MIB2⃣9⃣➡ Pagkatalo


Anica


Pagkauwi ko ay naabutan ko naman sila Mi at Di na nakangiti na sinalubong ako ng yakap.Mamaya susunduin ako ni Akihiro para sa libre niya sakin mamaya.Nanalo rin sila kaya manlilibre talaga siya.Nagpaalam naman ako kanila Mi at Di pero sa una medyo nag-alinlangan pa sila pero pumayag din naman.


4:15 palang ng hapon at 12 kami natapos sa laro para makapahinga pa yung mga players.Ilang oras din ako nakatulog kaya may energy na din ako.Wala pa mga kuya ko kasi mamaya pa matatapos ang laro nila.Napag-usapan din namin na pag maaga kami matapos kumain manonood kami ng laban nila kuya.


Simple lang ang suot ko para maging komportable ako mamaya.Naka-tshirt lang ako ng puti na V-neck at fitted jeans na black at low cut na converse.Nakawagwag lang ang maganda kong buhok.


String bag lang na baymax ang dala ko.


" Mi, Di alis na po ako".Hinalikan ko naman sila sa pisnge at nagpaalam.


Maglalakad lang ako papuntang gate dahil dun ako susunduin ni Akihiro ng matanaw ko siya agad naman akong sumakay sa kotse nila.Sa front seat si Akihiro at katabi niya ang driver nila.Hindi pa pwede mag drive si Akihiro dahil daw mapapakain siya ng magulang niya sa tigre.


" Papunta na rin sila?".Tanong ko.


" Yup! Actually kanina pa sila nandun".


Mga ilang oras din ng makarating kami sa isang cute cafe store.Sa pagkakaalam ko pag-aari toh ng schoolmate namin na kasing edad namin pero ibang section lang.


Nakita ko agad si Hannah at Joshua kaya kinawayan ko sila at nakikita ko parin ang busangot na mukha ni Joshua kasi gustong gusto niya na siya ang sumundo sakin pero dahil si Akihiro ang nag-aya siya na ang masususnod.


Nag-order na si Akihiro at puro sweet foods lang ang nakalagay.Tuwang tuwa naman ako kaya kain lang ako ng kain habang sila ay nagkukwentuhan.


" Matanong nga kita Josh ano ba talaga sayo si Anica?".Natahimik din ako kasi naisip ko rin na ang alam ko crush ko si Akihiro.Hahaha!


" Girlfriend ko".Seryosong sagot ni Joshua.


Katabi ko kasi si Akihiro at magkatabi naman ang dalawa kaya madali akong inakbayan ni Akihiro na ikinagalit ni Joshua.


" Hindi mo lang siya pwede maging girlfriend basta basta Josh.Akala ko ba si Belle? Ang sweet sweet niyo".Dahan dahan naman akong tumingin kay Joshua na nanlalaki ang mata na nakatingin kay Akihiro.


Isa lang pala ako sa mga laruan niya?


" Walang namamagitan samin ni Belle!, Aki".Ngumisi lang si Akihiro sa kanya at sinagot siya....


" Really? Yan din sinabi mo sa harap ni Belle na wala kang iba kundi siya".


Nasasaktan ako aaminin ko.Kasi pakiramdam ko napakadali kong magpauto sa mga lalake.Ang sakit sakit kasi hindi ako nakinig kanila kuya.


" Hindi yan totoo!".Galit na galit na sigaw ni Joshua.


Hindi ko kayang tumingin sa mata ni Joshua.Gusto ko ng umuwi ayoko na.


" Ano ba? Wag nga kayo gumawa ng eskandalo.Anica halika na manonood pa tayo sa laban ng kuya mo diba".Agad naman akong hinatak ni Hannah.Nagbayad na rin si Akihiro at hinarangan kami ni Hannah.


" Hahatid ko na kayo".


" Tigil tigilan mo si Anica, Aki.Girlfriend ko siya".Agad naman akong hinatak ni Joshua.


Gusto kong hatakin ang kamay ko pero nanghihina nako.


" Talaga? Girlfriend mo talaga? pano kapag sabihin ko sayo na si Belle ay nasa hospital ngayon dahil naaksidente siya at hinahanap hanap ka niya ngayon".


Nakita ko sa mukha ni Joshua ang gulat na parang hindi naniniwala kay Akihiro pero may pinakita si Akihiro sa cellphone niya na picture na si Belle ay nakahiga sa hospital bed at puro galos ang pagmumukha.


" S-Saan hospital siya?".Nanginginig ang boses niya habang tinatanong niya si Akihiro.


" Bakit? Andito yung girlfrie-----".


" I dont give a fck! Saan hospital si Belle ngayon?!".Galit niyang sigaw kaya napabitaw ako sa kamay niya ng dahil sa narinig ko.


" Dun sa hospital na malapit sa subdivision nila".


Agad naman siyang umalis hanggang sa nawala nalang siya na parang bula.
Patak ng luha ang naramdaman ko sa mukha ko at niyakap ako ni Akihiro.


Kaya hanggang makapunta kami sa court kung san naglalaban sila kuya ay tahimik lang ako.Ano ba tong nararamdaman ko? Bat nasasaktan ako.G-Gusto ko siya? O Mahal na?


Ano makakatulad nanaman ba toh kay Lucas? Bakit? Anong nagawa ko at palagi nalang ako niloloko.Kung sana nag stay ako sa pagkakagusto kay Akihiro atlist hindi ako masasaktan.


" Okay ka lang ba talaga Anica?".Napalingon naman ako kay Hannah na ngayon ay umiinom ng mismo coke.


" O-Oo naman bakit hindi? Ayoko magpaapekto sa loko na yun".Napabuntong hininga nalang siya at nanood nalang din kanila kuya na lamang na lamang na.


Kaya wala akong ibang ginawa kundi icheer sila.


" WOOOH! KAYA NIYO YAAAN! PROUD BUNSO HEREEE!".Napalingon naman sakin ang mga kuya ko at kinindatan ako.


Palaging nakakapoints sila Kuya kaya proud na proud ako ditooo.Rinig na rinig ko ang apelyedo namin na halos karamihan sa babae yun ang sinisigaw.


Mga ilang minuto pa nagkaroon ng time out.Pero imbis pumunta sila sa coach nila pumunta sila sa pwesto ko kaya halos mamatay ang mga babae dito sa tabi ko.


Kaya ng makalapit sila binati ko agad sila ng congrats kahit hindi pa tapos ang laro pero alam ko na mananalo na sila.Dahil sa sobrang lamang nila sa kalaban at never pa sila natalo sa lahat ng laban nila.


Tumango lang silang tatlo at nakatingin lang sakin.Okay? Anong problema at kahit ako ngayon ay kinakabahan na.


" May pag-uusapan tayo mamaya".Yun lang ang sinabi ni Kuya Nevo at bumalik sa coach nila.


Napatingin naman ako sa bench na inuupuan nila.Nakatingin sakin si Lucas na nakasimangot pati narin sila Alvin at Carlos.Anong meron? Hindi naman sila galit kay Akihiro kasi hinatid lang naman kami dito ni Hannah.


Pero nawala ang atensyon ko sa paglalaro nila kuya ng may matanggap ako na text sa isang unknown number.


Unknown number:


Anica let me explain please


Pinatay ko ang cellphone ko dahil alam ko na kung sino.Ewan ko ba ang lakas lakas ng tibok ng puso ko at nasasaktan ako.Kaya hindi ko na namalayan na tapos na pala ang laban nila Kuya at syempre panalo sila.Kaya imbis maiyak ako pinicturan ko nalang sila at inantay na makababa sa stage.


" Congrats kuya!".Niyakap ko silang tatlo at niyakap rin nila ako pabalik..


Sabi ni Kuya uwi muna daw kami sa bahay at kaya nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na aalis na kami.Habang nasa kotse kami pauwi tahimik lang ako na nakatingin sa bintana.


" Pano ba yan bunso? Pare-parehas tayong panalo".Nakangiti na sabi ni Kuya Martin.


Kailangan kong magpanggap na okay ako.


" Oo syempre! Ramos tayo eh.Pano ba yan may treat tayo kanila Mi at Di".Nakangiti kong sagot sa kanila na ikinatawa nila..


" Pero Anica may kailangan tayo pag-usapan mamaya ah".Seryoso ang boses ni Kuya Nevo kaya napatango nalang ako.


Pagdating namin sa bahay sinalubong din sila nila Mi at Di ng yakap at nagulat kami dahil may mga handa sila.Woooah! Ang daming pagkain waaah.


" Nag-abala pa talaga kayo".Nakangiti na sabi ni Kuya Louise.


" Syempre proud parents heeere".Nakangiti na sagot sa kanya ni Mi at nagyakapan ulit kaming anim.


" Sige na mag-ayos muna kayo dun pagtapos ay magsikainan na tayo".Tumango nalang kami sa sinabi ni Di at nagtakbuhan na papunta sa kanya kanyang kwarto.


Nagbihis lang ako ng pangbahay at tinignan ang cellphone ko na madaming missed call.


My Handsome Ez:


5 missed calls


Asawa ni Henry:


10 missed calls


Unknown number:


20 missed calls.


Binalewala ko nalang yung missed call ni Joshua at nag-online.Dun ko na minessage yung dalawa at tinanong kung kamusta yung laban nila at sinabi rin nila na nanalo din sila pero ayaw naming magpakakampante dahil may ilang araw pang laban.


Kinatok naman ako nila Kuya kaya lumabas nako ng kwarto.Pero nakita ko na seryoso sila na nakaabang sakin sa labas.


" Halika dun tayo sa kwarto".Malamig na sabi ni Kuya Nevo at sumunod nalang kaming tatlo sa kanya.Pagdating sa kwarto ni Kuya Nevo naupo naman ako sa sofa niya samantalang yung dalawa na sa sahig at nakasandal sa sofa.


Nakatayo lang si Kuya Nevo at nakatingin lang sakin.Anong meron? Kinakabahan ako ah.


" Alam namin kung bakit hindi ka okay ngayon".Malamig na sabi ni Kuya Nevo kaya napatungo nalang ako at napapikit.Pinipigilan kong lumuha.


" Wag ka ng maglihim samin Anica alam na namin.Diba sinabi ko sayo noon pa layuan mo na yan si Joshua? Tignan mo ang ginawa nung gag0 ginawa ka pang kabit! Alam mo kanina kung wala lang kami sa laro napatay na namin yun ah".Galit na sabi ni Kuya Nevo pero ako tong tahimik lang na lumuluha.


" S-Sino nagsabi sainyo n-niyan?".Tiningala ko si Kuya at makikita mo ang galit sa mukha niya.


" Si Ezekiel lang naman ang nagsabi samin kanina.Pagtapos ng laban niya sinundan niya kayo para malaman kung ayos ka lang sa hindi niya inaasahan nasaksihan niya ang ginawa ng hampas lupa na Joshua na yun!".Napayuko nalang ulit ako.


Ezekiel? Kung nandun ka bat hindi mo ko nilapitan.


Pero isa lang natutunan ko.Mahalaga parin ang pamilya kasi kahit anong pagkakamali natin sila lang talaga ang makakaintindi satin at tatanggap.Sana nakinig nalang ako kanila kuya noon.Edi sana hindi nako nasasaktan ngayon.


" I'm sorry kuya....so-sorry sana nakinig nalang ako sainyo".Sagot ko kay Kuya Nevo habang umiiyak.


Agad naman nila ako niyakap at dun na ako humagulgul ng sobra.Ayoko ng masaktan ayoko na napapagod nako.Kung sana nag-stay put ako sa pagkakagusto ko kay Akihiro edi sana hindi ako masasaktan neto.


Inabot kami ng isang oras sa kwarto ni Kuya Nevo para patahanin ako at mapag-usapan namin yung kay Joshua.Sinabi ko sa kanila na gagawin ko ang lahat para lang iwasan si Joshua.


Kaya pagkababa namin agad naman kami naupo para sabay sabay na kumain.Kahit papano gumaan ang loob ko dahil sa ginawa nila Kuya.


Masaya lang kami nag-uusap habang sabay sabay na kumain.Nagtatawanan sa bawat lokohan nila Kuya.Pagtapos ng ilang oras na bonding umalis na sila Mi at Di dahil may aayusin silang importante.


Kausap ko naman ngayon si Becca sa messenger.Ang bruha naman ayaw ng video call dahil makikita ko daw ang hagaardus niyang mukha.


" Buti naman at nakasayaw ka pa ng matino".Nanalo ang dance troupe namin dahil sa kanyang kagandahan daw.Diba abno?


[ Syempre kahit sobrang gwapo pa nung kalaban namin na yun hindi ko isusuko ang bandila noh].Natawa naman ako sa sinabi niya pero napatigil sa kadugtong.


[ Ikaw kamusta naman yan puso mo?].Alam pala nila syempre Ezekiel pa ba.


" Okay lang naman at medyo nagrerecover naman din.Pero atlist panalooo".Medyo pilit akong humahakhak ng onti pero dahil kilala niya ako ayun nahuli.


[ Ulol! Panalo ka nga pero sa puso mo natalo ka kasi hinayaan mong magpadala ka sa laro kaya ayan natalo ka].Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.


Alam kong talo ako dahil nadala niya ako sa laro niya.Pero worth it naman ang pagkatalo ko dahil atlist nalaman ko kung anong pwedeng mangyare pag nag stay pako sa laro na yun.


Ngumiti ako bago sumagot kay Becca.


" Makakalimutan ko rin siya".

Comment