Balik-tanawin

Damdamin ay naglaho,
Larawa'y biglang tinago.
Lumipas na'ng sakit na naitago,
Luha'y 'di na muling tumulo.


Anong sabihin ay 'di na makikinig,
Humarap sa salamin kahit pa tumitig.
Sa'yong halina'y 'di na padadaig,
Kahit dati ang mundo ko'y niyanig.


Sumugal sa'yo ay hindi na,
Ayoko nang masira pa.
Bumalik ka man ay hindi na,
Pilit mang ibalik ako'y sawa na.

Please visit my Facebook page: Belles-lettres
Link: https://web.facebook.com/belleslettre

Comment