20

Den's POV


Today is rest day, nag usap kami ni Aly yesterday na pupunta siya dito sa bahay to hangout with me. Inupdate niya naman ako kanina, sabi niya papunta na siya. So, here I am, waiting sakanya dito sa living room. Anyway, lately napapansin ko na hindi na nag-aaway yung parents ko pag nandito sa bahay. World peace na ba ito? Si Jus, wala siyang binabanggit dahil alam niyo naman yon, sobrang busy sa buhay. Nag INTARMED kasi. Ako? Heto, pachill-chill parin. Ine-enjoy ang college days.


Anyway! May pumipindot na sa doorbell, sure ako si Aly na yon. Pinapahiram ko nga sakanya kagabi yung susi ng gate kasi sabi ko baka di ko siya mapansin, pero sabi niya, magdo-doorbell daw siya ng paulit-ulit. Ang kulit di ba? Lumakad ako papunta sa gate at binuksan yon. Nagulat naman ako nung nakita ko si Yeye instead of Aly.


"Ye! Napadaan ka."


"Ay oo, drop ko lang 'tong pinabibigay ni Mommy." Sabi naman niya at may inabot na naka paper bag.


Tinanggap ko naman yon, mamaya ko nalang iche-check yung laman.


"Thank you! Pasok ka muna?"


"Hindi na, pupunta pa ko kay Ella. Sabi ni Mommy pala, paghatian niyo nalang ni Jus yan. May name niyo rin naman daw yung iba." Sabi ni Yeye at nginitian ako.


Napangiti rin ako. Yuuup! Close kami sa parents ni Yeye, kaya pag nag a-abroad sila, pagbalik dito, lagi kaming may pasalubong. Maya-maya, sumakay na si Yeye sa kotse niya. Nakita ko naman si Aly na kabababa lang ng kotse niya.


"Open ko yung malaking gate, dito ka na sa loob mag park." Alok ko kay Aly.


"Hindi na. Dito nalang sa labas." Sabi niya.


"Sure ka? Wala bang mawawala diyan?"


"As if naman may magnanakaw sa exclusive subdivision?"


"Meron. Siyempre?" Natatawa kong sabi.


Siraulo yata to? Masyadong tiwala sa guards sa may entrance ng subdivision.


"Okay na yan. May dashcam naman yan tsaka may cctv naman kayo sa gate." Sabi niya pa.


Di na ako nakipagtalo at isinama na siya papasok sa bahay. Oo nga pala, kaming dalawa lang ngayon dito. Oh, ano na naman? Wala? Sinabi ko lang.


"Kumain ka na?" Tanong niya sakin.


Naupo kami sa sofa.


"Hindi pa, ikaw ba? Gusto mo magpa deliver nalang tayo."


"Hindi na, magluluto nalang ako. May laman naman siguro ref niyo?" Sabi niya.


"Oo meron naman, kagagaling lang ni Ate Lan sa grocery kahapon." Sabi ko naman.


Si Ate Lan, siya yung cleaning lady namin dito sa bahay. Hindi siya nag i-stay dito dahil thrice a week lang naman siya need dito. Siya rin yung in-charge sa pagbili ng groceries every week. Anyway, kaya hindi stay-in si Ate Lan kasi nga, wala rin namang gaanong need gawin dito sa bahay, linis lang tapos check lang ng stocks, magplantsa ganern. Di naman siya nagluluto kasi pag umuwi na yung parents namin, si Daddy ang nagluluto ng dinner, tapos minsan si Jus pero most of the time, sa labas ako kumakain.


"So, anong iluluto mo?" Tanong ko.


"Carbonara?"


"May cream yon eh." Sabi ko.


"Ha? Anong may cream?"


"Yung carbonara. Di ba may white sauce yon?" Sabi ko ulit.


"Ha? Sure ka ba na carbonara yon? Hindi sopas?"


"Pasta ng spaghetti yung gamit tapos sopas, okay ka lang?" Depensa ko naman.


"Never heard of carbonara na may cream..." He said.


"So, ano nga?"


"Carbonara nga, pero walang cream yon. Egg yolks lang yon alam ko eh." Sabi niya ulit.


Pumunta na kami sa kitchen. Tinignan niya yung laman ng ref at inilabas yung need niya sigurong ingredients. Napa isip tuloy ako, ibang carbonara yata nakain ko, baka nga sopas? Tignan mo, pati ikaw nag d-doubt. Eh kasi si Aly eh. Naka try na ko ng carbonara sa Shakey's, Pizza Hut tsaka Greenwich, pero may cream yung carbonara nila. That's why di ko na natripan yung carbonara.


Pinapanood ko lang magluto si Aly.


"Saan ka natuto mag luto?" Tanong ko.


"Ah, self taught. Nanood ng videos sa youtube, tapos practice practice."


"Oh, bakit mo naman inaral yung pagluluto?"


"Because of Maddie. Walang mag-aalaga sakanya noon, nung ipina rehab si Mom."


"Oh, I see. So, ibig sabihin, nakasama niyo sa iisang bahay yung Daddy niyo?" Sabi ko naman.


"Oo. Mga 2 years. Tapos non, nung nakalabas na ng rehab si Mom, kinuha niya si Maddie, dapat kasama ako pero kasi yun yung napagkasunduan nila, na ako maiiwan kay Dad, si Maddie kay Mom. Okay rin naman sakin kasi paano kung nagpalit kami ng place ni Maddie, siya naiwan kay Dad, tapos ako kay Mom, baka di niya kayanin."


"Aware ba yung Mommy mo sa nangyayari sayo?"


"Siyempre, hindi. Tsaka if alam man niya, I think wala rin naman siyang gagawin. She hates us, Den. Ayaw niya samin ni Maddie. Napilitan lang siya, may point naman siya, nasa peak siya ng career niya noon eh, pero my Dad entered her life and he ruined everything na plano ni Mom para sa sarili niya. At first they tried to make it work kaya dumating si Maddie, pero after ng ilang try pa, di na nila kinaya, they ended it. Mom became addicted noon sa alcohol kaya pinarehab siya ni Dad. Tapos yon na, alam mo naman na mga kasunod na kwento." He said.


"Thank you, Aly."


"Ano ka ba? Carbonara lang niluluto ko."


"No, thank you kasi nagkukwento ka sa akin."


"Malamang? Alam ko naman na gusto mo kong makilala, and I want to get to know you too."


"Parang alam mo naman na yata lahat sakin?"


"Hindi naman?"


"Weh? Okay, ask me anything."


"Your parents. Since when pa sila nag-aaway?"


"Nung high school, I think. May mga away rin sila noong elementary ako, pero di yon gaya noong nag high school ako. Everyday na sila nag-aaway. You think magdidivorce sila?"


"Hindi yan."


"Paano mo naman nasabi?"


"Kasi, I can see noong nag-aaway sila, they still care for each other, lalo na yung Daddy mo, nilalagyan niya ng food yung plate ng Mommy mo kahit na nagsasagutan sila sa harap natin. My parents, malayo sila sa ganon. They fight noon and laging may basag na vase sa bahay, minsan basag yung mga salamin. Parang dinaanan ng bagyo. Tapos non nagdecide sila mag divorce, una di ko magets kasi siyempre, bata pa ako. Sa bahay niyo naman, hindi naman ganon. Try to observe."


"Sure ka ba talaga?"


"Oo nga, Den. Try to observe them."


"Lately kasi, di na sila nag-aaway. Baka mamaya naman kasi nagdecide na pala silang ceasefire pero magf-file na ng divorce."


Aly smiled at me, inilagay niya na sa harap ko yung plate na may lamang carbonara. Sabay kaming kumain.


"Diba yun naman yung wish mo?"


"Ang alin?"


"Divorce? Or hiwalay?"


"Oo. Pero alam mo yon, at the end of the day, gusto ko parin sila nakikitang magkasama. Wala nga lang dapat yung away."


"Trust them, Den. Kasi, kung maghihiwalay sila, dapat noon pa. Tignan mo oh, College na kayo parehas ni Jus pero nagsasama parin sila. Baka kulang lang sa ano."


"Saan?" Ngumiti na naman si Aly.


"Bastos ka!" Sabi ko ulit nung nagets ko yung sinasabi niyang ano.


"Anong bastos sa lambing?" He said.


Natawa ako sakanya. Namumula yung tenga niya.


"Gusto mo lambingin din kita?"


"H-ha?"


"Dali na, baka kulang ka rin non kaya masungit ka sakin."


"Ng ano?"


"Ng lambing." Natawa ako dahil namumula na talaga siya.


Tignan mo 'to, siya nag umpisa tapos siya rin mabibiktima ng kalokohan niya.


Pagtapos kumain, naghugas na si Aly ng pinagkainan namin at mga ginamit. Tapos non, inaya ko siya sa kwarto ko para manood kami sa netflix.


"Anong gusto mong gawin sa 25th birthday mo?" Tanong ko kay Aly.


Naka higa kami ngayon sa kama ko, nakasandal yung ulo ko sa chest niya.


"21 palang naman ako."


"KJ naman neto. Dali na, 25th birthday."


"Hmm. Baka I'll find my happiness that day."


"Malamang, birthday mo yon. So tell me, anong plano yan ha?"


"Secret."


"Magiging happy ka ba talaga non? I mean, gusto ko naman maging happy ka."


"I'll be the happiest. Anyway, I am happy, being with you makes me happy."


"Bolero! Bakit di mo kasi ako ininvite nung 21st birthday mo?"


"Nag work lang ako non."


"Madaya. Sa 22nd birthday mo, dapat nandon ako! Ako magp-prepare!"


"Whatever floats your boat."


"Promise me!"


"Oo na, promise."


"Gusto ko, ako laging kasama mo sa birthdays mo."


"Wow ha? Demanding mo."


"Bakit? May iba ka bang gustong kasama sa birthday mo?"


"Si Maddie, siyempre."


"Okay, bukod kay Maddie."


"Wala na. Sige na, kasama ka na lagi sa birthday ko."


"Umaangal ka?"


"Siyempre... Ano pong maipaglilingkod ko sainyo mahal na prinsesa."


"Bwisit ka talaga. Ewan ko sayo." Natatawa kong sabi.


Nag cuddle lang kami sa kwarto ko, natatawa pa ako nung una sakanya kasi ayaw na ayaw niya talaga ng cuddles pero maya-maya naman nakatulog siya habang yakap-yakap ko siya, big baby.


"I really hope you'll be happier, soon. Yung tipong wala ka ng ibang iintindihin sa buhay mo. Live your life to the fullest, my love." Bulong ko kay Aly.


Grabe ang himbing ng tulog ng baby na 'to.

Comment