CHAPTER VIII - TRUTH



CHAPTER VIII - TRUTH


SUMMER'S POV


Ria: Anong gagawin natin dito sa cash prize niyo Sam? 15k din 'to! Haha!


Wala pa rin akong imik habang nakaupo kami sa may tent namin. Pagkatapos ng naganap kahapon ay nawalan ako ng mood. Hindi ko kasi alam ang ibig sabihin ni Simone kahapon.


*FLASHBACK


Sim: Nakakaawa ka Summer. Nakakaawa. Your relationship is not as perfect as you knew it is.


Summer: What do you mean?


Sim: Bakit hindi mo tanungin si Erin?


*END OF FLASHBACK


Gusto ko man lang siya nakasalubong dito sa resort. Hindi siya lumabas para mag surf.


Samantalang si Erin ay pagkatapos maligo kahapon ay umalis nanaman at magdamag na hindi umuwi sa resort.


Ria: Hoy! Sam!


Sam: Bakit?


Ria: Tinatanong kita kung ano ang gagawin natin sa premyo ninyo?


Sam: Tatanungin ko si Erin pag umuwi na.


Walang anu-ano'y dumating na si Erin. Walang pinagbago ang aura niya simula kahapon. Busangot at mainit parin ang ulo.


Alex: Uy! Pare san ka galing?


Ria: Bar. Ano pa ba? Haha!


Sam: Nag bar ka? Sino kasama mo?


Erin: Nag dinner na ba kayo. Tara kain tayo. Nagugutom na ako.


Iniba ni Erin ang usapan. Halatang may iniiwasan. Bigla akong nairita. Nakaramdam ang sentido ko ng kirot dahil sa pagiging distant niya.


Pumunta kami sa Restaurant ng resort at nagdinner.


Awkward silence.


Ria and Alex seem to notice the tension between me and Erin.


Kailangang masagot ang mga katanungan ko. Dahil nagmumukha akong tanga.


Sam: Babe, ano ba yung sinasabi ni Simone kahapon?


Silence.


Sam: Erin.


I hold her hand. Inalis naman niya agad ito. Ang sakit.


Erin: Wala yun.


She looks away.


Sam: Bakit nga ba ganun na lang siya magalit sayo? May ginawa ka ba?


Erin: So ako na ang may ginawang masama ngayon?! Ako na nga 'tong natamaan ng spike niya! Ako pa 'tong masama! Halata namang sinasadya niya yun!


Sam: Pero hindi naman niya yun gagawin kung walang dahilan. Saan ka pala galing kagabi? Saan ka natulog?


Erin: Pwede ba Sam! Kumain ka nalang? Bakit ba ang dami mong tanong? Will you just shut the fck up?!


Tumayo siya. Pulang pula ang mukha sa galit.


Sam: Hindi naman sa ganun babe. Kinuha ko ang kamay niya.


Erin: Mas naniniwala ka pa kasi sa Ex mo na yun kaysa sa akin! Sige dun ka na! Aalis na ako. Uuwi na ako.


Inalis niya muli ang kamay ko at umalis na lang bigla.


Wala na akong nagawa. Pinigilan ako ni Alex ng akmang hahabulin ko si Erin.


Tumulo na lang ang luha ko. Ang sakit. Bakit parang naramdaman kong mawawala na naman si Erin sa akin?


Alex: Tahan na. Nakainom si Erin, Sam. Maaayos niyo rin yan.


Ria: Kailangan mong ilabas yan Sam. Iinom na lang natin 'tong pera mo.


*


SIMONE'S POV


Naiinis ako sa inasal ni Summer. Wala siyang alam. Napaka insensitive talaga kahit kailan.


Aminado naman akong pinag initan ko talaga ang girlfriend niya. Pero kung alam niya lang kung bakit ko ginawa yun. Kulang pa yun. Naku.


Napansin niya ang pagkakamali ko, pero pagkukulang sa kanya ng girlfriend niya, hindi niya makita.


Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na sa kanya kung ano ang nakita ko nung gabi nang nagbar kami ni Rae.


*FLASHBACK


Sim: Teka Rae, cr muna ako. Hintayin mo na lang ako sa labas.


Rae: Sige, bilisan mo.


Agad naman akong dumiretso sa Girls' cr.


May tatlo itong cubicle. Naka-lock ang una, kaya sa gitna ako pumasok.


Then suddenly I hear someone moaning. WTF! Tinakpan ko ang bibig ko. Get a room guys, my gosh!


Natapos na ako, at patuloy parin ang couple sa loob. Hindi ko alam kung bakit pinatagal ko ang pag aayos ng buhok ko sa salamin ang paghuhugas ko kunwari ng kamay.


Bumukas ang pinto. Umayos ako ng tinding kunwari ay patay malisya ako.


Iniluwa ng cubicle ang isang babaeng pawisan na maputi, matangkad naka fitted blue dress at killer heels. I knew her. Leila. Ang may gusto noon kay Rae.


Ngunit napanganga ako sa taong sumunod sa kanyang lumabas.


Damn! Si Erin!


WTF! So she's cheating on Summer?


Gusto ko siyang sabunutan ngayon, pero ano naman kasi ang karapatan ko? Huninahon ako. Nakaharap parin ako sa salamin. Nabigla rin siya nang makita ako.


Nagkatinginan kami.


Lumabas na ang babaeng higad na kasama niya, siya naman ay sadyang nagpaiwan. Tumapat siya sa salamin at nag hugas ng kamay.


Nagkatinginan kami. Ngumiti siya.


I swear. I fcked the seven hells, sa sobrang gigil ko kay Erin ngayon. WTF?


Humarap siya sa akin.


Erin: Are you gonna tell this to Summer? Huh?


I said nothing. Wala akong masabi. I feel my blood is rushing. Gusto ko sanang sabihin na mas gusto ko siyang patayin ngayon, kesa isumbong pa siya kay Summer.


Sim: Hindi lang ako makapaniwala na iniwan ako ni Summer sa isang kagaya mo. So low, so arrogant and so cheap. Shame on you!


I spit on the sink. Then I walk out.


Burn.


Agad akong lumabas ng bar. Nakakapanggalaiti. Bakit may mga taong kayang manakit ng iba? Bakit may mga manloloko? Gosh!


Paglabas ko ay nakita kong kausap ni Rae si Leila! Anak ng!


Bigla kong hinablot si Rae. Natulala na lang ang ang babaeng higad sa ginawa ko. Is she trying to flirt with Rae? WTF!


Rae: Hey! Okay ka lang?


Hila-hila ko pa rin siya papunta ng parking lot.


Sim: Ayaw na ayaw kong makita kang lumalapit sa mga ganung klase ng babae Rae!


Biglang tumigil si Rae ng paglalakad. Naguguluhan.


Rae: Well, bakit? May galit ka ba kay Leila? Ano ba kasing problema? May nangyari ba sa loob?


Sim: Pumasok na tayo sa kotse.


Ikinuwento ko kay Rae ang nasaksihan ko sa cr. Pati siya ay hindi rin makapaniwala.


Rae: Well, kilala ko si Leila, she's a fine woman. Yes. She's bisexual but hindi siya papatol sa mga taken na.


Sim: Bakit mo nga pala siya kausap?


Bakas parin ang galit ko. Pero hindi ko alam kung bakit mas nairita pa ako sa mga pinagsasabi ni Rae. Bakit niya kausap yung babaeng yun? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.


Rae: Siya ang may-ari nung bar na yun Sim. At kapag may event sila or ang resort we engage each other's businesses.


Sim: Good. Mabuti na ang malinaw. Pero ayoko pa rin ng nakita ko Rae.


Rae: Bakit, nag seselos ka ba?


Wait. What? Selos ba tawag dito? Pero bakit naman ako magseselos?


Sim: I-I don't know! Hindi lang ako comfortable perhaps?


Rae: Matinong babae si Leila, Sim.


Sim: Haha! Kaya pala!


I laugh sarcastically.


Rae: Hindi siguro alam ni Leila na may girlfriend si Erin.


Sim: Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko ngayon, sasabihin ko ba kay Summer ang totoo? Or hahayaan ko na lang sila?


Rae: Regarding kay Summer at Erin, hayaan mo na muna. Let them settle their own issues.


Umuwi na kami ni Rae sa resort. Sa sobrang daming nangyari ay napagod talaga ako, napahiga na lang ako sa kama ni Rae.


Blackout.


*


END OF FLASHBACK


*ANOTHER FLASHBACK


Sim: Thanks.


Habang papunta kami sa beach front ay may sinabi sa akin si Rae.


Rae: Nakausap ko si Leila.


Napanganga ako. Hindi ko alam kung ano ang magigiring reaksyon ko, pero parang nanghina ako at may kung anong bato na nakabara sa aking lalamunan.


Sim: Ano raw?


Patay malisya ako. I want to be cool as possible.


Rae: Ano nanamang klaseng mukha yan Sim?


Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil rin siya para harapin ako.


Hindi ako makasagot, dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako. Naiinis ako.


Sim: S-sabi ko naman sayo, ayokong kausap mo yun.


Napayuko ako. Parang may ulap na namumuo sa mata ko at ano mang oras ay papatak ang luha.


Binitiwan ni Rae ang dala niyang bote.


He cups my face. Napatingala ako.


Rae: Hey. Nagtatampo ka ba?


Niyakap ko siya. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong makita niya akong umiiyak. Dahil kapag tinanong niya ako, ay wala rin akong maisasagot kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.


Sim: Ikaw kasi ang kulit mo.


I sniff.


Rae: Kinausap ko si Leila para malaman niya ang tungkol sa nangyari sa bar. At ang tungkol kay Erin, na may girlfriend na ito.


Napahiwalay ako sa yakap ko.


Sim: Talaga. Ano sabi?


Rae: She's furious as hell. Tiyak gulo 'to.


Sim: Sana lang hindi tayo madamay.


**last call for Team Matapat**


***END OF ANOTHER FLASHBACK

Comment