21

Den's POV

Nasa cafe ako ngayon para magreview. Hindi sa cafe ni Fille dahil punuan doon at wala akong mahanap na pwesto. Kung mag iintay pa ako, baka di ko na matapos yung mga irereview ko. Buti nga nakahanap ako ng pwesto dito sa kabilang cafe. Hindi ako nagrereview sa bahay kasi tatamarin lang ako at mahihiga nalang ako buong maghapon. Anyway, di ko kasama si Aly kasi pinatawag siya ng Dad niya.

"Hey, pa share ako ha." Napatingin naman ako don sa nagsalita.

"Sige, go ahead." Sagot ko naman.

"Tapos ka na magstudy?" Tanong niya at kinain na yung slice ng cake niya.

"Oo, katatapos lang. Magchichill nalang ako ngayon bago umuwi." Sagot ko at tumingin sa wristwatch ko.

Maaga pa naman pala, di pa ko mahihirapan umuwi nito.

"Good to know. Anyway, di mo yata kasama si Aly ngayon?" Sabi niya.

"Ah, pinatawag kasi ng Dad niya. Anyway, Greek. Gaano ka ka-close kay Aly?"

"I see. Ha? Close na close. Bakit?"

"Hindi kasi sinasabi sa akin ni Aly 'to, tinanong ko kasi sakanya kung kaano-ano niya si Sam."

"Ha? Eh bakit sa akin mo itatanong yan?"

"Kasi madaldal ka." Natatawa kong sabi.

Totoo naman kasi. Napaka outgoing niyang tao, pag may nag greet sakanya sa campus, ig-greet niya rin, minsan siya pa unang nag a-approach.

"Dapat na yata akong ma-hurt."

"Grabe naman, dali na. Gusto ko kasi malaman."

"Bakit muna?"

"Okay. Nung nakaraan kasi, nakita namin sila sa caf. Tapos---"

"Nagselos ka? Dapat lang." Pag putol sa akin ni Greek.

"Patapusin mo muna ako. Bago ka humirit, diba?"

"Okay. Sorry, go."

"Tapos nung una nag uusap sila, si Sam lang pala nagsasalita, si Aly naka upo lang nakikinig, alam mo naman siguro laging itsura ni Aly pag may nagkukwento diba? Observe lang ganon. Tapos maya-maya, narinig naming sumigaw si Aly. Tapos nagwalk out siya. Tinawanan lang naman siya ni Sam. So, ako. Humabol ako kay Aly tapos naabutan ko siya sa rooftop, sa may edge. Di ko alam kung tatalon ba siya or what. Pero pinigilan ko siya at pinababa. So, na curious ako na anong meron kay Sam at naging ganon si Aly?" Kwento ko.

Napatingin naman sa akin si Greek, seryoso siya. Ano ba 'to? Ano ba sila? Arranged marriage, ganon? Sana naman hindi di ba?

"Okay, sige. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Sam kay Aly pero sure ako na personal yon."

"So, ano nga sila?"

"Kung padadaliin, ex lovers."

"Ha? So, may complicated pa?"

"Bestfriends kaming tatlo dati. Then nagkagustuhan sila because of their parents, pinupush sila. Tinry nila. Ayos naman sila dati eh. Kaso, Sam left Aly when he was vulnerable. Open si Aly sa mga nangyayari sa buhay niya, ang swerte nga noon ni Sam kasi parang lahat ng nangyayari kay Aly, siya unang nakaka alam, tapos tsaka lang ako sasabihan pag di nila maayos or naayos na nila."

"So, you mean alam ni Sam yung mga ginagawa ng Dad ni Aly?"

"Oo, alam niya. Nakita niya pa nga. Si Tito, never niya naman sinaktan si Aly sa harap ng ibang tao. He wants to have this good father image sa mata ng lahat. Pero, nakita yon ni Sam one time nung pumunta siya sa bahay nila Aly. Pero yon nga, ang shitty lang ng reason niya nung nakipaghiwalay siya. Sabi niya 'Aly's slowly self destructing. Hindi ko naman pwedeng isama yung sarili ko sa pagsira niya sa sarili niya. I can't fix him tapos ano, ako naman yung masisira?' so, mula noon, never na silang nag usap. Nagulat nga ako kasi sinabi mo na nakita mo sila sa Caf." Kwento sa akin ni Greek.

"Grabe naman?"

"Yeah. Kaya please, if hindi ka pa ready kay Aly at sa magulo niyang mundo, you can leave, Den." Sabi ni Greek.

"Hell no! Bakit ako aalis? Tsaka hindi naman ako katulad ni Sam. I'm always willing to stay with Aly."

"Really?"

"Oo nga."

"I hope hindi ka magbago ng isip."

"Gaano sila katagal?"

"2 years."

"Ang tagal pala? Bakit niya naman naisipan gawin yon?"

"Wag mo na isipin yon. Tsaka mabi-beat niyo yan, baka nga lifetime kayo ni Aly." Natatawang sabi ni Greek.

"Dapat lang no!"

"Oo naman, sa way palang ng pagkukwento sayo ni Aly, alam ko na agad na down bad na siya eh."

"Talaga ba? Kwento mo nga."

"Promise me muna na hindi mo sasabihin kay Aly yung kinwento ko about kay Sam?"

"Oo, promise. Dali na!"

"Okay. The first time, nung nag Intramuros kayo. Natawa ako kasi nalaman ko na isinayaw ka niya sa San Agustin. Tapos, sabi niya, 'G, do you remember noong bata ako, where I want to get married?' tapos, siyempre, naaalala ko, sa San Agustin." He chuckled habang nagkukwento.

Bigla naman akong kinabahan. Kasal talaga iniisip niya? I mean, yun talaga yung gusto niya sa buhay? Ikasal? Ganon ba?

"Habang kinukwento niya yon, para kang nakaka kita ng galaxy sa mga mata niya. He really likes you, Den."

"Gusto niya talaga magpakasal?"

"Oo. Yun yung sabi niya noon eh. He wants to marry his tahanan pag nahanap niya na. Corny nga eh, tahanan?"

"Tahanan..." I whispered.

Nagkwento pa si Greek ng kung ano-ano tungkol kay Aly. Yung kung gaano ka-grabe yung pagrarant ni Aly kay Greek noong ina-approach ko siya. Tapos pinang-aasar niya daw yon kay Aly, kunwari pa daw ayaw pero bet rin naman pala ako ni Aly.

"Den.. it's getting late na? Hatid na kita?" Pag iiba ni Greek ng usapan.

"Ah? Di ba hassle sayo?"

"Hindi naman. Tara na. Girlfriend ka ng bestfriend ko, so dapat di kita pabayaan."

"Girlfriend..."

"Hindi ba?"

"Dating."

"Doon rin papunta yon eh. Date, tapos Court, tapos lovers na tapos non kasal tapos divorce." Pang aasar niya.

"Gago ka, bawiin mo yon!" Sabi ko at binatukan siya.

Binuhat niya naman yung laptop ko, binitbit ko naman yung shoulder bag ko tapos naglakad kami papunta sa parking space.

"Alin babawiin ko?"

"Yung divorce. Baliw ka! Baka magkatotoo yan!" Sabi ko.

"Edi okay! Binabawi ko na yung divorce." Sabi niya naman.

Sumakay kami sa kotse niya. BMW rin. Hoy! Wag, bestfriend 'to ng dini-date mo. Bakit?! Di ko naman gagawin. Anyway, kung iniisip niyo kung bakit pala di ko na-date si Greek, may criteria kasi ako. Criteria? Ano to, competition? Pakialamera, sabi ko kasi, ayoko ng Japanese or East Asian gusto ko Pinoy rin ganon, o kaya. Ay tanga? Di naman Japanese yan? Yun nga! Chinese pala siya. So, mas lalong pass kasi alam niyo naman culture nila, ayoko ng complicated ganern. Dapat diba Chinese to Chinese lang. So ayon. Pero, okay naman siya.

"Oh, bakit dito tayo? Nako lagot ka kay Aly!" Sabi ko.

Huminto ba naman kami sa hotel.

"Di mo naman sasabihin. Baba ka na." Then he smirked.

"Nako, Greek ha! Sinasabi ko talaga sayo, lagot ka kay Aly--"

Naputol yung sinasabi ko nung bumukas yung pinto dito sa gilid ko. Parehas pa kaming nagkatinginan nung nagbukas ng pinto.

"Fille?!"

"Den?" Sabay pa kaming nagsabi.

"Oh ano? Di pa kayo magpapalit ng upuan?" Natatawang sabi nito ni Greek.

Hinampas ko siya tapos bumaba na ako at lumipat sa backseat. Naupo naman sa shotgun si Fille.

"Ano ba tinatawa mo diyan?" Saway ni Fille kay Greek.

"Para kasing ano 'to si Denden. Masyadong tamang hinala."

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Fille.

"Diba huminto kami dito, tapos sabi niya lagot daw ako kay Aly pag nalaman niya. So, sinakyan ko yung sinasabi niya, sabi ko di niya naman sasabihin." Sabi ni Greek.

Sabay pa silang tumawa. Siraulo ba 'tong dalawang 'to? Ang dumi kasi ng pag iisip mo. Baliw! Malay ko ba, diba? Wala naman siyang sinabi na may isasabay pa siya? Teka nga? Bakit sila magka kilala?

"Bakit pala kayo magka kilala?" Tanong ko.

"Siya yung binabanggit ko na boyfriend ko."

"Ha? Kala namin imagination mo lang yon?" Sabi ko.

Totoo naman, kasi never pa talaga namin nameet yung boyfriend ni Fille, kaya sabi ni Ella, baka imaginary daw tapos pabayaan nalang daw namin.

Nagtawanan na naman yung magjowa dito. Ano bang nakakatawa? Ano, may inside joke ba sila? Share niyo naman pota. Damot ha, kayo lang nagkaka intindihan?

"So, ayan na, nameet mo na yung boyfriend ko. Hindi na imaginary ha?" Sabi ni Fille.

"Oo na. Bwisit kang intsik ka, kaya pala tingin ka ng tingin samin nila Ella nung mga nakaraang araw. Kaya pala lagi kang nakatambay sa cafe ni Fille. Teka nga, bakit di ka doon pumunta kanina?" Sabi ko.

"Eh punuan diba? Alangan maki siksik ako? Tapos sakto naman nakita kita don sa kabila kaya sinamahan kita. Tsaka, usap about Aly." Sabi niya.

Natahimik nalang ako, sinasali rin naman nila ako sa usapan nila hanggang sa makarating sa bahay. Nagpalitan kami ng number ni Greek kasi sabi niya, tawagan ko siya if may problema kay Aly or anything basta related kay Aly. Wala naman daw issue kay Fille kasi kilala niya si Aly and most trusted person niya ako, kami nila Ella.

Comment