MIB 1⃣➡ Just An Act

Anica


" Mahal kita Anica, Hindi mo lang alam kasi hindi mo naman ako binibigyan ng pagkakataon.Sa araw na toh sa ayaw't sa gusto mo.Liligawan kita kasi ayaw kong maagaw ka pa ng iba!".Mariin na sabi ni Lucas.


" So? Kasalanan ko bang hindi ka nagparamdam ng ilang taon Lucas? Kasalanan ko ba? Ilang beses ko bang sinabi sayo noon na may mga pagkakataon kang patunayan mo ang nararamdaman sakin pero hindi mo naman ginawa.Dahil ano? Si Julia naman talaga kasi ang mahal mo at hindi ako!!!".Naluluha kong sabi habang nakatingin sa kanya ng diretso.


" Walang namamagitan samin ni Julia ,Anica.Sa tingin mo ba lalapit ako sayo ngayon at sasabihin na Mahal kita? Hindi ganun ka kapal ang mukha ko para lokohin kita!".


" Then go! Prove it! Pero sa oras na nalaman ko na pinaglaruan mo ako? Sorry ka.Dahil sisiguraduhin kong mahihiya ka sa ginawa mong pang-loloko sakin!".Matigas kong sabi.


" Ok Cut! Ang galing niyo talagang dalawa.Parang totoo na kung makasabi kayo ng script niyo parang totoo na ehh.Sige na bukas na ulit ".Sabi ni Rebecca for short Becca na Bestfriend ko.


Woshhooo ang galing kong umakting noh! Future to be artista~~


" Tuwa ka naman".Bulong sakin ni Becca.Kasi naman Crush ko kasi si Lucas.Pero hindi niya pa alam at wala akong balak ipaalam.


At sa hindi ko inaasahan.Wow kanta lang ehh noh? Kami pa ang pinili na maging bida.Kahit script lang ang sinabi niyang mahal niya ako I'm so Happy pa din.Kasi parang totoo.Ako naman feel na feel.


Si Julia? Yun lang naman talaga ang kontrabida sa totoong buhay.Kasi mang-aagaw siya.Charot! Sadyang close lang sila ni Lucas.Kainis!


" Hey Nica see you tomorrow.Galing mo kanina ahh".Biglang sabat ni Lucas sa tabi ko.


" Ahhh-Ehh oo nga ehh.Kailangan din yun syempre para sa grades natin.Ayaw mo nun parang artista na din tayo.Chka ikaw din ang galing ahh".Sabi ko.


" Hahah Ganun talaga.Pano ba yan mauna na ako.Bye Nica bukas ulit ".Sabi niya at ginulo ang buhok ko.


OMG!!!! Kakilig!


Habang inaayos ko ang mga gamit na ginamit ko kanina nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Becca.


Si Becca ang parang gumawa ng story na toh.Syempre ang pangarap niyan maging author.Pero hindi siya yung nag-vivideo ng pag-acting namin.Para sa kanya ayaw niya kabored daw.Siya ang gumagawa ng mga script.Dahil mabait si Tadhana pinag-group kami at kakampi ko siya!!!


Ok magpapakilala muna ako.Ang dami kasi munang daldal ehh.


Nakalimutan ko nga pala magpakilala.Ako nga pala si Anica Mhae Ramos at ang pinakamagandang bunso ng aking mga beloved kuya's.Sabihin na nating cheerful much at friendly ako pero kasi sadyang ganun lang talaga ako.Masayahin ako eeh bakit baa? Soo yun no more echos kasi ang hirap ng madaming chuchubels! Kasi gr.9 na ako eeh aaaat!


CRUSH KO LANG NEMEN SI LUCAAAAS(^~^)


" Hoy! Babae! Its just an act.Wag kang mag-assume na totoo yun.Pasalamat ka sakin".Sabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.


" Oo na! Pasalamat ka may utang ako sayo ".Yung utang ko na yun ay yung sa acting na toh.


" Hahaha Oo talaga".Sabi niya at lumayas nanaman.


Project kasi namin toh sa MAPEH.Perp masaya ako sa naging project namin.Aaahhhahha.


" Hoy Bruha halika na! Iwan ka namin jan".Tawag sakin ng isa ko pang bestfriend na si Mal.


Habang naglalakad kami sa hallway may biglang tumawag samin sa likod.


" ANICA, BECCA, MEG".Sabay naming nilingon eto.


" Ezekiel? Anong ginagawa mo dito?".Tanong Ni Meg.


Si Ezekiel ay isa sa mga bestfriend ko.Diba ang dami kong kaibigan.Ganun ako ka-friendly.


" Hi Ezekiel".Masayang bati ng dalawa.


" Sige Anica mauna na kami ni Becca pupunta pa kami sa bahay ko para maayos na yung dapat ayusin para sa project natin".Paalam ni Meg at umalis na sila.


Natulala ako saglit sa sahig.Hindi pa din ako makapaniwala na naging leading man ko si Lucas kahit sa project lang.


" Uso kasi ang salitang MOVE ON".Inis na sabi ni Ezekiel sakin.


" Pake mo ba?!".Inis ko rinh sagot sa kanya.Chka siya iniwanan.


Bwiset!!!


Ganda ganda ng araw!


Lakad lang ako ng lakad pero wala paring sumusunod sakin.Kainis!


Nilingon ko yung likod ko at biset lang talaga!!! Walang sumusunod kabanas.


Nakaramdam ako ng lungkot.Mas gugustuhin ko pang awayin niya ako kesa iwanan.Char! Drama ko.


Bahala siya jan kung hindi niya ako susundan.


Malapit na ako sa gate ng biglang humawak sa braso ko at kinulong sa kanyang bisig.


Sinilip ko kung sino yung yumakap sa akin.Pag tingin ko si....


Ezekial


Sa sobrang inis ko pinaghampas hampas ko siya.


" Bwiset ka! Bwiset ka! Naiinis ako sainyo.Yayakap yakapin mo ako ".


" Don't cry my Queen".Sabi niya habang nakayakap sakin.


Kyaaahhh kilig naman.Joke


" Don't cry mo mukha mo".


Bigla naman siyang natawa.


" Ikaw nga tong may gustong......


" Tigil tigilan mo nga ako! Naiinis ako sayo".Sagot ko sa kanya.


Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.


" Its Just an act.Over ka kasi ehh.Tapos na nga pero parang hindi ka makalimot ".Inis niyang sabi chka tinanggal yung akbay niya sakin at nauna ng maglakad.


" Uy! Subukan mo kong iwanan.Tignan natin kundi kita kalimutan".Sabi ko at nakataas noo pa.


Bigla naman siyang napatigil at napabuntong hinga.


" Tss kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako makakalimutan.Dahil habang buhay ako nasa loob ng puso mo".Sabi niya ng nakaharap sakin at kinindatan ako.


Hindi ko alam ang nararamdamn ko basta ang alam ko unting unti nalang at luluhod na ako sa pangangatog ng binti ko.


" Hindi kita iiwan.Hindi kita sasaktan.Masasaktan lang kita kapag sa sobrang cute mo makukurot ko ang pisnge mo".


Nakangiti lang siya habang nakatingin sakin...Ako naman para ng poste na hindi gumagalaw.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


" MOMMYYYYY!!".


Tili ko habang papasok ng bahay namin.


" ANO?! ANO?! MAY SUNOG BA! SAGLIT SAGLI--


" Mommy naman ehh.Ganun kapag tumili ako ng ganun kalakas may sunog agad?".Tanong ko kay Mommy.Si Ezekiel naman tawa ng tawa.


" Sorry naman ehh kasi yung bunganga mo nakakataranta".Sabi ni Mommy at nakipag-apiran pa kay Ezekiel chka tumawa.


" Sige Mi , push niyo yan baka mautot kayo kapag hindi kayo tumawa".Sabi ko at nag-pout.


Inakbayan naman ako ni Ezekiel.


" Wag ka ng magpout jan.Natutuwa lang kami sayo.Kulet mo kasi!".


" Ewan ko sayo Ezekiel.Dami mong alam , Mi si Ez ohh.Binubully ako".Sumbong ko kay Mommy.


" Anong binubully ako nga yung binubully mo ehh".Siniko ko si Ezekiel sakin kaya napatanggal ang pagkakaakbay niya chka tumawa.


" Hahaha Kayong dalawa talaga.Dito ka nalang kumain samin".


" Sige po Tita".


" Ako na magluluto Mi, Saglit lang mahbibihis muna ako.Ehh ikaw Ez? Hiram ka muna kaya ng damit kay Kuya Nevo( Nayvo).


" Wag na! Ayos na ako.Ako pa gwapo ata toh ehh".


" Sauce ang layo sa topic.Sige tulungan mo muna si Mommy ayusin yung putahe at magbibihis lang ako".Sabi ko at umakyat na sa taas.


Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko ng makita ko ang tatlo kong kuya na naglalaro ng computer ko.


" Kuya naman! Wala ba kayong computer?".Tanong ko habang nakapamewang.


" Ehh remember bunso? Sira nga.Bibilhan palang kami kaya pahiram muna ".Sagot ni Kuys Louise.May kakambal siya na si Kuys Martin.


" Oo nga naman bunso.Pagbigyan mo na kami".Sabat ni Kuya Martin.


" Pinagbibigyan ko na nga kayo diba? Noon pa.Pero kuya may bisita tayo.Habang buhay nalang ba kayo jan sa harap ng computer ko? Magbibihis pa ako".


" ANJAN SI EZEKIEL?".Tanong nilang Tatlo.


" Oo anjan".Nag-unahan silang tatlo na makababa.


Pagkababa nila sinarado ko ang pinto ko at nilock.Nagbihis na ako at inayos ang dapat kong iayos.


Nakasimpleng t-shirt lang ako at jersey shorts.


" Game luto n--- KUYS NAMAN MAHIYA NAMAN KAYO KAY EZEKIEL".Biglang sabi ko.Pano ba naman halos ibaon na ang pagmumukha ni Ezekiel sa mukha ng laptop nila.


Hinatak ko si Ezekiel sa tabi ko.


" Bunso! Alam mo naman ang favorite naming gawaing apat ".Tinutukoy ni Kuys Martin na silang apat nila kuya Louise , Kuya Nevo at Ezekiel.


" Games? Puro computer games? Haishh mga kuya naman".


" Bunso! Masanay ka na".Sabi ni Kuya Nevo.


" Ewan ko sainyo.Magluluto na ako at isasama ko si Ezekiel.Magpapatulong ako".Sabi ko at hinatak si Ezekiel papunta sa kusina.


" Hayy nako Ezekiel! Alam mo naman na ayaw na ayaw ni Tita na humawak ka sa Laptop or Computer diba? Gusto mo bang lalong lumabo yang mata mo?".Sermon ko kay Ezekiel.


" Hahahh Easy there baby.Alam ko ang limitasyon ko kaya chill ka lang jan.Tara , ano ba yung lulutuin mo?".Palagi niya akong tinatawag na baby kapag alam niyang galit ako.


" Tss magluluto ako ng kaldareta".


" Yown! Ohh! Tara luto ka na para busog na mamaya"._


Haishh

Comment