Sa paglipas ng mga araw,
Ligaya sa puso ko'y umaapaw.
Damdaming kay tagal kinubli,
Isiniwalat sa iyong tabi.
Pag-ibig na kay tamis,
Sayang dulot ay pagtangis.
Ngayong puso'y nagwagi,
Hindi na magaatubili.
Mga araw ay tiniis,
Sayang sulit ang pagnanais.
Ligaya ng pobreng puso,
Ay dulot ng pagmamahal mo.