MIB4⃣➡ Team Work


Anica


" Anica! Kunin mo nga ang kartolina".


Nakabusangot ako habang kinukuha ng LAHAT ng kartolina sa likod ng kotse ni Alvin.Isa sa mga kaibigan namin at kagrupo namin.


Saturday na pala ngayon at ako nga ang bida ako pa ang inuutusan.Nilapag ko sa malaking lamesa ang lahat ng kartolina.


" Para saan ba yan?".Tanong ko kay Becca na ngayon ay gumugupit gupit.


" Mga props".Simpleng sagot niya.Halos lahat ng tao dito ay busy ng dahil sa project.


Bigla namang lumapit sakin si Mal na may dala dalang sketch pad.Puro damit ang naka-drawing dun.


" Anica, Mamili ka ng susuotin mo? ".Sabi ni Mal at pinakita sakin ang mga drawing niya na puro mga GOWN?!


" Hala! Meg! Bakit puro mga gowns?".Takang tanong ko.


" Bakit? Ehh sa bongga ang ating mga acting ehh".Hala?! Mahal kaya magpagawa ng mga Gown.


" Saan tayo magpapagawa?".


" Sa shop nila Becca".Ahh kaya naman pala na parang wala lang sa kanila kasi sa pagmamay-ari naman pala ni Becca ang sasagot or libre na kamo.


" Ano?! Pili na!".Binigay niya sakin ang sketch pad na magaganda ang mga drawing.


Si Hannah ang nag-drawing neto siguro? Ang ganda kasi ehh.Si Hannah ay isa sa mga kaibigan ko din.Diba! Ang dami kong friends.Nakalimutan ko lang ipakilala sainyo.Hehehehehe.


" Meg! Tulungan mo naman ako ohh".Sabi ko kay Meg mg lumapit ako sa kanya.Busy rin siya dahil siya ang nagtatanong tanong sa mga miyembro namin kung anong magandang detail para sa story nmin.


" Kaya mo na yan! Gora lang!".


" Para saan ba tong gowns na toh?".Tanong ko.


" Kunyare magbibirthday ka! Basta spoiler na ehh".Sabi niya at umalis na agad.


" Ezekiel".Tawag ko sa kanya na ngayon ay busy sa laptop niya.


" Ano naman ang ginagawa mo?".Tanong ko ng makatabi ako sa kanya.


" Inaasikaso ko ang mga dapat sa music".Ahh so siya ang naka-assign.Ngayon suot suot niya yung Reading glasses niya.Bagay nga sa kanya ehh.Gwapong si Ezekiel.May salamin siya o wala gwapo talaga siya.Kaya maraming nagkakagusto kay Ezekiel ehh.Pero sabi niya studies first muna ang gagawin niya.


" Tulungan mo naman ako sa Gowns ohh! Ang hirap kasi mamili".Sabi ko.


" Andun si Lucas ohh , Namimili din siya ng damit niya".Masungit niyang sabi.Tapos patuloy niya akong tinataboy.


" Ughhh! Bala ka jan! Makataboy ehh".Pumunta na ako kung saan si Lucas.


At tama nga si Ezekiel! Busy si Lucas sa pag-pili ng damit niya.


" Hey".Bati ko sa kanya at tumabi sa kanya.


" Ohh Anica , Bakit? Nahihirapan ka din ba sa pag pili ng damit?".Tanong niya sakin.


" A-Ahh Ehh Oo nga ehhh.Humihingi naman ako ng tulong sa kanila ehh puro mga busy naman ".


" Dibale! Tayong dalawa nalang ang mag-tulungan".Masayang sabi niya.


Oo nga ehh! Sana tayong dalawa nalang..


" Uhmm Anica? Spacing out!".


" Ayy sorry! Hehehe may inisip lang".Sabi ko at umiwas ng tingin.Huhuhu Shocks.


" Tara samahan mo ko ".Sabi niya at biglang tumayo.


" Huh? San naman tayo pupunta?".Tanong ko.


" Sa mundo ko! Kung saan habang buhay ka sasaya at mamahalin ako".Bigla naman niya akong kinindatan! Ehh? Nanlaki naman ang mata ko.


" Hahaha".Tinawanan ko lang siya at tumayo na chka inunahan siya sa labas.


" Hoy! Saglit!".


Bahala siya jan! Pagkatapos niya akong pakiligin.


" Anica!".Tawag niya kaya humarap nalang ako sa kanya.


" What?!".Pataray kong sabi pero alam naman niya na biro lang yun.Kaya tinawanan niya lang ako.


" Nothing , Let's go".Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


Dinala naman niya ako sa bilihan ng STREET FOODS?!!


" Ohh? Ayaw mo ba dito? Sige sa restau--".


" Nooo! Dito nalang! Amm nagulat lang kasi ako na akala ko hindi ka nakain ng mga ganito".Bigla naman siyang natawa.


" Malamang.Normal na tao kasi ako kaya nakain ako ng ganito pero kung ayaw mo----


" What?! Noo! Sino nagsabing ayaw ko?! Duh! Nakain ako niya.Dito nga kami natambay ni Meg kapag pauwi na kami sa bahay namin dahil galing kami kay Becca ehh".Hindi kaya ako maarte.


" Woah! Sa lahat inakala ko na babae ganun.Pero ikaw? ".


" Alam mo Lucas? Sa kadramahan mo jan? Hindi na tayo makakain.Tara na! Treat mo ahh".Bigla nalang siya natawa.


Pumunta na kami sa tindera.Medyo close na nga kami ni Aleng Carmen.Dahil nga sa pabalik balik ako dito.


" Hi Anica.Buti naman at nakabalik ka? Akala ko nga ehh wala na akong mabebentahan na mala-anghel na katulad mo".Sabi ni Ate Carmen.


" Hala?! Nakoo po.Busy lang po talaga ako sa school, Chka nalulugi na po ba kayo?".


" Hindi.Yung totoo nga niyan ehh.Marami ang bumili sakin.Kaso kako walang bumibili na kasing ganda mo ang napunta dito".Bigla naman natawa si Lucas.


" Hhehehe Ganun po ba? Nag-iisa lang po kasi ako ehh".Bigla naman silang natawang dalawa.May masama kaya akong nasabi? Wala naman ahh! Honest lang ako.


" Oo nga pala Anica! Sino yang kasama mo? Boyfriend mo?".Sana nga ho ehh.Sana..


" Si Lucas po , Ate.Kaibigan ko po".Pagpapakilala ko.


" Magandang araw po.Ate Carmen".Bati ni Lucas.


" Magandang araw din sayo iho".Bati ni Ate Carmen.


Unting pagpapakilala at maya maya lang ay pumili na kami ni Lucas at naghanap na rin kami ng mauupuan.Ng nakahanap na kami.Kwentuhan lang kami ng kwentuhan.Masayang kasama si Lucas.Syempre ako todo laki ng ngiti dahil kasama ko siya.Dami rin naming nakain.Nagulat nga siya sakin ehh.Unexpected daw ako.Sabi ko nga sa kanya.Expect the Unexpected.


" Alam mo Anica? Sa lahat ng babaeng ineexpect ko na hindi kumakain ng ganito? Ikaw ang kabaliktaran.Kasi alam mo na? Iniisip nilang madumi.Yung sobrang arte ganun".Natawa naman ako sa sinabi niya.


" Alam mo ikaw? Natural sa isang tao ang maging maarte.Chka buhay na nila yan.Hindi na natin sila bigyan pansin dahil*nguya* binigyan tayo ng Diyos ng sariling buhay upang doon ituon ang ating sarili".Sabi ko at tuluyang nilunok ang kinakain ko.


Sumubo ako ng isang kwekwek na malaki tapos nagulat ako ng picturan ako ni Lucas.Whaaattt?!! Lobo pa yung bunganga ko.


" Hala?! Lucas! Idelete mo yun.Ang pangit pangit ko dun ehh!!".


" Sino naman nagsabing panget? Ang cute mo kaya".


Bigla naman akong napatigil sa pagkulit sakanya.A-Ano daw? C-Cute? Ako?


OMG?!!! IS THIS REALLY REAL?!


Lung panaginip toh?! Ayoko ng magising!


O(≧∇≦)O


" Huy! Anica?!".


" Ayy Sorry".


" Teka? Edi si Julia hindi nakain ng ganito?".Tanong ko.Actually pang-change topic ko na din.Nakakahiya kaya.Nalaman niya tuloy kung gaano ako ka-cute.ITS MY BIGGEST SECRET!!


" Ahh si Julia? Hindi ehh.You know na mayayamanin".Sagot niya.


" Ehh bakit ikaw? Yayamanin ka naman din diba?".Sabi ko naman.


" Oo pero hindi naman ako ganun ka arte".


" Wow parang sinasabi mo na maarte si Julia".Sabi ko.Totoo naman ehh.Maarte siya.Wahahahaha charot.


" Hindi naman".Sabi niya at biglang natawa.


" Hahahh weirdo ka".Natawang sagot ko.Actually chinachange topic ko na nga ehh.Kasi baka hindi ko na kayanin ang susunod na mangyayari kapag si Julia pa din ang pag-uusapan namin.


So , Pag katapos kong ichange topic.Napagkwentuhan naman namin yung mga hobbies , Dislikes, Likes at iba pa.Ohh diba ang layo layo sa imagination ko.Dahil sa imagination ko ibang level na kami.Kung dito parang GETTING TO KNOW EACH OTHER.Sa imagination ko MANLILIGAW KO NA!


Diba ang layo ng deperensya.Dibale! Parating na kami jan.Gumagawa na ng way si tadhana.To ease the pain.Wahahaha charot!


" Pano ba yan Nica balik na tayo dun.Baka hinahanap na tayo".See? Tawag niya sakin Nica at ang tawag ko daw sa kanya ay Igenz.Wahaha sunod niyan.Blue at red.


" Sige".


Tahimik nananaman kami.Pero ng malapit lapit na kami.


" Ahh Igenz.Thank you nga pala sa treat mo".


" No prob.Sana may next time pa".Nakangiti niyang sabi.


" Sure, kung papansinin mo ko".


" Oo naman.Bakit hindi? ".Nagtawanan nalang kami.


Ng makarating na kami sa bahay ni Becca puro pang-asar ang naabutan namin.Hinayaan nalang namin sila.


" Hayy! Nakoooo! Nakoooo! Ang unfair niyo! Kami nagpapakahirap tapos kayo? NAGDEDATE LANG?! TEAM WORK NGA DIBA?!".Mapang-asar na sabi ni Meg.Etong babae na toh.Masyadong madaldal.


" Sorry Meg , ako ang nag-aya sa kanya.Kung may naka-assign man sa kanya na gawain ngayon.Let me , ako nalang".Halos sila na-shock sa sinabi ni Lucas.Wow?!!! Ganun na ba ako kaganda.


" Ehh? Wag na! Nakakahiya naman sayo".Sagot ko.


" Don't worry kaya ko naman ehh.Dahil kapag napagod ka pa wala ng next time.Kaya ako na ang gagawa sa naka-assign sayo para kapag niyaya kita.Hindi ka na tatanggi".


" Siiiiiiggeeee.Thank you".Bigla naman silang nag-hiyawan.


Hayy nako!! Gumagawa na ata ng moves si Tadhana para samin ni Lucas.

Comment