15

Den's POV


Lately nag aaya si Yeye mag gala kung saan saan. Reason niya? Pupunta daw kasi siyang States para sa girlfriend niya. Since vacation naman na next week, kaya pinayagan siya ng parents niya. Akalain niyo yon? Nakatapos na naman kami ng isang year. Tapos neto 3rd year na kami.


"Oh, I bought you lunch." -Yeye.


"Salamat!" Sabi ko naman.


Nakita ko si Aly na nasa kabilang table dito sa caf. Kasama niya si Greek. Okay na ulit sila? Oo nga pala, nakalimutan ko itanong kung bakit di na sila magkasama nung nakaraan.


"Hi Den!" Bati sa akin ni Greek.


Nginitian ko naman siya tapos tinignan ko si Aly. Netong mga nakaraan di na kami nagkikita dahil nga kay Yeye. Wala rin naman akong number ni Aly dahil ayaw niyang ibigay sakin. Wala din naman daw siyang social media account bukod sa email. Lumang tao yata to eh.


"Oy, Greek, Aly." Bati ni Yeye doon sa dalawa.


Naupo naman sa tapat ko si Yeye, nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng libro na pinahiram sa akin ni Ella.


"Kumain ka kaya muna?" Saway sa akin ni Yeye.


Di ko siya pinansin at patuloy parin sa pagbabasa.


"Dennise. Say ah." Sabi na naman ni Yeye.


Napatingin naman ako sakanya, may hawak siyang spoon na may nakalagay na pagkain.


"Kaya ko naman." Natatawa kong sabi.


"Sige na, ako na muna bahala sayo dahil ayaw mo kumain, susubuan nalang kita na parang baby." Pang aasar sa akin ni Yeye.


Wala na nga akong nagawa at sinubuan niya na ako. Wala namang issue sa akin yon, sobrang close talaga kami ni Yeye, alam niyo naman yan diba? Unang chapter palang.


"Grabe, kailangan talaga subuan?" Saway sa amin ni Ella nang maupo siya sa tabi ko.


"Ayaw kumain eh." Sagot ni Yeye.


"Den, jusko. Susungalngalin kita pag di mo itinigil yang pagbabasa mo." Sabi ni Ella.


Itinabi ko muna yung libro na hawak ko dahil lahat ng sinasabi ni Ella, ginagawa niya.


"Oh, diba? Easy." -Ella.


Kinuha ko naman yung pagkain kay Yeye at ako na mismo ang nag asikaso sa sarili ko. Grabe, mami-miss ko 'to si Yeye. Kahit na babalik rin naman siya dito, pero kasi dati kapag bakasyon, nagroroadtrip kaming tatlo.


"Di ka talaga aayos ng pag kain mo?" Saway sa akin ni Ella. Parang nanay naman to.


"Kumakain naman ako ng maayos. Ano lang kasi, naisip ko. Sa bakasyon, di na tayo makakapag roadtrip nila Yeye." Sabi ko.


Napatingin naman sa akin si Yeye. I know, priorities. Hindi naman namin pwedeng pigilan si Yeye dahil magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Pero kasi, nasanay kasi ako na lagi siyang nandito.


"Ano ka ba, Den. Makakapag long ride parin naman tayo. Uuwi ako dito mga 2 weeks before pasukan para makapag roadtrip tayo. Gusto mo mamaya mag roadtrip tayo nila Ella." Nakangiting sabi ni Yeye.


"Eh paano yung flight mo?" Tanong ko.


"Sa isang araw pa naman yon." Sagot sa akin ni Yeye.


"Seryoso?" Tanong ko na parang bata.


"Oo nga. Magready na kayo mamaya. Diretso alis tayo after ng dismissal." Sabi niya.


"Saan tayo pupunta?"


"Kahit saan, wala tayong destination."


"Mag north tayo. Baguio?" Suggest ni Ella.


"Oo, pwede rin. Tapos overnight nalang tayo sa hotel tas kinabukasan balik tayo Manila." Nakangiting sabi ni Yeye.


"Paano yung damit ko?" Tanong ko.


"Overnight lang naman. Di naman tayo mag stay don ng matagal, edi mamaya bibili tayo ng pantulog natin tsaka jackets." Sagot sa akin ni Yeye.


Natuwa naman ako sa sinabi niya at tinext si Jus na mag gagala kami nila Yeye. Ganon kaming dalawa ni Jus, lagi namin tinetext yung isa't isa if may lakad kami.


--**--
Ella's POV


Kanina ko pa napapansin yung pag nakaw tingin ni Aly dito sa katabi ko. Ganon na ba sila ka-close? Wala kasong nakukwento itong si Denden. Ang alam lang namin, nagkaka usap na sila ni Aly. Pero more than that? Wala na.


"Baka matunaw si Aly." Saway sa akin ni Yeye.


"Sira. Napatitig lang naman ako." Sabi ko naman.


Nilingon ko si Denden at busy na ulit siya sa pagbabasa.


"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Greek kay Aly.


"Practice?" Sagot naman ni Aly at naglakad na palabas ng caf.


Hindi naman ako chismosa, rinig ko lang talaga yung usapan nila kasi nasa kabilang table lang naman sila. Nagulat naman ako nung biglang tumayo 'tong katabi ko.


"Oh, ano namang problema mo?" Tanong ko.


"Ano oras na?" Tanong niya. Ang galing.


"2 pm?"


"Shit! May klase pa ako! Bakit di niyo ko sinabihan?" Tanong niya.


Anong trip nito? Siya 'tong ayaw magpa istorbo kanina sa pagbabasa niya ng libro eh.


"Umalis ka na nga, nang gigigil ako sayo eh. Sige na, magkita nalang tayo mamaya." Sabi ko sakanya.


Naglakad naman siya palabas ng caf. Natatawa lang si Yeye dahil sa nangyari.


"Gusto mo parin ba si Den? Umamin ka nga."


"Ella.."


"Ano?"


"Dati yon. Nag usap naman na kami about don and tanggap ko na friends lang kami. Tsaka magiging ninang ka na oh!"


"Ewan ko sayo, Yeye. Ayusin mo buhay mo ha."


"Oo naman, ano ka ba? Excited na nga akong makita yung dalawa kong baby."


"Dalawang baby?"


"Oo, si Cha at si --- nag iisip pa kami ng name." Sabi niya sa akin.


(A/N: pasensya ka na, Cha Cruz-Behag. Wala akong maisip na maipares kay Yeye.)


"Ewan ko sayo, Yeye. Pero buhay mo naman yan and I'm so proud of you kasi mas pinili mong panagutan kaysa tumakbo ka."


"Malamang, Ells. Pero naisip ko rin yon nung una. Natakot ako. Pero ako rin naman yung may kagagawan."


"Basta ha?! Wag mo ko kakalimutan sa binyag, sarapan niyo yung ihahanda." Biro ko sakanya.


Anyway, sa pagkaka alam ko, 5 months na yung baby sa tiyan ng girlfriend niya and naka focus sila sa check up lagi. Nakaka awa nga minsan si Yeye kasi inaaway na siya ni Cha, kaya kapag nagkakaroon ng break sa school, kahit 3 days break, talagang pumupunta siyang States. Ginagawa niyang Batangas ang States.


--**--
Den's POV


Hindi na ako naka attend sa klase ko dahil nga late na ako, so I decided na puntahan si Aly sa music room at guluhin siya doon.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pagka pasok ko.


"Bawal ka na ba bisitahin?"


Di siya sumagot. Naupo naman ako sa tapat niya. Himala, di siya tumutugtog ngayon.


"Tahimik mo yata?" Tanong ko.


"Pagod lang." Sagot niya.


"I see. Anyway, bati na kayo ni Greek?"


"Ha?"


"Magkasama na ulit kayo eh."


"Ah, oo."


"So, bakit kayo nag-away in the first place?"


"Because of.. nevermind."


"Boo. Corny. Ikwento mo na."


"Pinipilit niya kasi akong tumugtog sa party ng lolo niya. Eh sabi ko nga ayoko. Tapos mapilit parin siya. Edi nainis ako, sinabi ko sakanya na parang di niya alam yung reason kung bakit ayaw ko na tumugtog. Then nagalit naman siya, sabi niya 'lagi mong ginagamit yang reason mo na yan. You should move on. Tanggapin mo na ganon talaga ang buhay. Wag mo na pahirapan yung sarili mo. Ako na naaawa sayo.' Sabi ko naman di ko kailangan nung awa niya, tapos yon, nag walk out siya." Kwento sa akin ni Aly.


"Oh, tapos, paano kayo nagka ayos?"


"Nagkasalubong kami sa parking lot. Tapos inabutan niya ako ng hot choco. Tapos yon na, ayos na ulit kami."


"I see."


"So, bakit ka nandito?"


"Kasi na late ako sa klase, tsaka ang kapal mo ha?! Ikaw nga di ka umattend."


"Last day naman na."


"Oh? Ano naman?"


"Hindi na magtuturo."


"Sabagay. Ewan ko ba bakit may klase pang nalalaman." Sabi ko.


"Ly. I have a question. I know honest ka namang tao."


"Hmm?"


"When will I meet your parents? Kahit Dad mo or Mommy mo nalang." I asked.


He chuckled. "Oh God, Maddie will be shocked if ever."


I thought chuckling is for dumb people? But please smile and laugh more, Aly. It suits you.


"You chuckled." Banggit ko.


Kumunot naman yung noo niya.


"It suits you, Aly. You should smile and laugh more." I said.


"Anyway, I'll let you meet Maddie first. Since I already met your sister." He said.


"Fine with me. Kung saan ka comfortable." I said.


"Alright. Next week. Uhm. Can I ask a little favor?"


"Sure ano yon? May dapat ba akong bilhin?"


"Uhm. No. Maddie's an introvert, so please, refrain yourself from asking alot of questions and please, wag mong iisipin na hindi ka niya gustong makilala, it's just that... You know what I mean naman." He said.


"Pag kapatid mo pala, napapahaba yung sinasabi mo. Don't worry, Ly. Ikaw lang naman yung lagi kong kinukulit eh." I smiled.


I heard him sigh.


"Should I give you a hug? Matagal din tayong di magkikita." I asked.


"Yeah. Sure." He said.


Niyakap ko nalang siya. Mamimiss ko 'to, kahit next week magkikita kami.


"Why are you so patient with me, Den?"


"Ano ka ba? I-enjoy mo nalang."


"I'm curious."


"Kasi sabi ko diba, at your own pace. Hindi kita pipilitin sa kung ano-anong bagay na hindi ka naman comfortable, tsaka, sabihin mo rin sakin pag di ka comfortable, para naman alam ko." I said.


I can feel his body relaxed with my hug. I smiled knowing that I'm accomplishing something. Feel ko malapit na 'kong tuluyan na makapasok sa buhay ni Aly.


After ng ilang oras, nagpaalam na ako dahil aalis nga kami nila Yeye. Nag exchange na kami ng numbers ni Aly dahil paano niya ako co-contactin next week, diba?

Comment