Sa dami ng akala,
Puso ko'y nagtiwala.
Pangako na hatid ay saya,
Lumimot ang siyang nagpaluha.
'Di mapigilan ang pusong palalo.
Umasa sa mga pangako,
Na kailanman'y 'di mabubuo,
Lumuha at sa huli'y tila bigo.
Muling nagbabalik,
Mga ala-alang sabik.
Pagak na napapikit,
Puso'y umaangal sa sakit.
Pagod ma'y 'di alintana,
Sa pag-ibig na ukit ng tadhana.
Nais lamang ay sumaya,
Ngunit tamang panaho'y pinagkakaila.