31

Den's POV

Nag di-dinner kami ngayon ni Aly with his Dad. Tahimik lang kaming tatlo. Anyway, tito and I became close noong natapos siya sa therapy. Nag improve naman siya and hindi niya na sinasaktan si Aly. Noong nalaman niya nga na buntis ako, siya pa nag offer na dito na ako tumuloy para maalagaan and noong nakunan ako, he was really mad sa mom ko to the point na hindi niya hinayaan na makalapit ulit sa akin si Mom.

Yeah, hindi na kami nag uusap ni Mom, si Dad naman, nakaka usap ko siya sa phone minsan, si Jus naman nakikita ko sa hospital, neurosurgeon siya. Nag uusap parin kami pero sobrang busy kami parehas.

"So.. how was your day?" Umpisa ni Tito.

"Exhausting." Sagot ni Aly.

"Tiring." Sagot ko naman.

He smiled at us. Hindi nagbabanggit si Tito about sa marriage namin ni Aly or kung plano ba namin magka baby ulit. Ewan? Siguro ayaw niyang may masabi na ikakalungkot namin.

"Den.." tawag sa akin ni Aly.

"Hmm?"

"May tinatanong si Dad."

"Ay, sorry po. May iniisip lang." Sabi ko.

"I see. As I was saying. I'm wondering bakit nasa hospital si Sam the other day? Ginulo ka ba niya?"

"Uhm. No po. Nagpa check up lang siya."

"Oh? She's pregnant?"

"Yes po. 6 weeks." Sabi ko at tumingin kay Aly.

Si Aly naman, chill lang na kumakain ng dinner at nakikinig sa usapan namin. Oo nga pala, alam ni Tito na hindi kami okay ni Sam dahil sa ginawa niya noon dito sa bahay, she tried to seduce Aly habang lasing si Aly. Buti at naabutan ko yon! Kung hindi! Oh ano? Bakit? Napigilan mo ba nung nabuntis na si Sam? Oh my God! Pinaalala mo pa.

"Ohh." Sabi ni Tito at tumingin kay Aly.

"Why?" Tanong ni Aly.

Umiling-iling lang si Tito at nagpatuloy kumain hanggang makatapos kami.

----

After dinner, dumiretso na agad ako sa kwarto at nanood muna sa netflix. Naiwan pa si Aly at si Tito sa dining room. Nag uusap kasi sila about sa business and wala namang akong interest doon.

"Oh, kala ko nag sleep ka na eh." Sabi ni Aly na kapapasok lang ng kwarto.

Di ko siya iniimik dahil naiinis parin ako. Hindi manlang siya nagsabi kung anong gagawin niya? Kung pipiliin niya ba si Sam? Ah basta!

"Den, may problema ba?" Hindi ko parin siya sinasagot.

"Dennise, what's wrong? Noong Saturday ka pa ganyan. Ano nangyari?" Tanong niya ulit at sumiksik sa akin.

Umusog naman ako papalayo. Ano bang trip nito?

"Mahuhulog ka kaka usog mo." Sabi niya.

Umusog pa ako hanggang sa muntik na nga akong mahulog pero nahawakan naman ako ni Aly sa bewang ko at hinila palapit sakanya.

"Anong plano mo kay Sam?" Tanong ko.

"Ano namang meron kay Sam?" Tanong niya rin.

"Buntis si Sam."

"Oh? Ano naman ngayon?"

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Hindi ko ma-gets, Den. Bakit naman natin pag uusapan si Sam?"

"Kasi nabuntis mo siya."

"Ha?"

"Uulitin ko pa?"

"Kanino naman nanggaling 'yan? Sino nagkwento sa'yo?"

"Ewan ko sa'yo." Inis kong sabi.

"Den, hindi naman ako yung tatay nung anak niya. Kaya ano namang kinalaman natin sakanila?"

"Idedeny mo pa?"

"Anong idedeny ko naman?"

"Yung kay Sam."

"Den naman. If ayaw mong maniwala, you should ask her since pasyente mo naman siya." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nakaka inis. Alam kong dapat maniwala ako kay Aly, pero bakit ganon? Bakit parang gusto kong marinig mismo kay Sam? May tiwala naman ako kay Aly, siguro nag o-overthink lang ako dahil mag ex sila at may contact pa sila sa isa't-isa. Sinong hindi magdududa 'di ba?

___________________________________________

A/N: Good morning, I guess? Kamusta naman kayo? Na-miss niyo ba ako, miloves? Kasi ako, na-miss ko rin kayo.

Anyway, shoutout kay Stas. Salamat sa pag papahiram ng pangalan para sa next story ko. Pag iisipan ko pa. LOL. Magpaka bait ka na.

Comment