit bukas naman iyon. Hindi ko naman pinansin iyon dahil nasa labas si Kuya at Ate, naglilinis ng bakuran.

"Pasok muna kayo!" boses iyon ni Ate.

Bago ko pa planuhing lumabas ng kusina, tumambad na sina Aya sa bukana. Kumpleto sila. Hindi pa ako nakaka-move-on sa pagtawa kaya nabati ko sila nang natatawa pa rin.

"Coy?" Aya was stunned and happy to see Kuya Coy. I chuckled. Nagyakapan silang dalawa.

"Nice, ganda ah," ani Kuya Coy.

"Of course! Big girl na ako! Look at my shape." I shook my head and laughed. Pinaupo ko sina Camilla, Harris, at Hiro sa living room.

"Pinsan ko 'yon, si Kuya Coy. Kasama niya parents niya, pauwi na rin sila," ani ko sa tatlo.

"Pinsan mo lang 'yon?" si Hiro. Tumango ako naman ako.

"Saya mo ah, kailan kaya kita mapapatawa nang gano'n?"

Napaismid si Harris. Natawa lang si Camilla.

"Tigilan mo ako sa ka-weirduhan mo."

"Lumalabas ang kasungitan mo, babae," aniya. Hindi ko maiwasan dahil nga sa kinikilos niya!

"Whatever," tamad kong sambit.

Nagkumustahan lang kami at pumanhik na rin sila sa taas pagkababa nina Tita. Nagpaiwan ako saglit para magpaalam kay Kuya Coy.

"Call me when you need me. See you again, next time."

"Ingat kayo, Kuya. I'll keep what you said. Thank you so much!"

Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago ako yakapin. "No to suitors muna, I can't imagine that. You're already grown up but you're still my little sister." He kissed the top of my head. "Mukhang meron na nga," bulong niya. Natawa ako.

"Wala!"

"Meron yata, nasa likod." He chuckled. "I'll go now."

I nodded and he left. Napabuntong-hininga ako at nagpasyang umakyat na sa taas. But I was shocked when I saw him, waiting on the stairway, leaning his back on the wall.

"Tara na," aniya.

Tumango lang ako. "Bela," he called me when I passed him.

Nilingon ko siya, bago pa ako makapagsalita, naunahan niya na ako.

"I want you to feel my care, too." Seryoso ang mga mata niya, marahan ang pagkurap ng mga iyon.

I stared at him for a while. "I can feel it, you don't need to remind me."

"But you care?"

Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya.

"Do you care that I cared for you?"

Hindi na ako nakasagot.

Comment