Ibibigay Niya



Sa mundong mapanghusga,
Ako'y iyong kinaila.
Sa mundong mapagmataas,
Iyong dila'y tumatatas!

Piliin man ang tama,
Kung mali ay siyang tama,
Ano nga ba ang silbi,
Kung ipaglaban ma'y mali?

Sukdulan ang pait,
Ng pagkabigong giit.
Laya mo'y  siyang siniil
Gintong kupita'y pinisil.

Kayo'y nakakakilala sa akin,
Kung kayo'y may dasalin.
Ako'y inyong nababanggit.
Kung kahilingan ay umaawit.

Mali man ang nagawa,
Matutong magpatawad.
Pag-alala ang siyang tama,
Isapuso siyang dapat.

#GodProvide

Please visit my Facebook page: Belles-lettres
Link: https://web.facebook.com/belleslettre

Comment