Kabanata 8

Ride

They are blaming me. It's something natural for me, kasi paulit-ulit lang din naman sila ng sinasabi. Nagiging musika na sa pandinig ko. Minsan masakit, minsan nakakamanhid na lang. At oo, nakakasawa.

The spotlight never left me. Kahit nasaan ako, ako ang usap-usapan.

"Hindi ko alam kung saan ka lulugar dito, e. Napakalawak ng university na 'to pero umaabot ang tsismis sa departments ng college."

Napailing ako at tahimik na lang na uminom ng tubig matapos kumain ng tanghalian.

"Hindi ko masisisi si Hiro. Gusto ko pa ngang matawa. Buti nga sa kaniya, feeling soon to be wife kasi."

Aya didn't stop venting words like that. Napakaingay ng bibig niya at lahat ng kumakain sa cafeteria ay napapalingon sa kaniya. Kapag naman may naririnig kaming usapan na patungkol sa 'kin, target agad ni Aya.

Tiningnan ko si Aya habang nililingon ang ibang estudyanteng hindi na makasagot dahil binara niya. She's acting like this. Tila walang iniisip.

"Ganda ka, girl? Saan aabot ang ganda mo kung ihampas ko sa 'yo ang mga medals ng sinasabihan mong pangit?" ani Aya. "Kapag wala kang utak at diskarte, sa kangkungan pupulutin ang porselana mong balat at makinis mong mukha. Tapyasan ko 'yang matangos mong ilong, e. Ranas mo na ba magparetoke para pumangit? Try mo, ako gagawa!" dagdag niya na nagpatawa sa karamihan ng kumakain sa cafeteria.

Napailing ako at mahinang nangiti. Inawat ko na agad at naisipang libangin siya sa ibang usapan.

"Hayaan mo na, sayang laway."

Umikot ang mata niya't tumawa.

"Sino ba 'yong nagugustuhan mong kaibigan ni Hiro?" tanong ko, tinitigan siya. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Bakit tinatanong mo?"

"Wala. Hindi ko kilala, e."

Inirapan niya ako. "Para saan pa kung makikilala mo?"

Para saan nga ba? Hindi ko rin alam. Gusto ko lang malaman, gusto ko siyang makita at mapag-aralan.

"Parang hindi kaibigan..."

"Oo na, sasabihin ko na!"

Ngumiti ako nang malapad at hinintay siyang bigkasin ang pangalan ng crush niya.

"Iyong laging palangiti, kung napapansin mo. Si Harris, basketball player din. Na-attract ako sa ngiti niya, e. Ituturo ko sa 'yo kung hindi mo ma-recognize."

I nodded and think. Siguro hindi ko lang napapansin kaya hindi siya familiar. Ngunit hindi naman talaga ako interesado, lagi kasing nasa dulo ng dila ko ang tungkol sa napag-usapan namin ni Kuya Indigo. Ngunit gusto kong mangako sa sarili ko na saka ko na sasabihin kapag malinaw na ang lahat kay Kuya.

"Mauuna na muna pala ako, Bela. May kailangan pa akong tapusin, e. Text na lang kita kung makakasabay ako sa 'yo mamaya pauwi."

Tumingin muna ako sa paligid bago tumango kay Aya.

"Are you scared?" kunot noong tanong niya.

"Hindi."

"Are you sure?"

"Yup."

She looked at me intently. Hindi ako kumurap. Ilang segundo pa ang tinagal ng titigan namin bago siya tumayo.

"Call me if there's something wrong."

Nang makaalis siya, hinanda ko na rin ang sarili sa mas maraming bulungan sa paligid ko. I know there are people who can't really vent words against me while Aya is with me. Kaya kapag hindi ko na siya kasama, mas doon nagiging malala.

"Hi!"

Someone occupied the chair in front of me. I'm dead. I'm not ready for another issue.

"Oh... Uh, hi. Uh, please excuse me. Pupunta pa pala akong library," I said. Hindi sa kaniya makatingin nang maayos.

When I totally get up and ready to turn my back at him, I felt his soft and light hand hooking my wrist. Napakagat ako sa labi ko. Wala akong naririnig na bulungan o ano man, tahimik lang. Sa mga nagdaang linggo na ako lagi ang laman ng tsismis, ngayon lang naging peaceful ang paligid ko habang nasa tabi ko lang si Hiro.

"I just want to clear something, Isabela. If that's okay? Mamaya sa Cup of Coffee Café. Alam kong hindi ka magiging comfortable kung dito tayo mag-uusap. Sorry for bothering you," aniya na lalong nagpakaba sa loob ko.

He's still holding my wrist. Hindi ko alam kung kailan niya mamamalayang hawak niya pa rin ako kaya ako na ang humigit ng kamay ko sa maingat na paraan.

"Uh, oo sige. See you..."

I started to make my way. And every step I make, hindi ko maramdaman. Did I agree? Nahihilo ba ako? I'm digging my own crave!

Hindi mawala sa isip ko na um-oo nga ako sa kaniya. Nababaliw na ako. Pumikit ako nang mariin.

Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman ang patak ng ulan. Binuksan ko pa ang palad ko para saluhin ang patak. Kahit papaano natuwa ako. Hindi naman malungkot kapag umuulan, dumedepende lang sa sitwasyon ng tao. It could bring sadness and happiness, and also comfort.

This weather will teach someone's life. Because it is the dull weather, it is the most crying weather.

Patakbo akong bumalik ng classroom pero bumungad sa akin ang anunsyo ng teacher sana namin ngayong oras.

"Suspended ang klase. Kung nanonood kayo ng balita, malalaman niyo na may paparating na bagyo. Kaya make sure na may mga service kayo para makauwi nang safe at maayos, sa mga wala, pakalmahin niyo muna ang ulan," Ma'am Ola announced.

Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng mga gagawin sa bahay dahil mabuburyo ako pag-uwi.

"Whoo! Makakatulog na rin nang maayos-ayos!"

"The best talaga kapag nag-su-suspend!"

"Hindi para sa akin, hindi ko makikita si crush nang matagal!"

Natigilan ako sa hallway, panandalian akong sumandal sa railings. Napapaisip ako kung matutuloy pa ba kami ni Hiro.

Shh! Thinking about that makes me uneasy and crazy. Bahala na. Maglalakad ako pababa at kung makita niya ako, bahala na. Matuloy o hindi, ayos lang.

Ako :

Pauwi ka na ba, Aya?

Mabilis akong nakatanggap ng reply sa kaniya. Kung may pasok pa, hindi agad siya makakasagot dahil busy na.

Aya :

Oo. Teka, hinahanap ka ni Hiro.

Biglang nanlaki ang mata ko sa nabasa.

Ako :

Huh? Tuloy ba raw kami?

Aya :

May date kayo? Yie!

Ako :

Luka! Wala. Nasaan na ba?

Aya :

Hinahanap ka nga, hindi ko alam kung nasaan na. Una na ako ah? Bye! : ))

Kinakabahan ako na ewan. Ano ba 'to? Hindi talaga maaasahan si Aya sa ganito, e. May nalalaman pa siyang hindi niya ako isasama kapag lalandi siya, e hinahayaan naman ako na makipag-usap kay Hiro nang ganito.

Hay. Itinawa ko na lang ang kaba. Bruha talaga.

Nang makababa na ako, saka naman hindi ko makita ang payong ko sa bag. Halos itaktak ko na pero mukhang nakalimutan ko ngang dalhin. No choice. I need to run.

Tumakbo nga ako sa ulanan habang pinangtatakip ang maliliit kong palad. But I froze when someone stopped beside me. Napatingala ako sa payong na itim na sinisilungan ko na ngayon at sa lalaking nasa tabi ko na.

He smiled. Napansin kong kahit umuulan ay tila nagliliwanag ang kagwapuhan niya. Kumurap-kurap ako sa nangyayari.

"Wala kang payong ah. Tara na?"

"U-Uh... tuloy tayo?"

Tumango siya at ngumiti ulit. Nagsimula siyang maglakad kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Nakayuko lang ako at takot na tumingin sa paligid. Alam kong pinapanood na ako ng karamihan habang kasama si Hiro. Hindi ko alam kung paano haharapin ang panibagong issue na ito.

"Lift your head..." sabi niya, almost whisper. Nag-init ang mukha ko.

"Sorry, I-I'm just-"

"I know. Sorry for making you feel that."

Natahimik ako. Naramdaman kong mas bumabagal ang lakad niya, hanggang sa tumigil na siya. Hindi pa kami nakakalabas ng gate kaya sobrang uncomfortable sa feeling, lalo na ang titig ng mga estudyante.

I felt him, facing me. Nilingon ko siya nang dahan-dahan. I can't take this. Parang hindi nagiging normal ang bagal ng pangyayari.

"Are you cold?" he asked.

"Sakto lang. Pupunta naman tayo ng cafe kaya ayos lang. Tara?" sambit ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"My umbrella is too small."

"H-Huh?"

"Nababasa na ang balikat mo," puna niya sa balikat ko.

Napatingin naman ako roon kaya ipinasok ko pa ang sarili ko sa silong ng payong. Natigilan naman ako nang halos maramdaman ang katawan ni Hiro.

"S-Sorry," I apologized. Umusog ulit ako palabas kaya nabasa ulit ako.

Ngumiti siya. He seized me and held my shoulder. Nagulat ako. But I can't do something because we're already walking again. Nang makarating kami sa cafe, dali-dali akong humiwalay sa kaniya at agad na umupo sa madalas kong pwesto. Nilingon ko si Hiro at nakita ko siyang papunta na sa counter. Napabuntong hininga ako. That guy is weird.

Limang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Nakita ko rin kasing tila malapit na rin siya kay Ate Nancy.

"Here..."

Nilapag niya ang dalawang americano. Isa sa akin at sa kaniya.

"Thank you..." sambit ko.

Tumahimik nang panandalian. Tila kami naghihintayan lang na magsalita. Kumibot ang labi ko, naisip na magtanong na.

He shifted his weight. Bigla akong natutop nang tumingin na siya sa akin. Lumunok ako. Hindi ko makapa, hindi ko alam kung kailan masasanay sa kaniya.

"Pakiramdam ko, hindi ako nagiging sincere sa mga apologies ko kasi tila hindi ka tinitigilan ng mga nasa paligid mo..." he started, giving me a half-smile. "I'm so sorry for the troubles that I've caused. Sorry sa panggugulo ni Michie sa 'yo, sa peace mo."

Sumimsim siya sa kape niya at tiningnan ako nang tuwid. He surveyed me. Napaiwas naman agad ako roon.

"A-Ayos lang, sanay na rin," sabi ko, medyo natawa pa, hilaw.

"Gusto ko lang din talagang malaman kung bakit mo ako naisipang bigyan ng kape noong araw na 'yon? Naitanong ko na 'yon pero tila ba hindi ako satisfied sa sagot mo."

Napatitig ako sa mga mata niya. Talagang confused pa rin siya. Ano bang gusto niyang marinig sa akin?

"Ano bang inaakala mong dahilan?"

He chuckled a bit. "Ang weird pero... hindi ko talaga naisip na may gusto ka sa akin kaya mo ako palihim na nilibre ng kape. All of my admirers kasi masiyado silang obvious. And treating me a cup of coffee is not my thing to think that you liked me."

I pursed my lips. "Wala naman talaga. Pero wala talagang malisya, parang automatic na kasi sa akin ang mga gano'ng bagay. Una pa lang naisip ko na na ganito ang mangyayari pero tingin ko rin hindi kung walang makakaalam." I answered. I noticed how the corner of his eyes stretched. Dahil sa ngiti niya. Tila ba namamangha talaga sa ginawa kong iyon.

"That's why I didn't introduce myself. Wala rin akong plano, ayokong ma-involve sa buhay na malayo sa buhay ko. Gusto ko kasi tahimik lang, pero parang trending na rin naman ako lagi. Kahit naman kasi anong gawin ko, may masasabi pa rin sila. That's why I don't want to be near at you. Hangga't maaari, ayoko na ng issue."

Tumango-tango siya. "Pasensya na talaga."

"Okay lang talaga. Sorry din for causing troubles. Lalo na sa relasyon niyo ni Michie."

He licked his lip. Tinatap-tap niya ang gilid ng kape niya, para bang nag-iisip.

"About that, don't be sorry. Gusto ko na ring tapusin. Natapat lang na hindi ko na talaga maatim na gano'n na lang palagi," aniya. "Kaya sana, 'wag mo na akong iwasan. Pero kung hindi ka talaga comfortable, ayos lang din. I'll respect that."

Marahan akong napatango. Sadyang ayoko lang ng gulo, ngunit kung wala namang mangyayaring gulo, hindi ko siya iiwasan.

Tumikhim siya, sinadyang kunin ulit ang atensyon ko dahil sa kape mismo ako nakatingin. I quickly stared at him. Para bang nababalisa ang tingin ko sa kaniya, habang siya naman ay natural lang at kalmado.

"I hope we're okay now. I will try to control everything, Isabela."

Matipid akong ngumiti.

"We're always okay, Hiro." Napatitig siya sa akin pero kalaunan ay nangiti rin.

"I'm starting to love this coffee. Thanks to you," aniya saka sumimsim muli sa kape.

Napatingin naman ako sa labas ng cafe. Umuulan pa rin, walang humpay. Mas lumakas pa nga. Iniisip ko kung paano ako makakauwi agad gayong wala akong payong.

"The rain is still pouring. May magsusundo ba sa 'yo?"

"Lagi lang akong commute. Maybe I will wait the rain to calm down first."

"Sumabay ka na sa 'kin. I'll give you a ride. Pero hindi ako ang magmamaneho, may driver lang."

Tipid akong ngumiti. "Ayos lang, kaya naman."

"Please?"

"But-"

"Akong bahala..." he winked at me.

Katulad ng sinabi niya, sinabay niya nga ako sa sasakyan nila. I am nervous. Nasa passenger's seat ako habang si Hiro ay sa tabi ng driver niya. They're talking about something I can't relate.

Maya-maya pa'y tumigil kami saglit sa isang convenient store. Bumbaba ang driver ni Hiro at pumasok sa store. Naiwan kaming dalawa, nagtama ang mata namin sa rear mirror. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"May bibilhin lang daw si Kuya Jack."

Tumingin ako sa kaniya at tumango lang.

"Nga pala, I watched you playing your sport last time. You're great. Hindi ko inakala na gano'n ka kalakas," aniya, pagbabasag sa namumuong katahimikan.

I smiled a little. "Yeah... taon-taon kasi ako nag-eensayo."

"That's good for you. You really love it?"

Tumango ako. "It's special," sabi ko na lang.

Nang makabalik ang driver, agad din naman kaming tumulak. Ngunit may binigay sa amin ang driver ni Hiro, cup noodles na may mainit na tubig na antimano.

"Painitin niyo muna, kalalagay lang ng mainit na tubig niyan."

"Salamat po, Kuya," sabi ko. Nag-thumbs up naman siya sa akin. Napatingin ako kay Hiro na sinisilip ang loob ng cup.

"Just wait it for a few more minutes. Baka matapunan ka, mainit..." I reminded him.

"Uh, yeah."

Nakain at naubos ko naman ang noodles bago tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagpasalamat ako kay Kuya Driver at kay Hiro.

Lalabas na sana ako ng kotse pero inabutan pa ako ni Hiro ng payong.

"Use it. Umuulan pa rin."

"S-Sige, salamat. Ibalik ko na lang..."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Lumabas na agad ako at naglakad papasok ng bahay.

Bubby greeted me with his excited waggy tail. I chuckled when I hugged him. Iniwan ko muna sa labas ang payong ni Hiro dahil basa pa iyon.

Bumungad din si Mama sa akin at niyaya agad ako sa kusina para magmeryenda. Sinuot niya agad ang apron para bigyan ako ng makakain at para makapagluto na rin, base sa napansin ko sa counter ng lababo at lamesa. Nakahanda na ang mga iluluto niya.

"Parang late ka yata magluto, Mama?" I broke the silence. Saglit niya akong nilingon saka binuksan ang refrigerator.

"Nagbabago ng schedule ng pagluluto. Mas mabuti magluto kung pagdating mo ako magsisimula. Para na rin may makakasama si Bubby habang busy ako rito sa kusina."

I silently agreed. Pinanood ko lang si Mama habang kumikilos siya. My mother is getting old. Ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay paunti-unti nang natatabunan ng pagkaputi. Sa aming tatlong magkakapatid, wala siyang paborito. We're getting what we want, especially the love that we desired from them.

I don't know why I am being like this everytime na pumapasok ako sa kusina namin pagkadating na pagkadating ko rito sa bahay. My mother is always like this. Waiting me or not, gusto niya muna akong dumiretso sa kusina para kumain. Noon, minsan akong tumatanggi dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom.

But sitting here like this everyday while observing her, I've realized something more. Ayaw ko nang tinatanggihan si Mama kahit pa busog ako o pagod ako.

"Sinong naghatid pala sa 'yo? Natanaw ko kasi kanina..." sambit ni Mama habang binibigay sa akin ang isang baso ng mango juice at malambot na malambot na mango cake.

Bahagya akong natigilan sa tanong niya. I don't know if she will get mad or what. Lalaki ang naghatid sa 'kin, baka kung anong isipin ni Mama. Isa pang bagay tungkol sa ina ko, gusto niya palagi na magtapos muna ng pag-aaral bago magkaroon ng nobyo. Kaya nga si Ate Iska ay patuloy na nakikipagbangayan pa kay Mama mapapayag lang. Inilatag na yata ni Ate lahat ng baraha niya ngunit hindi pa rin basta-basta mapapayag si Mama.

"Kaibigan, Mama. Lalaki... walang malisya. Wala lang talaga kaming choice dahil maulan pa. Schoolmate ko siya, may driver naman."

"Gano'n ba? Mabuti naman, nagpasalamat ka ba?"

"Opo..."

I expected that she will get mad but she didn't. Mas mabuti na rin, alam kong tiwala siya sa akin kaya hindi siya gaanong matanong.

Comment