30

Den's POV

Today is monday. Ngayon ko rin mami-meet si Sam after ng ilang years na hindi kami nagkita. Akalain mo 'yon? May contact pa pala sila ni Aly?

"Hi." Bati ni Sam na kapapasok lang.

I smiled, awkward smile pa nga. Awkward naman kasi? Boyfriend ko 'yung tatay niyang dinadala niya. Paano naisingit ni Aly 'yon sa sched niya? Motivation reveal po sana, Aly.

"So, why did you want to meet me?" Tanong ko.

Anyway, hindi ko gaano kinikibo si Aly nung mga nakaraang araw. Nabubwisit parin kasi ako.

"Ah, 'yun nga. Hindi ba sinabi ni Aly?"

"Na?"

"I want you to be my OB."

"Ha?"

Ang kapal ng mukha!

"Kasi Aly suggested na ikaw ang pinaka magaling sa field ng OB dito sa hospital that's why nagpatulong ako sakanya na magpa sched sa'yo."

"I see. Hindi naman kita pwedeng tanggihan, so I think I'll schedule you for another visit next month. Okay naman yung lab results mo." Sabi ko at tumingin sa monitor ko.

Nandoon kasi yung lab results ni Sam. 6 weeks pregnant... Tinignan ko yung assistant ko at sinabi yung next schedule ni Sam. Tapos non nagpaalam na si Sam na babalik nalang siya sa mismong sched niya.

Marami pang pumasok na patient para sa check up, yung iba malungkot yung iba masaya. Pero my mind was too preoccupied with other matters.
 

___________________________________________

A/N: anuna, Aly?

Comment