MIB7⃣➡Thinking about you


Anica


" Anica naman! Umayos ka!!!".Inis na sigaw sakin ni Becca.Lahat kami natawa.Inis na inis kasi siya.Pero alam naman namin na hindi siya galit.


Andito kami sa court nakaupo sa bleachers.Nagpapahinga.Yung Taping kasi kanina si Lucas ang tutok ng Camera.Ang kwento kasi na ito tungkol sa babaeng nawalan ng pag-asa , tiwala sa isang lalake.Kasama si Ezekiel sa leading man  ko.Basta!


" Galit ka na niyan?".Natatawang sabi ni Karlo.Isa sa mga kaibigan namin na ngayon ay nakikitambay dito.


" Pwede ba?! Wag kang makisabat! Dun ka sa kagrupo mo! Susumbong kita kay Sandra!".Nawala naman si Karlo ng parang bula.


" Chillax lang kasi Becca! Akala mo naman bukas na ang pasahan ng film.Ehh hindi pa naman.Actually matagal pa nga ehh".Sabat sa kanya ni Meg.


" Tara na nga! Gutom na ako.Next week na lang ulit.Chka nagbell na Becca.Baka sabihin nagka-cutting tayo".Sabi ni Alvin.


" Pshh! Fine! Boys kayo na ang mag-ayos ng gamit.WALANG AANGAL!".Lahat naman ng lalake napatayo sa kanya kanyang upuan at nagsiayos na.


Samantalang kami mga babae natatawang bumalik ng classroom.Maya maya lang dumating na ang boys at ilang minuto na nagsimula na ang klase.


Inaamin ko guys na............Inaantok ako! Huhuhuhuhu! Medyo napapapikit pikit na nga ako ehh.Halos kalahati ng classroom na eto ay nakdukdok ang mukha sa desk nila.


" Psstt uy!".Napalingon naman ako sa tumawag sakin.


Si Alvin.


" Bakit?".Bulong kong tanong.


" Mamaya manood ka ng practice namin ahh".Sagot niya.


" Bakit ako ang sinasabihan mo? Dapat si Becca".Mamaya kasi masakal ako ng bruha.


" Slow! May nag-uutos lang sakin.Basta manood ka kundi ililibre mo ko ng one week".Aba! Loko to ahh!


" Oo na! Bwiset ka".Sagot ko nalang at hindi na siya pinansin.Kainis naman.Edi sana uuwi nalang ako.Pero ayoko namang maubos ang pera ko kay Alvin.Chka sabihan ba naman ako ng slow? Bakit? May sinabi ba siya na hindi ko naintindihan.


***********


" Bilian mo na Anica!".Nagmamadali na sabi sakin ni Becca.


Cleaners kasi ako at ang bruha nagmamadali.


" Loka! Hindi namang pwedeng iwanan ko sila dito.Baka sabihin hindi ko sila tinulungan".Sagot ko habang nagwawalis.


" Hey Anica! No need to worry.Tapos na kami at alam ko naman na manonood din kayo ng practice nila kaya lets go".Sabi samin ni Sandra.


" Ehh?".


" Lika na".Sabay apir nila ni Becca Badgirls.


Pagdating namin sa gym halos makalahati na ang tao dito.Puro mga babae.Paktay! Baka sabihin ganun ako ka-obsessed kay Lucas.No Po! Crush ko lang po siya.


" Tara dito Anica!".Nagulat naman ako ng sumigaw samin si Alvin.


Agad naman kaming lumapit ni Becca sa kanya at tumabi kung saan nakaupo rin si Alvin.


" Sino ba ang nagpapasama sakin Alvin?".Inis kong tanong.


" Sino pa ba edi si Tukmol!".


" Hoy! Gunggong! Pasalamat ka sumunod ka sa usapan kundi nalugmok na kita".Napatingin naman kami sa sumigaw...Jusme! Halos lumundag na ang puso ko.


" Hi Anica".Bati niya na nakangiti.


"H-Hi din , Ikaw ba ang nagpapunta sakin dito?".Tanong ko.Pero deep inside nagdadasal na sana Oo!


" Ahh Oo ako nga.Pasensya ka na ahh hindi ko nasabi ng personal dahil nahihiya ako".Sagot niya at tumabi sakin.Yumuko naman ako sa pamumula ng mukha ko.


" Aaaa! Ganun ba? Bat ka naman nahiya? Wala na yun sakin noh!".Sagot ko rin kanya at ningitian siya.Ganun din ang ginawa niya kaya halos lumundag na ang puso ko.


" Hi Anica! Buti naman at nandito ka na.Kanina pa yan si Lucas pasilip silip sa entrance kung may-----?".Hindi na natuloy ni Kuya Warren ang sasabihin niya ng batuhin siya ni Lucas ng bote.


" Manahimik ka jan! Hindi kita inaano".Inis na sabi ni Lucas.Ako naman halos lumubog na sa kinauupuan ko ng dahil sa kilig.


" Anica wag mo nalang pansinin yang mga yan.Inggit lang yan satin.Wala kasing mga lablife kaya ganyan yang mga yan".Natawa naman kaming daw sa sinabi niya.Urrrr...Actually kinikilig ako.Ibig sabihin? Kyaaaaaaaaahh! Shatap! Assumera.


" A-Ano?".Tanong na kunyare hindi ko naintindihan.Nakita ko naman na bigla siya nataranta.Cute.


" Wala wala yun.Ano lang yun.Ahh Maya nalang ulit tayo mag-usap.Kasi magsisimula na ehh.Chka Ako na maghahatid sayo mamaya ahh.Walang aangal!".Tapos tumakbo na siya sa mga kateamates niya pero saglit niya akong nilingon at kinindatan.


OMG!


Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.Nanaginip ba ako? Kung Oo! Ayoko ng magising.Pinitik ko ang ilong ko kung totoo.Aray! Kyaaaaahhh Totoo nga!!


" Para kang baliw Anica! Alam mo yun?".Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko....Si Ezekiel?


" Teka anong ginagawa mo dito?".Tanong ko.Hindi namang pwede na manood siya ng basketball....Di kaya? Bakla----


" Hindi ako bakla.May inaantay ako!".Seryoso niyang sabi.Bigla namang kumirot ang puso ko sa sinabi niya na may aantayin siya.


" Ahh Okay".Sagot ko at humarap nalang ulit ay nanood kanila Lucas.Pero hindi ko naman magawang manood ng maayos dahil pakiramdam ko gusto kong umiyak.


" I'm waiting for my cousin".Sabi ni Ezekiel.Napangiti naman ako sa narinig ko.


" Talaga?!".Nakangiti kong sabi.Agad naman siyang tumango at ngumiti.Waaaaahhhh! Gwapo!


" Tss pag ako natunaw.Baka maraming fans ang magpakamatay ng dahil sa---Aray ko naman!".Kinurot ko kasi siya sa tagiliran niya.Ang kahanginan nga naman hindi nawawala sa isang lalake.


" Letche! Hangin mo! Wossshhhhooo ang lakas siguro ng bagyo".Tapos tawa ako ng tawa.Bigla naman siyang nagseryoso at lumapit sakin.


Panigurado na namumula na ang mukha ko ngayon.Kyaaaahhh kiniki---Tse! Wag nga kayo! Hihihi.


Isang maling galaw lang mahahalikan na niya ako.


" Amm? Eze--kiel?".Bigla naman siyang ngumisi.


" Bakit? Bakit ka nauutal baby? Aminin mo na kasi na gwapo ako.Walang ka namang kaagaw baby ehh.Alam mo bang walang kwenta tong kagwapuhan ko kung wala ang isang diyosang Anica Mhae Ramos?".O-M-G!!!


ヽ(*≧ω≦)ノ


" Your Blushing baby".Sabi pa niya at kumindat.Kahit kinikilig ako buong pwersa ko siyang tinulak.


" Langya ka! Ako? Nagbablush? Asa! Namumula lang ako dahil? Ano....Basta nagugutom na ako ibig sabihin nun!".Aishh! Anica naman! Ang pangit ng palusot mo.


" Edi bubusugin kita sa pagmamahal ko".Sagot naman at niya at kumindat chka nagulat ako ng lumapit nanamn siya sakin.Akala ko aasarin nanaman niya ako pero nagulat ako ng nakawan ako ng halik sa pisnge.


Hindi agad ako nakagalaw sa pwesto ko.Pero mga ilang segundo nakagalaw na agad ako.Tumayo ako at hinanap si Ezekiel.Wala na siya sa inuupuan niya.Agad akong lumabas ng court at hinanap siya.Pagsarado ko ng pinto ng entrance may humila sakin.


" Langya ka! Nakakainis ka! Ang galing mong magpakilig---Hmmmpp".Agad kong tinigil ang paghahampas sa kanya at tinakpan ang bunganga ko.Kahit kailan talaga.Pahamak.Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko.


" Hindi ako magaling magpakilig.Kundi magaling akong magmahal".Sagot niya at kinurot ang pisnge ko.Chka hinawakan ang kamay ko.


Pwede na ba ako mamatay..Kasi kung pwede? Oo I'm gonna die ng dahil sa kilig kay Ezekiel.Napansin ko naman na nakangiti si Ezekiel habang hawak hawak ang kamay ko at sabay kaming naglalakad papunta sa classroom ng pinsan niya.


" Anong iniisip mo at nakangiti ka jan?".Tanong ko.


Bigla naman siyang tumigil at humarap sakin.Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng Grade 7.Dahil mas matanda kami sa pinsan niyang babae.


" I'm  Thinking About You".Diretso siyang nakatingin sakin.


O(≧∇≦)O


Huhuhuhu! Kinikilig po ako.Grabe! Para akong magkakaheart attack sa lakas ng tibok ng puso ko.


" Bakit mo naman ako kailangang isipin ehh andito naman ako sa tabi mo.Chka hinay hinay lang ahh.Mamaya sa kakalakad ko jan sa isipan mo ehh mahulog ako ng tuluyan jan sa puso mo".Nakangiti kong sabi sa kanya.Ewan ko ba pero hindi yun biro.Kundi totoo.Hayy nako mamaya mamatay na ako sa lakas ng tibok ng puso ko..


Nakita ko naman na namumula si Ezekiel ngayon habang nakangiti.


Ewan ko ba pero parang never ko pa tong naramdaman na kilig kay Lucas.Iba ang epekto sakin ng Ezekiel na toh ehh.

Comment