Imagination💑


" Bunso dito daw matutulog ang future husband mo".Napatayo ako sa kinauupuan ko at tinignan si Kuya Nevo.


" Panong dito daw matutulog?".


Umupo nalang si Kuya Nevo dito sa tabi ko at inakbayan ako.Nakatambay nanaman kasi ako dito sa sala.


" Sabi ni Mi dito daw muna yung puchur mo.Muntikan pa nga kami mag-away eh.Pano gusto dun sa kwarto mo.Aba! Hindi yun pwede may mga guest room tayo tapos papatulugin sa kwarto mo? Oo nga mapapangasawa mo siya pero nasa Pilipinas siya uuy! Uso magpakahirap para sa babaeng papakasalan niya".


Napabuga nalang ako ng hangin sa mahabang speech ni Kuya Nevo.Anong trip neto ni Kuya at may ganyan ganyan pang nalalaman?


" Kuya hindi pa naman sure kung magpapakasal kami eh.Chka ayoko rin noh sino nagsabi na gusto ko?".


Napairap nalang si Kuya sa sagot ko sa kanya at napailing.Sumandal nalang ako sa balikat ni Kuya Nevo at niyakap siya sa kanyang bewang.


" Oh iho pasok ka pasok".Nagkatinginan kami ni Kuya at sabay na napairap sa kawalan.


Naupo naman siya sa tapat namin ni Kuya kaya lalong humigpit ang pagkakayakap sakin ni Kuya Nevo.


" Ikaw ba ay seryoso sa kapatid ko ah?!".


Nagulat ako ng magsalita si Kuya kaya napatingin nalang ako sa kanya ay nakita ko na nakangiti lang siya samin ni Kuya.Aba hindi man lang matakot.


" Kuya Nevo hindi pa naman kami magpapakasal.Kaya nga uso ang getting to know each other eh".Napairap nalang ako sa sagot niya.Unbelievable! Ang layo ng sagot niya sa tanong ni Kuya.


" Ang tanong ko kung------".


" Syempre naman po seryoso ako sa kanya.Hindi naman ako katulad ng ibang lalake na ang lang ay maglaro".Hindi ako satisfy sa sagot niya at choosy ako!


Pag dating ng gabi halos magwala ang tatlo kong kuya dahil gustong gusto ni Mi na nasa kwarto ko ang aking pochor hasban! Ang sabi naman niya sa mga kuya ko sa sofa siya matutulog kaya mukhang naging okay naman sila kuya.


Aaminin ko kabado ako pakiramdam ko honey---LETCHEE! NO WAY!


Pagkatapos kong mag wash nahiga na agad ako sa kama at nagdasal.Pagkatapos kong magdasal pipikit na sana ako ng may humiga sa tabi ko.Tinignan ko naman siya at nakaharap siya sakin kaya agad akong naglagay ng unan sa gitna.


" Bakit ka anjan? Akala ko ba sa sofa ka?".Dumilat naman siya at tinignan ako ng masama.


" Edi ikaw sa sofa kung gusto mo".Inis niyang sagot kaya buong lakas ko siyang tinulak sa kama at success ako dahil nahulog siya.Ilang beses rin siyang napamura kaya pipikit na sana ako ng humiga nanaman siya sa tabi ko.


" Wag ka ng mag-inarte! Papakasalan mo naman din ako.Chka ano bang iniisip mo? Matutulog lang naman ako ah.Anong akala mo sakin gagalawin kita? Sabi ko sayo diba antayin mo pag kinasal na tayo dun ka kabahan".Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya napatakip nalang ako ng unan kong baymax.


Isang mahabang unan ang nakalagay sa gitna pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinatong iyon sa unan sa gitna.Tumingin naman siya sakin at ngumiti.


" Matulog ka na Goodnight".Ngumiti siya ng matamis at pumikit na.


Napatingin naman ako sa mga kamay namin.Ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay niya na nakapatong sa unan sa gitna.Ewan ko ba nakatulog nalang din ako na nakahawak din ng mahigpit.

Comment