Puso ko ma'y nasasaktan
Pakiramdam ay 'di matatakasan.
Humilom sa nagdaang panahon
Umibig pag may pagkakataon.
Tila'y 'di natuturuan
Ang pusong sugatan.
Subukan mang tapalan
Bukang bibig ang ngalan.
Ano nga ba't ika'y na-iiba?
Damdamin ba natin ay iisa?
Maghintay ay 'di iindahin
Huwag mo sanang paasahin.
Sa dinamirami bakit nga ba ikaw?
Tila ako'y isang dalagang uhaw.
Pag-ibig nga ba itong nag-uumapaw?
Bakit ang luha ko'y tila mababaw?