MIB4⃣2⃣➡ Panggap pa more


Anica


" Ano bang meron sa mukha mo madam at nakabusangot ka ng sobra sobraa?".


Mas lalo pakong napasimangot sa tanong ni Hannah.Panong hindi ako sisimangot eeh kanino pako hindi pinapansin ni Joshua.


Ewan ko ba sa abnormal na yaan nung habulan moments namin ayos pa naman kami pati last week.Tapos kanina ng lapitan ko bigla nalang umiwas.Impaktong yun!


Nakakairitaaaaaa! Punyemaaas.


Last week na namin next week tapos hindi pako papansinin ng haliparot na toh.Weeell buti nalang at hindi siya maharot kaya puro lalake lang ang nilalapitan niya pero kahit naaa!


Pagtapos ng 30 minutes na takbo agad kaming bumalik sa pwesto at ang mas nakakaurat pa yung tumabi pa samin sila Akihiro at Joshua.Napatingin ako sa kanya at iniwas agad.


" Hoy Akihiro anong meron sa bestfriend mong hapon at hindi pinapansin ang madam ko?!".Malakas na sigaw ni Hannah kay Akihiro.


" Damn! No need to shout.Magkalapit lang tayo kung maka---".


" Wag ka na kasing makipag-usap sa mga yan Hannah parehas lang yan silang magbestfriend.Hapon na ngaa impakto paa!".


Pagtapos kong sabihin yun dali dali kong hinatak si Hannah palayo sa dalawa.Naupo naman kami sa tabi ng ex ni Hannah at katabi naman nun ang lalakeng may crush daw kuno sakin.Pakee ko! Crush lang naman eh.May hapon na ak----WALAAAA PALA!


" Madam gusto mo sakalin kita? Sa dami daming pwedeng maupuan dito pa talaga kay ex?".Inis na bulong sakin ni Hannah.


" Sorry naman wala nakong choice.Naiinis lang ako kapag kanila Akihiro tayo tumabi.Kasii naman eeeh hindi ko naman alam ang nagawa ko tapos iiwasan nalang ako bigla?".


Naramdaman ko tuloy tumulo na ang mga luha ko kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko at mas lalong naiyak.Agad naman akong niyakap ni Hannah na sobrang higpit.


" Heey is she okay?".Narinig ko ang boses ng lalakeng may crush sakin.Peste! Wala ako sa mood magpaka-haba ng hair.


Bumitaw na si Hannah sakin at napatingin ako kay boy na may crush sakin na may panyo kaya kinuha ko ito ay pinunasan ang mga luha ko.


" Salamat hayaan mo lalabahan ko nalang chka ko isosoli".


Ngumiti lang siya at umiling.


" I'm Red nga pala".Napanganga ako wala sa oras sa sinabi niya.


R-Red? Punyemaaas! Yung tawag ko kay Lucas sa imagination ko ay totoong pangalan pala sa realidad.Pero wag kayo! Gwapo itech si Red.


" Aah Anica nga pala".Malungkot lang na ngiti ang binigay ko sa kanya.


Naupo naman si Nedel sa tabi ni Hannah at nag-usap ang dalawa na parang hindi kami nag-eexist ni Red.


" Oo nga palaa kalat dito satin na may crush ako sayoo.Pero paghanga lang naman yun kasi ang cute mo".Nakangiti niyang sabi sakin at namumula mula pa ang pisnge niya.


" Aah okay lang anubaa! Natural lang naman din sa mundo yung crush crush na yan".


Peroo nagulat nalang ako nadala ako sa mga kwento niya kaya nakipagkwentuhan nalang din ako para pansamantala na hindi ko mapansin si Joshua na sobrang sama ng tingin samin ni Red.


Hayuup! Pag ako hinusgahan ng hapon na toh tignan niyo lang ibabalik ko siya sa bansa nila.


Naikwento ko rin sa kanya yung imagination ko na nadamay ang pangalan niya dun.


" HAHAHAHAHA ANAK NG! Really Anicaa?".Napatingin tuloy samin lahat ng kasama namin dahil sa malakas na halakhak ni Red.


Kaya sinilip ko si Joshua na nakapatong ang mga siko niya sa kanyang hita habang pinapatunog ang kanyang mga daliri.


Putulin nalang niyaa nahiya pa siya eeh.


" Lakas makatawa pre?".Natatawang tanong sa kanya ni Nedel.


" Pakyu!".


Agad namang humarap sakin si Red at mukhang natatawa talaga ang mukha.


" Pano nalang kung nagkatuluyan kayo ng Lucas na yun edii tawag mo sa kanya Red talaga?".


" Malay koo! Chka imagination lang naman yun pero kung nagkatuluyan man, Oo".


Mas lalo siyang natawa kaya natawa na din ako sa kanya.


" Bakit baa? Ano ba tinatawa tawa mo jaan?".Tanong ko sa kanya habang natatawa.


" Naisip ko lang kasii na pano kung kayo ngayon tapos kung tawagin mo siya na halimbawa ' Red my loves I love you' O di kaya ' Red I miss you.Edi magugulat nalang ako ngayon".


Sabagaay!


" Peroo hindi na naman kami at magkaibigan nalang kami ngayon".


Nagkibit balikat nalang siya habang naiilang na nakangiti.


Agad namang tinawag si Red at mukhang may gagawin at meron ngaaa! Yun ay study sparing pero pataay dahil ang ka study niya ay si Joshua.


Ganun din ang iba at ako naman ay baka mamaya pa.Nanonood lang ako sa dalawa ng biglang sinipa ni Joshua ng malakas si Red sa hita kaya natumba ito.


Agad naman akong pumagitna sa kanila at tinignan ng masama si Joshua.


" Ano ba problema mo Joshua? Study lang dibaa? Bakit mo sinipa si Red?".Asar kong tanong sa kanya at inalalayan si Red na makalayo kay Joshua.


Agad naman akong humingi ng sorry kay Red pagkaupo namin.


" Wala yun chka sanay na ang katawan ko sa ganung sistema at alam kong nagseselos yun sakin".


Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.


Tinignan niya ako at natawa siya.


" Wag kang mag-alala naka-zipper tong bunganga ko".Nakahinga naman ako ng maluwag.


" Pasensya na talaga inaatake nanaman kasi yan ng kaabnormalan niya".


Sasagot pa sana siya ng may humawak sa kamay ko at dali dali akong hinatak paalis dun.Nakita ko nalang na si Joshua pala ang nanghatak sakin.


Anoo? Selos! Selos! Hindi nga namamansin.


At hanggang sa makapunta nanaman sa classroom kung saan niya ko dinala dati.Nilock pa nga niya ng maigi yun at tinignan ako ng sobrang lambing pero tinignan ko siya ng masama.


" I'm sorry kung iniiwasan kita".Naramdaman ko nanaman ang sakit at hindi maiwasan na hindi maiyak nanaman.


" Wala naman kasi akong ginagawang masama tapos bigla ka nalang umiiwas!".Sagot ko sa kanya habang humahagulgul.


Agad naman siyang lumapit sakin at pinunasan ang mga luha sa mukha ko at masuyong hinalikan ang noo ko.Chka ako niyakap ng sobrang higpit.


" I'm sorry hindi ko naman ginusto yun eh".


Bumitaw siya sa yakap at kinuha ang isang upuan at umupo dun.Pinaupo naman niya ko sa hita niya paharap sa kanya.


Kaya medyooo nahihiya aketch kasii panooo i pel pel down there yung prend niya na feel din ng aking gintong kweba-HUWAAAA!


Onooooooo utak mo Anicaaa!


Pinulupot naman niya yung braso niya sa bewang ko at tinignan ako ng maigi.Hindi ko nga alam kung iiwas ba ko o tititig.


" B-Bakit ba kasi..i-inii-wasan mo koo".


Natawa naman siya sa inasta ko kaya malambing niyang kinurot ang pisnge ko.


" Wag ka ng mahiya Anica koo.Mas mararamdaman mo yan pagtapos ng kasal nati---".


Malakas ko siyang hinampas sa dibdib niya na bakal at tinignan siya ng masama.


" Magtigil ka Joshuaa! Baka putulin ko yan".


Natatawa siyang umiling at mas nilapit ako sa kanya kaya ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.Mas hinigpitan niya ang yakap sakin at binaon ang mukha niya sa leeg ko kaya ganun din ako.


Huhu namiss kong yakapin ang hapon ko.


Hinalikan niya muna saglit ang leeg ko at tinignan ulit ako ng seryoso.


" I'm sorry kung kailangan kitang iwasan kasii yung mga kaibigan ng Kuya Nevo mo dito din pala nag-aaral".


Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya at nakikinig.


" Kanina kasi lalapitan na sana kita ng may humarang sakin.Mga gr.10 silaa tapos binalaan ako na lumayo daw akoo sayo.Wag ko na daw antayin naa si Kuya Nevo pa ang pumunta ditoo".


" I-Ibig bang sabihin simula palang ng pagpunta natin nakamasid na sila?".Umiling siya sa tanong ko at hinalikan ako sa pisnge.


" Ngayon lang sila nasabihan dahil hindi pa sigurado ang kuya mo sa nangyare sa SM".


" Teka pano naman sila naging kaibigan ni Kuya Nevo eeh gr.10 palang silaa".Tanong ko sa kanya.


" Madaming tropa yang Kuya mo na loyal sa kanya".


Shoooot!


" Sasabihan sana kita sa chat mamayang gabi kasoo biglaan ba naman akong pinagselos ng mahal kong Anicaa".Nakasimangot niyang sabi kaya natawa ako.


" Hindi kita pinagseselos! Nakipagkaibigan lang yung taoo".Umirap lang siya sa sinabi ko.


" Ano na plano natin?".


" Magpanggap tayoo na walang pake sa isa't isaa habang nakapalibot sila.Pag hindee ako na agad mismo lalapit sayo".


Okay gets ko ang plano niyaa!


Tumango nalang ako at niyakap ulit siya ng mahigpit.


" I love you Anicaa".


Bilang sagot hinalikan ko nalang siya sa pisnge.


Tumayo nako pati siya para makaalis na sa classroom.Huhu sana mamaya makasama ko pa siya.Ilang araw na nga lang natitira samin ganito paa!


*************


" Bakit bigla kang naging okay?".


Umiling lang ako kay Hannah at nagsimula ulit sa drills ko.


Okaaay the acting starts nooow!


" Naisip ko lang kasi na kailangan ko ng magseryoso sa training.Lalo't naa napapagod na din ako.Para hindi naman mawala ang effort ko".Napa-aray naman ako sa malakas na batok ni Hannah.


" Anubaaa?".


" Napaka-seryoso kasii ano tingin mo sakin? Maniniwala sa drama mong yan? Uloools.Ang sabihin mo okay na kayo ng hapon mo".


Napanguso naman ako sa sinabi niya.


Tinignan ko naman si Joshua na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.Tinignan ko naman yung mga lalakeng nakabantay samin.Madami nga silaa.


Agad naman akong umiwas ng tingin.Mahirap na baka mahuli pa ng pulis.


Tinawag naman ako ng Coach namin kaya dali dali akong lumapit.Pataaay! Yung inuupuan ni Sir nasa likod nun yung mga alipores ni Kuya.


" Bakit po?".


" Gusto ko kayong dalawa ni Joshua ang mag pa-sipa sa iba".Shuuuuut!


Sinilip ko naman yung mga lalake sa likod ni Sir at halos pumutok na ang mga mukha dahil sa galit na aura.Yung isa naman may hawak hawak na cellphone na mukhang anytime matatawagan nila si Kuya.


Kailangan kong magpanggap na wala akong pake kay Joshua.


" Sir pwede po bang wag nalang si Joshua? Ayoko po kasi sa kanya.Chkaa hindi kami magkakasundo nun".Kunyareng inis kong sagot kay Sir.


" Bakit? Mukha naman kayong magkakasundo nun aah".


Eeeeh! Si Sir ang kulit.Ayaw makisabay eeh.


" Ayoko ngaa Sir chka baka siya yung gawin kong kickpad pag nagkataon".


Umiling lang si Sir at tinawag si Joshua.Patay na pataaay na talaga.


" Sir?".Napatingin agad ako sa mga lalake na sobrang lamig ng tingin samin lalo't na katabi ko si Joshua.


" Ayos lang ba sayo na kayong dalawa ni Anica ang magpapasipa?".


Tinignan naman ako ni Joshua at ngumisi.


" Ayoko jan Sir.Chka hindi naman kami ganun ka close.Iba nalang Sir".


Abaaa magaling magaling! Akala ko pa naman bibigay toh si Joshua.


" Okay".Tatawag na sana si Sir ng ibang babae at naalarma si Joshua.


Abaa! Syempre baka etong panggap panggap na iwas namin sa isa't isa aka totohanin ko.


" Wag na babae Sir.Anjan naman si Akihiro eeh.Kami na magpapasipa sa boys".


Very goood!


" Okay wala naman akong magagawa.Ikaw Anica kayo nalang dalawa ni Hannah".


Tumango naman ako at agad na umayos ng pwesto...


Habang nagpapasipa napapalingon ako sa mga lalake at kay Joshua.Pag alam ni Joshua na busy yung mga lalake tinitignan niya ko sabay kindat.


Napailing nalang ako sa ginagawa niya.Bakit ba kasii ang daming epal sa mundong ibabaw?


Mga ilang oras at natapos na namin yung drills at pumunta kami ni Hannah sa canteen nila para kumain.Syempree nakasunod yung mga pulis.


Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula ng kumain kasabay si Hannah.Habang nakikipag-kwentuhan ng may umupo sa tabi ko at yumakap na patagilid.


" Don't worry na sa klase na sila".


Humarap ako sa kanya at niyakap din ng sobrang higpit.Huhu namiss ko agad tong hapon na toh.


" Eheem naman! Kumain muna mamaya na yan".Saway samin ni Akihiro.


Hinalikan muna ako sa noo ni Joshua bago umayos ng upo at nagsimula ng kumain.Minsan aatakihin si Joshua ng kaabnormalan at sinusubuan ako.


Pagtapos ng ilang minutong kasama si Joshua umalis na sila sa tabi namin.


Kami naman ni Hannah tumambay muna sa canteen at maya maya ay lumabas na din kami.


Nagulat ako ng makita kung sino kasama ng mga lalake.....Huwaaaaa!!


Ang aking beloved Kuya Nevo is here.


Tinignan naman ako ni Joshua at kinindatan ko lang siyaa.


Lumapit nako kay Kuya na kunyareng masaya.


" Huwaaaa Kuyaaaa why are you heree?".Nakangiti kong tanong kay Kuya at niyakap pa siya.


" Namiss lang kita at naninigurado lang.Dahil tumawag ang kaibigan ko last time na nakita ka daw niya sa SM kasama si Joshua.Its that true bunso?".


" Opo Kuya sorry dahil akala ko hindi mo kami makikita".


SYEMPRE CHAROOOT LAAANG!


Baka mailibing ako ni Kuya Nevo wala sa oras eeh.


" Haay nako Kuya Nevo.Alam mo naman kung gaano kaganda at kabait ang bunso mong kapatid tapos pinagdududahan mo pa? Ayhetyuuu".


Napailing nalang si Kuya at niyakap ulit ako.


" Be good girl okay? Teka...Nilalapitan ka ba ni Joshua?".Mabilis akong umiling at ngumiti.


" Wala me pake sa kanya Kuya Nevoo.Chka hindi nga kami nagkakadikit kahit saglit lang.Kasii mabait ako".


Tumango tango naman si Kuya Nevo at may inabot na bag.Nakakapagtaka man pero binuksan ko yun at halos maging heart ang mata ko sa daming pagkaiiin.


" Yeeeeehey tenkyuuuu"


Mga ilang oras pa tumambay si Kuya Nevo habang nakaakbay sakin.Wala naman daw kasi silang klase.Kaya ayuun dito tumambay.Tapos puro pagbabala ang mga sinasabi ni Kuya Nevo na layuan ko daw kuno si Joshua.Kung ayaw ko daw masira future ko.Dibaaa parang timang si Kuya.Pero dahil mabait ako puro opo lang ang sagot ko.


Huhuhu ang dami ko ng kasalanan at puro kasinungalingan paaa.


" Sige na bunso babalik nako sa school at mga ilang oras pa biyahe ko.Ingat ka aah chat mo nalang kami pag may kailangan ka.Wag na wag mong kakalimutan yung mga bilin ko sayo".


" Opo Kuya".


Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok na si Kuya Nevo sa kotse niya pero bago yun sumigaw pa siya.


" WAG PASAWAY AAH!".


" OPO KUYAAA BUBUGBUGIN KO NALANG SI JOSHUA PAG LUMAPIT".


Nag thumbs up naman si Kuya at umalis na.Yung mga lalake naman pumunta na sa kani-kanilang classroom.


Napatingin naman ako kay Joshua na naka-pout kaya tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


Pero nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Joshua.Kaya tinignan ko kung saan siya nakatingin.


Isa sa mga lalake na may binalikan pero umalis na din agad.


Tinignan ko naman si Joshua at hinatak nanaman ako payakap sa kanya.


" Heytyuu tinulak mo ko".


" Sorry".


Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap kaya syempre ganun din ako.


Hinalikan ko naman siya sa pisnge kaya tinignan niya ko ng maigi habang hinahaplos ng dalawa niyang kamay ang mukha ko.


" I love you".


Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis at kinurot ng sobrang panggigigil ang kanyang pisnge.


" Aray naman.Si Anica ko tuwang tuwa pag nasasaktan ako".


" Ang cute mo kasi!".


Napailing nalang siya at niyakap ulit ako ng mahigpit.

Comment