Narito ako, sa lahat ng paano.

Sa ilang beses na pagkabigo,
Isang daang ulit kitang hihikayatin.
Sa ilang beses na kasinungalingan,
Dalawang daang beses kitang paniniwalaan.


Ilang beses na pagbagsak,
Tatlong daang beses kitang iaangat.
Ilang beses na kalungkutan,
Apat na raang beses kitang pasasayahin.


Kung minsan pakiramdam mo,
Walang dumaramay sa 'yo.
Pero sa pagkakataong ito,
Naririto lamang ako para sa 'yo.


Hindi mo batid,
Iyong luha'y pinahid.
Tumindi man ang balakid,
Sa puso ko'y 'di lingid.


Umasa kang ika'y sasamahan.
Kahit may kahit na at kahit pa.
Sa hinagpis ikaw'y dadamayan.
Narito ako higit sa tuwina.


Narito ako,
Kaibigan at karamay mo.
Sa kahit na ano,
Narito ako, sa lahat ng paano.

Comment