16

Den's POV


Nasa Baguio na kami ngayon. Magkakasama kami sa iisang kwarto since wala namang issue sa amin yon. Wala namang gagawing masama sa amin si Yeye, baka si Ella, pwede pa. Joke! Kumuha lang kami ng kwarto na may tatlong kama. 2 am kami nakarating dito, si Yeye tulog na. Si Ella naman, nanonood pa ng tv. Yun lang yata pinunta niya dito. Pero mas okay rin 'to, para bukas tulog siya sa biyahe, walang magulo.


"Kanina mo pa 'ko tinitignan, may sasabihin ka ba?" Tanong ni Ella habang nakatingin parin sa tv.


"Wala."


"Weh?"


"Oo nga, kulit."


"So ano nga sasabihin mo?"


"Ella."


"Besh?"


"Sabing wala nga."


"Besh, ngayon ka pa ba maglilihim? Kala ko ba bestfriend tayo?"


"Bestfriend card pag may gusto malaman eh no?"


"Ikwento mo na kasi."


"It's about Aly."


"Naknang! Sabi na eh! So, anong ganap?" Inalis niya na yung tingin niya sa tv at humarap sa akin.


"Uhm. Mukhang close na kami."


"Mukha lang??? Lagi nga kayong magkasama?"


"OA mo sa lagi ha!"


"Pero ano nga? Yun lang? Close lang?"


"Uhm. Mukhang komportable na siya sa skinship kasi ilang beses niya na akong hinihingian ng hug."


"H-ha?! Nag hug na kayo? Nako Denden, baka mabuntis ka na niyan ha!" Pang aasar niya sa akin kaya binato ko siya ng unan.


"Ano ako, bata?"


"Pero seryoso ha? Ano ba tingin mo kay Aly? I mean, gusto mo ba siya like jojowain type? Or trip mo lang siya kasi nachachallenge ka sakanya?"


"Wag kang tatawa ha."


"Ano ba yon?"


"Crush ko kasi siya?" Tinitignan ko si Ella nung sinabi ko yon.


Bigla naman siyang humaglpak ng tawa. Narinig kong gumalaw si Yeye sa kabilang kama, siguro nagulat.


"Besh! Napaka mo."


"Besh, crush? Ano ka, high school?! Magdodoktor ka na, pero naniniwala ka pa sa crush?"


"Wow ha! Sana di nalang ako nagkwento sayong bwisit ka."


"Okay, serious na. So, crush mo siya? Ibig sabihin pwede pag mag grow yan?"


"Oo? Ewan? Depende besh. Pag nagpakita ng motibo, ganon?"


"Wow, siguro pumasa sa standard mo si Aly? Kaya ka ganyan?"


"What do you mean?"


"Remember nung tinanong kita one time kung bakit ang bilis mo mapa-payag ng date? Kunwari si Myco inaya ka mag date bukas, papayag ka agad, tapos sa isang bukas si LA, tapos next si ano tapos so on and so on and so on. Diba, sabi mo sa akin noon, hinahanap mo kasi yung standard mo? Ano ba yung standard mo?"


"Uhm..."


"Ano?"


"Baka di ka maniwala?"


"Ngayon pa ba?"


"Ano kasi... Yung standard ko is someone I can call my tahanan?"


"HA?! Ano kamo? Kailan ka pa naging ganyan? Ano nalang yung sinasabi mo sa amin noon na hindi ikaw yung taong gusto yung ikakasal ka? Ganon? Ayaw mo nga magkapamilya, Den? Tapos ang standard mo is someone you can call your tahanan?"


"Ayoko parin naman talaga magkaroon ng pamilya, Besh. I swear. Basta gusto ko lang ng makakapartner ko sa buhay."


"Okay, kahit magulo, iintindihin ko. So, nahanap mo na ba yang tahanan na yan?" Tanong niya.


"Wala pa."


"I hope you find your tahanan, soon." Sabi ni Ella.


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bihira kami magka usap ng ganito ni Ella dahil madalas talaga nauuwi kami sa bardagulan. Ewan ko ba dito.

Comment