Kabanata 10

Connection

Habang nakasakay sa loob ng sasakyan nina Hiro, hindi ko maiwasang mag-isip at kabahan. Bumaling na lang ako kay Jeboy na tahimik at bakas sa mukha ang pagkakagalak habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Hawak-hawak ko ang payong ni Hiro, nag-iisip kung isasauli ko na ba.

Bumuntong-hininga ako. Dahilan kung bakit napalingon sa akin si Hiro. I blinked and avert his gaze.

"Is there something wrong?"

I gave him a glance.

"Wala naman... uh, ito pala, 'yong payong mo. Baka masira ko pa..." I extended my arm to handed him his umbrella.

"Anong gagamitin mo mamaya, pag-uwi?"

Nanatili sa ere ang kamay ko.

"Manghihiram na lang ako kay Aya."

Tumango siya at sa wakas, kinuha niya na rin ang payong niya.

"Salamat..." at tumagos na ang tingin ko sa bintana ng sasakyan.

Tumigil kami sa tapat ng bahay nina Aya pagkaraan ng ilang minuto. Gusto kong pagalitan ang sarili dahil saktong umulan ulit nang malakas bago ako makalabas ng sasakyan.

"Salamat po sa pagsabay sa akin. Hiro, Kuya Jack..." tumingin ako kay Jeboy, ngumiti ako at hinawakan ang ulo niya. "Magpakabait ka, ah? 'Wag kang mag-alala, kapag may oras ako bibisitahin kita."

Ngumiti rin siya. "Salamat, Ate."

I nodded. "Ubusin mo ang pagkain na binili ko sa 'yo. Magpakalusog ka."

Pinasadahan ko pa ng tingin si Hiro bago buksan ang pinto ng sasakyan.

"Isa-"

Tumakbo ako sa ilalim ng malakas na ulan. Hindi na nilingon si Hiro kahit pa narinig kong nagulat siyang sumugod na lang ako bigla sa ulanan.

I waved my hands at them when I sheltered myself. Ngumiti ako. Natanaw kong ibinaba ni Hiro ang salamin ng sasakyan. Napailing siya habang natatawa.

He waved his hands, too.

"Huy!"

Napatalon ako sa gulat dahil kay Aya.

"What's that? May pakaway-kaway pa, naku!"

Inikutan ko siya ng mata. Nasa teresa kami ng bahay nila. Nilingon ko pa ang sasakyan ni Hiro na nakaalis na.

"Kung hindi mo ako pinapunta rito, e 'di sana wala akong kinawayan."

She laughed and hugged me.

"Tara, kape?" yaya niya. "Hindi nga lang americano," tawa niya.

Napailing ako. Americano is my favorite coffee but I wouldn't say no to Aya.

Pumasok kami sa bahay nila. Nakita ko agad ang nanay ni Aya na nagluluto ng meryenda sa kusina. Nagmano agad ako sa kaniya at kinumusta siya. Nagtimpla naman agad si Aya ng kape.

"Nagluluto ako ng bananaque, sinabi kasi ni Ayana na pupunta ka," ani Tita Rina. "Ayana, bigyan mo nga itong si Bela ng tuwalya," utos ni Tita kay Aya na dumiretso sa kwarto niya matapos magtimpla ng kape. Napansing medyo basa ako dahil sa ulan.

"Buti't natuloy ka kahit umuulan..." tumabi ako nang kaunti para bigyan si Tita Rina ng sapat na espasyo para makagalaw nang maayos sa kanilang kusina.

Hindi marangya ang buhay nila, hindi rin kagaya sa amin. Inamin naman sa akin ni Aya na mula noong umalis na ang tatay niya, talagang nabaon na sila sa utang. May kaliitan din ang bahay nila ngunit sobrang ayos sa loob, maganda pa rin.

"Opo, bumili rin po kasi ako ng pagkain ng aso ko."

Nagsalang ulit siya ng panibagong batch ng ipipritong saging.

"Kumusta naman ang mama mo?"

"Maayos naman po, Tita. Sana po magkita na ulit kayo para malibang-libang po kayong dalawa."

She smiled. Gaya ni Mama, kita na rin ang ilang mga wrinkles niya sa mukha. Talagang tumatanda na sila.

Saglit niya akong kinuha ng maiinom sa refrigerator. Tinanggap ko na lang din at ininom kahit alam ko na may tinimplang kape si Aya.

"Oh, Bela, magpunas ka. Sundan mo na lang ako sa kwarto ko pagkatapos niyo mag-usap ni Mama. May aayusin lang din ako. Nandoon na rin ang kape mo," si Aya, saka binigay sa akin ang malambot na tuwalyang kulay kahel.

"Ah, sige..."

Tinalikuran niya kami. Bumalik naman ako sa pakikipag-usap kay Tita Rina. Marahan akong umupo sa hapag nila. The small round table in front of me made me feel the enoughness of me for being a little grown up. Mas maliit ang pamilya ni Aya kaya parang hindi iisipin ng tao na hindi sapat ang lamesang ito sa kanila.

Ngumiti ako.

"Kumusta po si Jester? Hindi pa po ba siya umuuwi galing probinsya?" natanong ko.

Nilingon niya ako. Nagbago ang masayahin niyang mukha.

"Hindi, mas gusto sa tatay niya..." she let out a tone of bitterness. Ngunit ngumiti rin sa akin at umiling.

"Paano po ang pag-aaral niya?"

"Nag-transfer siya roon, hindi ba sinabi ni Aya sa 'yo?"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi po, e... Ibigsabihin, hindi na po muna siya babalik dito?"

Inahon niya ang mga lutong bananaque, inilagay niya iyon sa pinggan na may dahon ng saging. Inilagay niya sa harap ko iyon.

"Dalhin mo na 'yan sa kwarto ni Ayana, kainin niyo."

She heaved a sigh. "Hindi ko alam kung babalik pa si Jes. Alam mo naman kasi na kahit sabihan ng ate niya 'yon e, hindi pa rin makikinig. Talagang gusto sa poder ng tatay niya."

Mahina akong napatango.

"Ni hindi nga ako kinukumusta ng batang 'yon kaya kahit gusto ko siyang bumalik dito, hindi na rin ako umaasa masiyado..."

Ngumiti ako kay Tita. "Babalik 'yon, Tita. Nandito pa naman si Aya, hindi ka niya pababayaan."

I felt sad for Tita Rina. I know how much she longed for Jester. Ngunit kahit noon pa man, hindi rin naman sila naging malapit sa isa't-isa. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit mas gusto ni Jes doon sa Bacolod.

Pinasok ko ang kwarto ni Aya. Maliit lang ngunit lahat ng kailangan niya sa pag-aaral ay nandito na rin. Pero ang pinakamalaking bagay na nasa loob ay ang bookshelf. Puno ng libro, about acads at ang iba naman ay novels. Ang hilig sa pagbabasa ang isa sa mga bagay na nagkakapareho kami.

Inilipag ko sa maliit na lamesa niya ang bananaque, inilagay ko rin sa hanger ang tuwalyang binigay niya sa akin. Nakaupo siya sa kaniyang kama at abala sa cellphone.

"Hey, meryenda tayo."

Sinimulan kong kumain. Kumatok naman si Tita Rina at pumasok na may dalang mga tinuping damit. Sumimsim naman ako sa kape ko.

"Kumain kayo nang mabuti," aniya at inilapag sa isang couch ang mga damit.

"Ilagay mo na lang ito sa drawer mo, Ayana."

Bumaling si Aya kay Tita. "Oo, Ma, 'wag mo na rin pakielamanan ang mga labada riyan, ako na mamaya," paalala niya kay Tita.

Napailing si Tita Rina at umalis na.

Matapos maubos ang isang bananaque, hinayaan kong humiga sa kama ni Aya. I let out a heavy sigh.

"It feels like home... kaya parang dalawa ang tahanan ko, e." I chuckled.

"May sasabihin talaga ako sa 'yo kaya kita pinapunta rito..." sabi ni Aya na nagpabangon sa akin sa kaniyang kama.

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"

"May sinabi kasi si Hiro sa 'kin kanina. Tinawagan ko kasi siya 'di ba? Tapos hindi ko inaasahan na babanggitin niya si Harris. I mean, ugh! 'Di ba nga may gusto 'yon kay Iraia? Tapos biglang sinabi ni Hiro na gusto raw makipag-meet ni Harris sa akin! I don't know how did he find out that I'm crushing on him!" aligagang kwento niya.

"May pinagsabihan ka ba bukod sa akin?"

"Oo... si..." she trailed off. Parang ngayon lang natauhan. "Fuck! Bakit ko kasi nabanggit sa lalaking 'yon!" she blurted out.

"Who?"

"Si Ryan, 'yong grade 12... 'yong nag-ti-training din ng badminton!"

My jaw dropped open.

"Kilala mo si Ryan?"

"Oo... pinsan niya kasi si Harris..."

So they were all connected. Nice.

"So, paano? Magmi-meet kayo?" tanong ko, kalmado lang, siya naman ay halatang kabado.

Tumusok ulit ako ng isang bananaque at diretsong kinain iyon.

"Oo, gusto ko rin naman. I mean, I'm not feeling agitated because I'm crushing on him! Kinakabahan ako kasi, I don't know how to manage it, gusto ko kasi well done! Wala naman kasi akong balak na lumapit doon. Noong una plano kong magpapansin pero simula no'ng nalaman kong gusto niya si Iraia, umatras lahat ng lamang-loob ko," kwento niya. "Saka..." her expression softened. "Sabi ko nga, hindi ba? Hindi ko kaya... kung magkaroon man ng chance, siguro friendship lang," she added. Kaya bigla ko na namang naisip si Kuya at ang break-up nila ni Ate Zaina.

Napanguso ako. Hindi rin alam ang sasabihin sa kaniya dahil hindi ko rin alam kung paano nga niya haharapin 'yong Harris.

"Your coffee is getting cold..." I reminded her. She calmed down and sipped on it.

"Okay so... sige. Pero patulong! I need to know everything before making an agreement."

Kinabahan ako bigla.

"I need to talk to him, si Hiro."

I feel like I'm in danger. Kumulog bigla kaya lalo akong kinabahan. The smell of banana and coffee was a great combination. Bumuhos ulit ang malakas na ulan. The flash of rain was rustling. Hindi ko alam kung kakalma ako o kakabahan.

Aya's words didn't leave me while I was going home. Malakas pa rin ang ulan. Humiram ako kay Aya ng payong kaya ayos lang din.

"Napatagal ka yata?" iyon ang bungad sa akin ni Ate Iska.

The moment she said it, I finally remember that I didn't make them aware that I will be going at Aya's house. I rubbed my neck. Umubo ako kunwari.

"I forgot. Pumunta ako kina Aya..."

Dumiretso ako sa kusina dahil alas kuatro na. I didn't see the person I expected to be there. Nakita ko lang ang mga hilaw na pagkain na siguradong iluluto ni Mama.

"Nasaan si Mama?" nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Ate sa sala. Kuya Indigo suddenly popped at my back.

"Nasa kwarto, may ginawa lang saglit. Tagal mo, ah? Nakabili ka?"

Bigla na naman akong kinabahan. I forgot something.

"Hay!"

"Hindi ka nakabili?" tanong ulit ni Kuya habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref. I was overwhelmed. Why do I kept on making an excuse to meet him?

"Nakalimutan ko sa... kina Aya."

Nagmadali akong pumanik sa kwarto ko. Tatawagan ko na sana si Aya ngunit may tumawag sa akin na na hindi kilalang numero. Sinagot ko na lang agad, hindi na inisip kung sino iyon.

"Yo, you picked it finally!"

I feel like I'm not moving. Hearing his voice was not a big deal. But hearing him right now, through phone call, was... literally shocking.

Nakita kong ilang beses siyang tumawag. But I missed it all. Then, I found the 'do not disturb' in my phone. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan.

"Uh, may naiwan ka kasi sa kotse namin. Dog food ni Bubby..."

I knew it.

"S-Sorry, ano, can we meet? Kukunin-"

"Hatid ko na lang maya-maya."

Lumunok ako. "N-No, okay lang, kahit bukas, meet na lang tayo..."

"Hindi na, aalis din ako bukas, may pupuntahan din kasi ako kaya malabong ma-meet kita. Maulan din, mas mabuting ako na ang magpunta, ihahatid ko lang tapos aalis na agad ako."

Wala na akong nagawa.

"O-Okay... salamat. Ngayon na ba?"

"Pakalmahin ko lang ulan, hatid ko na agad."

"S-Sige. I-text mo na lang ako kung papunta ka na..."

"Copy!"

I'm not prepared for this. The happenings were quiet odd. Talagang may paraan lagi ang tadhana.

Kaya naman mula noong tumawag siya ay hindi na ako mapakali. Hindi na rin agad ako nakababa para tumulong kay Mama. Tinawag pa ako ni Ate mula sa labas ng kwarto ko ngunit hindi rin naman ako nakasunod agad.

The rain calmed down. Mas ikinakaba ko iyon.

Bumaba rin ako nang tinawag na ako sa pangalawang beses para kumain ng hapunan. I suddenly felt sad. Hindi ko natulungan si Mama sa pagluluto ng pagkain ngayong gabi. Ilang oras din akong nasa kwarto ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Hiro.

Inaalala ko rin si Bubby, kung hindi dadating si Hiro nang mas maaga, hindi agad makakakain si Bubby. Sanay na kasi akong bigyan siya ng dog food, minsan kahalo ng kanin. Ayoko rin naman siyang sanayin sa dog food lang, pero pakiramdam ko ay mas ayos kay Bubby na may kaunting serving ng ganoong pagkain.

"Bakit hindi ka yata bumababa?" bungad ni Ate Iska sa akin.

Umiling lang ako. "Parang inantok kasi ako..."

My mother surveyed me. Paupo na ako ngunit nakita ko rin ang sulyap sa akin ni Papa. I just let out a low chuckle.

Humalik ako kay Papa, baka iyon lang ang dahilan kung bakit niya ako tiningnan na parang may iniintay sa akin. I was too preoccupied! Ni hindi ko nabati agad si Papa.

Umayos ako ng upo, nagdasal kami at nagsimula nang kumain.

"Para kasing ang weird mo mula noong dumating ka," Kuya Indigo pointed it out.

Nagtagpo naman kunwari ang mga kilay ko.

"H-Huh? What's weird?"

"And... wala kang dala na binili mo sa labasan," Si Ate.

My breath burst out. I pursed my lips.

"I just..." I trailed off. My phone vibrated.

Napatayo ako bigla. Tumingin muna ako kina Mama bago sagutin iyon. Narinig ko ang boses ni Hiro. Bubby suddenly barked. Lumabas siya kaya sinundan ko habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko.

"Bubby! What's wrong?" I tried to calm him down. Nang nasa teresa na kami ay saka ko lang napagtanto kung bakit tumatahol itong si Bubby.

"Bubby, si Hiro 'yan. Tinulungan ka niya," I said, as if it will make him silent. Hinimas-himas ko ang likod niya. At sa wakas ay tumigil na siya katatahol.

"Sorry, siguro hindi ka na niya kilala..." I said, through phone call. Kahit pa kita ko na siya sa labas ng gate namin.

Pinutol ko na ang linya. Si Bubby naman ay tumakbo papunta kay Hiro. Kinabahan ako. Sumunod ako sa kaniya ngunit natawa na lang ako nang makitang inaamoy na ni Bubby si Hiro at dinidilaan.

Wala na ang ulan. Ngunit amoy na amoy ko pa rin ang singaw.

"S-Sorry. Nasaan ang sasakyan mo?" tanong ko nang napansing walang sasakyan sa paligid.

"Nasa kanto. Hindi ko na pinapasok, hindi naman kasi ako kilala sa inyo. I think going here alone is better," aniya, pupungay-pungay ang mata. Nakita ko pa rin iyon kahit madilim na, nakabukas kasi ang flashlight ng cellphone niya, idagdag pa na may ilang poste ng ilaw sa paligid.

His hood was hiding his head. Napansin ko ang magulo niyang buhok dahil sa kaunting hibla nito na nakasiwang mula sa hood ng jacket niya.

He extended his arm to give me the dog food. Agad kong kinuha iyon. Namulsa naman siya at ngumiti sa akin.

"Is everything settled?" he asked.

Tumango ako, kahit hindi ko alam kung tungkol ba iyon dito sa dog food ni Bubby.

I looked down. Nahagip ng mata ko si Bubby na nakaupo na, nakapantay pa kay Hiro. Nangiti ako bigla.

"He knows me," Hiro whispered.

I chuckled. "That's good. Akala ko kakagatin ka na nga, e. Matagal-tagal na rin kasi mula noong una natin siyang nakita."

He rest his back on the gate. Tinanggal niya ang hood sa kaniyang ulo kaya kitang-kita ko na ang kabuuan ng mukha niya. Dumaan ang hangin at ginalaw niyon ang magulo niyang buhok. He fixed it. Umihip ulit ang hangin, amoy na amoy ko ang singaw ng ulan. The smell of it feels like the cold and warm.

"Mukhang hahanap-hanapin ako ng asong 'to," aniya.

Hindi ko alam kung bakit napapatagal ako kasama siya. Pakiramdam ko, naghahanap kami ng komportableng lugar sa isa't-isa.

"Pwede mo naman siyang hiramin kung gano'n..."

He playfully looked at me then at the sky. Tumingin din ako roon. I couldn't see even a single star. I think it's fine. I could at least see the moon.

"Talaga? That could also make an extra connection."

Nilingon ko siya. Taka.

"It's fine with me, Isabela. Connection, between us. Pero inaalala ko ang gusto mo, I know how much you wanted the space between us. A huge space."

Napatanga ako.

"I-I don't hate you, Hiro. Don't get me wrong, I just-"

"I know. Kaya nga sabi ko kung talaga ba? Ipapahiram mo sa akin si Bubby minsan?" tanong niya, nanunuya.

Natawa na lang ako. He lifted an eyebrow.

"Connection..." I whispered.

"Parang wala na akong kawala, Hiro," seryoso kong nasabi. "Kahit pa na ayaw kong maging malapit sa 'yo, laging may dahilan. Hindi sa ayaw ko sa 'yo, iba ka kasi, iba rin ako. I always feel like I need to base on what people would like to feel or react toward us. At masama iyon. Connection between us is something dangerous, but... the controller is not only myself."

Huminga ako nang malalim.

"So... so, you will let me..." he stopped. "I mean, ayos na kung mag-usap tayo sa school? Iyon bang hindi nag-iiwasan... I want you to be my friend!"

Ngumisi ako. Hindi ko alam, he's too kind to just ignored. Umatras na ako ng isang beses. Plano ko nang magpaalam sa kaniya at baka kung ano pang maisipan nina Mama.

"Thank you for this, pasensya na at nakalimutan ko sa sasakyan niyo..."

He waved his hand.

"Pasok na kami, ingat kayo."

"Yeah, see you..." natigilan pa siya at bahagyang nag-isip. "Kung kailan magkapasok," he chuckled.

I took my way home. Nilingon ko pa si Bubby na nagpapaamo pa kay Hiro bago tumakbo pasunod sa akin.

I don't know if I made him my friend. Mas better na siguro kaysa hindi malinaw.

"Ano iyon, Bela?" Iyon ang bungad ni Mama. Hindi naman siya galit. Kumakain pa rin sila. Alam ko namang sinundan nila ako ng tingin sa bintana dahil medyo napatagal ako.

I couldn't even feel nervous about that. Alam ko namang walang ibig sabihin iyon.

"Kaibigan lang, Mama. Nakalimutan ko kasi ang dog food ni Bubby sa sasakyan nila kanina. He offered me a ride. May tinulungan kasi kaming batang-kalye kanina. He was blessing in disguise because his mother can help the boy. Namamahala sa bahay ampunan," paliwanag ko. "Nakalimutan ko lang 'yong dog food noong bumbaba na ako kina Aya, I forgot to text it to you, Ma. Pasensya na po..." I apologized.

Tahimik silang lahat. Kumurap-kurap ako. I was expecting some sermons from them, especially Papa. Dahil lalaki ang kinita ko sa labas ng bahay namin.

I gazed at Kuya Indigo. Medyo nahiya ako. "Kuya, hindi ko talaga naiwan kina Aya itong dog food. I just want to avert issues, that's why..." I added.

Unti-unting lumitaw ang mahinang halakhak ni Papa.

"Mana ka talaga sa akin, Isabela. Honest," halakhak ulit niya. Mahina siyang tinampal ni Mama sa braso.

Umiling si Mama at natawa na rin.

"Sa lahat yata ng anak ko, ikaw ang the best magpaliwanag," aniya. Dahilan kung bakit napanguso si Kuya at Ate.

Comment