Kabanata 16

Rejection

I gave him a call. Two rings and he got it.

"Congratulations," panimula ko. Hindi iyon nasundan. He was quiet. I looked on my screen if he ended the call but he didn't. "Hello?" I said, trying him to respond. "Hiro?" I tried once again.

"Yeah, salamat," aniya, sa wakas.

"Are you not in the mood? Sorry, ibaba ko na lang-"

"Hindi," he chuckled. Kumunot ang noo ko. "Just... uh, new, you called first," dagdag niya. I sighed as a relief. Natawa ako sa hindi inaasahang dahilan.

"Salamat sa kape. Nag-text ka na lang sana kung gusto mo lang sabihin na ikaw ang MVP, o... tumawag," sambit ko. Inayos ko ang sandal sa upuan para humanap ng komportableng posisyon.

Narinig kong napatikhim siya sa kabilang linya.

"Seryoso? Kung gano'n lang ang ginawa ko, hindi ka naman mag-re-reply. 'Wag na lang. Saka, gusto talaga kitang padalhan ng kapeng gusto mo. I just think you misses it," he explained with a humored voice.

"Hindi, hindi ka nagkakamali." Humalakhak ako kaya napatingin na naman sa akin si Ate. Nakita kong pinatay na niya ang stove. Pinigilan kong matuwa.

"Hmmmm?" Ate made a sound suspiciously. Ngumuso ako. "Wala 'to, si Hiro lang 'to," mahina kong sinabi sa kaniya.

"Who's that?" si Hiro.

"Si Ate lang, akala niya siguro may manliligaw ako," biro ko.

Sandali akong natigilan. Biglang pumasok sa isip ko si Ryan at ang mga sinabi niya noong nakaraan.

"Meron naman talaga..."

"Ha?"

"Si Ryan. 'Di ba nililigawan ka?"

Tumayo ako para lumayo nang kaunti kay Ate na ngayon ay abala na sa paghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Alam mo? Teka lang, hindi pa. Parang gano'n na nga pero sinigurado muna niya kung sure ba talaga siya. Noong first day ng laban... saka lang niya sinabi na... manliligaw... siya," paliwanag ko. Nakagat ko ang ibabang labi pagkatapos. Hindi ko inaasahan ang sarili na masasabi iyon sa iba, kay Hiro.

"Matagal na. Noong nag-sweeties pa kayo, dahil kay Harris."

I'm out of words.

"Pinayagan mo? Pumayag ka?" he asked curiously. I took my americano. Inubos ko iyon dahil tila wala akong lakas ng loob na magsalita pa ulit.

"W-Wala akong sinabi, hindi ako sumagot..."

Panandaliang tumahik.

"Okay. How's Tita?"

"Tita?"

"Your mother," aniya tila nawalan ng pasensya. Ngumisi ako, na parang gusto ko pa siyang asarin.

"Tita ha?"

"Oh, ano bang gusto mong marinig? Mama?"

Humalakhak ako. Bigla naman akong natigilan.

"Nagulat lang ako! Hindi naman kayo close ni mama kasi..."

Pakiramdam ko uminit ang mukha ko. Natatawa pa rin ako sa sinabi niya. Napaka-hard-headed.

"Ang saya, feeling great huh?"

Ngumisi pa ako nang malapad.

"Hindi na," ani ko, pinipigilan. "Sige na, see you-"

"Yeah, later. Pupunta kami diyan."

Nanlaki ang mata ko. "Ha?"

"Pupunta kami. Mamaya. Hapon. Bye."

He ended the call just like that. Inikot ko ang paningin sa buong bahay. Matagal nang hindi nakakalinis!

Nagpatulong na lang din ako kay Ate na maglinis kahit kaunti lang. Wala siyang pasok ngayon, iyon ang sabi niya. But I can sense that it's not true. Um-absent lang talaga siya. Napatingin tuloy ako sa kanang paa ko. Napabuntong hininga ako at inisip na gagaling na ako. Sana. Para wala nang magtitiis, wala nang magpapanggap.

"Ma, pupunta rito sina Aya, tatlo sila. Kasama si Hiro, sasabihin ko na bawal mag-ingay," sambit ko habang nakaupo sa gilid ng kama niya. She smiled at me and held my hand.

"Okay lang, mas mabuti, malilibang ka... madami ka nang kaibigan," aniya.

Ngumuso ako. "Uhm... pero si Aya pa rin ang bestfriend ko."

She let a low chuckle. "That boy, Hiro ba? Malapit na kayo sa isa't-isa?" she asked, I stopped as if it was unexpected. Ngumisi ako.

"Medyo... gusto niyang matawag ko siyang full-time-bestfriend. Gaya ni Aya," ani ko't natawa.

Her eyes watched me thoroughly. Ngumiti siya.

"This is the first time. Masaya ka ba ngayon na may lalaki ka nang kaibigan? Noon kasi ayaw mo at wala ka talagang kaibigan na lalaki."

"Masaya naman, Ma, I think I need to at least... expand my room for other people. Hindi naman siguro masama, sadyang hindi lang talaga ako nasanay," sagot ko.

"Just don't forget the rule. Don't fall in love at your age. Crushing someone is quitely alright, that's inevitable. But do not commit as early as you want. Pwede na siguro kapag nakatapos ka na... 'wag lang habang nag-aaral ka pa," paliwanag ni Mama. "It's wonderful to fall in love, it's like a magic potion to happily ever after, but it's more wonderful in the right time. Kaya ang gusto ko, 'wag ka munang mag-boyfriend nang maaga, mag-focus ka muna sa sarili mo," she added.

Tumango-tango ako. Laging nakatatak iyon sa isip ko. Kaya rin hindi ako makasagot kay Ryan noon, isa 'to sa dahilan.

"Kaso... paano Mama kung may sumubok? Hindi ako pero ibang tao, lalaki..."

Sandali siyang natigilan at napatingin sa akin.

"Is there someone?"

Marahan akong napatango.

"Turn him down for now. If he really likes you, he will wait."

Napaisip ako. Parang napaka-imposible na may maghihintay sa akin nang matagal. Well, I think that is true love?

"Iyon lang ang gusto ko... sana sundin mo 'yon kahit wala na ako."

Umiling-iling ako. "Mama naman, maaabutan mo pa ang apo mo!" Biro ko to light up the ambiance.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"I just want the best for you, Isa. Pasensya na at pinayagan ko ang ate mo na mag-nobyo kahit hindi pa tapos. But here I am, stopping you from having romantic feelings for someone and stopping someone to court you." Her eyes surrounded by her tears. Agad ko siyang niyakap. "Makulit kasi ang ate mo, I can't stop her," dagdag niya.

"Ayos lang, Mama... ikaw ang susundin ko. Kung anong gusto mo, gagawin ko. Just hold on, 'wag mo kaming iiwan. Gusto kong makita mo kung paano ko sundin ang mga sinabi mo. I love you, Ma." Naging emosyonal na rin ako ngunit hindi ko iyon pinakita sa kaniya.

Dumating sila Aya nang hapon, alas tres. Hindi pa kasama si Hiro kaya nagtaka ako.

"Sino hinahanap mo?" tanong ni Aya nang makaupo sa sala, prente. Napailing ako. Nagtataka lang.

"Ang issue mo," sagot ko.

She grinned. Kinumusta ko sila at sinabihan na pwedeng tumaas sila para makita si Mama.

"Maya na, pag dumating na si Hiro," si Aya.

I sighed to her malicious words. Saglit akong pumanik sa taas para sabihin kay Ate at Mama na nakarating na sina Aya. Pagkatapos ay napagdesisyunan kong maghanda ng pwedeng mailuto o kaya naman maihandang snacks.

"Sige, magsolo ka! Lalo kitang pipilayan, Bela!" sigaw sa akin ni Aya saka madaling lumapit sa akin.

Ngumuso ako. "Pwede naman kayo tumulong-"

"Pwede naman talaga, hindi ka lang nagsasabi." She glared at me.

"On the way na raw si Hiro, dumaan daw siyang Sweeties," si Harris. Natigilan ako roon.

"Bakit daw?" Camilla asked.

"Ewan, baka may kinita, o baka kinukulit pa rin ni Michie," sagot ni Harris at tumawa. "Nakita ko nga sila noong nakaraan, sa mall naman. Ewan ko, baka magkabalikan-"

Camilla cut her off. "Stupid. Hindi na niya babalikan 'yon."

"Malay mo!"

"Hindi na 'yon..." Aya butted in. I snorted. She chuckled.

We decided to bake a mango pie and prepare nachos with salad. Kinulang pa kami ng ingredients kaya kinailangan ni Harris at Camilla lumabas para bumili ng kulang. Pagkaalis nila saka naman dumating si Hiro, holding some paper bags.

Ah, galing Sweeties kasi bumili. I smirked. Tumagal ang tingin ko sa kaniya. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. He smiled, eyes went down at my injured feet.

"What's that?" I asked him when he went directly in the kitchen.

"In-order ko sa Sweeties. Fruit teas and milk teas. May ice cream din akong binili," aniya. Madali ko iyong binuksan, hindi nawala ang mango fruit tea doon. Mango flavor din ang ice cream, may chocolate din.

Hindi ako mahilig sa malamig but I can't say no to ice cream.

"Kumusta ka? Umupo ka na lang, hindi pa pala okay ang paa mo," ani Hiro. Kunwaring umubo si Aya habang inaasikaso ang ingredients para sa mango pie.

"Oo, paupuin mo na 'yan, tulungan mo ako rito," gatong ni Aya. I rolled my eyes and took my mango fruit tea. Nakaupo lang ako hanggang sa makarating sina Camilla at Harris. Sinusuway ko si Aya kapag mali ang ginagawa niya, para akong supervisor kaso'y nakaupo lang.

Hiro was checking on me, he's glaring when I'm trying to stand up. Natatawa lang naman ako. Nagdadaldalan sila habang gumagawa, si Iraia ang topic. Natahimik na ako bigla. Naisip kong puntahan muna si Mama sa taas. Umalis ako habang lahat sila ay nakaharap sa counter at abala sa ginagawa.

I knocked two times before heading myself in. Ngumiti ako nang makitang mahimbing ang tulog niya. Ate was beside her, tulog din. Nagdahan-dahan ako sa pagkilos para hindi sila magising. Umupo lang ako at pinagmasdan sila. Humilig ako sa dingding habang natutulala sa kawalan.

The blow of the wind reached the curtain. Simple and  relaxing. How I wish life is easy as that. I'm crying at night, every single night. I feel fine when I'm surrounded by people. Ngunit parang laging may mali kapag mag-isa na ako. I feel so much defeat. I am disappointed. Frustrated. I'm not even relieved for Iraia's downfall in badminton. I was crying everynight because of that. I don't want to show how it shatters me anymore.

Gusto kong magtago. Kahit alam kong alam nilang lahat na masakit para sa akin ang nangyari.

I sighed heavily. Narinig ko ang kaluskos ng higaan ni Mama. Nagising si Ate kaya napatayo ako.

"Oh? Umuwi na sila?"

I shook my head.

"Nasa baba, nagluluto. Kanina pa tulog si Mama?"

"Oo, isang oras na halos."

Tumango ako. "Tawagin mo na lang ako sa baba kapag may kailangan. Pauwi na rin siguro si Kuya, magluto na tayo kapag 5 na," ani ko. She nodded and yawned. Halata ang pagod sa mukha niya. Tinalikuran ko na siya dahil pakiramdam ko, sobrang babaw ng luha ko.

Bumaba ako sa kusina. Nadatnan ko silang nagtatawanan at para bang may gulat sa mukha nila habang natatawa. My arrival slowly killed the mood.

"What's the matter?" tanong ko.

Hiro stood up and went near at me. "Hindi ko napansin na umalis ka sa upuan mo," aniya, halos bulong. Napagtanto ko na lang bigla na parang sobrang lapit niya sa akin.

Lumayo ako nang kaunti.

"Parang saglit lang," tawa ko. He stared at me, showing no emotion. Tinapik ko nang mahina ang balikat niya.

"Kain na tayo," bulong ko rin.

Wala akong natanggap na pang-aasar kay Aya o pagpuna nila sa amin ni Hiro.

"Anong pinag-uusapan niyo?" I asked them.

Hiro pulled a chair for me. Camilla, Aya, and Harris looked at each other. I get that. Napabuntong-hininga ako.

"Wala naman, random jokes ni Harris," si Aya, saka tumalikod at kinuha ang ready to serve na mango pie.

Ngumuso ako. Random jokes, my foot.

My phone rang. Nakita kong si Ryan iyon. Nagmadali akong kunin sa lamesa ang cellphone ko. Para kasing natigilan sila roon nang makitang tumatawag si Ryan.

Nahirapan pa akong sumubok tumayo para sagutin ang tawag.

"Why making an effort to stand with that situation? Sagutin mo na lang nang nakaupo. Is that secret conversation?" I really feel that sarcasm. Kinunutan ko ng noo si Hiro. Kalaunan sinagot ko na rin nang hindi tumatayo.

"Hi, I made it."

I grinned. "Really? Akala ko matatalo ka?"

"Kung nandoon ka, oo. Wala ka, e, so pinanalo ko na," aniya, may kayabangan. I stopped myself not to laugh.

"Kahit isa, wala? How full of yourself," I chuckled.

He laughed. I heard his sigh after that. "Syempre meron, hindi po ako malakas. But at least, hindi ka ma-di-disappoint. 2nd lang po."

"Good! Congratulations, Ryan."

Panandaliang tumahimik. I glanced at Hiro, he's now scrolling on his facebook feed. I noticed Camilla's smile, she looked at me. She mouthed, "Jealous".

Who?

"Are you good? Nakakalakad ka na ba nang maayos? Let's meet? Or if hindi mo pa kaya, pwede akong bumisita?"

I'm speechless. I can really feel his moves now.

"Uh... hindi pa masiyadong okay ang paa ko. But siguro, I could at least walk at the park. Gusto rin kitang makausap," ani ko, nakaramdam ng kaba.

"Okay, good! Tomorrow?"

I nodded. "Yes, tomorrow morning."

I ended the call. I heaved a sigh.

"Niyaya ka? I think you're good now, papaunlakan mo, e?" It was Hiro.

"Kain muna tayo," yaya ko sa kanila. Kumuha ako ng sariling pagkain. Hiro immediately pulled it near me.  I think he's cold now. Naalala ko ang pagkikita namin noong hiniram niya si Bubby. Parang gano'n siya ngayon. Umingay na ulit dahil kay Harris at Aya pero nanatiling abala si Hiro sa cellphone at pagkain.

It actually made me think. Who's jealous? Si Hiro? Unbelievable. I shook my head.

Naisipan kong bigyan si Bubby ng meryenda kaso nasa likod-bahay siya. Inilalagay muna siya ro'n kapag araw dahil baka maglikot dito sa loob dahil sa sitwasyon ng paa ko.

"Hiro," I called him between his silence while scrolling on his feed. He glanced at me.

"Bigyan mo si Bubby sa likod-bahay ng pie, okay lang?"

Tahimik siyang tumango at tumayo na. Nang makakuha siya at makaalis, tinanong ko na ang tatlo kung anong nangyari.

"Baka nawala lang sa mood..." si Aya. I snorted.

"I don't get you, people," reklamo ko. Kahit naman alam kong may kakaiba. Their actions are obvious. Basta may mali.

Camilla sighed. I never really got along with her that much. Medyo tumahimik kasi siya noong nasama siya kina Aya. Nagkaka-text at nakakatawagan ko naman siya pero laging iba sa personal. Hindi gaya noong una naming pagkikita.

"Cams, pakikuha nga ng ice cream sa fridge," si Aya habang naghuhugas ng kamay. Pagkatapos ay umupo na ulit siya katabi ni Harris sa center table.

"Here. Tila hindi na ako maghahapunan nito," ani Camilla.

"Hindi na talaga be," si Aya.

Tumahimik lang ako. I feel annoyed. Hindi nila ako sinasagot. Sa sobrang pagkabusangot ng mukha ko, napadami ang kain ko ng nachos kahit hindi pa ubos ang pie sa platito ko.

Tumahimik din silang tatlo. Tila pinakikiramdaman ako.

"Bela..."

"Ano?" I glared at Aya.

She gave me a lopsided grin. "Wala 'yon, maybe he got mood swings," aniya.

"Mukhang hindi 'yan uubra kay Isabela, Aya," natatawang sambit ni Harris.

"See? There's something. Ano ba kasi 'yon?"

"I think wala kami sa lugar para sabihin 'yon, Isabela, mas mabuti kung manggagaling kay Hiro?" ani Camilla, mukhang hindi pa sigurado sa sinasabi.

I sighed. "Is he jealous?" Tanong ko, direkta na. "Because?" I added. Huminga ako nang malalim. "Ryan confessed? Ryan decided to court me? Coz I was giving him attention he wanted? Iyon ba?" Buwelta ko pa. Sumubo ako ng malaking portion ng pie. "Bakit? Gusto niya ba ako?" Sabi ko, hindi na halos maintindihan sa laman ng bibig ko.

Nilunok ko iyon agad.

"I am timid. Not pretty and ideal. Athletic ako pero I've got this petite body. I'm not ashamed about that. Pero that's the truth, and Hiro will never like me. Kaibigan ko lang siya---" Natigilan ako. I admitted it. Kaibigan ko na siya. "He really made me as her friend. Alam kong wala na siyang ibang gugustuhin kundi iyon lang. Kaya don't imagine things na sobrang imposible. Lalo kana Aya, don't exaggerate small things, those are all normal for me. Iniisip ko lang na mabait siya, why making it this far?"

I actually don't know where it came from. Those words. Mabilis ang pintig ng puso ko. Para bang may kaunting hindi totoo. I'm not really stupid to not think about my own feelings. Alam kong kahit kaunti, nagsisinungaling ako. Kahit kaunti, I do hope, those are not false hope. Pero kahit hindi, hindi, ayoko, hindi pwede. Kaya naman sinasabi kong imposible.

"P-People will make it hard for me, at school. Hindi ako maganda so, why Hiro would even like me? I have nothing to show unlike Michie. Michie is pretty, people like her. H-Hiro is popular, at... ako, I'm just a nobody, just people's laughingstock. A topic to mock, to hate me. So... why would he... w-why would he like a girl like me?"

I bit my lower lip. "Ryan just---maybe... just appreciates me that's why he likes me? Ewan, hindi rin naman ako confident na magtatagal siya sa desisyon niya. Maybe hindi naman talaga seryoso?"

Nakatitig lang si Aya sa akin, parang hindi na nagulat sa mga sinabi ko. Harris and Camilla were staring at me as if they're trying to console me.

I chuckled softly.

"Hindi ako sanay nang maraming kaibigan. You all are unexpected. Aya was my only friend, best friend. Mahiyain ako. I'm sorry if I was acting as hard-to-get member of circle of friends. B-But now I was able to connect with three at once. Thank you, I was able to realize that I need to expand my room for others. But... sorry, I can't... really accept if someone will ever like me? In a romantic way? I'll accept if I do, coz that's not impossible."

Aya heaved a sigh. Eyes were sparkling like a gem, but because of tears.

"See? You were also looking down on yourself. Admit it, you also feel bad, Bela. Kaya hindi ako naniniwala na okay lang sa 'yo ang lahat. You exploded months ago but they didn't change. M-Mas lumala pa. At kahit may pagbabago sa mukha mo, did they change? No. Some of them, oo. A little. But they still chose you as their topic! Letting it pass will never save you, sa huli, sarili mo lang din ang mag-d-down sa 'yo..."

She stood up. Panandaliang nakatayo lang pagkatapos ay uminom ng isang baso ng tubig. I'm starting to get emotional.

"You are traumatized, kaya sinasabi mong hindi mo matatanggap kung may magkakagusto sa 'yo. Is that a bad thing? No, hindi mo kasalanan. Pero 'wag mong ilayo ang sarili mo sa mga taong gustong mapalapit sa 'yo-"

"Are you talking about Ryan?"

"Don't be so specific!" She said out of patience.

Natahimik ako. Kuha ko, pero tila nakakatakot lagi.

"I-I feel so wrecked," tanging nasabi ko.

Nang gabing 'yon, mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para umiyak. I feel sorry because I killed the mood, na pati si Hiro hindi ko na nakausap bago umalis. Hindi naman na rin niya ako kinausap, umalis na lang bigla pagkatapos pakainin si Bubby. Bumisita lang sila saglit kay Mama sa taas pagkatapos ay umalis na, ni hindi na nila naabutan si Kuya Indigo na makauwi.

I tried to reach Hiro that night but he didn't answer my calls. Nag-iwan na lang ako ng text para mabasa niya, I'm not comfortable to his treatment.

Ako :

What's the matter? Can we settle it? Please, reply.

Nagkita kami ni Ryan kinabukasan sa park malapit sa amin katulad ng napag-usapan. Tahimik lang ako habang nakaupo sa bench. I started to process everything, his confession. I sighed as I felt the guilt. I need to turn him down. Hindi pa man siya nakakapagsimula, kailangan ko na siyang tapatin. I also think that we're too young for this.

"Tahimik ka." He noticed.

Bahagya akong ngumiti.

"Congrats ulit," ani ko.

"Uhm, buti pinayagan kang lumabas? Struggling ka pa rin, e."

I forced myself not to lay my eyes on him.

"Kailangan ko rin ng singat ng araw. I need this."

I heard his heavy sigh and became silent for more than a minute.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"No..."

"Bakit? May problema ba?" Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Ngumiti ako. "I'm sorry. Am I insensitive? Masiyado ba akong magaan makipag-usap without asking if you're finally okay about what happened?" He sighed. "Ayoko rin naman itanong kung okay ka na ba. Sinong magiging maayos agad kung gano'n ang nangyari? I also feel bad for not staying beside you that day. I feel really bad when I was playing, thinking what you feel... Naisip ko nga rin na baka hindi kita makausap dahil mahihirapan akong i-reach out ka kung tatawagan agad kita nang sariwa pa ang lahat, so I waited for days... just to finally have the right time to call."

I feel like it enveloped my heart. I'm sure he was  worried. Lumabo ang paningin ko dahil sa luha. I was biting my lower lip to stop my emotion to grow.

"I'm sorry, Ryan..." mahina kong sambit. Hindi siya nagsalita. Natagalan din bago ako makapagsalita ulit dahil pakiramdam ko, hindi ko kakayaning pigilan ang emosyon.

"Tama ka. I-I... I... should've let you to stay beside me," I said, stuttering. "M-Masakit." Tears started to come out. "I-I was consistent. Every year. Year 2020, t-that was the last time and my first time to have a championship. Pinangarap kong mas maging active pa kasi g-gustong-gusto ko, Ryan, g-gustong-gusto ko ang Badminton..." I cried.

He didn't say anything. Inalo niya ako gamit ang palad niya. The comfort from the back reaches my heart. I cried like a kid. Coz I will never forget this, I will never forget this forever. It will hurt me everytime, even if I am already an adult.

It took me an hour to finally calm. Halos nakalimutan ko na ang sadya sa kaniya.

"Call me when it gets hard, meet or call, I'm on the way."

I feel guilty. For not telling Hiro how I was feeling. I vividly remember his words, na kahit hindi siya, basta sabihin ko, ilabas ko. He's my friend. But I couldn't even talk to him about my problems. Pakiramdam ko, hindi ko kailanman kakayanin kung sa kaniya ako maglalabas ng hinanakit o kahit umiyak. Kaibigan ko siya, but I can't share the half of me. Hindi sa ayaw ko o hindi ako handa, I just can't, I can't lean on his shoulder when things are tough or when I am about to fall because everything gets heavy. Kasi ayokong maging kampante, ayokong maging masiyadong komportable. It scares me.

"Ryan... I-I want to say sorry and make everything settled. G-Gusto kong... maging magkaibigan muna tayo." I balled my fist as it gets heavy and awkward. "I don't want to hurt you, but I-I guess I'm not yet ready for this... You're good, walang mali sa 'yo, sadyang... h-hindi pa ako handa at hindi pa pwede."

I sighed heavily.

"And besides... bata pa naman tayo, I will not give you an assurance. N-Nasa sa 'yo kung gusto mong maghintay, o kung gusto mong kalimutan. B-But I guess, that's not strong as you think it is. Make yourself free... don't put yourself in cage, where your feelings and the idea of me is there. I won't leave you some words that will make you stay, because I don't want you to. Gusto kong hindi masayang kung anong meron tayo, but I will respect your decision, because I know this is a rejection."

He stayed quiet. He smiled at me as if there's nothing to be sad about. Lumunok ako. Hindi ko alam ang nasa isip niya. Pero alam kong nasaktan ko siya.

"Thank you for telling me this. I was also expecting this rejection on or before telling you that I will do it." He stood up and sighed as heavy as he can.

I grinned.

"I will not stay."

Tiningala ko siya sa narinig. It's not painful but I am happy for hearing that.

"I will force myself not to stay."

I nodded.

"Babalik na lang ako kapag pwede na. Kapag handa ka na. Kapag ikaw pa rin," he said with a humor.

Natawa ako roon. Marahan ko siyang nahampas sa kamay.

"You're so full of yourself."

He chuckled. "This is not the end, magulat ka kapag bumalik talaga ako."

Hindi ko na napigilang matawa lalo.

That day, I realized that there's something good about receiving rejection or rejecting someone. It will always hurt you but it's not always bad. The pain is inevitable but at the same time, wonderful.

Comment