MIB3⃣3⃣➡ Pinsan kunooo


Anica


" Sige iwan mo nako jan ka naman magaling eh ang pag-iiwan sakin".Ilang beses akong napairap kay Becca ng marinig ang paulit ulit niyang pinagsasabi.


Simula kasi bukas magsisimula na kaming magtraining sa Governor Ferrer Main.Tapos dun na din kami magstastay-in kung saan tuwing sabado lang kami makakauwi.Nakakapagod na nga bugbug pa katawan mo ng dahil sa training.


" Pwede ba Becca wag kang mag-inarte jan na parang bata".Nakatanggap naman ng suntok si Carlos sa pangaasar niya kay Becca.


" Are you sure na okay ka lang?".Tanong ni Meg.


" Yup! Kasama ko naman si Hannah".


Tinignan naman ako ni Ezekiel na nakataas ang kilay niya.


" Kasama mo rin siya pero hindi mo binanggit?".


" Chill Ez hindi naman niya papansinin si Joshua eh.Chka magtatraining sila dun hindi magtatanan".Binigyan lang ng masamang tingin ni Ezekiel si Lucas.


" Sige na babush muna ako kakausapin kami ng Head ng sports".Well hindi kasi ako maaalalahin ng mga pangalan ng mga Head of ganyan ganyan dito hahaha.


" Sigeee ingat ka!".Napatingin naman kami lahat ng nagtataka kay Alvin kaya tinignan naman niya kami na parang nagtatanong.


" What?! Sinabi ko lang namang mag-ingat siya anong masama?".Natawa nalang ako sa kanya at tumalikod na sa kanila at lumabas na ng classroom.


Habang naglalakad ako sa hallway may biglang gumulat sakin sa likod at si Hannah lang pala yun.Nagiging abnormal nanaman ang babae na toh siguro hindi nakainom ng gamot.


" Excited nakooo ikaw ba?".


" Hindi! Bakit naman ako magiging excited?".Bigla naman niya akong inirapan.


" Syempreee dun tayo matutulog at malay mo may mga kasama tayong gwapooo".Napairap nalang ako sa kanya at natawa sa mga pinagsasabi niya.


Agad din naman kaming nakarating sa Office ng Head chuchubels para sa mga sports.Pinaupo niya kami sa mahabang sofa na medyo malayo sa lamesa neto.Wala pa yung Head kaya nagkwentuhan lang kami ni Hannah about sa Kpop, kdrama.Hindi kami magclassmate kasi ibang section siya.Napatigil lang kami sa pag-uusap ng may pumasok at pagtingin ko si Joshua yun kasama ng iba pang player at kaibigan niya.Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil sa kaba na nararamdaman koo.


" You okay?".Tumango naman ako sa tanong ni Hannah.


Magkatapat lang kami ng upuan kaya nakatingin lang ako kay Hannah.Pero nagulat ako ng may umupo sa tabi ko at alam ko na kung sino yun dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.Hindi ko sana siya papansinin pero hinatak si Hannah ng kanyang ex which is kasama namin ngayon dahil taekwondi player din.


Hindi parin ako nalingon sa kanya pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya ng masama.


" Ano ba Joshua?!".Inis kong tanong sa kanya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.


" I'm sorry namiss lang kasi kita".


Hindi ko nalang siya sinagot at nakatingin lang ako sa sahig.Bakit kasi ang tagal ng Head na toh? Ako yung nahihirapan eh.


" Miss na miss na kita".Nagtaasan ang mga balahibo ko ng bumulong siya sakin.


Kaya humarap ako sa kanya at tinignan ng sobrang sama.


" Alam mo naman siguro na hindi tayo pwede diba? Kaya wag mo ng ipilit please".


" Alam ko yun Anica pero porket ba ganun hindi na ba kita pwedeng ipaglaban".Kahit gusto kong sumuko sa mga kamay niya pero alam kong ayaw na ng isip ko.


" Ginawa mo naman akong tanga!".


" Wala naman talagang namamagitan samin ni Belle kasi hindi pwede yun".


Ayokong maluha kaya tinawanan ko lang siya at tinignan ng malamig.


" Nagawa mo nakong tanga ng isang beses pasensyahan pero hindi na mauulit".


Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya kaya umiwas agad ako.Dahil pag tumitig pako dun lalo lang akong masasaktan.


" Hindi naman talaga pwede Anica kasi pinsan ko siya! Si Belle ang pinaka-close kong pinsan at parang kapatid ko na siya".Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at parang may nagsasabing totoo nga ang sinabi niya.


" I repeat Joshua, Wag.mo.akong.gawing.tanga"..


Kitang kita ko sa mata niya ang pagiging sincere niya pero ayoko na talaga kasi ayokong masaktan nanaman.Sasagot pa sana siya ng dumating na ang Head at mga ilang minuto nagsimula na ang meeting.


Umurong ako sa pinakadulong parte ng sofa at hindi na siya pinansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa Head.


Pero napapaisip isip ako.Parang nagsasabi siya ng totoo? Pero parang ayokong paniwalaan.


**********


" Baka pwede naman na wag ka ng mag stay in.Kami ng bahala sa pag hatid at sundo mo".


Kanina pako natatawa sa mga kawawa kong Kuya.Ayaw kasi talaga nilang mag stay in ako.


" Nevo kailangan yun ng kapatid niyo".Seryosong sabat ni Mommy kay Kuya.


" Basta wag kang pasaway dun bunso".Dagdag ni Kuya Louise.


Tumango naman ako bilang sagot at sumandal sa balikat ni Kuya Martin.


" Boys hindi naman magpapasaway ang bunso niyo eh.All you have to do is to trust her, okay?".


" Opo Mommy".Napangiti naman ako sa mga Kuya ko.


" Kamusta naman ang school boys?".Natatawang tanong ni Daddy sa mga kuya ko.


Andito kasi kami sa kwarto ng magulang namin kasi yunoow bonding na din.


" Okay naman Di medyo stress lang talaga sa mga subjects pero kinakaya namin ni Kambal".Napatango naman si Di sa sagot ni Kuya Louise.


" Stress na talaga kasi malapit na din yung laban namin tapos mga babaeng makukulit".Natawa naman kami ni Mi sa kadramahan ni Kuya Nevo.


" What about you Nica?".Dun nako kinabahan.


" Okay naman po pero pahirap na ng pahirap ang subjects pero katulad ng mga sinabi ng mga Kuys kinakaya naman".Napatango naman sila Mi at Di.


" Oo nga pala pagkatapos ng mga laban niyo meron tayong pupuntahan with Ezekiel's parent".Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.


" Po? Bakit Mi?".


" Matagal na kasing plano ng Tito Calvin mo kaya ayun".Napatango naman kaming apat.


Pagtapos ng kwentuhan kasama sila Mi at Di dumiretso nako sa kwarto.Sila Kuys naman naglalaro ng X-box.


Agad naman akong nag-online at minessage si Palaka na makikipag-video call ako.Nagsend naman siya ng like kaya agad ko siyang tinawagan.Naka-earphone siya at mukhang nagtatype sa kanyang lapto habang nakatutok sa kanya ang cellphone.


[ Napatawag ka kabute?].


Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.


" Amm diba pag may pinaalam ako sayo ng isang bagay pwede mong malaman?".


Kumunot muna ang noo niya pero nagtatype parin siya.


[ Y-Yeeah! Pero hindi ko sure why?].


Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.


" Pwede mo bang alamin kung sino ba talaga si Belle sa buhay ni Joshua?".Napatigil siya sa pagtatype at tinignan ako ng mabuti.


[ Akala ko ba iiwasan mo na si Joshua?].


" Nagkausap kasi kami kanina sa meeting tapos sinabi niya na nagkakamali lang daw ako ng akala kasi pinsan niya daw si Belle".


Bumuntong hininga siya at tinignan ulit ako.


[ Susubok ka nanaman ba?].


" H-Hindi gusto ko lang talaga malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi".


[ Fine! Pero please Anica kung alam mong masasaktan ka nanaman itigil mo na].


" Promise!".Tumango nalang siya bilang sagot at nagtatype nanaman.Inantay ko nalang siyang matapos.


Mga ilang minuto mukhang nalaman na niya dahil tumingin siya sakin.Bigla naman akong kinabahan sa itsura niya.


" Bakit?".


[ Hindi siya nagsisinungaling sayo kasi pinsan nga talaga niya yung Belle at para nga kay Joshua ang trato niya dito ay parang kapatid].


Natahimik ako ng ilang saglit at hindi ko alam ang gagawin at mukhang napansin yun ni Palaka kasi hinawakan na niya yung cellphone niya.


[ Kabute naman sana ngayon paganahin mo yan parehas.Yung isip at puso moo].


Tinitigan ko naman siya at umakto siya na parang hinahawakan niya yung pisnge ko kaya napangiti ako sa ginawa niya.


" Natatakot naman kasi talaga ako Palaka.Alam mo namang ayaw nila kuya sa kanya diba? Susugal nanaman bako".


[ Hmmm kabute mahal mo nga ata siya eh.Pero ikaw ang nakakaalam kung isusugal mo ba ang dapat o hindi dapat].


" Anong gagawin ko?".


[ I dont know kabute kasi ikaw lang nakakaalam niyan.Pero para sakin wag mo munang intindihin ang ganyang bagay].


" Tama ka".


[ Kasi kung seryoso talaga siya sayo willing siyang mag-antay at ayusin ang problema niya kanila Kuya Nevo].


" Palaka hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.Ang hirap hirap Palaka".Naluluha kong sagot sa kanya kaya nataranta naman siya bigla kaya napangiti ako.


[ Sh!t don't cry! Malapit na naman ang bakasyon.Konting tiis nalang hindi mo na siya makikita.Promise me one thing na ako ang magiging partner mo sa prom].


Tumango nalang ako sa sinabi niya.Sa ngayon hindi ko muna siya iisipin.Makakalimutan niya ako at makakalimutan ko din siya.Kung talagang seryoso siya dun ko lang malalaman kapag naantay niya ako at naayos na niya ang initan nila ng mga kuya ko.


Kailangan kong tanggapin na hindi sa lahat ng oras kailangan magmadali.Kasi may mas worth it na bagay pa ang nag-aantay sakin.


••••••••


Huhuhu sino dito pupunta sa concert ng EXO? Haaay sana ooooll makapunta.


May share ako sainyo share lang naman hahaha😂 Sana walang sumama ang loob dito ah. So yun na nga saming magkakaibigan magkakaiba ang fandom pero walang wars.Supportive kami sa bawat gusto ng isa sa kanilang bias or grupo na gusto.Yung dalawang kaibigan ko Exo-L ( So shout out sa mga EXO L jaan).Tapos yung isa naman Carat ( Shout out sa mga CARAT jan) tapos ako Multi-Fandom hohoho sooo annyeoong!


Tapos yung section namin (EHEEM SHOUT OUT NAMAN SA ST. PEDRO CALUNGSOD!) Halos lahat K-pop at Kdrama fan.Tig-iibang kpop group.


So yun na nga yung dalawang kaibigan ko na Exo-L makakapunta sa concert ng EXO.Tapos yung isa naman na Carat ilang beses ng nakakapunta ng SEVENTEEN.Eh akooo? Huwaaaaaa hahaha hindi paaa kasi yung wallet ko? Ayun walang laman hahaha.


Sooo yun share ko lang hahaha.


Labyuuuuu please dont FORGET to VOTE!


*Rhi*

Comment